You are on page 1of 3

SANGAY NG PAARALANG PANLUNGSOD

PAARALANG PAMPUROK VI
PAARALANG ELEMENTARYA NG COMMONWEALTH
LUNGSOD QUEZON, KALAKHANG MAYNILA

BANGHAY ARALIN SA AGHAM 3


PAKITANG TURO

Pamantayang Pangnilalaman: Maipakita ang pag-unawa sa mga tao, hayop, halaman,


mga anyong lupa, mga anyong tubig at ang kanilang
kahalagahan.

Pamantayan sa Pagganap: Maipapahayag ang kailang pagmamalasakit sa kapaligiran sa


pamamagitan ng gabay ng guro at mga pansariling Gawain.

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang mga uri ng panahon.
 Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng panahon.
 Nakakagupit ng larawan ng iba’t-ibang uri ng panahon.

II. NILALAMAN

Yunit 4: Mundo at Kalawakan


Aralin 2: Mga Uri ng Panahon
S3ES-IVe-f-3.3
Sanggunian: Science Teacher’s Guide3, p. 187
Science Learners Material, pp. 161-163
Curriculum Guide 3

Kagamitan: Larawan ng mga ulap , activity sheet, tsarts,


photocopy of formative test, power point, LCD, Laptop/TV

Kasanayan: Identifying, Observing, Describing, Inferring, Communicating

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral at Pagsisimula ng Aralin
(Pag awit ng awitin tungkol sa uri ng panahon)

Iayos ang mga jumbled na mga letra upang mabuo ang uri ng panahon.

waraam oygabam paluam nignaham naluam

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


 Masdan ang kalangitan. Paano ninyo ilalarawan ang panahon ngayon? Anong uri ng
ulap mayroon?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa


 Ang mga ulap ba ay maaaring magpapahayag ng taya ng panahon?
 Ano ang kailangan nating tingnan kapag tayo ay maglalakbay?

 Ano anong panahon ang maganda upang tayo ay makapaglakbay?


D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto #1
 Pagpapanuod ng isang video tungkol sa mga uri ng panahon.

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto #2


 Pasagutan ang mga tanong tungkol sa napanuod na video.
 Paano ninyo masasabi na maaraw ang panahon? Maulan?maaliwalas/mahangin?

F. Pangkatang Gawain
 Ipasabi ang pamantayan sa pangkatang gawain.
 Ipamahagi ang mga activity cards para sa kanilang gawain.
 Gabayan ng guro ang bawat pangkat na nagsasagawa sa kani-kanilang gawain.

G. Paglalapat
 Pag-uulat ng bawat pangkat.
 Iproseso ang mga iniulat.
 Ipaliwanag ang aralin.

H. Paglalahad
 Ano ano ang uri ng panahon?
 Anong uri ng panahon ang magandang maglaro sa labas?
 Kung tayo ay may pupuntahan ano ang mainam na dalhin upang maprotektahan ang
ating mga sarili sa iba’t ibang uri ng panahon?
 Paano natin nalalaman ang taya ng panahon?

 Nalalaman natin ang taya ng panahon sa pamamagitan ng pag-obserba sa mga ulap.

I. Pagtataya

Isulat kung ang uri ng panahon na tinutukoy sa pangungusap ay maaraw, maulan, maulap,
mahangin, o bumabagyo.

__________1. Matindi ang sikat ng araw at may mahinang hangin.

__________2. Ang araw ay hindi nagpapakita at natatakpan ng mga ulap.

_________3. Maaraw sa labas at malakas ang ihip ng hangin.

__________4. Makapal ang ulap at may kasamang pagpatak ng ulan.

__________5. Maitim ang kalangitan, malakas ang hangin na may kasamang


patak ng ulan.

J. TAKDA

Magdikit ng larawan ng mga uri ng panahon sa bond paper.


Inihanda ni:

MARIA ANITA C. APARICIO


Grade 3 Teacher
Binigyang Pansin ni:

EDNA V. LOMONGO
Master Teacher I

Tagamasid:
EDNA V. LOMOMGO _________________________
Master Teacher I

You might also like