You are on page 1of 9

Mahabang Banghay sa Pagtuturo ng Filipino 9

I. Mga layunin: Sa pagtatapos ng leksiyon, ang mag-aaral ay inaasahang:


a. nakapagbabahagi ng sariling opinyon o kuro-kuro hinggil sa mga
binsang kabanata.
b. nakapagbahagi ng sariling damdamin sa kasawiang dinanas sa buhay
ng mga tauhan.
c. nakapagpapahayag ng kanilang mga opinyon tungkol sa himagsikang
sa pamamagitan ng debate.

II. Paksang Aralin: Noli me tangere (kabanata 53-58)


Sanggunian : My Distance Learning Buddy Filipino 9
Pahina : 100-105
Kagamitan : Internet, Laptop, headset, power point.

III. Pamamaraan o Stratehiya

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Bago natin simulan ang ating leksiyon sa


araw na ito ay manalangin muna tayo.
Jenny, maari mo bang pangunahan ang
pagdarasal? : Opo, sa ngalan ng ama ng anak at
espiritu santo amen….
Bago ang lahat magbibigay muna ako ng
palatuntunin. Dahil online klas tayo at
kailangan nating harapin ang new
“normal scheme” ng ating klase, mayroon
lang akong kaunting bilin para maging
maayos ang ating talakayan ngayon.

1.Makinig nang mabuti


2.Nakapukos sa inyong monitor
3.Bawal ang maingay
4.E’off ang inyong mga microphone kung
may nagsasalita.
5.Magsalita ng purong Filipino
Nagkakaintindihan ba mga mag-aaral? :Opo

Pagtse-tsek ng attendance.
Mayroon bang lumiban sa klase? : wala po

Mabuti,dahil ang lahat ay narito!

A.1 Pagsasanay sa kayarian


Bago natin saimulan ang ating
tatalakayan ay mayroon muna akong
pasasagutan sa inyo.

Panuto: Ang mga titik ng mga salita sa


ibaba ay nagulo. Alamin kung ano ang
tamang salita batay sa kanilang
katangian.

1. Siya ang namumuno sa mga


guwardiya sibil. : GOBERNADOR HENERAL
RODANREBOG__LARENEH

2. Malayong pamangkin ni Don Tiburcio


at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso
na napili niya para mapapngasawa ni
Maria Clara. : LINARES
LNAIRES

3. Piloto at magsasakang tumulong kay


Ibarra para makilala ang kanyang bayan
at ang mga suliranin nito. : ELIAS
EIALS

4. Tapat na mangingibig ni Maria Clara,


matalino, mataas ang pagpapahalaga sa
pamilya at mamamayan. : CRISOSTOMO IBARRA
CIROSTSOMO__IABRRA

B. Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang kabanata
48-52 ng noli me tangere. Maari ba kayo
magbigay ng kaganapan sa pangyayari
sa kabanata 53-58? Jenny? : Nagkita sina Elias at Ibarra sa bahay
paaralan na pinapatayo ni Ibarra at doon
sinabi ni Elias ang lahat ng hinaing ng
mga api kay Ibarra.
Magaling!

Magaling! At ano ang naging tugon ni


Ibarra sa sinabi ni elias, Jamaica? : Tugon ni Ibarra na maari niyang
kausapin ang Gobernador-Heneral.

Mahusay!

C.2. Pagganyak
Sa palagay ko ay handa na kayo sa
panibagong aralin.

Ang salawikain at kasabihan ay yaman n


gating panitikan. Bukod sa Bibliya, ito ang
gabay at panuntunan ng mga Pilipino.

Naniniwala kaba sa kasabihang ito? Bakit


Oo? Bakit hindi?

“Walang lihim na di nabubunyag”

Paliwanag: ______________________ : Oo, naniniwala ako kasi kahit anong


_______________________________ tago mo ng iyong sekreto aalingasaw at
aalingasaw padin yan hindi man
ngayon,bukas o sa makalawa pero
darating Ang panahon na wla kanang
magagawa.Dahil nasa huli ang pagsisisi.

Napakagaling!

Kapag ang isang lihim ay nabunyag,


may mabuti o masama ba itong
naidudulot? Patunayan mo? : Depende po sa inilihim, kung ang
inilihim mo ay para sa ikabubuti ng lahat
siguro ay mas mainam nalang na ilihim
mo ito.

Mahusay! Sa tingin ko ay mayroon na


kayong kaunting ideya na nabubuo sa
inyong isipan sanay wag ninyong ibaling
ang inyong atensyon sa ibang bagay
dahil habang umiinit ang ating talakayan
ay mas lalong maiinganyo kayong
makinig at magbigay opinyon sa ating
klase. Maliwanag ba? : Opo, G. Honrejas
Bago ang lahat mga mag-aaral gusto
kong basahin niyo muna an gating mga
layunin sa araw na ito.
:Mga Layunin
a.nakapagbabahagi ng sariling opinyon o
kuro-kuro hinggil sa mga binasang
kabanata.
b.nakapagbahagi ng sariling damdamin
sa kasawiang dinanas sa buhay ng mga
tauhan.
c.naisusulat ang paglalarawan ng piling
tauhan kung babaguhin ang kanilang
katangian.

Tandaan niyo ang ating mga layunin sa


mga oras na ito. Dahil magsisilbing gabay
ito sa ating tatalakayin.

C.3 Pag-alis ng Sagabal


Bago tayo magpatuloy sa ating paksa,
mayroon muna akong pasasagutan sa
inyo, itoy napakadali lamang.Magtatawag
ako at kung sino man ang aking matawag
ay siyang sasagot.

Panuto: Piliin ang tamang sagot basi sa


sinalungguhitan na salita.

1. Si Teresa Magbanua ay naging


komandante sa hilagang Samar.
a.tagasilbi c.tagapag utos
b.tagapayo d. tagapagturo : C.

2. Sa wakas,naibunyag na ang sabwatan


ng pamahalaan at simbahan.

a.pagtutulungan c.nalimutan
b.pagkawatak-watak d.muling ibalik : A.

3.Dinala ang mga bilanggo sa kuwartel.

a.barracks c. istasyon o himpilan


b.bahay d. simbahan : C.

4. Ang alingawngaw ay tumutukoy sa


paguulit ng tunog bunga ng pagtalbo ng
tunog.

a.tinig na naririnig c. tsismis


b.maingay d. Lahat ng : D.
nabanggiit

5. Nangumpisal ang babae sa simbahan.

a. nagtapat c.sinabi : D.
b. isiniwalat d.lahat ng nabanggit

Mahusay mga mag-aaral dahil nasagutan


niyo ng wasto ang mga katunungan.

C.4 Paglalahad ng bagong Lesiyon


Ang tanong handa na ba kayong simulan
ang ating bagong leksiyon? : Handa na po.
Pero bago ang lahat kailangan muna
natin alamin ang elemento ng nobela.
Mayroong limang elemento ang nobela,
ito ang tauhan,tagpuan, banghay,paraan
ng pagsulat at haba.

Bakit mahalagang malaman ang mga : Mahalagang malaman ang mga


elemento ng nobela, Angeles? elemento ng nobela upang higit na
maunawaan ang nais iparating o ang
mensahe na nakakubli sa nobelang
isinulat.
Napakagaling!

C.5. Pagbasa ng Guro sa kuwento


Mga mag-aaral, making nang mabuti
dahil babasahin ko ang buod ng kabanata
100-105.

(Pagbasa ng buod sa kabanata 100-105)

C.6. Pangkaisipang Talakayan


Dahil natapos niyo ng pakinggan ang
buod ng kuwento.Mayroon akong
inihandang katanungan.

Anong kahanga-hangang ang naging


katangian ni Elias ang natuklasan mo
batay sa binasang buod?Bakit?Angeles? : Pinakita ni Elias ang kanyang katapatan
kai Ibarra.
Magaling!

Bakit sinunog ni Elias ang bahay ni


Ibarra? Jenny? : Sinunog niya ang bahay ni Ibarra upang
walang makuhang ebedensya laban kay
Ibarra.

Paano mo ilalarawan ang naging


reaksiyon ni Elias nang matuklasan na
may kaugnayan si Ibarra sa taong
nagdulot ng kasawian sa kanyang
kaanak? : dahil sa nalaman niya ay nagalit siya at
nawala sa sarili at bumunot ng balaraw at
tinutok kay Ibarra.

Mahusay!

Ano ang mga pala-palagay na kumakalat


naman noon sa mga mamamayan ng
San Diego hinggil sa mga nangyayaring
kaguluhan? Artugue? : Usap-usapan sa San Diego ang mga
sinding kandila na di umano’y nakita nila
sa sementeryo nang nagdaang gabi.
Dahil dito ay Iba’t ibang pagkahulugan
ang ibinigay sa mga pangyayari.

Napakahusay! Dahil sa mga haka-haka


ito ay ang mga pagkadakip ni Ibarra at
ang kasawian ni tarsilo, maging ang mga
dinakip ng mga guwardiya sibil ay dahilan
ng nakita nilang pamahiin.

C.7. Paglalahat

Bilang mag-aaral, magbigay ng sariling


opinyon o kuro-kuro kaugnay sa binasang
buod. Lagyan ng
#NolimetangereHangadayKatarungan. :#NolimetangereHangadayKatarungan.

C.9. Paggamit
Sa puntong ito ay hahatiin ko kayo sa
dalawang pangkat. Dahil magkakaroon
tayo ng maikling debate patungkol sa
HIMAGSIKAN.

Unang pangkat ay mga sang-ayon na


ang himagsikan ay nakabubuti.

Ikalawang Pangkat naman ay ang hindi


sang-ayon na ang himagsikan ay hindi
nakabubuti.

Bibigyan ko lamang kayo ng 1 minuto


upang ipahayag ang inyong ideya at
isang minuto rin para sa ganting-
matwid(Rebuttal).

Rubriks sa Debate

Nilalaman
10 puntos
Pangangatwira
n 10 puntos
Pagpapahayag 10 puntos

Pagtuligsa 10 puntos

Kabuuan 40 puntos

C10. Pagpapahalaga

Sa kabuuan, kung ikaw ang isa sa


sumusunod, paano mo haharapin ang
iyong kasawian sa buhay?

Tauhan kasawian Paano mo


haharapin
Elias
ibarra
Mga
kaanak ng
mga : Maging matapang po at buksan mo ang
bilanggo iyong isipan sa kung anumang pagsubok
ang dumadating at darating.
Napakahusay!

C.12 . Ebalwasyon

Panuto : Kumuha ng sangkapat ng papel


at sagutan ang mga tanong.

Panitikan

1. Naging usap-usapan ito sa San


Diego na di umano’y nakita nila sa
sementeryo?
a. Liwanag
b. Kandila
c. Patay : B.
d. Maligno

2. Siya ang nag sumbong sa


komandante upang ibalita na may
sabwatan laban sa pamahalaan at
sa simbahan?
a. Padre Damaso
b. Padre Salvi
c. Elias
d. Ibarra : B.
3. Siya ang naabutan ng guwardiya
sibil at dinala sa kuwartel.
a. Elias
b. Crisostomo Ibarra
c. Kapitan Tiago
d. Padre Salvi : B.
4. Sinunog niya ang bahay ni Ibarra
upang hindi makunan ng
ebidensiya.
a. Guwardiya Sibil
b. Maria Clara
c. Elias : C.
d. Padre Salvi
5. Saan dinala ang mga bilanggo?
a. San Diego
b. Ulong-bayan
c. Ulong-Simbahan
d. Sementeryo : B.
II. Essay ( 5 puntos)
Para sayo makatarungan ba ang ginawa
nila kay Ibarra na pinagmumura at
pinagbabato pa?Bakit

C.12. Takdang Aralin

Basahin ang kabanata 54 hanggang


kabanata 64 at pag-aralang maigi ang
kuwento.

Paalam na mga mag-aaral…


: Paalam din po G.Honrejas

You might also like