Professional Documents
Culture Documents
Kakayahang Lingguwistiko
Kakayahang Lingguwistiko
Si Dr. Hymes ay isinilang sa Portland, Oregon, United States noong Hunyo 7, 1927.
Nagtapos siya ng Bachelor 's Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong
1950 at ng Ph.D. in Linguistics noong 1955. Naging propesor siya sa University of Virginia mula
1987 hanggang magretiro siya noong 1998. Subalit bago ang posisyong ito, siya ay nagturo rin
sa sumusunod na malalaking paaralan sa Amerika: Harvard University; University of California,
Berkeley; at sa University of Pennsylvania kung saan siya naging dekano ng Graduate School of
Education. Siya ay yumao noong Nobyembre 13, 2009 sa edad na 82 dahil sa mga
komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer 's.
Mga Sanggunian:
Langer, Emily. (2009) "Dell Hymes, 82; linguistics, anthropology scholar." The
Washington Post. Retrieved August 28, 2015 from http://www.washingtonpost.com/wp-
dyn/content/article/2009/11/19/AR2009111904078.html
Fox, Margalit. (2009) "Dell Hymes, Linguist with a Wide Net, Dies at 82." The New
York Times. Retrieved August 28, 2015 from
http://www.nytitnes.com/2009/11/23/us/23hymes.html?_r=0
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa
mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang
mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito,
masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence at hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kayå naman, siya ay
maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence ay
nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Oregon, United States na
si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J. Gumperz ang
konseptong ito bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika (lingguistic competence) na
ipinakilala naman ni Noam Chomsky noong 1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang
nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal
upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malåman ang paraan
ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at
maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
Simula nang maipakilala sa diskursong panlingguwistika ang konsepto ng kakayahang
pangkomunikatibo, maraming pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubwika
patungkol dito. May ilang nagsasalungatang ideya, gayumpaman, sa huli'y nagkaisa silá na ang
isang taong may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito
kundi ng kahusayan, kasanayan, at galíng sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo. (Bagarié et al. 2007)
Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang
ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng
wikang ginamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992).
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang silá ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang
kagandahan ng búhay na kanilang ginagalawan. Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo
ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng
lipunan at kultura—lto'y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga
tuntunin nito (Shuy 2009). Bilang isang lingguwista, binigyang-diin ni Dr. Hymes sa kanyang
mga katrabaho ang pag-uugnay ng kultura sa wika. Ito'y isang kakaibang pananaw sa panahong
siya'y nagsisimula pa lang sa kanyang karera noong mga hulíng taon ng 1950's subalit hindi siya
nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag ng mga tao 'y gumagamit sila nang higit pa sa
salita. Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay tanggap at ginagamit na sa pag-aaral ng wika sa
iba't ibang panig ng mundo kasama na ang ating bansa. Isang pagpupugay para sa dakilang
lingguwistang sumalungat sa nakasanayan at nagbigay nang higit na kahulugan sa paraan natin
ng pagkatuto ng wika.
Ang mga nasa talahanayan ang karaniwang unang itinuturo sa mga araling pangwika sa
mga paaralan. Subalit, hindi nagtatapos ang lahat dito kung ang layunin ng nagtuturo ay
paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo.