You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: __________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO 2
Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Panimula (Susing Konsepto)

Ang isang nagdadalaga at nagbibinata ay mahalagang maunawaan na may tungkulin


upang mahubog ang isang angkop at maayos na pakikipagkaibigan lalo na sa kaniyang kasing-
edad. Ang lalim ng ugnayan ay magdudulot ng mas maayos na pakikitungo sa kapwa at lipunan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili na may pagtataya sa mga kilos
tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga at nagbibinata. (
EsP7PS-Ia-1.2)

Gawain 1: Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bawat pangungusap na nagpapakita ng tama o angkop
na kilos sa pakikipagkaibigan ng isang nagdadalaga at nagbibinata.

1. Lumalalim ang pakikipagkaibigan sa kapwa lalaki at babae


2. Nagbabahagi ng ilang mga problema
3. Ayaw makinig ng opinyon ng iba
4. Palaging nakadikit at sunodsunuran sa mga magulang
5. Nagkakaroon ng “crush”
6. Laging naglalaro
7. Iniiwasan ang makipag-away
8. Kasama ang mga kaibigan sa paggawa ng proyekto sa paaralan
9. Umiiwas makipagkaibigan sa kasing-edad
10. Nalilito siya sa kung ano ang tama at mali
Gawain 2: Panuto: Suriin ang sumusunod at ipahayag ang PAGSANGAYON (S) o HINDI
SUMASANGAYON (HS) sa bawat situwasyon.

Palatandaan ng Pag-unlad Aspeto Sumasang-ayon/Hindi


Sumasang-ayon
1. Nagiging mahusay sa Pandama
pakikipagtalo
2 . Mas nakakamemorya Pandama
3. Nahihilig sa pagbabasa Pang-kaisipan
4. Nagrerebelde sa Panlipunan
magulang
5. Nagkakaroon ng Pangkaisipan
maraming kaibigan
6. Madalas mainitin ang Pandama
ulo
7. Madalas malalim ang Panlipunan
iniisip
8. Madalas nag- aalala sa Moral
pangangatawan
9. Hindi Nagsisinungaling Moral
10. Alam kung ano ang Panlipunan
tama at mali

Gawain 3: Panuto: Sa iyong dyornal o kuwaderno, isulat ang iyong nararamdaman at


reyalisasyon sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong pakikipag-ugnayan sa iyong kasing-edad
at ang maayos na dulot nito sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang kabataan?
Rubrik ng Gawain 3
Puntos Mensahe Detalye Paraan ng Pagsusulat
9-10 Maraming Maraming nabanggit Maayos at malinaw
mahahalagang na pagbabago na na inihayag ang mga
mensahe na nagdulot ng maayos pagbabago sa sarili at
nabanggit na na pagganap sa ang epektong dulot sa
kinapulutan ng aral tungkulin kanya bilang
kabataan.
8-9 1-2 mahahalagang 1-2 nabanggit na 1 hindi maayos at
mensahe na pagbabago na malinaw na
nabanggit na nagdulot ng maayos pagpapahayag sa mga
kinapulutan ng aral na pagganap sa pagbabago sa sarili at
tungkulin ang epektong dulot
nito sa kanya bilang
kabataan
6-7 1 mahalagang 1 nabanggit na 1-2 hindi maayos at
mensahe na pagbabago na malinaw na
nabanggit na nagdulot ng maayos pagpapahayag sa
kinapulutan ng aral na pagganap sa mga pagbabago sa
tungkulin sarili at ang epektong
dulot nito sa kanya
bilang kabataan
1-5 Walang mahalagang Walang nabanggit na 3 at walang maayos
mensahe na pagbabago na at malinaw na
nabanggit nagdulot ng maayos pagpapahayag sa mga
na pagganap sa pagbabago sa sarili at
tungkulin ang epektong dulot
nito sa kanya bilang
kabataan

Repleksiyon:

Ang aking natutunan at naging reyalisasyon sa aralin ay…….

Sanggunian:

EsP Grade 7 Modyul para sa Mag-aaral

You might also like