You are on page 1of 15

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

at Kulturang Pilipino
Filipino 110
Paunang Salita

Napakahalagang kasanayan na ang bawat mag-aaral ay nakatuon ang pansin sa

komunikasyon at pananaliksik. Nararapat lamang upang ang makabagong kaalaman at

kasanayan ay higit na mapahalagahan sa kasulukuyang panahon ng mga mellenials.

Mga kabataan na siyang magiging sa pag-aaral sa larangan ng komunikasyon at

pananaliksik. Salamat sa magandang layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na ang mga

kurikulum ng bawat pag-aaral ay nauukulan ng sapat na halaga.

Nahahati sa apat (4) na modyul na sumasaklaw salahat ng mga kasanayan

pampagkatuto at nilalaman na nakasaad sa curriculum guide ng DepED. Ang bawat

modyul ay may nakatakdang kasanayang pampagkatuto, mga tala, pampagtatasa at

pangwakas na ebalwasyon.

1. Nahuhubog sa mga kakayahan at kasanayang kaagapay sa pamantayang

pandaigdig, makapag-isip ng Malaya at mapanuri, at may malalim na pagkakilala

at matatag na pagpapahalaga sa sariling wika at kultura ayon sa kahingian ng

Kagawaran ng Edukasyon (DepED).

2. Natutunan at natutukoy ang kasanayan gamit ng wika sa lipunang ginagalawang

Pilipino.

3. Nailalahad ang mga konseptong pangwika at pangkultura.

4. Nakapagsaliksik at nasusuri ang mga sitwasyon na kaugnay sa mga kulturang

Pilipino noon at kasalukuyan.

2
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Modyul 1: YAMAN NG WIKA, HALINA’T TUKLASIN …………………


5-28
NATIN …….
Aralin 1: Katuturan ng Wika Ayon sa Iba’t Ibang …………………
6-9
Dalubwika …….
Gawain 1: Pagbibigay katuturan sa wika …………………
10-12
ayon sa sariling pananaw. …….
Aralin 2: Kasaysayan ng Wikang Pambansa …………………
13-16
…….
Gawain 2: Pagbabalangkas sa nagging …………………
17
kasaysayan ng wikang pambansa …….
Aralin 3: Ebolusyon ng Alpabetong Filipino …………………
18-19
…….
Gawain 3: Pagtunton ng simula at pag- …………………
20-22
unlad ng Alpabetong Filipino …….
Aralin 4: Kahalagahan ng Kalikasan ng Wika …………………
23-25
…….
Gawain 4: Pakikipanayam sa isang
propesyunal kaugnay sa kaniyang nagging …………………
26-28
karanasan sa larangan ng kalikasan at …….
kahalagahan ng wikang Pambansa.
Modyul 2: PAGPAPALALIM AT PAGPAPALAWAK SA …………………
29-44
MGA KAALAMANG PANGWIKA …….
Aralin 5: Mga Uri at Anyo ng Barayti ng Wika …………………
31-33
…….
Gawain 5: Pag-iisa isa, pagbibigay
…………………
kahulugan at pagbibigay ng halimbawa ng 34
…….
mga uri at anyo ng Barayti ng Wika.
Aralin 6: Gamit ng Wika …………………
35-36
…….
Gawain 6: Pagbubuo ng mga
…………………
pangungusap na nagpapakita ng gamit ng 37-38
…….
wika na conative, informative at labelling.
Aralin 7: Iba’t ibang Tungkulin ng Wika …………………
39-40
…….
Gawain 7: Pag-ulat ng dyalogo na gamit …………………
41
ng iba’t ibang tungkulin ng wika …….

3
Aralin 8: Iba’t ibang Tungkulin ng Wika …………………
42-43
…….
Gawain 8: Pagbubuo ng isang halimbawa
…………………
ng usapan na ipinapakita ang SPEAKING 44
…….
ni Hymes.

Modyul 3: LAWAK SA KAKAYAHANG …………………


45-60
KOMUNIKATIBO …….
Aralin 9: Kakayahang Linggwistiko …………………
46-51
…….
Gawain 9: Pagsusuri at pagpapaliwanag …………………
52
ng mga angkop na salita sa Pahayag …….
Aralin 10: Kakayahang Sosyolingwistiko …………………
53-54
…….
Gawain 10: Pagsulat ng isang pyesa
pagsasatao kaugnay sa alinman sa mga …………………
55-56
sumusunod: Guro, Punong-guro, mag-aaral …….
at Taga-patnubay
Aralin 11: Kakayahang Pragmatiko …………………
57
…….
Gawain 11: Pangangalap ng mga pahayag
sa iba’t ibang palabas sa Radyo at …………………
58
Telebisyon na sa deretsahan o may …….
paggalang
Gawain 12: Pagsulat ng sanaysay na may
…………………
paksa kaugnay sa “Pandemik na COVID- 59
…….
19”.
Aralin 12: Kakayahang Diskorsal …………………
60
…….

4
Modyul 4: PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG …………………
61-67
PILIPINO …….
Aralin 13: Eksplorasyon sa Pananaliksik …………………
63-64
…….
Aralin 14: Kahalagahan at Kabuluhan ng …………………
65-66
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino …….
Gawain 13: Paglalahad ng natuklasan o …………………
67
karanasan sa Eksplorasyon …….
Gawain 14: Pinal na output. Pagpasa ng …………………
67
isinagawang pananaliksik …….

5
MODYUL 1: YAMAN NG WIKA, HALINA’T TUKLASIN

Mga Layunin:

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakapagbibigay ng sariling katuturan wika ayon sa sariling pananaw
2. Nababalangkas ang kasaysayan ng Wikang Pambansa
3. Natutunton ang simula at pag-unlad ng Alpabetong Filipino
4. Nakakapanayam ang mga propesyunal kaugnay sa kanilang naging karanasan
sa larangan ng kalikasan at kahalagahan ng Wikang Pambansa
Mga Aralin:
Aralin 1. Katuturan ng Wika, Ayon sa iba’t ibang Dalubwika
Aralin 2. Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Aralin 3. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino
Aralin 4. Kahalagan at kalikasan ng Wika
Mga Gawain:
Isasakatuparan ang mga sumusunod upang makatugon sa mga layunin nito:
1. Pagbibigay ng katuturan sa Wika ayon sa sariling pananaw
2. Pagbabalangkas sa mga kasaysayan ng Wikang Pambansa
3. Pagtutunton ng simula at pag-unlad ng Alpabetong Filipino
4. Pakikipanayam sa isang propesyunal kaugnay sa kanyang naging
karanasan sa larangan ng kalikasan at kahalagahan ng Wikang Pambansa
Output:
Pagpapasa ng mga gawain sa bawat aralin upang kakitaan ng bunga ng pag-aaral.
Ebalwasyon:
Pagbibigay ng Pagsusulit sa pamamagitan ng online o face to face meeting.

6
Aralin 1. Katuturan ng WIka, Ayon sa iba’t ibang Dalubwika

Marami ang nag-iisip kung ano nga ba ang Wika? Madaling tanong upang sagutin
na nasa isipan at gunita ng bawat tao. Datapwat sa larangan ng mga linggwistika,
nabibilang ang mga tanyag na dalubwika sa pinakagamiting kahulugan ng Wika:
Mula sa aklat ni Felina Espique (2018), mababasa na ang wika ay nagpapakilala
ng kaalaman, paniniwala, kuro-kuro, pangarap, hinanakit, limitasyon, pagpapasalamat,
pangako, damdamin at iba pa. Maaring tumawa upang ipahayag ang kagalakan o
kaligayahan at humagulgol upang maipadama ang galit, katuwaan, kaguluhan na sistema
ng komunikasyon sa pamamagitan ng Wika.
Ayon kay Henry Gleason (Taylan et al. 2016) ang Wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura. Sa aklat nina Rolando Bernales et al. (2002), ang Wika
ay prosesong pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
Cues na maaaring berbal o di-berbal. Ang Wika na binigyang katuturan ni Whitehead ay
sumasalamin sa anumang nagawa o ginagawa ng isang pangkat ng taong gumagamit
nito. Nabanggit ni Carlyle (Nd.), na ang wika ay gumaganap bilang saplot ng kaisipan o
mas angkop na sabihing saplot ng kaalaman ng katawan at pag-iisip. Batay sa UP
Diksyonaryong Filipino (2001) na ang Wika ay “lawas ng mga salita at sistema ng
paggamit laganap sa sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook
tinatahanan”.
Sa kabuuan, batay sa naipahayag na mga katuturan, matutukoy na ang Wika ay
tunog na sinasalita na nagpapahayag, saplot ng kaisipan at damdamin na maaaring
berbal o di-berbal na masistemang balangkas na laganap sa sambayanang Pilipino.

Mga katangiang taglay ng wika ayon sa mga pagpapakahulugan na nabanggit:

1. Ang Wika ay may masistemang balangkas. Lahat ng Wika ay nabaabatay sa


makahulugang mga tunog na tinatawag na ponema. Ang pag-aaral ng mga
ponemang nabanggit ay ponolohiya. Sa pagsasama ng mga titik ay mabubuo ang
maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Naaayon naman sa pag-aaral
ang morpema ay morpolohiya. Ito ay ang pagsasama ng mga panlapi at salitang-
ugat upang mabuo ang isang yunit ng salita na morpema. Pag napagsunod-sunod
ang marami o isang salita ay mabubuo ang isang pangungusap o sambitla.
Pangungusap na may simuno at panaguri. Maaari ding sambitla na isang salita

7
na tinatawag ding pangungusap dahil may sariling simuno at panaguri. Tulad
halimbawa ng “umuulan”. Ang pag-aaral na hinggil sa pangungusap ay tinatawag
na sintaks. Sa pagpapalitan ng pangungusap ng mga tao ay nagkakaroon ng
tinatawag na diskors. Maaaring ito ay madalas na nagaganap sa pagsulat ng
sanaysay o pagpapalitan kuro sa isang pagpupulong o seminar

Tunghayan ang balangkas ng Wika:

OPN Pagsulat Umuulan Halina’t


Sintaks
Ponema Morpema maglaro
Mag-aral
4LS Magbasa tayo Diskors

Tunog Panlapi + Salitang-ugat Sambitla Sanaysay


Pangungusap Pulong

2. Ang Wika ay sinasalitang tunog. Ito ay sinisimbulo ng mga titik na may taglay na
tunog. Naibubulalas ang wika mula sa bibig bilang koordinasyon sa mga aparato
ng pagsasalita na bahagi ng katawan.
3. Ang Wika ay pinipili at isinasaayos. Ang pagpapahayag ay maaaring pasulat o
pasalita. Sa pagpili at pagsasaayos ay maaaring tumutugon ayon sa mga
sumusunod:
a. Taong kausap. Bata man o matanda, magkatulad o hindi, propesyonal o
walang pinag-aralan at iba pa.
b. Konteksto. Pinipili at isinasaayos ayon sa nilalaman ang paksa ng pag-
uusap.
c. Instrumento sa pakikipag-usap. Maaaring gamitin ang Radyo, Telebisyon,
Telepono, Cellphone, pahayagan, social media at marami pang iba.
d. Layunin ng Pag-uusap. Anumang hangarin o nais mong ipahayag ay
naaayon sa pagpili at pagsasayos ng wikang gagamitin.
4. Ang Wika ay arbitraryo. Maaaring sa pag-uunawa ng tao ay hindi magkakatulad
ang pagpapakahulugan sa isang salita. Halimbawa ang salitang magulang.
Maaaring ang salita ay may iba’t ibang kahulugan kung paano gagamitin.
5. Ang Wika ay ginagamit. Ang paggamit ng Wika ay mahalaga upang maingatan
at maitaguyod ang mga yamang lahi na nakapaloob. Ang salita kapag hindi na
ginagamit ay nagiging mistulang patay na Wika.

8
6. Ang Wika ay nakabatay sa kultura. Nasa Wika ang repleksyon ng kultura ng isang
lahi. Maaaring nakikita sa kaisipan, bagay, sistema, uri ng pamumuhay,
kasaysayan, pook at iba pa ang mga salitang nabuo sa loob ng isang wika ng mga
taong gumagamit. Ito ang dahilan kung bakit may mga terminolohiya, kasabihan
at kawikaan sa ibang wika na di natutumbasan sa ibang wika dahil sa pagkakaiba
ng bawat lipunang kinabibilangan ng mga tao.
7. Ang Wika ay nagbabago. Sa mga bagong tuklas at pagbabago-bago ng panahon
ang mga salita ay maaaring nadaragdagan o nabibigyan ng iba pang katumbas na
salita. Maaaring naaayon sa mga bagong karanasan o nahahalaw sa mga iba
pang kultura.

Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika

Pasalin-salin sa bibig ang kaisipan kung saan o ano bang totoong teorya na
pinagmulan ng Wika. Sa ganitong pagkakataon ay maram ang haka-haka kung paano
nagsimula ang wika:
1. Teoryang Bow-wow. Ang pinaka kilalang teorya ng Wika na nagpapalagay na
ang mga salitang binibigkas ng mga tao ay hango sa mga tunog na likha ng mga
hayop tulad ng:
a. Meeeh ng kambing,
b. Hisssss ng ahas
c. Tiktilaok ng manok
d. Na sa tao naman ay isang senyas na ayon ay likha na kaugnay sa
natatanging kahulugan na may pagkakatulad at pagkakaiba sa mga
sumusunod na tunog (Vajda Nd.):
i. Aso: bow-wow, Intsik: wu-wu; Hapon: wan-wan; Russia: gaf-gaf; at
Ingles: arf-arf
ii. Pusa: meow; Russian: myaoo, Intsik: mao; Hapon: nya-nya;
Pransiya: ronron
iii. Baboy: oink-oink, Russia: hryu-hryu; Intsik: oh-ee at Hapon: bu-bu.
iv. Tandang: tilaok, ingles: cock-a-doodle-doo, at Russia: kukareiku

2. Teoryang Dingdong. Teoryang nagsasabi ng pagkakabuo ng mga salita sa isang wika


katumbas sa tunog o taginting mula sa mga bagay. Katulad ng mga tunog na likha mula
sa kalembang ng kampana na ding-dong, boom sa pagsabog sa Ingles, tik-tak ng orasan,

9
bump ng pagkabangga, at booog ng pagkabagsak. Na kapansin-pansin na ang mga
tunog ay kaugnay sa mga naririnig sa anumang bagay na taglay.

3. Teoryang Pooh-pooh. Ang ideya na ang pananalita ay nagmumula sa automatikong


mga tugon sa sakit, takot, sorpresa, o iba pang mga damdamin katulad ng
paghahalakhak, pagtili o galit.

4. Teoryang Yo-He-Ho. Naglalahad ng pagsasalita na nagsisimula sa maindayog na mga


ritmo ng pag-awit at mga madamdaming tunog ng paglalabas ng tao sa kanyang puwersa
sa paglundaag, pagsuntok, panganganak o anumang trabaho na lumilikha ng bigat.

5. Teoryang Tata. Pananalitang nanggagaling sa paggalaw ng dila at galaw ng bibig para


gayahin ang tiyak na pagkilos ng tao. Katumbas ng pagbuka ng pataas at pababa ng
bibig ang kumpas ng kamay na pataas at pababa para sa Tata o baybay na nalilikha.
Naiiba ang galaw ng tao ayon sa kulturang kinabibilangan.

6. Teoryang Lala. Nagpapakita ng ideya na ang pagsasalita ay litaw mula sa mga tunog ng
isang taong inspirada, umiirog, natutulala na pakiramdam at pag-awit.

7. Mula sa banal na Bibliya ayon sa Genisis.


Sa Kapitulo 2 ng Genesis sinasabi na nilikha ng Diyos si Adan at si Eva. Sila’y
nagkaroon ng kakayahang makapagsalita. Na ang Wika ay kaloob ng Diyos sa Tao.
Lahat ng nasa paligid ay nilalang na may kanya-kanyang pangalan. Nagpapahiwatig na
ang tao mula sa kanyang pagkakalikha ay may kakayahang gumamit ng Wika.

8. Haypotesis ng likas na Ebolusyon. Kaisipang naglalahad na sa punto ng ebolusyong


kalinangan ng tao, nakapagtamo ng isang sopistikadong kaalaman gamit ang kanyang
utak na naging daan para magkaroon ng pag-imbento ng mga bagong wika at pagkatuto.
Ang simpleng bokalisasyon at pagkilos na minana mula sa mg aninuno ay naging
masuring at masistema ang pagkabuo ng Wika at Kultura na pag-uunlad ng Tao.

10
Pangalan: Petsa:

Antas: Guro:

Gawain: 1. Pagbibigay katuturan sa Wika ayon sa sariling pananaw.

Panuto: A. Sumulat ng katuturan ng Wika ayon sa sariling pananaw.

Wika:

Gawain B.

Panuto: Basahin at umawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang

angkop na salita upang mabuo ang kaisipan ng pangungusap.

1. Ang ___________________ mabisang instrumento sa pakikipagtalastasan.


a. Salita c. Wika
b. Parirala d. tunog

2- 3. Ayon kay Rolando Bernales, ang simbolikong Cues ay maaaring __________o


___________ sa proseso ng pagpapadala o pagtanggap ng mensahe.
e. Berbal g. Wika
f. Di-berbal h. Salita
4. Ang Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura ayon kay ________.
a. Felina Espique c. Carlyle
b. Henry Gileason d. Whitehead
5. Nabanggit ni ________ na ang wika ay salamin ng anumang nagawa at ginawa ng
isang pangkat ng taong gumagamit nito.
a. Carlyle c. Gleason
b. Whitehead d. Bernales

6. Ang Wika ay nilikha ng Diyos batay sa _____________________.

11
a. UP Diksyonaryo c. may- akda
b. Banal na Bibliya d. Pangulo
7. Alinsunod sa _______, ang Wika ay “larawan ng mga salita at sistema ng paggamit
laganap sa sambayanan na mag nag-iisang tradisyong pangkultura at pook na
tinatahanan”.
a. UP Diksyonaryo c. may- akda
b. Banal na Bibliya d. Pangulo

8. Ang kahulugan ng berbal ay ____________.


a. Sinasalita c. Pinapangarap
b. Ikinukumpas d. Dinaranas
9. Ang tinutukoy na bata o matanda na pinipili ay tumutugon sa ________________.
a. Taong kausap c. Instrumento
b. Konteksto d. Layunin
10. Telebisyon, Cellphone, pahayagan o Social Media ay tumutukoy sa ________.
a. Taong kausap
b. Konteksto
c. Instrumento
d. Layunin
Gawain C

Panuto: Tuntunin ang balangkas ng Wika ayon sa tamang pagkakasunud-sunod gamit

ang mga kahon sa ibaba.

Gawain D. Mamili ng limang (5) Teorya ng Pinagmulan ng Wika. Bigyan ng sariling

kaukulang halimbawa na gamit ang sumusunod na Tsart:

13
Teorya: Teorya:
Halimbawa: Halimbawa:

Teorya:
Halimbawa:

Teorya: Teorya:
Halimbawa: Halimbawa:

Gawain E. Magsagawa ng pakikipanayam sa isang propesyonal hinggil sa kanyang

naging karanasan kaugnay sa kahalagahan at kalikasan ng Wika.

14
15

You might also like