You are on page 1of 23

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Pakinabang na Naibibigay ng
Kapaligiran sa Komunidad
Araling Panlipunan –Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Pakinabang na Naibibigay ng Kapaligiran sa
Komunidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Janice L. Esteban
Patnugot : Ramil D. Dacanay
: Rochella C. David
: Janet P. Lingat

Tagasuri : Emily F. Sarmiento PhD


: Angelica M. Burayag PhD

Tagaguhit : Krislene Ida N. Mercado


: Lady Diane M. Bonifacio
Tagalapat : Noel S. Reganit
Tagapamahala :
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Pakinabang na Naibibigay ng
Kapaligiran sa Komunidad
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Malalaman natin sa modyul
na ito. Dito matutukoy at
Ano ba ang naitutulong mabibigyan natin ng
ng kapaligiran sa ating pagpapahalaga ang mga
mga mamamayan? pakinabang na nakukuha
natin sa kapaligiran.

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga
araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Ikalawang Baitang.
Sa katapusan ng module na ito, ikaw ay inaasahan na:
*natatalakay ang mga pakinabang na naibibigay ng
kapaligiran sa komunidad

1
Subukin
Pagmasdan ang larawan. Magsulat ng tatlong (3) pakinabang na
naibibigay ng kapaligirang iyan sa komunidad. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. __________________________________________________

2. __________________________________________________

3. __________________________________________________

2
Aralin
Mga Pakinabang na Naibibigay ng
1 Kapaligiran sa Komunidad

Balikan
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Saan maaaring maghanapbuhay ang mga tao sa lungsod?


a. sa bukid c. sa dagat
b. sa bundok d. sa pabrika
2. Anong produkto ang maaaring gawin ng mga tao mula sa troso?
a. kendi c. salamin
b. kuwintas d. upuan
3. Ano ang mga produkto ang ginagawang jam, jelly at pastilyas?
a. isda at kabibe c. palay at tubo
b. pinya at strawberry d. dahon at kahoy
4. Ano ang hanapbuhay ng minero?
a. paghahayupan c. pananahi
b. pagmimina d. pangingisda
5. Saan ginagawa ang pagsasaka?
a. sa bukid c. sa kagubatan
b. sa dagat d. sa lungsod

3
Tuklasin
Alam mo ba ang mga pakinabang ng iyong kapaligiran sa iyong
komunidad? Paano ito nakatutulong sa kabuhayan ng mga tao na
naninirahan sa komunidad lalong lalo na sa mga pamilyang
naapektuhan ng lockdown dulot ng Covid 19 ?
Basahin ang maikling kuwento, “Ang Masipag at Matulungin na
Magsasaka”. Sagutin din sa sagutang papel ang mga tanong
pagkatapos ng maikling kuwento.

Ang Masipag at Matulungin na Magsasaka


ni: Janice L. Esteban

Si Mang Kanor ay isang magsasaka. Siya at ang kaniyang


pamilya ay nakatira sa probinsya. Ang kanilang bahay ay malapit sa
bukid. Masipag na magsasaka si Mang Kanor. Umaga pa lamang ay
nasa bukid na siya.
Nagtatanim siya ng palay, mais at iba’t ibang uri ng gulay.
Kapag panahon na ng anihan, katulong niya ang kaniyang asawa at
mga anak upang dalhin ang mga ito sa palengke at ibagbili. Ito ang
ikinabubuhay ng kaniyang pamilya.

4
Matulungin din na tao si Mang Kanor. Dahil alam niyang
maraming tao ang naapektuhan ng pandemia na Covid 19,
namimigay siya ng mga sariwang gulay sa kaniyang mga kapitbahay.
Tinutulungan din niya ang mga ito upang magkaroon ng pagkakitaan
sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa mababang
halaga upang maibenta nila pandagdag sa kanilang kita.

1. Ano ang hanapbuhay ni Mang Kanor?


2. Saan sila nakatira?
3. Ano ang mga makikita sa kanilang kapaligiran?
4. Ano ang pakinabang ng kanilang kapaligiran sa
kanila?
5. Mahalaga ba ang kapaligiran sa kanilang
pamumuhay? Bakit?

Suriin
Bawat komunidad ay may angking kayamanan na bigay ng
kapaligiran o kalikakasan. Alamin kung ano-ano ang mga pakinabang
na naibibigay ng kapaligiran sa ibat’ ibang uri ng komunidad.

Sa komunidad na nasa
kapatagan makakukuha ng mga
sariwang gulay, prutas at iba pang
mga halaman mula sa lupa na
pinagyayaman ng mga magsasaka.

5
Ang mga masisipag na mga
mangingisda sa mga komunidad sa
tabing dagat ay nakikinabang sa
mga lamang dagat na siya nilang
pinagkakakitaan.

Ang mga produktong mula sa


kahoy tulad ng mesa, upuan,
kabinet at iba pa ay galing sa mga
malalaking puno sa kagubatan.
Nakukuha ito sa pamamagitan ng
pagtotroso.

Sa kagubatan din nakukuha


ang ginto, tanso, langis at iba pa.
Pagmimina ang hanapbuhay ng mga
tao dito.

Ang mga tao naman sa


lungsod ay nakagagawa ng mga
produkto na bunga ng kanilang mga
pangangailangan. Ang mga damit na
nakikita natin sa mga mall, mga
masasarap na pagkain at pati na rin
ang mga serbisyo na ibinibigay sa
mga tao ay nakatutulong upang magkaroon ng kabuhayan ang bawat
mamamayan sa kanilang komunidad.

6
Pagyamanin
Gawain 1
Piliin sa loob ng kahon ang angkop na komunidad na tinutukoy ng
bawat pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sagutang
papel.

a. komunidad sa kabundukan
b. komunidad sa kapatagan
c. kominidad sa lungsod
d. komunidad sa tabing dagat
e. komunidad sa industriyal

_______1. Ang komunidad na ito ay napaliligiran ng tubig


Nakahuhuli ng isda, hipon, alimango at iba pang yamang
dagat ang mga taong naninirahan dito.
_______2. Malawak at mataba ang lupa sa komunidad na
ito. Nagtatanim ang mga tao ng gulay at prutas bilang
pagkain at pagkakakitaan.
_______3. Ang komunidad na ito ay bagsakan ng mga
produktong galing sa iba’t ibang komunidad. Dito
matatagpuan ang mga pagawan ng tsinelas, de-lata,
sitsirya at marami pang iba.
_______4. Pagtotroso ang pangunahing hanapbuhay ng
mga naninirahan sa komunidad na ito. Mula sa mga
malalaking punong-kahoy na nakukuha nila ay
nakagagawa sila ng bahay, mesa, at iba pa.

7
_______5. Makikita sa komunidad na ito ang maraming
istraktura o gusaling likha ng tao. Pag-oopisina ang
kadalasang hanapbuhay ng mga tao dito.

Gawain 2
Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Anong mga bagay ang
makikita sa kapaligiran sa tabing dagat? Maaaring hanguin ang sagot
mula sa bilog na nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

troso palay hipon


alimango langis perlas
ginto kabibe tubo
isda

8
Gawain 3
Sumulat ng limang (5) paraan kung paano mo
mapangangalagaan ang iyong kapaligiran. Gawin ito sa sagutang
papel.

9
Isaisip
Punan ng tamang salita ang mga kahon ayon sa iyong napag-
aralan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

kapaligiran
pakinabang
pangalagaan
produkto
yaman

1. Ang pamumuhay sa komunidad ay nakasalalay sa uri

ng nito.

2. Ang bawat komunidad ay may mga

ipinagmamalaking .

3. Ang ng komunidad ay

nanggagaling sa kapaligiran o kalikasan.

4. Mahalaga ang kapaligiran dahil malaki ang

nito sa komunidad.

10
5. Dapat ang

kapaligiran.

Isagawa
Gumuhit ng isang malaking puso at isang malaking bituin. Sa
loob ng puso gumuhit ng limang (5) larawan ng mga bagay na
makikita sa iyong komunidad. Sa loob naman ng bituin, isulat ang
pakinabang nito sa inyong komunidad. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

11
Tayahin

Gawain 1
Iguhit ang masayang mukha ( ) kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at malungkot ( )na naman kung mali. Gawin ito sa
isang sagutang papel. Maaaring kulayan ang mga naiguhit na mukha.

1. Gawing imbakan ng basura mga ilog at dagat.

2. Sa kabundukan nakukuha ang mga mineral tulad


ng ginto na ginagawang alahas.

3. Sa lupa nakukuha natin ang ating kinakain tulad


ng palay, gulay at iba pang halaman.

4. Walang pakinabang sa komunidad ang


kapaligiran.

5. Ang mga produkto ng mga komunidad ay galing


sa yamang likas.

12
Gawain 2
Isulat ang letrang T kung nagpapakita ng pangangalaga sa
kapaligiran ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Itinatapon ang mga lumang gulong sa mga


ilog at dagat kapag luma na.

2. Nakakatulong ang pagdidilig ng mga


halaman sa kalikasan.

3. Pagtatanim ng mga puno sa dalisdis o gilid


ng bundok ay maganda sa kapaligiran.

4. Maaring putulin ang mga punongkahoy nang


walang pahintulot ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR).

5. Ang panghuhuli sa mga maliliit na isda ay


pinapayagan ng pamahalaan.

13
Gawain 3
Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon. Isulat ang nabuong
salita sa sagutang papel.

bpaanuhayh

dmoiadunk

gosunld

iagmalkaip

nirapliagak

14
Karagdagang Gawain
Gumawa ng tatlong (3) babala tungkol sa pangangalaga ng
kapaligiran. Isulat ito sa kartolina. Maaaring kulayan ang nabuong
babala.
Halimbawa:

Bawal apakan ang mga halaman.

15
16
Karagdagang Gawain Tayahin Tayahin Tayahin
Maaaring iba-iba ang Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
sagot ng mga mag- 1.hanapbuhay 1. M
aaral 2. komunidad 2. T 1. 
3. lungsod 3. T 2. ☺
4. ipagmalaki 4. M 3. ☺
5. kapaligiran 5. M
4. 
5. ☺
Isagawa Isaisip Pagyamanin Pagyamanin
Maaaring iba-iba ang 1. kapaligiran Gawain 3 Gawain 2
sagot ng mga mag- 2. produkto Maaaring iba-iba ang 1. alimango
aaral 3. yaman sagot ng mga mag- 2. isda
4. pakinabang aaral 3. kabibe
5. pangalagaan 4. hipon
5. perlas
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Cruz, Gloria M., Charity A. Capunitan, Emelita C. Dela
Rosa, and Leo F. Arrobang. Araling Panlipunan 2
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Publishing House
Inc., 2013.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like