You are on page 1of 1

Paggamit ng Angkop na Transitory Devices sa Pagkukuwento

Ang pagkukuwento ay pag-uugnay-ugnay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa


pamamaraang masusundan at mauunawan ng mga mambabasa. Upang ito ay
mapagtagumpayan, kinakailangang matahi ng manunulat ang mga ideya at pagyayari nang
hindi nagmumukhang tumatalon-talon mula sa isa patungo sa susunod. Magagawa ito sa
pamamagitan ng mga salitang nagsisilbing transitory devices.

Ang transitory devices ay mga salitang ginagamit upang mahusay na maitawid ang isang
bahagi ng kuwento sa susunod na bahagi ng hindi kailangang magpa-ulit-ulit ng bilang o
palagiang gumamit ng salitang "tapos" o "pagkatapos." Bagaman ang mga nabanggit ay
ilang halimbawa rin ng transitory devices.

Ilan sa transitory devices na madalas ginagamit ay ang sumusunod:

katulad ng nakita natin, katulad ng nabanggit


Pagbabalik sa sinundang bahagi
na, gaya ng sinabi ko, at iba pa

Pagdurugtong tapos, pagkatapos, saka, ngayon, at iba pa

Kaswal na koneksiyon dahil dito, bunga nito, iyon, at iba pa

ngayon, dati, bago, tapos, habang,


Mga salitang tumutukoy sa panahon
samantalang, at iba pa

Mga salitang tumutukoy sa lugar dito, doon, sa tabi, sa likod, at iba pa

katulad nito, sa parehong paraan, saka, higit


Pagkokompara
pa, subalit, pero, at iba pa

una, pangalawa, uulitin ko; at, maliban dito; at


Pagdaragdag at pagpapatindi
iba pa

Ilustrasyon halimbawa, kunwari, at iba pa

You might also like