You are on page 1of 21

Kontemporaryong

Programang Panradyo
Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan-Linggo 2

HEIDEE CLAIRE D. PAGADDUAN


Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon•Administratibong Rehiyon ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Administratibong Rehiyon ng Cordillera
Pampaaralang Sangay ng Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, Kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan
ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng ng K-12 Kurrikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahintulutang kopyahin kung
ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
Alamin

Nakikinig ka pa rin ba sa mga programa o balitang itinatampok sa radyo?


Alam mo ba na maraming paraan upang malaman ang mga nangyayari sa ating
paligid tulad ng panonood sa telebisyon, sa internet, pagbabasa sa mga pahayagan
at isa sa pinakalumang paraan ay ang pakikinig sa radyo. Ang pakikinig sa radyo ay
isa sa mga namana natin sa ating mga ninuno. Hanggang ngayon ay atin pa ring
ginagawa.

Upang mas lalong madagdagan ang inyong kaalaman tungkol sa


kontemporaryong panradyo halina at lakbayin natin ang araling nakapaloob sa
modyul na ito!

Narito ang mga inaasahang malilinang sa’iyo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

● Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at


personal na interpretasyon ng kausap F8PN-IIId-e-29
● Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag F8PB-IIId-e-30
● Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang
sariling opinyon tungkol sa mga ito F8PD-IIId-e-30
● Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting
F8PT-IIId-e-30
● Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
F8PU-IIId-e-31
● Nagagamit ang mga angkop na ekspresiyon sa paghahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa) F8WG-IIId-e-31

1
Subukin
Paunang Pagtataya

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin ang
letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay isang teknolohiyang maaaring maghatid ng balita, talakayan,


at impormasyon sa bayanman o sa nayon.
a. Telebisyon b. Radyo c. Dokumentaryo d. Musika

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paksang madalas na talakayin


MALIBAN sa isa.
a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang ng inyong kapitbahay
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas

3. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng positibo pahayag


na ginagamit sa programang panradyo.
a. “Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa
at pakialamero sa Pilipinas.”
b. Sa pagsisikap ng isang tao ay makakamit niya ang inaasam-asam
na tagumpay.
c. “Hindi naman tama ang kanilang gin gawa.”
d. Masamang magkomento sa bagay na hindi mo pa alam.

4. Alin sa mga sumusunod ang angkop na ekspresiyong dapat gamitin


upang mabuo ang sumusunod na pahayag. _________ hindi pa ligtas
ang ginawang gamot para sa COVID19.
a. Ayon sa b. Palagay ko c. Sang-ayon sa d. Batay sa

5. Ang taong naririnig ng radyo na may trabahong magbasa ng skrip o


anunsyo.
a. amplifier b. mixing c. airwaves d. announcer

2
B. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pangungusap sa
pagbuo ng iskrip panradyo. Isulat ang T kung tama at M naman kung mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Gumagamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.


_____ 2. Isulat sa maliliit na titik ang musika, epektong pantunog, at
ang emosyonal na reaksyon ng mga tauhan.
_____3. Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music)
_____4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin
ang mga ito.
_____5. Kailangan may tatlong espasyo pagkatapos ng bawat linya sa
iskrip kapag makinilya o kinompyuter.
_____6. Huwag lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero
sa kabilang bahagi bago ang unag salita ng linya upang
maging madali ang pagwawasto kapag nagrerecording.
_____7. Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang
isulat sa malaking titik. Ginagamitan lamang ang ito upang
ipabatid kung papaano sasabihin ang mga linya o dayalogo ng
mga tauhan.
_____8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa
pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong
uri ng tinig ang maririnig.
_____9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na
gagamitin at ilagay ito sa parenthesis.
_____10.Maglagay ng kuwit pagkatapos isulat ang mga pangalan ng
tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.

Balikan
Bago tayo tuluyang magpatuloy, magbalik-tanaw ka muna kaugnay sa
paksang ating pinag-aralan noong nakaraang talakayan. Naalala mo ba ang mga
anyo ng kontemporaryong panitikan? Ano-ano ang mga kontemporaryong panitikan?
Mahusay! Ngayon, natitiyak kong higit pang madaragdagan ang iyong
kaalaman tungkol sa kontemporaryong panradyo habang isinasagawa ang iba’t
ibang nakalatag na gawain para sa iyo kaibigan.

3
Tuklasin
Gawain 1: RADYORIFIC ANG HATID

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito.


Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa
larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag.
Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

nagpapalabas naghahatid ng
ng teledrama napapanahong balita

nagpalabas ng nagpapakinig ng
variety show mga awit

naghahatid ng nagpapalabas
musika ng pelikula

nagpapakilala nagpapahatid ng
ng produkto mga panawagan

naghahatid ng mga
talakayan/pulso ng nagbibigay ng
bayan opinyon kaugnay ng
isang paksa

4
Suriin
Ang Radyo
Isang teknolohiyang naghahatid ng napapanahong balita, nagbibigay ng
opinyon kaugnay ang isang paksa, nagpapalabas ng teledrama, nagpapakilala ng
isang produkto at naghahatid ng musika.

Ang Komentaryong Panradyo


Ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ang
komentaryong panradyo ay ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
Ayon pa rin sa kanya, ang pagbibigay-opinyon ay makatutulong nang malaki
upang ang mga kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Dagdag pa
niya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat
ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod.

a. Politika
b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar
c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas
d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig.

Bago Makasulat ng isang Dokumentaryong Panradyo, narito ang mga dapat


tandaan:

● magsaliksik ng mga impormasyon


● huwag kalimutang banggitin ang personalidad na binanggit sa mga detalye
upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinusulat
● magkaroon ng malinaw na pagpapaliwanag sa paksa

May mga positibo at negatibong pahayag na ginagamit sa programang panradyo.


Ang mga pahayag na ito ay ating aalamin sa kasunod na talakayan!

5
Positibong Pahayag
Ginagamitan ng mga magagandang salita gaya ng tama, salamat, mabuti,
maganda, tama, maaari, maayos at iba pa.

Halimbawa:
Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat sila
sa pagdedesisyon at matatakot ang mga tiwaling opisyal.

Negatibong Pahayag
Ginagamitan ng mga salitang hindi kaaya-ayang pakinggan gaya ng delikado,
masama, hindi nakabubuti, at iba pa.

Halimbawa:
Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito,
demanda doon!

Mga Konsepto ng Pananaw na ginagamit sa Radyo.

1. May mga ekspresiyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o “point of view”.


Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
\paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong
ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino


ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at
sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong


Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga
Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang
plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na


ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad
ng mga naunang halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng
pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod
na halimbawa:

6
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang
matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka
nang husto.

Mahahalagang Termino sa Radio Broadcasting

Airwaves - midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon


na kilala ring spectrum.
Amplifier - kakayahang baguhin ang lakas ng tunog.
Analog - isang uri ng waveform signal na diretso o tuwid.
AM - nangangahulugang amplitude modulation, tumutukoy sa
standard radio brand
FM - isang paraan ng paglalayag ng datos sa isang alternating
current.
Mixing - pagtitimpla at pagtitiyak ng tamang balance ng tunog.
SFX - mga ginagamit na instrumento o effects upang maging
mas maganda, makabuluhan at epektibo ang
presentasyon.
Announcer - ang taong naririnig ng radyo na may trabahong magbasa
ng skrip o mga anunsyo.
Backtiming- ito ang pagkalkula ng oras bago marinig ang boses sa
isang kanta.
Band - lawak ng naaabot ng pabrobroadcast
Open mic -isang mikroponong nakabukas sa partikular na oras
Sign-on -ang oras na ang estasyon ng radyo ay nagsisimula sa
pagbobroadcast nito.
Simulcast -ang pagbrobroadcast ng iisang programa sa dalawa o higit
pang magkakaibang istasyon
Sound Byte - kapirasong boses ng isang tao na kinuha mula sa isang
interbyu na isinasama sa isang balita.
Transmitter-ang tagalikha ng signal sa isang transmission medium.
Voiceovers -sang teknik pamproduksiyon na pinagsasalita ang isang
tao na maaaring live o inirekord.

Pagsulat ng iskrip ng programang panradyo


1. Gumagamit ng maliliit na letra sa pagsulat ng diyalogo.
2. Isulat sa malalaking letra ang musika, epektong pantunog, at ang
emosyonal na reaksyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music)

7
4. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong
pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang
mga ito.
5. Kailangan may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa
iskrip kapag makinilya o kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kabilang
bahagi bago ang unang salita ng linya upang maging madali ang
pagwawasto kapag nagrerecording.
7. Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa
malaking letra. Ginagamit lamang ang mga ito upang ipabatid kung
papaano sasabihin ang mga linya o diyalogo ng mga tauhan.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay
ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang
maririnig.
9. Isulat sa malaking letra ang posisyon ng mikropono na gagamitin at
ilagay ito sa parenthesis.
10. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga pangalan
ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng
numero sa bawat bilang.

Narito ang halimbawa iskrip sa isang bahagi ng pagtatalakayan sa radio:

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION


BILL (FOI)
MSC: THEME INTRO UP & OUT… BIZ… BEAT….
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito
ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information
Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income
eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
Roel: (TATAWA) Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga ‘yang FOI na ‘yan partner?

8
Roel: (UUBO) Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga
ahensya ng gobyerno.

Macky: (MAGUGULAT) Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang


mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan!
Demanda dito, demanda doon!

Roel: (MAGTATAKA) Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi
ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay
ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga ‘yan dahil magiging mas maingat
sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga tiwaling opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III,
kapag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong
maibabasura.

Roel: (TATAWA) Naku! Naloko na!


MSC: BRIDGE… SFX…
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia
mula sa: http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Pagyamanin
Gawain 1: Radyopinyon
Batay sa binasang baliktaktakan sa radyo na pinamagatang “Komentaryong
Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information Bill (Foi)”. Alin sa mga pahayag
ng mga komentarista ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Iguhit ang
☺ kung positibo ang pahayag at iguhit ang ☹ naman kung negatibo ang pahayag.
_____1.Naku! Delikado naman pala ‘yan!
_____2.Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan.
_____3.Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga iyan.
_____4.Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang
itinatago iyang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto.
_____5.Kapag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang
tuluyan na itong maibabasura.

9
Gawain 2: Suriin Mo!
Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung ang mga ito ay
makatotohanan, opinyon o hinuha ng komentarista mula sa binasang komentaryong
panradyo. Ilagay ang sagot sa kahon.

1. Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng


kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
3. Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago
iyang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
3. Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
4. Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging
mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga tiwaling opisyal.
5. Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, kapag hindi pa
naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.

KATOTOHAHAN OPINYON HINUHA

10
Gawain 3: Pag-ugnayin!
Iugnay ang balitang napakinggan sa balitang napanood. Itala ang mga ito sa loob ng
mga larawan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang paksang tinalakay sa radyo at telebisyon?
2. Tungkol saan ang balitang inyong napakinggan at napanood?
2. Itala ang pagkakaiba ng paraan ng pagtatala sa mga balita.

Balita sa Radyo

_______________________________

________
______________________________________________________________

______________________________________________________________

___________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

___________________________________________________________
_____________________________________________________________

Balita sa Telebisyon

11
Gawain 4: Radyopormasyon
Basahin ang teksto na pinamagatang “Kuwentuhang Media” at sagutin ang
kasunod na gawain.
KUWENTUHANG MEDIA
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa
okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum
na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at
analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating
bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.
Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay
sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice
president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez,
Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA
Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-
Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes
Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa
tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at
sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang
kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong
sina Max Soliven at Art Borjal.
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks
nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) narito ay lantarang
dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay
Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa
ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well,
maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para
tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang
Bajo de Masinloc.
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupona
sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o
masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o
sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na
ookupa at manduduro sa atin.

12
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa?

2. May mga salita bang ginamit ang may akda upang maging susi sa paglalahad ng
mga detalye?

3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik
ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan.

Isaisip

Gawain 1: Panuto: Sagutin ang hinihingi ng pangungusap.

Bakit hanggang ngayon ay tinatangkilik parin ang paggamit ng radyo? Ano ang
kahalagahan nito sa ating buhay?

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________

13
Isagawa
Panuto: Subukan mo namang makagawa ng isang bagay na noong una’y inisip
mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula sa
iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka na.

Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan, ikaw ay inanyayahang


maging manunulat ng iskrip ng isang programang panradyo. Ang programa ay
nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang tulad mo na maglahad ng kani-
kaniyang opinyon kaugnay ng mga napapanahong isyu. Inaasahang ikaw ay
magbabahagi ng opinyon kaugnay ng isa sa mga sumusunod na isyu:
● Cyber Bullying
● Child Protection Policy
● Kasalukuyang Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa.

Inaasahang ikaw ay makagagamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng


pananaw sa paglalahad ng iyong opinyon. Maaari kang magsaliksik upang
mapalawak ang pagtalakay ng paksang napili.

Narito ang mga pamantayan sa pagtataya ng ginawang pagtatanghal ng isang


programang panradyo.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
4 3 2 1
Masaklaw, Makabuluhan at
Komprehensibo at
makabuluhan at napapanahon ang May makabuluhan at
makabuluhan ang
Masaklaw na napapanahon ang mga impormasyong napapanahong mga
napapanahon mga
paglalahad ng mga inilalahad sa impormasyong inilahad
impormasyong
napapanahon impormasyong materyal alinsunod sa materyal ukol sa
inilalahad sa
g inilalahad sa sa paksang paksang itinatampok
materyal alinsunod
impormasyon materyal alinsunod itinatampok ngunit ngunit limitado ang
sa paksang
sa paksang may mga detalyeng mga ito.
itinatampok.
itinatampok. hindi nailahad
Natatangi ang Masining at Masining na ginamit
Masining at Masining at maingat
paggamit ng wika maingat na ang wika sa karamihan
maingat na na nagamit ang wika
nang higit pa sa nagamit ang wika ng pahayag sa
paggamit ng sa karamihan ng
inaasahang sa kabuuang nabuong materyal
wika pahayag sa
pamamaraan sa pagpapahayag sa ngunit hindi maingat
nabuong materyal.
materyal. nabuong materyal. ang paggamit.
Taglay ang lahat
Tipong ng kailangang Taglay ang mga
Naipamalas sa
propesyonal ang elemento sa susing elemento sa
Mahusay na materyal ang minimal
pagkakagawa sa mabisang pagbuo mabisang pagbuo
aspetong na antas ng
materyal dahil sa ng materyal. ng materyal at
teknikal pagtatagpi-tagpi ng
husay ng Naipapamalas ang naipamalas ang
elemento at teknikal na
pagtatagpi-tagpi ng kahusayan sa angkop na teknikal
pagganap.
mga elemento nito. teknikal na na pagganap.
pagganap.

14
Tayahin
Panghuling Pagtataya

Gawain 1: Tukuyin kung anong termino sa radio broadcasting ang isinasaad sa


bawat aytem. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Transmitter Mixing Analog AM Band


Amplifier Simulcast Sound Byte Airwaves FM

_______________1. Ang tawag sa lawak ng naaabot ng pagbrobroadcast.


_______________2. Ang pagtitimpla at pagtitiyak ng tamang balance ng tunog.
_______________3. Ang pagbrobroadcast ng iisang programa sa dalawa o
higit pang magkakaibang istasyon.
_______________4. Ang kapirasong boses ng isang tao na kinuha mula sa
isang interbyu na isinasama sa isang balita.
_______________5. Ang tagalikha ng signal sa isang transmission medium.
_______________6. Ang midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o
telebisyon na kilala ring spectrum.
_______________7. Ang kakayahang baguhin ang lakas ng tunog
_______________8. Isang uri ng waveform signal na diretso o tuwid
_______________9. Ito ay nangangahulugang amplitude modulation,
tumutukoy sa standard radio brand.
______________10. Isang paraan ng paglalayag ng datos sa isang alternating
current.

15
Gawain 2: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang
konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Batay sa Sa tingin ng Ayon sa


Paniniwalaan ko Sa ganang akin Sa palagay

1. ___________mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang


pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate
change sa sangkatauhan.
2. __________Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na
tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung
ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
3.___________maraming Pilipino ang nagsasabing ang pagkapanalo ni Manny
Pacquiao sa sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang
maipagpapatuloy pa nito ang kanyang karera sa pagboboksing.
4. ___________Department of Social Welfare and Development, mapanganib
din sa mga bata ang paglalaro ng mga mararahas na internet game lalo
na’t nasa developmental stage pa lang ang isang bata.
5.___________ ang mga Pilipino ay higit na mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsyon ng ilang politiko.

Karagdagang Gawain
Panuto: Makinig ng napapanahong balita sa radyo at sagutin ang sumusunod na
katanungan. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?

2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga


komentarista?

3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

16
Susi sa Pagwawasto

Tuklasin
Subukin
A. B.
A. Paghahatid ng musika ( Sariling Sagot!)
Paghahatid ng balita
1. b
Pagpapakilala ng mga produkto
2. c Pagpapahatid ng mga panawagan
Paghahatid ng pulso ng bayan
3. b

4. b Pagyamanin
5. d Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
B. 1.☹ 1. Katotohanan Saraling sagot…
1. T 2.☹ 2. Opinyon
2. M 3.☺ 3. Hinuha Gawain 4
3. T 4.☺ 4. Opinyon Saraling sagot…
4. T 5.☹ 5. Katotohanan
5. M

6. M

7. T

8. T

9. T

10. M
Tayahin
GAWAIN 1

1. Band 6. airwaves

2. Mixing 7. amplifier

3. Simulcast 8. Analog

4. Sound type 9. AM

5. Transmitter 10. FM

GAWIN 2

11. Batay sa

12. Ayon sa

13. Sa tingin ng

14. ayon sa

15. pinaniniwalaan ko

17
Sanggunian

Willita A. Enrijo . et.al.Panitikang Pilipino. 21-E Boni Serrano Ave.,Q.C: Kagawaran ng


Edukasyon,2013
Reina Antoniette P. Franco. Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo. Accessed
January 6,2020 http://www.slideshare.net/mobile/reinaantonette/pagsulat-ng-iskrip-
ng- programang-panradyo
filipinograde8blog. "Komentaryong Panradyo". Accessed January 7, 2020
https://filipinograde8blog-wordpress-
com.cdn.ampproject.org/v/s/filipinograde8blog.wordpress.com/2017/02/02/ko
mentaryong panradyo/amp/?
amp_js_v=a6&amp_gsa=1&usqp=mq331AQHKAFQArABIA%3D
%3D#aoh=16102694007679&referrer=https%3A%2F
%2Fwww.google.com&amp_tf=From%20%251%24s&ampshare=https%3A%2F
%2Ffilipinograde8blog.wordpress.com%2F2017%2F02%2F02%2Fkomentaryong-
panradyo%2F

18
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

19

You might also like