You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
PEDRO ALEGRE AURE SENIOR HIGH SCHOOL
GALICIA I, MENDEZ, CAVITE

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


(BAITANG 11)
5
WEEK 2
PANGALAN: __________________________________ Petsa: __________________
TAON AT ISTRAND: __________________________ Iskor: __________________
GURO: Ms. Neneth P. Erni

Kasanayang Pampagkatuto

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng


tekstong deskriptibo (FIIPT-IIIa-88);
2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo (FIIPS-IIIb-
91);
3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong tekstong deskriptibo (F11PU –
IIIb – 89);

Konsepto ng aralin
TEKSTONG DESKRIPTIBO
KAHULUGAN
Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at
kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan.
LAYUNIN
Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay,
pangyayari o kaya naman ay makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga
bagay, pook, tao, o pangyayari.
MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)
1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa
pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ang mga pang-uri
at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na katangian ng
inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.
2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang
makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong
ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan o
pangyayari.

PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA SA


MASINING NA PAGLALARAWAN.
a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay, tao at pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng,
parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, animo’y at katulad.
Halimbawa:

b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang paghahambing kaya’t hindi na


kailangang gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad.
Halimbawa:

c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa paglalapat ng mga


katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
Halimbawa:

d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong


katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.
Halimbawa:
e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng salitang may
pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan.

Halimbawa:

URI NG PAGLALARAWAN

1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang


imahinasyon at hindi nakabatay sa katotohanan.
Halimbawa:

Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan


dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday
ng kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.
Halimbawa:

Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing


binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng
bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.


Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan
Jheru Alselmo Mendoza
Lahat tayo ay may karanasang di makakalimutan - karanasan sa pag-ibig,
sa kaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo
unang nasaktan? Ano bang alaala ang lubos na nagdulot ng sakit sa atin? Kailan
ba tayo naging masaya? Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking
naranasan, kulang pa yata ang isang libro para maikuwento ko nang buo ang
simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi
kaming magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang
nararanasan. Kinakaya namin anumang unos ang dumating dahil lagi kaming
magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap kami
at magdildil ng asin basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito
dahil maaga siyang nahiwalay sa kanyang pamilya noon. Bata pa lamang siya ay
naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay.
Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong
mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.
Ang aking ama naman ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya
kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit
lingid sa aming kaalaman, isang malaking problema ang parating sa aming buhay
na ganap na sumubok sa aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako
noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may kanser
sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman,
pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita
niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit paano ay mabawasan ang
nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.

Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa
kakulangan sa pera. Lumala nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating
masigla niyang katawan dahil nangayayat siya nang husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo
2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking ina.
Kaunti lang ang handa, kami lang ang nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay
masaya noong araw na iyon ngunit nararamdaman ko na parang malungkot siya.
Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto niyang maging masaya kami sa
araw na iyon.

Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang
huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami.
Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako habang
tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin noon;
“Anak, huwag kang iiyak kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong libing niya ay
hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya at hindi na siya
mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng
Dakilang Ama.
https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan
Gawain I
PANUTO:Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula
sa kahon sa ibaba at isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng
bawat aytem. Maaaring ulitin ang sagot kung kinakailangan.

A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama

E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin

I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali

_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta


o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin
nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa
paglalarawan.
_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang
paksa na inilalarawan ang siyang pangunahing _____ ng tekstong
deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na
nais bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng
iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong
deskriptibo. Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan.Tama o
Mali?

_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga salita.


_____10. Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng
kongkretong katangian ng nilalarawan.
_____11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama
ang tekstong _____.
_____13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa
ng____ paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

_____14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng ____paglalarawan.


_____15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang
guniguni ng mga mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa
limang pandama.

Gawain II
Unawain nang mabuti ang sitwasyon at ibigay ang hinihingi nitong
paglalarawan.
Mahaba na ang itinatagal ng Community Quarantine sa bansa dahil sa
COVID-19. Marahil samut-saring emosyon ang iyong naramdaman sa panahon ng
krisis na ito. Ilahad ang mga ito sa pamamagitan ng isang masining na
paglalarawan. Pagkatapos ng huling pangungusap ng paglalarawan, isulat ang
#myquarantinestories.
Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Nakuhang
Puntos
Malinaw at masining na paglalarawan 5
Kahusayan sa paggamit ng wika 5
Kalinawan, kaugnayan ng mga detalye at 5
bisa sa paglalarawan
Kabuuan: 15 puntos

You might also like