You are on page 1of 3

School Dona Nicasia J.

Puyat Elementary School Grade Level Five


Teacher Aramel Ann M. Cruz Learning Area Physical Education
Teaching Date May 25, 2022 Quarter 4

I. OBJECTIVES
A. Content Standards The learner demonstrates understanding of participation
and assessment of physical activity and physical fitness.
B. Performance Standards The learner participates and
assesses performance in physical activities.
-assesses physical fitness
C. Learning Competencies/Objectives 1. Paglapat sa iba’t-ibang kasanayang kaugnay sa
sayaw.
(PE5RD-IVc-h-4)
2. Ilarawan ang mga kasanayang kaugnay sa sayaw.
(PE5RD-IVb-2)
II. CONTENT (Subject Matter)
III. LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Material pages
B. Other Learning Resources PE Module, Q4- W 6-8
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous Lesson or presenting new lesson Naaalala niyo pa ba kung ano ang inyong tinalakay noong
nakaraang linggo sa asignaturang ito?

Sino ang makapagbibigay ng tamang sagot?

Ang inyong paksa noong nakaraan ay tungkol sa Ba-


ingles Dance.

Ang Ba-ingles ay nagmula sa salitang “baile” at “Ingles”


na nangangahulugang English Dance. Ito ay nagmula sa
Cabugao, Ilocos. Ang sayaw na ito ay pinaniniwalaang
itinuro dito sa ating bansa ng mga mangangalakal na
Ingles noong unang panahon.

Alam niyo pa ba ang ilan sa mga basic steps ng Ba-ingles


Dance?

B. Establishing a purpose for the lesson Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang isa na namang
panibangong katutubong sayaw. Ang ating paksa sa araw
na ito ay tungkol sa mga pangunahing hakbang sa
pagsayaw ng “Pandanggo sa Ilaw”.

Ito ay katutubong sayaw at mamaya ay sasayawin niyo ito


para hindi lang puro modern dance ang alam niyong
sayawin,
C. Presenting examples/instances of the new lesson. Bago tayo mag umpisa sa ating panibagong aralin ay
maglaro muna tayo. Gusto niyo bang maglaro?

Game: Scramble words


Panuto: I-scramble ang mga letra upang makuha ang
tamang salita.
Halimbawa: MYASAA - MASAYA
1. AMALPRA - LAMPARA
2. SYAAW – SAYAW
3. LIAW - ILAW
4. MDOIRNO - MINDORO
5. UKTRLUA - KULTURA

Ang mga salitang inyong iniscramble ay may kaugnayan


sa ating pag-aaralan ngayong umaga dahil ilan lamang ang
mga ito sa naglalarawan kung ano ang katutubong sayaw
na ating tatalakayin ngayon.

D. Discussing new concepts and practicing new skills #1 Ang “Pandanggo sa Ilaw” (Dance with Light) ay isang
kultural na sayaw ng Pilipinas na sinasabing nagsimula sa
Mindoro, ang ikapitong pinakamalaking isla sa Pilipinas.

Ang Pandanggo sa Ilaw ay siyang pinakamahirap sa lahat


ng pandanggos.

Ito ay makulay at hindi pangkaraniwan dahil ang babaeng


mananayaw ay may tatlong lampara o “tinghoy” (oil
lamp) – isa sa ulo at dalawa sa likod ng bawat kamay.

Ang partikular na pandanggong ito ay nangangailangan ng


kasanayan sa pagbabalanse ng tatlong tinghoy.

Ang mananayaw ng pandanggo ay tinatawag na


“pandanggera”.
E. Discussing new concepts and practicing new skills #2 Ang pagsasayaw ay nakatutulong sa ating kalusugan dahil
maituturing natin itong ehersisyo upang mas lumakas at
lumiksi ang ating katawan.

Ano nga ba ang dapat gawin upang mapanatiling malusog


ang ating katawan?

Upang mapanatiling malusog ang inyong katawan, dapat


ay maging aktibo kayo sa mga gawaing sports o
makilahok sa mga dance competitions na kasama sa
programa ng inyong paaralan.
F. Developing Mastery (Lead to Formative Assessment 3) Panoorin ang isang video na ipapanood sa inyo ng inyong
guro tungkol sa mga pangunahing hakbang ng katutubong
sayaw na “Pandanggo sa Ilaw”. Isaulo ang mga hakbang
kasama ng inyong kapareha. Ang magkapareha ay isang
babae at isang lalaki.
G. Finding practical application of concepts and skills in Kung papipiliin ka ng isasayaw sa isang palatuntunan, ano
daily living ang nais mong isayaw, katutubong sayaw o banyagang
sayaw? Bakit?
H. Making Generalizations and Abstraction about the Mahalaga ang pagsasayaw dahil isa ito sa mga pinaka-
Lesson epektibong ehersisyo.Nakakatulong ito upang mapabuti
ang ating kalusugan at nililinang din nito ang mga
mahahalagang kakayahan tulad ng balance at
koordinasyon ng katawan.
I. Evaluating Learning Humanap ng kapareha (isang lalaki at isang babae) at
isagawa ang sayaw. Maaari niyong ivideo o sayawin na
mismo sa loob ng klase ang inyong sayaw. Ang iskor ng
mananayaw ay ibabase sa rubric na makikita sa inyong
module.
J. Additional Activities for Application or Remediation Panuto: Piliin ang Titik ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.
1 . Ang sayaw na “Pandanggo sa Ilaw” ay nagmula
sa lalawigan ng _____________.
a. Mindoro b. Palawan c
Mindanao d. Leyte
2. Ang pang ibabang kasuotan ng mananayaw sa babae ay
_____________.
a. saya b. shorts
c. pantalon d. padyama
3. Ang sapin sap aa ng mga mananayaw sa Pandanggo sa
Ilaw ay _______________.
a. sapatos b. walang sapin
c. tsinelas d. boots
4. Ano ang hinahawakan ng babaeng mananayaw sa
sayaw “Pandanggo sa Ilaw”
a. Lampara b. kandila
c. Pamaypay d. Panyo
5. Ang sayaw na “Pandanggo sa Ilaw” ay isang uri ng
_________________ sayaw.
a. katutubong b. modernong
c. enterpretative d. waltz

V. REMARKS

Aramel Ann M. Cruz Russelie T. Garcia


Practice Teacher Critic Teacher

You might also like