You are on page 1of 10

Elementarya

Elementarya
Baitang6 6
Baitang

Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikaapat na Kwarter-Linggo 3-Aralin 3

Pagtatanong Tungkol sa Impormasyong


Inilahad sa Dayagram, Tsart, Mapa at Graph

Baitang 6-Filipino
Kompetensi: Nakapagtatanong tungkol sa inilahad na dayagram, tsart, mapa, at graph
F6PB-IVg-20
Filipino - Baitang 6
Sanayan sa Filipino
Pagtatanong Tungkol sa Inilahad na Dayagram, Tsart, Mapa, at Graph
Unang Edisyon, 2021
Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang Sanayan sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin
ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.
Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Rogelio B. Ticar, Vivian C. Atijon, Florenz B. Monteverde


Dr. John D. Catunao, Annalyn B. Hipolito, Edwin L. Reyes Jr.
Ravilyn C. Santillana, Ana Theresa S. Sustento & Jovy S. Niervo

Illustrators: Mel June Flores & Mary Clarence Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor & Eladio J. Jovero

Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rogelio B. Ticar & Edwin L. Reyes, Jr.

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Ferdinand S. Sy


Dr. Novelyn M. Vilchez, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
& Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 6-Filipino
Kompetensi: Nakapagtatanong tungkol sa inilahad na dayagram, tsart, mapa, at graph
F6PB-IVg-20
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 6.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 6-Filipino
Kompetensi: Nakapagtatanong tungkol sa inilahad na dayagram, tsart, mapa, at graph
F6PB-IVg-20
Pagtatanong Tungkol sa Inilahad na Dayagram
Tsart, Mapa at Graph
Isang mapagpalang araw sa iyo!

Simulan natin nang may galak sa ating mga puso ang araw na ito. Nawa’y
nandiyan pa rin ang iyong pagiging masigasig sa pagtuklas ng bagong kaalaman
na nakapaloob sa araling ito.

Sa araw na ito iyong matutuhan ang pagtatanong tungkol sa inilahad na


dayagram, tsart, mapa at graph (F6PB-IVg-20).
Tara na at simulan na natin ang araling ito

TUKLASIN NATIN
.
Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga datos na nakasaad sa pie graph. Pagkatapos sagutin ang
mga tanong sa ibaba.

5%
10%
ipon
kuryente
10%
50%
gamot
pagkain
5
25%
5
pag-aaral

Panuto: Pag-aralan at unawain nang mabuti ang grap at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang ipinapakita o isinasaad ng graph?
A. porsyento ng pinaglalaanan ng mga gastusin
B. buwanang badyet ng pamilya
C. presyo ng mga gastusin
D. babayarin buwan-buwan

Baitang 6 – Filipino 1
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
2. Ano ang pinakamalaking badyet na pinaglalaanan ng pamilya?
A. kuryente B. gamot C. ipon D. pagkain
3. Anong badyet ang pareho ng bahagdan ang ipinaglaan?
A . pag-aaral at pagkain C. pagkain at ipon
B. gamot at kuryente D.kuryente at pagkain
4. Ilang porsyento ang ipinaglaan sa ipon?
A. 10% B. 5% C. 50% D. 25%
5. Bakit kaya ang pagkain ang may pinakamalaking porsyento?
A. dahil ito ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa pang-
araw-araw
B. dahil maraming miyembro ng pamilya ang kumakain
C. upang hindi magutom ang bawat miyembro ng pamilya
D. kasi lahat sila ay matatakaw sa pagkain
6. Anong paglalahat ang mabubuo sa impormasyong nasa graph?
A. Ang pag-aaral ang pinakamahalaga sa buwanang badyet ng
pamilya.
B. Parehong pinaglalaanan ng badyet ang kuryente at gamot para may
magamit sa oras ng pangangailangan.
C. Bawat pangangailangan ng pamilya ay pinaglalaanan para
mabadyet nang tama ang mga gastusin.
D.Magastos ang pagbabadyet ng pamilya sa kanilang
pangangailangan.

Nasagutan mo ba lahat ang mga katanungan? Kung tapos mo na, ipawasto


ang iyong sagot sa iyong learning facilitator. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?
Halika, alamin natin.

ALAMIN NATIN

Ang grap ay larawang-guhit na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng


mga bilang . Ito ay maaaring magpakita ng proporsyon ng isang bahagi o bilang
sa kabuuan. Maaari rin itong maglarawan ng takbo ng isang bagay sa loob ng
itinakdang panahon. Iba’t iba ang paraan ng paglalahad ng impormasyon sa
grap.
Mga Uri ng Grap
1. Bilog na Grap (pie graph) - ito’y sumusukat at naghahambing ng mga
datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito
2. Bar Grap (Bar Graph) - nagpapakita ng paghahambing ng mga datos
gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad.
Parisukat ang anyo ng grap, maaring patayo o pahiga ang mga datos na
sinisimbolo ng bar.

Baitang 6 – Filipino 2
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
3. Larawang Grap (Pictograph) - larawan ang ginagamit upang
kumakatawan sa mga datos, impormasyon o produkto. Mahalaga na
magkasinlaki ang mga larawan.
4. Linyang Grap (Line graph) - binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay
ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at
ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok
tinutukoy ang interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay (salik) na
nakatala sa bawat gilid.

Ngayong alam mo na kung ano ang paglalahad ng mga impormasyon sag rap,
tsart o mapa, handa ka na ba sa mga susunod na pagsasanay? Huwag kang mag-
alala, may inihandang gawain para sa’yo.
Maghanda na naman sa isang pagsasanay na lilinang pa sa iyong kaalaman
para mas lalo mong maunawaan ang aralin.
Halika, magsanay tayo!

PAGYAMANIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Basahin at pag-aralan ang grap. Sagutin ang mga tanong sa susunod na
pahina. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

BILANG NG MGA TAO SA BARANGAY BONDULAN NA KASAPI NG SIMBAHAN

400

350

300

250

200

150

100

50

0
Bilang Adventist Katoliko Iglesia Saksi Protestante
ng mga tao ni Kristo ni Jehovah

Baitang 6 – Filipino 3
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
1. Anong datos ang ipinapakita o inilalahad ng grap?
A. populasyon ng mga naninirahan sa Barangay Bondulan
B. bilang ng tao na kasapi ng simbahan sa Barangay Bondulan
C. bilang ng tao na hindi nagsisimba sa araw ng Lingo
D. bilang ng tao na nagsisimba sa araw ng Linggo
2. Ano ang isanasaad ng mga bilang sa gawing kaliwa ng grap ?
A. bilang ng mga kasapi ng relihiyon
B. datos ng mga relihiyon
C. bilang ng mga pari
D. mga simbahan
3. Ano ang isanasaad ng mga salita sa ilalim ng grap ?
A. mga kaanib ng simbahan
C. bilang ng mga sumasamba
D. iba’t ibang relihiyon
D. bilang ng mga pari
4. Aling relihiyon ang may pinakamaraming kasapi sa lugar na kinunan ng
tala ?
A. Adventist C. Katoliko
B. Iglesia ni Kristo D. Protestante
5. Aling relihiyon ang may pinakakaunting kasapi sa lugar na kinunan ng
tala ?
A. Saksi ni Jehovah C. Adventist
B. Protestante D. Katoliko
6. Aling relihiyon ang may pangalawang dami ng kasapi ?
A. Katoliko C. Iglesia ni Kristo
B. Adventist D. Protestante
7. Ilan ang kasapi ng Iglesia ni Kristo ?
A. 150 B. 300 C. 450 D. 500
8. Ilan lahat ang mga tao na kinunan ng mga tala ?
A. 150 B. 250 C. 350 D. 400
9. Ano ang mahihinuha mong impormasyon batay sa grap?
A. Nagiging relihiyoso ang mga tao sa Barangay Bondulan.
B. Pinakamarami ang kasapi ng mga katoliko sa Barangay Bondulan.
C. Maraming kasapi ng relihiyon ang naninirahan sa Barangay Bondulan.
D. Lumakas ang puwersa ng mga kasapi ng relihiyon sa Barangay Bondulan.

Naging madali ba ang iyong pagsagot? Ano ang pakiramdam na nasagot mo


lahat ang mga pagsasanay? Nasanay ka na ba nang wasto?
Ngayon na bihasa ka na sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa dayagram,
tsart, mapa at grap, sukatin natin ang iyong nalalaman sa araling ito. Simulan mo na
ang Tayahin Natin.

Baitang 6 – Filipino 4
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
TAYAHIN NATIN

Gawain 1
Panuto: Suriing mabuti ang tsart na nagpapakita ng nakonsumong kuryente ng
pamilya Reyes sa taong 2020. Sagutin ang mga tanong sa ibaba
pagkatapos. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

350 330

300
275 275 275 275 275

250
220 220 220 220

200
165 165

150

100

50

Mga tanong:
1. Kailan ang may pinakamataas na konsumo sa kuryente ng Pamilya Reyes?
2. Kailan ang pinakamababa ?
3. Alin-aling buwan ang may konsumong 275 kw ?
4. Alin-alin naman ang may konsumong 220 kw ?
5. Aling buwan ang mas mababa ang konsumo kaysa Nobyembre ?
6. Bakit kaya mas mataas ang konsumo ng kuryente kung Mayo at Disyembre ?

Baitang 6 – Filipino 5
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
B. Panuto: Pag-aralan ang pictograp. Sagutin ang mga tanong sa susunod na
pahina. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

POPULASYON NG SAN DIONISIO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

900

800

700

600

500

2018-2019 2019-2020 2020-2021

Mga Tanong:
1. Ano ang inilalahad ng grap?
2. Ano ang bumubuo sa populasyon ng San Dionisio Central Elementary
School?
3. Anong taon ang may pinakamataas na bilang ng mga mag-aaral sa San
Dinisio Central Elementary School?
4. Anong paglalahat ang mabubuo sa impormasyong nasa grap ?
5. Ano mahihinuha sa mga datos ayon sa grap ?

Kung tapos ka na, iwasto ang iyong sagot. Mataas ba ang nakuha mong
iskor?
Magaling! Sanay paghusayan mo pa sa susunod nating aralin. Ipagpatuloy
ang pagiging masipag sa pag-aaral.

Baitang 6 – Filipino 6
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
Kompetensi: Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F6PS-IIh-3)
Baitang 6 – Filipino 7
SUSI SA PAGWAWASTO
TUKLASIN NATIN
1. B
2. D
3. B
4. B
5. A
6. C
PAGYAMANIN NATIN
1. B
2. A
3. D
4. C
5. A
6. C
7. B
8. C
9. C
TAYAHIN NATIN
(Ang guro ang magwawasto sa bahaging ito)

You might also like