You are on page 1of 13

Filipino 6

Filipino – Ikaanim na Baitang


Unang Markahan – Modyul 10: Pagtatanong Tungkol sa Impormasyong
Inilahad sa Dayagram at Tsart.

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Elsie D. Arcega


Editor: Mario N. Pardiñez
Tagasuri: Mario N. Pardiñez
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Jhasz F. Bokingkito
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ngTagulao EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 6
Ikaapat na Markahan
Modyul 10 para sa Sariling Pagkatuto
Pagtatanong Tungkol sa Impormasyong Inilahad sa
Dayagram at Tsart
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul 10 para
sa araling Pagtatanong Tungkol sa Impormasyong Inilahad sa Dayagram at Tsart.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino – 6 Modyul 10 ukol sa Pagtatanong
Tungkol sa Impormasyong Inilahad sa Dayagram at Tsart .

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makympleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


A. nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa dayagram at
tsart; at

B. nakasasagot sa mga pagtatanong at mga pagsasanay tungkol sa impormasyong inilahad


sa dayagram at tsart .

PAUNANG PAGSUBOK
Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod:

Ang isang tsart ay isang grapikal na


representasyon ng datos, kung saan "ang datos
ay kinakatawan ng mga simbolo, tulad ng mga
• . bar sa bar tsart, o mga linya sa linyang tsart, o
mga hiwa sa isang pie tsart". Ang tsart ay
maaring kumatawan sa tsart ng mga talaan ng
datos ng mga numero, mga punsyon o ilang
mga uri ng mga mapaghambing na mga
istruktura at nagbibigay ng iba’t-ibang
impormasyon.
Ang terminong “tsart” bilang isang grapikal na
representasyon ng mga datos ay may maraming kahulugan:
Ang isang tsart ng datos ay isang uri ng diagrama o grap,
naAno ang diagram
nagsasaayos at tsart?sa isang hanay ng mga
at kumakatawan
numerikong datos
Ano ang inilalarawan nito?
Anong pang ibang tanong ang inyong maibibigay batay sa mga larawan
at impormasyon?

BALIK-ARAL

Panuto: Basahing mabuti ang maikling talata at isulat sa itaas na bahagi ang
sanhi at sa ibabang bahagi naman ang bunga.

Hindi lingid sa atin ang pagkalat ng covid-19 sa buong mundo. Marami


ang naging biktima nito. Paano nga ba tayo makakaiwas sa sakit na ito? Ayon sa
Department of Health , kailangan palagi tayo maghugas ng kamay upang mawala
ang mga dumi sa ating mga kamay. Takpan ang ilong at bibig kapag tayo at babahing
para di tumalsik ang laway. At higit sa lahat iwasan ang paglabas ng bahay upang
di ka mahawaan ng sakit na ito.

SANHI

BUNGA
COVID-19

ARALIN

Mga Namamatay sa Covid ayon sa edad


Old normal New Normal
Antas ng mga namatay

1.Malayang 1.Nakakatakot
nakakapamasyal lumabas ng bahay.
kasama pamilya at
2.Mahirap ang
kaibigan. Makakapag
-aral pa din buhay ngayon.
2. Maayos ang
kapaligiran. 3. Kailangan na
ang pagsuot ng
3. hindi kailangan ang
facemask at
EDAD facemask at faceshield
faceshield
Suriing mabuti ang dalawang larawan.
Ano ang makikita ninyo dyan?
Sa unang tsart, ano anong mga tanong ang agad pumapasok sa iyong isipan?
Bakit ?
Sa ikalawang dayagram, anong tanong naman ang mabubuo mo dito?
Sa iyong pagbuo ng tanong ano ang pinagbatayan mo? Lahat ba ng tanong
na ito ay makukuah din ang sagot sa mga tasr at dayagram?

Sa paggawa ng tanong ano ang maari at lagi mong tatandaan?


Suriin mo.
Sa pagtatanong :
• Pag-aralan nang mabuti ang larawan
• Unawaing mabuti ang ipinahihiwatig nito.
• Bumuo ng mga tanong na makabuluhan
• Kailangan ang mag sagot ay makukuha din sa dayagram o tsart na
ipinakita.
• Gumamit ng magagalang na salita sa pagtatanong.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Pag-aralang mabuti ang dayagram. Gumawa ng limang tanong
ayon sa mga impormasyong mababasa dito.

1. _____________________
2. _____________________
3. _____________________
4. _____________________
5. _____________________
PAGSASANAY 2
Panuto: Gumawa /Bumuo ng mga tanong sa mga impormasyon sa ibaba.
Pagbatayan ang sinasabi sa bawat bilang.

1. Bumuo ng tanong ukol sa ibat ibang


uri ng buwis.

2. Halimbawa ng mga sakuna o kalamidad


sa bansa

3._______________________________

4._______________________________

5._______________________________
PAGSASANAY 3
Panuto : Gamit ang Venn Dayagram at mga impormasyon dito.
Gumawa ng limang tanong mula sa nabasa.

1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto: Upang makabuo ng mga tanong kailangan nating isaisip lagi ang mga
sumusunod:

• Pag-aralan nang mabuti ang larawan


• Unawaing mabuti ang ipinahihiwatig nito.
• Bumuo ng mga tanong na makabuluhan.
• Kailangan ang mag sagot ay makukuha din sa dayagram o tsart na
ipinakita.
• Gumamit ng magagalang na salita sa pagtatanong.
PAGPAPAHALAGA
Panuo: Isulat ang Tama sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi
ng tamang pagtatanong at Mali kung ito ay hindi.

_______1. Pag-isipang mabuti ang mga tanong.

_______2. Kailangan maayos at maliwanag ang iyong tanong.

_______3. Hayaang mahirapan ang kaklase sa pagsagot sa tanong mo.

______4. Gumamit ng magagalang na salita sa iyong pagtatanong.

______5. Dapat angkop sa bagay o larawan nag iyong katanungan.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Bumuo ng mga tanong sa pamamagitan ng dayagram at tsart sa
ibaba

Pag-aralan mabuti ang tsart, bumuo ng


tatlong tanong mula dito.

1._________________________________ 4.________________________________

2._________________________________ 5.________________________________

3._________________________________
Public pictures- Free stock photos
WWW. Google –labeled or re-used, copy, and modification
Sanggunian
Pagpapahalaga
1.Tama
2.Tama
3. Mali
4. Tama
5.Tama
Pagtataya Pagsasanay 1,2,3
Iba iba ang sagot Iba iba ang sagot
Paglalahat Balik- Aral
• Pag-aralan nang mabuti ang larawan Sanhi
• Unawaing mabuti ang ipinahihiwatig nito. 1.Palaging maghugas ng kamay
2. Takpan ang ilong at bibig kapag
• Bumuo ng mga tanong na makabuluhan. babahing
• Kailangan ang mag sagot ay makukuha din 3. iwasan ang paglabas ng bahay
sa dayagram o tsart na ipinakita.
Bunga
• Gumamit ng magagalang na salita sa 1. upang mawala ang dumi sa
kamay
pagtatanong.
2.para di tumalsik ang laway
3. upang di mahawahan ng sakit
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like