You are on page 1of 3

PANANAW NG MGA MAG-AARAL NG IKALAWANG TAON NA KUMUHA

NG KURSONG BSOA SA EPEKTO NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA


SA WIKANG FILIPINO

Isang Pananaliksik na iniharap sa

Kaguruan ng Departamento ng mga Wika at Literatura

Eastern Visayas State University

Lungsod Tacloban

Isang Bahaging katuparan sa

Pagtamo ng Titulong

Batsilyer ng Sinning sa Filipino

nina:

Leo bert Salipot


Joycel Centinaje
Princess Bea Barcelo
Roshella Tado
Jessa Mie Ganial
Dina Ganial
Noime Salamida
Mary Selso

BSF-2C
OCTOBRE 2022
Kabanata l

Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasanayan

Panimula

Hindi maitatanggi na ang teknolohiya ay isang bahagi na ng ating


buhay ngayon lalo na sa henerasyong ito. Isa ito sa ating ginagamit upang
mas mapabilis ang ating pakikipag komunikasyon. Ayon kina Espina at
Borja(1996) ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang
maangkin ng bawat nilikha ang kanyang kakayahang maipaliwanag nang
buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. ngunit kapansin-pansin ang
patuloy na paglaganap ng teknolohiya sa ating bansa lalo na ang patuloy na
paglabas ng mga makabagong produkto tulad ng tablet at iPad ng Apple.
Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay ang pag uso ng
paggamit ng pinaikling salita tulad na lamang ng “ansaveh” na pinaikli ng
salitang “Anong masasabi mo doon?” upang mapadali ang ating pakikipag
uganayan; dito nawawalang silbi ang mga nakasanayang salita ng ating mga
kapwa.
Sa pag-unlad ng ating bansa at pagbabago ng panahon nag babago na
din ang ating sariling wika, ito ay marahil sa iba’t-ibang uring
pakikipagtalastasan gamit ang makabagong teknolohiya. Talamak din ang
paggamit ng akronim sa social media kung saan nagrerepresenta ang isang
letra ng isang salita. Isa pa sa nauuso sa panahon ngayon ay ang
makabagong salita o slang word tulad ng selfie. Laganap din ngayon ang
paggamit ng salitang balbal kung saan ito ay tinatawag din na salitang kanto o
kalye.
Dahil sa teknolohiya ay nagiging asa na lamang tayo,nagiging ugat din ito
ng hindi pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang paggamit ng teknolohiya
sapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang ibang tao kung kaya’t dito
ay malakas ang loob nilang makipag sagutan sa isa’t isa lalong-lalo na at ito
ay magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos
na nagaganap.kung kaya’t ang layunin ng pag-aaral na ito ay kumalap ng
mga impormasyon sa mga mag-aaral na nasa ikalawang taon na kumuha ng
kursong BSOA para tuklasin kung ano ang kanilang pananaw tungkol sa
epekto ng paggamit ng teknolohiya sa wikang filipino.

You might also like