You are on page 1of 5

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Arts,Sciences and Education


Filipino 102. (PAGBASA)

PRELIMINARY EXAMINATION

Pangalan:__________________________Course:_____________Date:__________Score:_____

Test I.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa patlang kung ang
isinasaad ay TAMA at isulat ang MALI kung ang isinasaad ay MALI.

______1. Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o nakasulat
na impormasyon o ideya.

______2. Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig,


pagsasalita at pagsulat.

______3. Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa.

______ 4. Mata ang ginagamit sa pagbasa at hindi ang Utak.

______ 5. Ayon kay Goodman ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.

______ 6. Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa.

______ 7. Naiimpluwensyahan ng pagbasa ang ating mga saloobin at palagay hinggil sa iba’t
ibang bagay at tao.

______ 8. Ang pagbasa nakatutulong sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagtataas ng


kalidad ng buhay ng tao.

______ 9. Ang mga simbolo na sinusuri ng paningin o hipo ay tinatawag na braille.

______ 10. Ang pagbasa’y bahagi ng pakikipagtalastasan.

______11. Ang pagbasa’y lumaganap ng mahalagang tungkulin sa ating pang-araw-araw na


buhay.
______12. Ayon kay William Gray ay may sampung proseso sa pagbasa.

______13. Malalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao
na hindi nakikita sa pamamagitan lamang ng pagbabasa.

______14. Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad ng notasyon sa
musika o piktogram.

______15. Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mata na ang mga imaheng mula sa braille
na kanilang binabasa ay makarating sa utak upang maiproseso.

Test II.
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na titik ng tamang sagot.
16. Ito ay pananaw ukol sa pagbasa.
a.) Teorya ng Pagbasa c.) Teoryang Interaktib
b.) Teoryang Iskima d.) Teoryang Bottom-Up

17. Teksto ang kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito.


a.) Teoryang Bottom-Up c.) Teoryang Interaktib
b.) Teoryang Iskima d.) Teoryang Top-Down

18. Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa.


a.) Teoryang Iskima c.) Teoryang Top-Down
b.) Teoryang Bottom-Up d.) Teoryang Interaktib

19. Tinatawag din itong teoryang inside-out o conceptually-driven.


a.) Teoryang Top-Down c.) Teoryang Iskima
b.) Teoryang Bottom-Up d.) Teoryang Interaktib

20. Ito ay naniniwalang mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating


kaalaman ng mambabasa.
a.) Teoryang Bottom-Up c.) Teoryang Top-Down
b.) Teoryang Iskima d.) Teoryang Interaktib

21. Kinikilala sa prosesong ito ang mga salitang binabasa at binibigyan ng kaukulang kahulugan.
a.) Encoding c.) Decoding
b.) Metakognisyon d.) metakomprehensyon
22. Inuunawa, inaayos at binibigyang anyo ang teksto.
a.) Metakognisyon c.) Decoding
b.) Encoding d.) metakomprehensyon

23. Kaalaman o pagbabatid kung papaano makontrol ang proseso ng pag-iisip.


a.) Decoding c.) Encoding
b.) Metakognisyon d.) metakomprehensyon

24. Ito bahagi ng Matakognisyon na binubuo ng dalawang aspeto.


a.) Encoding c.) Decoding
b.) Metakomprehensyon d.) Metakognisyon

25. Galing sa salitang cognition na ang ibig sabihin ay kakayahan ng utak na kumuha ng
kaalaman at umunawa.
a.) Metakognitiv c.) Metakognisyon
b.) Metakomprehensyon d.) Encoding

26. Pagsisimula sa paggamit ng diksyunaryo para sa kahulugan ng salita, pagbaybay at


pagbigkas.
a.) Bago Bumasa(Pre-reading)
b.) Mabilis na Pag-unlad(Rapid Progress)
c.) Panimulang Pagbasa(Initial Reading)
d.) Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin at Panlasa(Refinement in Reading Abilities,
Attitudes and Tastes)
27. Pagbuo ng mga konsepto: pagsasanay sa pakikinig at paningin, pagkatuto sa batayang
gawain at mga gawi sa pag-aaral.
a.) Bago Bumasa(Pre-reading)
b.) Mabilis na Pag-unlad(Rapid Progress)
c.) Panimulang Pagbasa(Initial Reading)
d.) Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin at Panlasa(Refinement in Reading Abilities,
Attitudes and Tastes)

28. Pagsisimula sa paggamit ng mga larawan, mga pahiwatig mula sa konteksto patungo sa
pamamaraang ponetiko at istruktural.
a.) Bago Bumasa(Pre-reading)
b.)Mabilis na Pag-unlad(Rapid Progress)
c.) Panimulang Pagbasa(Initial Reading)
d.) Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin at Panlasa(Refinement in Reading Abilities,
Attitudes and Tastes)

29. Pagkamulat sa iba't-ibang layuning pagbasa at paglinang ng mga kasanayan sa mapanuring


pagtataya (evaluation) sa materyal na binabasa.
a.) Bago Bumasa(Pre-reading)
b.) Mabilis na Pag-unlad(Rapid Progress)
c.) Panimulang Pagbasa(Initial Reading)
d.) Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin at Panlasa(Refinement in Reading Abilities,
Attitudes and Tastes)
30. Awtomatikong paggamit ng mga pamamaraan sa pagkilala ng mga salita, lubos na malaya sa
pagbasa.
a.) Bago Bumasa(Pre-reading)
b.) Mabilis na Pag-unlad(Rapid Progress)
c.) Ekstensyon ng Karanasan sa Pagbasa at Mabilis na Pagdaragdag ng Kagalingan sa
Pagbasa (Extended Reading Experience and Rapidly Increasing Reading Efficiently)
d.) Pagpapapino ng Kakayahan, Saloobin at Panlasa(Refinement in Reading Abilities,
Attitudes and Tastes)
31. Ito ay paraan ng pagbasa kung saan mata lamang at isipan ang ginamit.
a.) Malakas na pagbasa c.) Tahimik na pagbasa
b.) Iskaning d.) Iskiming
32. Isinasaalang-alang naman sa paraang ito ang mga tagapakinig.
a.) Malakas na pagbasa c.) Tahimik na pagbasa
b.) Iskaning d.) Iskiming
33. Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na
hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles.
a.) Malakas na pagbasa c.) Tahimik na pagbasa
b.) Iskaning d.) Iskiming

34. Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin.
a.) Malakas na pagbasa c.) Tahimik na pagbasa
b.) Iskaning d.) Iskiming
35. Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan
at ang estilo at register ng wika ng sumulat.
a.) Previewing c.) Tahimik na pagbasa
b.) Iskaning d.) Iskiming

Test III.

Panuto: Panuto: Bigyan ng Paliwanag ang mga sumusunod na katanungan.

(35-50.)

Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang PAGBASA sa pang araw-araw nating pamumuhay?
Ipaliwanag.. (15pts.)

Galingan mo! 

Inihanda ni:

Bb. Giselle S. Rendon

You might also like