You are on page 1of 2

UNEMPLOYMENT- Tumutukoy sa esatdo ng kawalan ng pagkakataon ng isang tao kahit na siya ay may

sapat na kakayanan, kasanayan, kaalaman at kahandang makapagtrabaho

SUPLAY- ay tumutukoy sa dami o kabuuan ng mga kagamitan at serbisyong magagamit, makukuha, o


mabibili ng mga mamamayan

DEMAND- ang pangangailangan na mabili, makuha, o magamit ang mga bagay na nagawa ng mga
prodyuser

 Mahalaga ang pagkakaroon ng trabaho ng isang tao;


 Suliranin naman ng pamahalaan ang kawalan ng trabaho dahil obligasyon nitong bigyan ng
ayuda sa pamamagitan ng pagbuo ng mga oportunidad at benepisyo ang mga taong walang
trabaho

MAPAPANGKAT ANG MGA TAONG WALANG TRABAHO SA APAT:

 Mga taong walang pinagkakakitaan o kaya naman ay hindi produktibo


 Mga maaaring makapagtrabaho na indibidwal na may kakayanan, abilidad, at talento ngunit
hindi nagtatrabaho
 Mga taong nakapagtapos at may sapat na kasanayan at talento ngunit patuloy na naghahanap
ng trabaho
 Mga propesyonal na may teknikal na kakayanan na hindi nagsasagawa ng serbisyo at nais
makapagtrabaho ngunit walang makitang trabaho

MGA DAHILAN:

 Ang kursong tinapos ng isang indibidwal ay hindi angkop sa mga trabahong makikita sa
pamayanan
 May kakulangan ng kakayanan o kasanayan ang isang tao upang magawa ang isang inaasahang
gawain
 Maaaring ang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi ito ang tamang gawain para sa kanya

ANG KAWALAN NG TRABAHO AY SINUSUKAT SA IBA’T IBANG PAMAMARAAN AYON SA PAMANTAYAN


NG EKONOMIKS:

 Lakas-paggawa
 Tasa ng kawalan ng trabaho
 Labor force participation rate
 Employment-population ratio

IBA’T IBANG SALIK DEMOGRAPO:

 Edad
 Kasarian
 Antas ng pinag-aralan
 Haba ng panahon ng kasanayan at karanasan sa pagtatrabaho
 Mga naging trabaho
MGA ANYO NG KAWALAN NG TRABAHO

 ESTRUKTURAL- nangyayari ito dahil hindi matugunan ng ekonomiya ang pangangailangan sa


trabaho.
 MARUPOK NA KALAGAYAN NG EKONOMIYA- ang mga negosyo ay hindi lubos ang kakakayanan
na makapagbigay ng trabaho o mapanatili ang isang klase ng trabaho.
 SALIK NG DEMOGRAPO- ang isang tao na hindi makahanap ng trabaho dahil sa kanyang edad,
kakulangan ng kasanayan, antas ng pinag-aralan, limitadong kaalaman sa teknolohiya, at iba pa.
 TEKNOLOHIYA- ang paglipat ng ilang kompanya sa paggamit ng teknolohiya ay maaaring maging
sanhi ng kawalan ng trabaho.
 PAMANAHON- may mga panahong mababa ang pangangailangan sa isang trabaho o kasanayan
kaya’t nawawalan ng trabaho ang isang tao.

MGA MAARING SOLUSYON SA KAWALAN NG TRABAHO:

 Panghihimasok ng gobyerno sa pamamagitan ng pabuhos ng yaman at kagamitan sa ekonomiya


upang makalikha ng trabaho
 Pagpapalago sa iba pang sector ng ekonomiya gaya ng agrikultura, industriya, at paggawa
 Pagpapahusay sa kakayanan ng mga manggagawa
 Pagpaparami ng mga nais mamuhunan, magtayo ng Negosyo at mga tinatawag na “start-ups” sa
ating ekonomiya

"No country, however rich, can afford the waste of its human resources. Demoralization caused by vast
unemployment is our greatest extravagance. Morally, it is the greatest menace to our social order”

- FRANKLIN ROOSEVELT

You might also like