You are on page 1of 1

Pangalan: Jhouana Kaye T.

Villar Petsa: Enero 21, 2023

Seksyon: BSED FILIPINO 3C Subdyek: Fil66

Teddy-Stellard Story

1. Ano ang iyong nararamdaman habang iyong pinapanood ang short video? Bakit?
Ipaliwanag.

Ooh, totoong ang tao ay hindi perpekto, ngunit ang ating pagiging imperpekto ay maaaring
makapagpabago sa buhay ng tao at maaaring sa kaniyang pananaw man.

Habang pinapanood ko ang bidyu, unti-unting nadadala ako sa pinapahiwatig na damdamin


nito. Napaisip ako na di talaga madali maging guro. Maraming bagay ang kailangan mong
isaalang-alang at kung minsan hindi mo napapansin agad na may mga batang mas
nangangailangan ng iyong sapat na atensyon, panahon, at pag-unawa. Kailangan mo rin
isaalang-alang ang kanilang mga pinagdadaanan at nararamdaman na sa ganun maipalabas nila
ang likas na sila at ang kanilang natatanging angking galing at talino. Sa pamamagitan nito,
maaaring mabago natin ang kanilang pananaw at makagawa ng natatangi.

2. Ano ang iyong pinakadahilan bakit gusto mong maging guro sa asignaturang Filipino?
Ipaliwanag.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit mas pinili ko ang kursong pang-
Edukasyon; seguro dahil ito ang gusto ng aking pamilya at wala na rin akong ibang maisip na
kurso maliban dito, sa Nursing, at Engineering. Pero ngayon, ang dahilan ko na lamang kung
bakit ako nagpapatuloy sa pag-aaral sa asignaturang ito ay makapagtapos at magkaroon ng mas
magandang trabaho maliban sa napakainit na pagbubukid.

Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makapagturo sa hinaharap, gusto kong turuan ang
mga bata na kapwa ko Manobo na naroroon sa mga lugar na malayo sa modernisasyon at
pagbabago, na sa ganun magkaroon rin sila ng bagong kaalaman na maaaring makapagbukas ng
kanilang mga isipan at makapagpabago ng kanilang mga pananaw sa buhay.

You might also like