You are on page 1of 4

KAUKULANG IMPORMASYON UKOL SA GAWAIN

Activity Information Sheet - Filipino)

Pangalan ng Gawain: Remote Psychosocial Support through Play for Elementary Learners

Layunin: Ang layunin ng gawain na ito ay upang magbigay ng psychosocial support sa mga mag-aaral ngayong panahon
ng pandemya sa pamamagitan ng laro.

Paglalarawan: Sakop ng pahintulot na ito ang lahat ng uri ng pagsasagawa ng mga larong gawain, kabilang ngunit hindi
limitado sa online (audio only o audio-visual setup) at paggamit ng iba’t ibang online communication platforms at self-
guided play modules.

Karapatang Tumanggi o Di Magpatuloy: Karapatan ng mga magulang o tagapag-alaga ang tumanggi, di magpatuloy,
o limitahan ang pagsali ng mag-aaral sa isang aktibidad kung sakaling hindi maging komportable ang kanilang
pakiramdam, o may kakulangan sa mga materyal na maaaring gamitin.

Mga Panganib at Agam-agam: Ang gawain na ito ay hindi maghahatid ng malubhang pinsala, pananakot, o panganib
sa mag-aaral. Bukod dito, ang gawaing ito ay isasagawa bilang bahagi ng mga paunang gawain bago magsimulang muli
ang klase. Ang video recording ay isasagawa ng mga guro upang maging bahagi lamang ng mga tala ng paaralan. Ang
mai-re-record na video ay hindi ilalathala sa anumang paraan.

Benepisyo: Ang paglalaro ay nakatutulong sa pagkatuto ng mga bata dahil dito sila nakakalikha ng mga karanasan upang
mabuo ang kanilang pisikal, sosyal, emosyonal, at intelektuwal na kakayanan na hindi nila makukuha gamit ang iba
mgaparaan. Ang paglalaro ay nakatutulong sa mga bata na matukoy ang kanilang mga negatibong nararamdaman sa
paraang hindi naiiba sa mga nakatatanda. [1]

Iskedyul ng mga Larong Gawain: Ang mga larong gawain ay isasagawa sa mga mag-aaral kasama ang kanilang mga
magulang o tagapag-alaga. Ang mga gawain ay magtatagal ng dalawang (2) oras sa isang araw o maaaring dumepende
sa gagawing iskedyul ng guro/tagapangasiwa. Ito ay para masiguro ang kaligtasan at makontrol ang paggamit ng gadgets
ng mag-aaral. Ito rin ay maaaring isagawa sa inyong tahanan, sa tulong at suporta ng magulang/tagapag-alaga o ng
nakatatandang kapatid ng mag-aaral.

Materyales: Ang mga magulang o tapag-alaga ay inaanyayahan na samahan ang mag-aaral sa bawat gawain.
Iminumungkahi rin ang paggamit ng mga recyclable na mga materyales habang isinasagawa ang mga larong gawain.

Paraan ng Pagtuturo: Ang mga larong gawain ay maaaring isagawa gamit ang mga online platforms (Zoom, Google
Classroom, o Moodle), audio/video services (radyo o telebisyon), o self-guided sa pamamagitan ng Learner’s Playbook.

Tungkulin ng Magulang/Tagapag-alaga: Ang magulang/tagapag-alaga ay dapat na samahan sa mga larong gawain


ang mag-aaral upang matiyak ang kanilang kaligtasan at proteksyon.

[1] Isinalin hango sa: https://www.journalofplay.org/sites/www.journalofplay.org/files/pdf-articles/1-1-article-elkind-the-power-of-play.pdf


KAUKULANG IMPORMASYON UKOL SA GAWAIN
Activity Information Sheet - Filipino)

Pagiging Kumpidensyal ng Tala: Ang lahat ng impormasyon na makukuha mula sa mag-aaral ay ituturing na
kumpidensyal at pribado.

Personal na Datos o "Personal Data": Sa pagpirma ng pahintulot, ikaw (o kahit sinong legal na kinatawan) ay
nagpapahintulot na:
kolektahin, kuhanin, at gamitin ang “Personal Data,” at ibahagi sa
iba pang authorized partner sa Pilipinas.

Ang “Personal Data” ay nangangahulugang impormasyon tungkol sayo na maaari kang makilala: galing sa mga
impormasyon na ibinigay, o
galing sa mga impormasyon na hawak ng ibang organisasyon.

Ang mga research o pananaliksik na gagawin sa hinaharap na base sa iyong “Personal Data” ay isasailalim sa
pagsusuri ng kaukulang institusyunal na review board.
PSYCHOSOCIAL SUPPORT THROUGH PLAY CONSENT FORM
(Filipino)

Ako si, , magulang/tagapag-alaga ni (buong

pangalan ng bata) ng Grade Section .

Aking nabasa, napag-usapan, at naintindihan ang mga impormasyon at pamamaraan na nabanggit sa


talaan ng impormasyon na kasama ng pahintulot na ito.

Ang aking mga katanungan tungkol sa remote psychosocial support sa pamamagitan ng mga larong
gawain ay nasagot nang mabuti at maayos, at aking pinahihintulutan na sumali ang aking anak sa
nasabing gawain.

Naiintindihan ko na maaaring hindi ko payagan ang aking anak na sumali o kaya'y tumigil sa pagsali sa
anumang oras.
Pakibasa ang mga sumusunod na pahayag at lagyan ng tsek ang iyong napiling tugon.

1. Pinahihintulutan kong sumali ang aking anak sa nasabing gawain.

Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon

2. Pinahihintulutan kong i-record ang nasabing gawain.

Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon

3. Dahil sa pagbabawal sa pagkakaroon ng harap-harapan na gawain, aming isasagawa ang mga gawain
sa pamamagitan ng self-guided Play Modules, boses lamang (radyo o telepono), o sa pamamagitan ng video.

Sumasang-ayon Hindi Sumasang-ayon

Pakisulat ng maayos ang mga hinihinging impormasyon.

Pangalan ng bata:

Pangalan ng magulang/tagapag-alaga:

Lugar ng tirahan:

Numero ng telepono sa bahay ng magulang/tagapag-alaga:

Numero ng telepono sa trabaho ng magulang/tagapag-alaga:

Email address ng magulang/tagapag-alaga:

Lagda:

Petsa:

You might also like