You are on page 1of 28

6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 9
Pagsulat ng Ulat, Balitang
Pang-isport, Liham sa Editor,
Iskrip para sa Radio broadcasting
at Teleradyo
Filipino - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 9: Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-isport, Liham sa
Editor, Iskrip para sa Radio broadcasting at Teleradyo
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
May Crisette L. Magayon

Tagasuri ng Nilalaman : Romel C. Roque


Tagasuri ng Wika : Romel C. Roque
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 9
Pagsulat ng Ulat, Balitang
Pang-isport, Liham sa Editor,
Iskrip para sa Radio broadcasting
at Teleradyo
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang gabayan at tulungan kang unawain

ang mga araling tinatalakay sa Filipino 6.

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa pagsulat ng ulat, balitang

pang-isport, liham sa editor, iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• nakikilala ang mga pangunahing katangian ng ulat, balitang

pang-isport, liham sa editor, iskrip para sa radio broadcasting at

teleradyo;

• natutukoy ang mga bahagi o nilalaman ng mga ito; at

• nakasusulat ng ulat, balitang pang-isport, liham sa editor, iskrip para

sa radio broadcasting at teleradyo.

1
Subukin

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon sa loob ng kahon.


Sumulat ng makabuluhang balita gamit ang mga ibinigay na detalye.
Gumamit ng wastong kapitalisasyon at bantas. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Ano: Muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine o ECQ


Sino: Punong Lalawigan Daniel R. Fernando
Kailan: Marso 29 hanggang Abril 4, 2021
Saan: Lalawigan ng Bulacan
Bakit: Pag-iwas sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan
Panatilihing ligtas ang mga Bulakenyo sa mabilis na paglaganap ng
COVID-19

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Rubriks sa Pagsulat ng Balita

Gabay sa Pagwawasto Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)
1. Nailahad ba ang mahahalagang detalye
sa isinulat na balita?
2. Malinaw ba ang pagkakalahad ng mga
detalye sa balita?
3. May kaisahan ba ang mga pangungusap
sa balita?
4. Nakasunod ba sa wastong paggamit ng
kapitalisasyon at bantas?
5. Naisulat ba ang balita sa maikli ngunit
makabuluhang paraan?

B. Panuto: Sumulat ng liham sa editor gamit ang mga ibinigay na detalye. Sundin ang
mga alituntunin sa pagsulat ng liham, kapitalisasyon at bantas. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

Isa sa mga aralin sa asignaturang Filipino sa ikaapat na markahan ay ang


tungkol sa pagsulat ng balita. Isang araw, habang nagsasaliksik ka tungkol dito gamit
ang internet ay nakita mo ang patalastas ng The Bulacan Times. Ito ang kilalang
pahayagan sa lalawigan. Ang editor o patnugot nito ay nag-aanyaya ng mga batang

2
manunulat upang dumalo sa libreng online na pagsasanay sa pagsulat ng balita.
Bilang pinuno ng inyong klase ay naisip mong sumulat ng liham sa editor upang
makalahok kayo sa pagsasanay na gaganapin sa buwan ng Hulyo.
Ang iyong liham ay ipadadala mo sa Provincial Capitol Compound na
matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kung saan naroon ang Tanggapan ng
The Bulacan Times.

________________________
________________________
________________________

______________________
______________________
______________________

______________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

________________________

________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Liham sa Editor

Gabay sa Pagwawasto Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)
1. Wasto at kumpleto ba ang mga
impormasyon sa isinulat na liham?
2. Naisulat ba nang maayos ang bawat
bahagi ng liham?
3. Naiparating ba ang mensahe sa liham?
4. Nakasunod ba sa mga alituntunin sa
pagsulat ng liham?
5. Gumamit ba ng wastong kapitalisasyon at
bantas?

3
Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga napapanahong sitwasyon. Piliin


ang pinakaangkop na reaksyon sa bawat pangyayari. Isulat lamang ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

___ 1. Sinisikap ni May na pag-aralang mabuti ang kaniyang mga aralin at tapusin
ang mga pagsasanay na nakapaloob sa bawat modyul. Isang gabi,
nahihirapan siyang sagutan ang isa sa mga pagsasanay. Alin sa
sumusunod ang dapat niyang gawin?
a. humingi ng tulong sa kaniyang magulang o guro
b. i-post sa social media ang pagsasanay upang makita ng iba
c. lagpasan at huwag na lamang sagutan ang pagsasanay
d. tumawag sa kaniyang kaklase upang magtanong

___ 2. Palaging kinukuha ni G. Magayon ang mga modyul ng kaniyang anak sa


paaralan. Sa darating na Lunes, kailangan niyang dumalo sa isang
mahalagang pagpupulong kaya hindi siya maaaring magtungo sa paaralan.
Ano ang dapat niyang gawin?
a. ipaalam sa guro at itanong kung maaaring kinatawan ang kumuha
b. lumiban muna sa pagkuha ng mga modyul
c. sabihan ang kaniyang anak na siya muna ang kumuha ng modyul niya
d. sabihin sa guro na sa susunod na Lunes na lamang siya pupunta

___ 3. Simula nang ipatupad ang quarantine sa kanilang barangay, si G. Santos


na ang palagiang lumalabas at bumibili ng mga pangunahing
pangangailangan ng kanilang pamilya. Nang siya ay makarating sa
pamilihan, marami ng tao ang nasa loob upang mamili. Alin sa sumusunod
ang pinakaangkop niyang gawin?
a. agad na pumasok sa pamilihan, magmadaling bumili at magbayad
b. hintaying makalabas ang ibang mamimili bago pumasok sa pamilihan
c. sabihin sa tagapagbantay na palabasin ang ibang mamimili
d. umuwi kaagad at sa susunod na linggo na lamang bumili

___ 4. Habang nasa paaralan at nagbibigay ng mga modyul, napansin ni


Bb. Lajom ang isang babaeng nagtatanggal ng kaniyang face shield. Ano
ang dapat niyang gawin?
a. hayaan lamang ang babae na maglakad sa loob ng paaralan
b. lapitan ang babae at sabihan na isuot ang kaniyang face shield
c. sabihin sa kapuwa guro na paalalahanan ang babae
d. tawagin siya, panatilihin ang wastong distansiya at paalalahanan

4
___ 5. May naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang sumusunod
ay kabilang sa wastong gawain patungkol dito MALIBAN sa isa.
a. pagbiyahe sa iba’t ibang lugar
b. paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon
c. pagpapanatili ng dalawang metrong distansiya o higit pa sa isa’t isa
d. pagsusuot ng facemask at face shield tuwing lalabas ng bahay

___ 6. Maraming tao ang nagdadalawang-isip sa pagpapabakuna laban sa


COVID-19. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop gawin patungkol dito?
a. bigyan sila nang wasto at detalyadong impormasyon tungkol sa bakuna
b. hayaan munang maunang magpabakuna ang iba
c. sabihan silang magpasya agad-agad
d. pilitin sila na magpabakuna

___ 7. Batay sa ulat-panahon, may paparating na malakas na bagyo kaya


nagbigay kaagad ng mga alituntunin ang lokal na pamahalaan. Alin sa
sumusunod ang dapat gawin?
a. hintayin munang tumaas ang lebel ng tubig bago lumikas
b. huwag maniwala kaagad sa ulat-panahon
c. itago muna ang mga mamahaling gamit bago sumunod sa alituntunin
d. sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan para sa kaligtasan

___ 8. Nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa malakas na bagyo. Nais ng mga


mamamayan na makapakinig ng balita upang malaman nila ang ulat
tungkol sa lagay ng panahon. Ano ang dapat nilang gawin?
a. gumamit ng radyo na may baterya upang makapakinig ng ulat-panahon
b. hayaan na lamang na hindi makapakinig ng ulat-panahon
c. magtanong sa mga kapitbahay tungkol sa bagong ulat-panahon
d. tumawag sa mga kamag-anak sa karatig-bayan upang magtanong

___ 9. Isa sa mga dahilan ng pagbaha ang labis na pagputol ng mga puno. Ang
sumusunod ay mga angkop na reaksyon MALIBAN sa isa.
a. hahayaan ko na lamang na magpatuloy ang labis na pagputol ng puno
b. hihikayatin ko ang mga kakilala kong magtanim ng mga halaman at puno
c. ipagbibigay-alam ko sa awtoridad ang labis na pagputol ng mga puno
d. magreresiklo ako ng mga bagay na maaari pang magamit

___ 10. Ang labis na pag-init ng mundo o global warming ay isa rin sa nagdudulot
ng pagbaha. Alin sa sumusunod ang angkop na reaksyon patungkol dito?
a. gagamit ako ng sasakyan kahit malapit lamang ang aking pupuntahan
b. hahayaan kong nakabukas ang mga kagamitan o appliances
c. ipagpapatuloy ko ang pagsusunog ng aking mga basura
d. magiging responsable ako sa paggamit ng kuryente, tubig at iba pa

5
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang usapan.

Alamin ang Kaganapan, Gamitin ang Radyo at Pahayagan


Ni: May Crisette L. Magayon

Lunes ng umaga, abala si Cris sa pagbabasa ng kaniyang modyul nang lumapit


ang kaniyang nakababatang kapatid na si Richard hawak ang isang pahayagan.

Richard: Ate, maaari mo ba akong tulungan sa aking performance task?


Cris: Oo, naman. Tungkol saan ba ang iyong performance task?
Richard: Kailangan kong gumupit ng isang balita mula sa pahayagang ito. Ididikit
ko ito sa isang papel at tutukuyin ko ang mga bahagi nito.
Cris: Madali lang naman pala ang gawain mo. Halina at simulan na natin.
Richard: Nakakita ako ng pahayagan sa ating sala, ngunit hindi ko alam kung alin
sa mga nakasulat dito ang dapat kong gupitin.
Cris: Ang balita ay maaaring panlokal, pambansa o pandaigdig. Mayroon ding
iba’t ibang uri ng balita batay sa paksa kagaya ng pang-edukasyon,
pangkabuhayan, pangkapaligiran, pampalakasan at iba pa.
Richard: Marami pa lang uri ng balita, ate. Maaari bang balitang pampalakasan
ang piliin ko?
Cris: Siyempre naman. Ang balitang pampalakasan ay tinatawag ding
balitang pang-isport. Ito ay naglalaman ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa mga palaro at kompetisyong pampalakasan.

6
Richard: Yehey! Mayroon na akong balitang pang-isport na mailalagay. Ate,
ipinatutukoy din sa amin ang mga bahagi ng balita. Maaari mo rin ba
akong tulungan sa pagtukoy nito?
Cris: Sige, tutulungan kita. Ang bawat balita ay karaniwang binubuo ng
pangunahing ideya, detalye o impormasyon na nakikita sa unang
pangungusap o talata. Sinusundan ito ng mga pangungusap na
sumusuporta sa pangunahing ideya.
Richard: Ano-ano ang mga impormasyong nakikita sa unang bahagi ng balita,
ate?
Cris: Sa unang pangungusap o talata pa lamang ng bawat balita, nasasagot
na agad nito ang mga tanong kagaya ng ano, sino, saan, kailan, bakit at
paano nangyari ang kaganapan.
Richard: Marami pa lang impormasyong mababasa sa pahayagan, ate.
Cris: Tama, kaya mahalagang matutuhan ang pagbabasa ng pahayagan.
Richard: Sang-ayon ako sa iyo, ate. Mahalaga talaga ang pagbabasa ng
pahayagan upang malaman ang nangyayari sa paligid araw-araw.
Cris: Kung walang pahayagan, maaari rin namang makinig sa radyo katulad
ng ginagawa nina tatay at nanay tuwing umaga.
Richard: Ah, kaya pala parating nakabukas ang ating radyo tuwing umaga.
Nakikinig din pala sina tatay at nanay.
Cris: Iyon ang tinatawag na isang uri ng broadcast media. Dahil ang balita ay
ipinahahatid gamit ang radyo, tinatawag itong radio broadcasting. Halos
magkatulad ang balita rito at ang nababasa sa pahayagan.
Richard: Ang galing! Salamat, ate. Marami akong natutuhan ngayong umaga.
Cris: Walang anuman, Richard. Halina, tapusin na natin ang gawain mo.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang T kung tama
ang isinasaad nito at M naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

___ 1. Ang pahayagan ay babasahin o sangguniang naglalaman ng


pinakabagong impormasyong nagaganap sa paligid sa araw-araw.
___ 2. Iisa lamang ang uri ng balitang mababasa sa pahayagan.
___ 3. Binubuo ng maraming bahagi ang isang balita kaya ito ay mahaba.
___ 4. Ang balita ay maaaring panlokal, pambansa o pandaigdig.
___ 5. May iba’t ibang uri ng balita ayon sa sakop at paksa nito.
___ 6. Ang mahahalagang detalye ng balita ay isinusulat sa gitnang bahagi nito.
___ 7. Ang balitang pang-isport ay tumutukoy sa mga kaganapang may kinalaman
sa palakasan, sa loob man o labas ng bansa.
___ 8. Sa pahayagan lamang maaaring makakuha ng mahahalagang
impormasyon gaya ng balita.
___ 9. Ang radio broadcasting ay isang halimbawa ng broadcast media.
___ 10. Magkaiba ang balita na nababasa sa pahayagan at naririnig sa radyo.

7
Suriin

Pagsulat ng Ulat, Balitang Pang-isport, Liham sa Editor,


Iskrip para sa Radio broadcasting at Teleradyo

Mahalaga ang palagiang pagsubaybay sa mga nagaganap sa iyong paligid.


Karaniwang nababasa sa pahayagan o napakikinggan sa radyo ang mga
pangyayaring ito sa pamamagitan ng pag-uulat. Bilang isang mag-aaral sa ikaanim
na baitang, lubhang mahalagang matutuhan mo ang pagsulat ng ulat, maging ng
balitang pang-isport, liham sa editor at iskrip sa radio broadcasting at teleradyo.

Ulat

Ang ulat o balita ay isang napapanahong pangyayari na naglalayong magbigay


ng impormasyon sa mambabasa. Ito ay maaaring panlokal, pambansa o pandaigdig
batay sa sakop nito. Karaniwang isinusulat ang balita araw-araw at inilalathala sa
mga pahayagan o isinasahimpapawid sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

May iba’t ibang uri rin ng balita ayon sa paksa nito: pang-edukasyon,
pangkabuhayan, pantahanan, panlibangan, pampalakasan o pang-isport,
pampolitika, pangkapaligiran at iba pa.

Mga Bahagi o Nilalaman ng Ulat

Sa pagsulat ng tuwirang balita, ginagamit ang estilong inverted pyramid kung


saan sinasagot na sa unang talata pa lamang ang mga tanong na sino, ano, saan,
kailan, bakit at paano naganap ang pangyayari. Habang isinusulat ang susunod na
talata, papaunti na ang mga impormasyong inilalahad at nagsisilbing suporta nito sa
naunang talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Ulat

1. Magsaliksik at magtanong tungkol sa paksang nais isulat. Mangalap ng sapat na


impormasyon tungkol dito.
2. Isulat ang pinakamahahalagang detalye o impormasyon ng balita sa unang
talata.
3. Isaisip o itala ang mga tanong na dapat sagutin ng katawan ng balita.
4. Gumamit ng simple at direktang salita. Iwasan ang mga salitang makapagbibigay
ng ibang kahulugan.
5. Gawing payak, tuwiran at maikli ngunit malinaw ang pagsulat ng balita.

8
Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng balita.

Bilang ng kaso ng COVID-19, batayan ng quarantine status sa Abril


Ni: May Crisette L. Magayon

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikokonsidera ang pagtaas ng


kaso ng COVID-19 sa magiging estado ng quarantine sa buwan ng Abril.
Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso sa lungsod ng Pasay at
iba pang bahagi ng buong kamaynilaan.
Sinabi ni Nograles na patuloy nilang babantayan ang mga kaso ng
COVID-19 ngayong Marso upang maging batayan ng quarantine status sa
Abril. Nito lamang nakaraang araw ay 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang
naitala ng Kagawaran ng Kalusugan kaya’t pinulong na rin ng Kagawaran ang
mga ospital sa kamaynilaan upang pag-usapan ito.

Balitang Pang-isport

Kabilang sa mga uri ng ulat ay ang balitang pampalakasan o pang-isport.


Naglalaman ito ng mga kaganapang may kinalaman sa larangan ng palakasan sa
loob o labas ng bansa.

Mga Bahagi o Nilalaman ng Balitang Pang-isport

May dalawang mahalagang bahagi ang balitang pang-isport: ang panimula o


lead at ang katawan ng balita.

Ang panimula o lead ay karaniwang sumasagot sa sumusunod:

1. Sino ang nanalo? 5. Kailan idinaos ang laro?


2. Anong laro ang pinaglabanan? 6. Sino ang nagpanalo ng laro?
3. Ano ang naging iskor? 7. Anong estratehiya ang ginamit?
4. Saan ginanap ang laro? 8. Bakit mahalaga ang larong ito?

Ang katawan ng balita ay karaniwang kinabibilangan ng sumusunod:

1. tulay o bridge - talata na nagbibigay ng pansuportang detalye


2. mahalagang bahagi ng laro
3. mga direktang salita na mula sa mahahalagang manlalaro
4. mga tunggalian sa laro o pangyayaring nakaapekto sa pagkapanalo o
pagkatalo ng manlalaro o koponan
5. mahahalagang tala o kahalagahan ng pagkapanalo sa laro

9
Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng panimula o lead ng balitang
pang-isport.

Nagpakawala ng dalawang magkasunod na three-point shots si Alex Espiritu


ng Bulacan Warriors sa huling 30 segundo ng last quarter upang malamangan
ang Pampanga Knights, 81-79 sa Quarterfinals ng Men’s Basketball sa Provincial
League sa Bulacan Sports Complex noong Sabado.

Sa panimula o lead pa lamang ay nakapaloob na ang mahahalagang detalye ng


laro. Kung susuriin ang panimula, masasagot na ang sumusunod:

1. Sino ang nanalo? Bulacan Warriors


2. Ano ang pinaglabanan? Men’s Basketball
3. Anong torneo? Provincial League
4. Anong yugto? Quarterfinals
5. Ano ang naging iskor? 81-79
6. Saan ginanap ang laro? Bulacan Sports Complex
7. Kailan idinaos ang laro? Sabado
8. Sino ang nagpanalo ng laro? Alex Espiritu
9. Bakit siya ang key player ng laro? Nagpakawala siya ng dalawang three-point
shots na magkasunod sa huling 30 segundo

Liham sa Editor

Ang liham sa editor o liham sa patnugot ay isang uri ng liham-pangalakal.


Isinusulat ito upang ipaabot sa editor ng pahayagan ang saloobin ng mambabasa
patungkol sa isang mahalagang isyu, usapin o artikulo.

Mga Layunin sa Pagsulat ng Liham sa Editor

1. Paghahanap o panghihingi ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang isyu


2. Pagpapahayag ng suporta sa adhikain ng isang tao o samahan
3. Pagwawasto sa impormasyon na nailathala sa isang artikulo sa pahayagan
4. Panghihikayat sa mambabasa na umaksyon o kumilos bilang tugon sa isang
mahalagang isyu o usapin
5. Pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa gawain ng isang samahan na may
kinalaman sa isang napapanahong kaganapan

10
Mga Bahagi ng Liham sa Editor

1. Pamuhatan: Matatagpuan dito ang tirahan ng sumulat at petsa kung


kailan isinulat ang liham.
2. Patunguhan: Ito ay kinapapalooban ng pangalan o katungkulan ng
susulatan, pati na rin ang kaniyang tanggapan o opisina.
3. Bating Panimula: Naglalaman ito ng magalang na pagbati at ginagamitan ng
bantas na tutuldok.
4. Katawan ng Liham: Sa bahaging ito, tuwirang inilalagay ang nais sabihin ng
sumulat ng liham.
5. Bating Pangwakas: Ito ang bahaging nagtataglay ng maikli at magalang na
pamamaalam.
6. Lagda: Dito matatagpuan ang buong pangalan ng sumulat at
kaniyang pirma sa ibabaw nito.

Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng liham sa editor.

Paaralang Sentral ng San Rafael


Libis, San Rafael, Bulacan
Ika-31 ng Mayo, 2021

Ang Manileňo
Gregorio Araneta Avenue
Quezon City, Philippines

Mahal na Patnugot:

Bilang isang guro sa ikaanim na baitang ay labis akong nagalak nang


mabasa ko ang inilathala ninyong artikulo noong ika-24 ng Mayo, 2021 patungkol
sa proyektong “Basura Mo, Diploma Ko”. Ang ganitong uri ng inisyatibo ay
nakatutulong na mabawasan ang basura at makapagtapos sa antas elementarya
ang maraming mag-aaral.
Kaugnay nito, nais kong ipabatid ang aming pagsuporta sa ganitong
adhikain kaya naman amin ding isasagawa ang kahalintulad na proyekto sa
aming paaralan upang matulungan ang mga mag-aaral namin sa ikaanim na
baitang.
Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

May Crisette L. Magayon

11
Iskrip para sa Radio broadcasting at Teleradyo

Ang iskrip na panradyo ang nakatitik na bersiyon o manuskrito na nagsisilbing


gabay kung paano ang magiging daloy ng isang programang panradyo. Nakasulat
dito ang mga sasabihin at gagawin ng host o anchor ng programa, pati na rin kung
kailan at paano sasabihin o gagawin ito.

Sapagkat ang radio broadcasting ay batay sa tunog at hindi nakikita ng mga


tagapakinig ang pangyayari, mahalaga ang pagkakaroon ng iskrip para sa maayos
na pagdaloy ng programa. Sa pamamagitan ng iskrip, natitiyak na wasto ang
impormasyon at nailalahad ito nang buo sa nakalaan o itinakdang oras.

Mga Terminolohiyang Ginagamit sa Iskrip ng Radio broadcasting

1. Station ID: Ito ang linyang ginagamit upang ipakilala ang estasyon ng radyo.
Halimbawa: Mula sa himpilan ng katotohanan,
Miyembro ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng
Pilipinas, ito ang DZRX 935.

2. Program ID: Ito naman ang linyang ginagamit para ipakilala ang pangalan ng
programa.
Halimbawa: Boses ng Bayan, sa inyong talapihitan.

3. Teaser: Tumutukoy ito sa linyang naglalayong tawagin ang pansin o


hikayatin ang mga tagapakinig sa manatiling nakasubaybay.
Halimbawa: Kailan nga ba matatapos ang ating laban sa sakit na
ito? Sabay-sabay nating alamin mula sa ating
panauhin.

4. Bumper: Sinasabi ang linyang ito bago ang commercial break upang
ipabatid sa mga tagapakinig na magbabalik pa ang programa.
Halimbawa: Magbabalik ang ating programa makalipas ang ilang
paalala.

5. Billboard: Ito ang linyang binabanggit upang ipagbigay-alam sa mga


tagapakinig kung sino ang mga tagapagtangkilik o sponsors ng
programa.
Halimbawa: Ang programang ito ay hatid ng…

12
Halimbawa ng Payak na Balangkas ng Iskrip para sa Radio broadcasting

Petsa:
Pangalan ng Estasyon:
Pangalan ng Programa:
Araw ng Pagsasahimpapawid:
Oras ng Pagsasahimpapawid:
Pangalan ng Host o Anchor:
Station ID:
Program ID:

Unang Bahagi

Host 1: (Pagbati at Pagbubukas ng Programa)


Host 2: (Pagbati at Paanyaya sa mga Tagapakinig)
Patalastas: (Maaaring isa o higit pa mula sa mga sponsor)

Ikalawang Bahagi
Program ID:
Host 1:
Tagapagbalita 1:
Host 2:
Tagapagbalita 2:
Host 1: (Bumper)
Patalastas

Ikatlong Bahagi
Program ID:
Host 1:
Panauhin:
Host 2:
Panauhin:
Host 1: (Billboard)
Station ID:

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Iskrip para sa Radio broadcasting


1. Pumili ng napapanahong paksa upang maging kawili-wili sa mga tagapakinig.
2. Mag-ingat sa pagpili ng mga salita at tiyaking angkop ito sa mga tagapakinig.
3. Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.
4. Tiyaking mabibigkas nang maayos, maliwanag at may damdamin ang iskrip.
5. Pumili ng angkop na musika at tunog na lalong makapagpapaganda sa daloy ng
programa at makatutulong upang manatiling nakatutok ang mga tagapakinig.

13
Pagyamanin

Gawain 1
A. Panuto: Tukuyin ang mahahalagang impormasyon mula sa balita sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga salitang pananong sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Buwan ng Wika, Ipinagdiwang


Ni: May Crisette L. Magayon

Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika sa Paaralang Elementarya ng Masagana


noong ika-31 ng Agosto, 2020 na may temang “Wika ng Kasaysayan,
Kasaysayan ng Wika”. Inilunsad ito ng mga guro sa Filipino, sa pangunguna ng
punong guro ng paaralan, Gng. Normita S. Julian. Idinaos ang pagdiriwang na ito
bilang pagbibigay-pugay sa ating sariling wika.
Nagbahagi ng maikling talumpati ang punong guro sa pagtatapos ng
pagdiriwang. Hinikayat niya ang mga mag-aaral na mahalin ang sariling wika at
patuloy itong pagyamanin sa pamamagitan ng palagiang paggamit nito

1. Sino: ________________________________________________________
2. Ano: ________________________________________________________
3. Saan: ________________________________________________________
4. Kailan: ________________________________________________________
5. Bakit: ________________________________________________________

B. Panuto: Sumulat ng isang balita gamit ang mga ibinigay na detalye. Tiyaking
masasagot ang mahahalagang tanong. Gawin ito sa iyong sagutang
papel. (1 puntos para sa bawat detalyeng nakapaloob)

Mga detalye: - Isang malakas na bagyo ang papasok sa Pilipinas bukas.


- Kumikilos ito sa bilis na 220 kilometro bawat oras.
- Pinag-iingat ang lahat dahil malakas ang alon
- Maaaring tumaas ang lebel ng tubig
- Pinapaalalahanan ang lahat ng paghandaan ang bagyo.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

14
Gawain 2
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang panimula ng balitang pang-isport sa loob ng
kahon. Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Nagsanib-puwersa sina Albert Torres at Kenneth Cruz upang iangat sa finals


ang San Rafael Tamaraws makaraang suwagin ang San Miguel Lions, 91-85 sa
do or die match ng Men’s Basketball sa Municipal Basketball Invitational
Tournament noong Linggo sa Victory Coliseum.

1. Sino ang nanalo o nagwagi sa laro?

_______________________________________________________________

2. Ano ang pinaglabanan?

_______________________________________________________________

3. Anong torneo?

_______________________________________________________________

4. Anong yugto?

_______________________________________________________________

5. Ano ang naging iskor?

_______________________________________________________________

6. Saan ginanap ang laro?

_______________________________________________________________

7. Kailan idinaos ang laro?

_______________________________________________________________

8. Ano ang kahalagahan ng laro?

_______________________________________________________________

9-10. Sino-sino ang nagpanalo sa laro?

_______________________________________________________________

15
Gawain 3
A. Panuto: Pagtapatin ang mga paglalarawan sa Hanay A sa mga bahagi ng liham
sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

___ 1. Naglalaman ito ng magalang na pagbati a. Bating pangwakas


at ginagamitan ng bantas na tutuldok
___ 2. Matatagpuan dito ang pangalan o b. Bating panimula
katungkulan ng susulatan
___ 3. Sa bahaging ito tuwirang inilalahad ang c. Katawan ng liham
mensaheng nais iparating ng sumulat
___ 4. Mababasa rito ang tirahan ng sumulat d. Lagda
pati ang petsa ng pagsulat ng liham
___ 5. Naglalaman ng maikli at magalang e. Pamuhatan
na pamamaalam ang bahaging ito
f. Patunguhan

B. Panuto: Sumulat ng liham sa editor gamit ang sumusunod na impormasyon.


Tiyaking maisasama ang mga pangunahing bahagi ng liham. Gumamit
ng wastong kapitalisasyon at bantas sa pagsulat. Gawin ito sa iyong
sagutang papel. (1 puntos para sa bawat bahagi ng liham)

Pamuhatan: Ang liham ay mula sa Paaralang Elementarya ng Caingin


na matatagpuan sa Caingin, San Rafael, Bulacan. Ito ay
isusulat sa ika-4 ng Hunyo, 2021.

Patunguhan: Ipadadala ang liham sa Ang Bulakenyo na may opisina o


tanggapan sa Provincial Capitol Compound sa Lungsodn
ng Malolos sa Bulacan.

Bating Panimula: Sumulat ng angkop na bating panimula.

Katawan ng Liham: Sa bahaging ito, ipababatid mo sa patnugot ng


pahayagang panlalawigan na “Ang Bulakenyo” na gusto
mong ipasa ang isinulat mong tula dahil naaayon ito sa
tema ng susunod na isyung ilalabas ng pahayagan.
Susubukan mong kumbinsihin ang patnugot at sasabihin
mo sa kaniya ang mga dahilan kung bakit nararapat nilang
isama ang iyong tula sa kanilang pahayagan.

Bating Pangwakas: Sumulat ng angkop na bati ng pamamaalam

Lagda: Isulat ang iyong pangalan at pirmahan ang ibabaw nito.


16
____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________:

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

____________________,

____________________

17
Isaisip
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan ng
aralin. Piliin ang mga salita mula sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

Ang (1) _______________ o diyaryo ay babasahing naglalaman ng


pinakabagong impormasyong nangyayari sa paligid sa (2) _______________.
Ang (3) _______________ ay isang napapanahong pangyayari na naglalayong
magbigay ng impormasyon sa mambabasa. May iba’t ibang uri ito ayon sa sakop at
(4) _______________.
Sa pagsusulat ng balitang pang-isport, karaniwang ipinapaloob ang dalawang
mahalagang bahagi: ang (5) _______________ at ang (6) _______________.
Isa sa mga uri ng liham-pangalakal ang (7) _______________ na naglalayong
ipaabot sa patnugot ng pahayagan ang saloobin ng nagsusulat patungkol sa isang
mahalagang isyu, usapin o (8) _______________.
Ang (9) _______________ ang nakatitik na bersiyon o manuskrito na
nagsisilbing gabay ng programang panradyo. Dito nakasulat ang mga sasabihin at
gagawin ng host o (10) _______________ ng programa.

araw-araw anchor artikulo iskrip na panradyo


katawan ng balita liham sa editor pahayagan paksa
panimula o lead ulat o balita

Isagawa

Panuto: Maghanap ng isang lumang pahayagan. Suriing mabuti ang mga bahagi
nito. Isulat ang ulo ng balita o headline nito sa iyong sagutang papel.

1. Balitang lokal: ________________________________________


2. Balitang pambansa: ________________________________________
3. Balitang pandaigdig: ________________________________________
4. Balitang pang-isport: ________________________________________
5. Balitang pangkalusugan: ________________________________________
6. Balitang pang-edukasyon: ________________________________________
7. Balitang pampolitika: ________________________________________
8. Balitang pangkapaligiran: ________________________________________
9. Balitang pangkabuhayan: ________________________________________
10. Balitang panlibangan: ________________________________________

18
Tayahin

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon sa loob ng kahon.


Sumulat ng panimula o lead ng balitang pang-isport gamit ang mga
ibinigay na detalye. Gumamit ng wastong kapitalisasyon at bantas.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sino ang nanalo? San Gabriel Angels


Ano ang pinaglabanan? Women’s Basketball
Anong torneo? Municipal Invitational League
Anong yugto? Semifinals
Ano ang naging iskor? 83-81
Saan ginanap ang laro? San Rafael Sports Complex
Kailan idinaos ang laro? Linggo
Sino ang nagpanalo ng laro? Francine Reyes
Bakit siya ang nagpanalo ng laro? Nakapagbuslo siya ng isang three-point
shot sa huling limang segundo ng laro

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Panimula ng Balitang Pang-isport

Gabay sa Pagwawasto Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)
1. Nailahad ba ang mahahalagang detalye
sa isinulat na panimula?
2. Kumpleto ba ang mga detalye sa
panimula?
3. May kaisahan ba ang mga
pangungusap?
4. Nakasunod ba sa wastong paggamit ng
kapitalisasyon at bantas?
5. Naisulat ba ang panimula sa maaksyon at
kawili-wiling paraan?

19
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balangkas ng iskrip na panradyo sa loob
ng kahon. Punan ang balangkas upang makasulat ng isang maikling iskrip
para sa mabilisang pagbabalita o flash report tungkol sa mga alituntuning
ipinatutupad sa inyong barangay upang makaiwas sa COVID-19.
Gumamit ng wastong kapitalisasyon at bantas. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Araw at Oras ng Pagsasahimpapawid : ___________________________


Pangalan ng Estasyon : ___________________________
Pangalan ng Programa : ___________________________
Pangalan ng Tagapagbalita o Anchor : ___________________________

Station ID : _________________________________________________
Program ID : _________________________________________________
Teaser : _________________________________________________

Anchor : _________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Bumper : _________________________________________________
Patalastas : _________________________________________________
_________________________________________________
Billboard : _________________________________________________
Host : _________________________________________________
Station ID : _________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Iskrip na Panradyo

Kraytirya Laang Aking


Puntos Puntos
Nakabuo ng iskrip ayon sa balangkas na ibinigay 5
Maayos at makatotohanan ang inilahad na balita sa
kabuoan ng iskrip 5
Nakapaglapat ng angkop at kawili-wiling pahayag,
patalastas, tunog o musika sa kabuoan ng iskrip 5
Malinaw at kahika-hikayat ang nabuong iskrip 5
Kabuoang Puntos 20
Pamantayan: 5 - Napakahusay 2 - Hindi gaanong mahusay
4 - Mahusay 1 - Hindi nakasunod sa kraytirya
3 - Katamtaman

20
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang maikling iskrip na panradyo para sa tatlo hanggang
limang minutong pagbabalita gamit ang balangkas ng iskrip sa loob ng
kahon. Iulat ang kasalukuyang pangyayari sa modaliti o paraan ng
pag-aaral na ipinatutupad sa inyong paaralan. Gawin ito sa malinis na
papel.

Araw at Oras ng Pagsasahimpapawid:


Pangalan ng Estasyon:
Pangalan ng Programa:
Pangalan ng Tagapagbalita:

Station ID:
Program ID:
Host: (Pagbati, Pagbubukas ng Programa at Pagpapakilala sa
Tagapagbalita)
Tagapagbalita: (Magbalita ng isang kasalukuyang pangyayari sa modaliti o
paraan ng pag-aaral na ipinatutupad sa inyong paaralan.)
Bumper:
Patalastas:
Host: (Ipagpapatuloy ang programa)
Tagapagbalita: (Magbalita ng mga pag-iingat na ginagawa sa inyong
paaralan upang mapanatiling ligtas ang lahat sa COVID-19.)
Billboard:
Host:
Station ID:

Rubriks sa Pagsulat ng Iskrip na Panradyo

Kraytirya Laang Aking


Puntos Puntos
Nakabuo ng iskrip ayon sa balangkas na ibinigay 5
Maayos at makatotohanan ang inilahad na balita sa
kabuoan ng iskrip 5
Nakapaglapat ng angkop at kawili-wiling pahayag,
patalastas, tunog o musika sa kabuoan ng iskrip 5
Malinaw at kahika-hikayat ang nabuong iskrip 5
Kabuoang Puntos 20
Pamantayan: 5 - Napakahusay 2 - Hindi gaanong mahusay
4 - Mahusay 1 - Hindi nakasunod sa kraytirya
3 - Katamtaman

21
22
Subukin Pagyamanin (Gawain 1) Isaisip
Iba iba ang A. 1. Gng. Normita S. Julian 1. pahayagan
inaasahang 2. Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2. araw-araw
isusulat ng 3. Paaralang Elementarya ng Masagana 3. ulat o balita
bawat 4. Ika-31 ng Agosto, 2020 4. paksa
mag-aaral. 5. Upang magbigay-pugay 5. panimula o lead
sa ating sariling wika 6. katawan ng balita
B. 6-10. Maaaring magkaiba-iba 7. liham sa editor
ang isusulat na balita 8. artikulo
ng bawat mag-aaral 9. iskrip na panradyo
batay sa kaniyang karanasan. 10. anchor
Balikan Pagyamanin (Gawain 2) Isagawa
1. a 1. San Rafael Tamaraws 1-10. Iba-iba ang
2. a 2. Men’s Basketball inaasahang
3. b 3. Municipal Basketball Invitational Tournament tugon ng bawat
4. d 4. finals mag-aaral
5. a 5. 91-85 batay sa
6. a 6. Victory Coliseum pahayagan na
7. d 7. Linggo kanilang
8. a 8. Do or die match para makapasok sa finals gagamitin.
9. a 9. Albert Torres
10. d 10. Kenneth Cruz
Tuklasin Pagyamanin (Gawain 3) Tayahin
1. T A. 1. b Iba iba ang inaasahang
2. M 2. f isusulat ng bawat
3. M 3. c mag-aaral.
4. T 4. e
5. T 5. a Karagdagang Gawain
6. M B. 6-10. Maaaring magkaiba-iba Iba iba ang inaasahang
7. T ang isusulat na liham sa editor isusulat na iskrip ng
8. M ng bawat mag-aaral bawat mag-aaral.
9. T batay sa kaniyang karanasan.
10. M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Austria, Soledad M., Legaspi, Ruth L. & Lalunio, Lydia P. Bagong Filipino Tungo sa
Globalisasyon 5. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2014.

Baisa, Ailene G. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 6, Ikalawang Edisyon.


Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc. 2018.

Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6, Binagong Edisyon. Quezon City, Philippines:


EduResources Publishing, Inc. 2011.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs) PDF File.


Filipino 6, 168. 2020.

Gugol, Ma. Victoria A., Salangsang, Sheila M., Tolosa, Marites L., Villafuerte,
Patrocinio V. & Lalunio, Lydia P. Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon 6.
Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2014.

Lalunio, Lydia P., Ril, Francisca G. & Villafuerte, Patrocinio V. Hiyas sa Pagbasa
Batayang Aklat sa Filipino 5. Quezon City, Philippines: LG&M Corporation. 1999.

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika 6, Binagong Edisyon. Quezon City, Philippines:


EduResources Publishing, Inc. 2011.

Marasigan, Emily V., Tesalona, Louie C. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 6:
Wika at Pagbasa para sa Elementarya. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017.

Ortega, William C. Aklat Sanayan sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan. City of


Malolos, Bulacan. ND.

Patena, Arlene R. & Dimalanta, Merlita R. Komunikasyon 5, Binagong Edisyon.


Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc. 2011.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

24

You might also like