You are on page 1of 2

Appeal to Popularity (script)

Mga Tauhan:

 Tagapagsalysay – tagapagsalaysay ng kwento


 Mag – aaral 1 ( ) – top sa klase
 Tagapayo
 Guidance Counselor
 Mga kaklase

TAGAPAGSALAYSAY:
Sa presenteng panahon, ang mga kabataan sa mata ng mga matatanda ay mga basag
– ulo, panay lakwatsa, walang galang, puro bisyo at waldas sa pera. Ngunit makikita sa
isang pampublikong paaralan ng sekundarya, ang mga masisipag na mag – aaral na
nagsususmikap na makatapos. Si (mag – aaral 1), ang top sa buong batch na panay pag –
aaral ang inaatupag at sa katunayan walang pumapalit sa kanya.
May biglaang pagsusulit na binigay ang kanilang tagapayo….
Tagapayo: Magandang Hapon! Kumuha ng isang buong papel, magkakaroon tayo ng
mahabang pagsusulit.
Mga mag – aaral: Sir, hindi po kami nakapag – aral ng mabuti. Pwede po ba na ipagpaliban
natin ang pagsusulit.
Tagapayo: Sinabihan ko na kayo na may oras sa laro at bigyang oras ang pag – aaral.
Mga kaklase: men, pagayahin mo na lng kami, senyas ka na lang, kindat ka pag letter A, kiss
pag letter B. flying kiss naman pag C at pag D labas mo dila mo.
Mag – aaral 1 : Oo Men. Para sabay sabay tayo magtatapos.
At nagsimula na ang pagsusulit.
Tagapayo: Pwede bang uminom ng coke pag coffee break? A. Oo B. Hindi C. Pwede D.
Ewan
Mga kaklase: pssst! Anong answer?
Mag – aaral 1: (sabay senyas ng flying kiss)
Tagapayo: Number 2. Ang paksiw ba na bangus kapag napanis maasim? A. Hindi B. Oo C.
Pwede D. Ewan
Mga kaklase: Number 2 men?
Mag – aaral: (sabay kiss)
Tagapayo: Tapos na? Number 3. Pwede bang umutot at dumighay ng sabay? A. Oo B. Hindi
C. Pwede D. Ewan
Mga kaklase: Number 3 men?
Mag – aaral 1: (D. ewan sabay senyas)
At natapos ang pagsusulit na lahat ay nakakuha ng matataas na marka.
Nagkayayaan ang mga magkaklase nang magkaroon ng bakanteng oras.
Mga kaklase: Tara yosi muna tayo Men, may dala ako.(sabay yaya sa mga kaklase pati sa
top 1)
Mag – aaral: Hindi ako nagyoyosi. Tsaka baka mahuli tayo, nasa hand – out yan.
Mga kaklase: Wala yan. Halos lahat naman naninigarilyo, ikaw na lang ang hindi. Enjoyin
mo rin ang buhay kabataan mo. Kung ayaw mo talaga, sama ka lang sa labas.
Mga kaklase: Tara! Doon tayo likod.
Sabay sabay na tumungo ang mga studyante sa likod ng gymnasium upang
manigrailyo. Lingid sa kanilang kaalaman, nakita sila ng janitor at isinumbong sa principal.
Pinatawag ang lahat sa guidance office.
Mag – aaral 1: Sir, hindi po ako nanigarilyo.
Guidance Counselor: Kahit na kasama ka pa rin nila. Ikaw pa naman ang top sa inyong
batch, hindi mo man lang sila pinigilan. Hindi porke, sa paningin ng karamihan ay tama,
gagayahin niyo na. Hindi ibig sabihin ginagawa ng lahat ay tama.
Mga Mag – aaral: Sorry po Sir. Hindi na po mauulit.
At doon nagtatapos ang kwento.

MEMBERS:

You might also like