You are on page 1of 1

Alexa Gomez 12-STEM C

Kahalagahan ng Edukasyong Sekswal sa mga estudyanteng Kabataang nagaaral sa The Mabini

Academy Sy.2020-2021.

Abstrak

Ang pag-aaral ng edukasyong sekswal ay isa sa mga solusyon na ating maaaring isagawa upang

malunasan ang lumolobong bilang ng mga kabataang maagang nagkakapamilya. Sa pahayagan ng

Pilipino Star Ngayon (2009), Ayon sa kanila malaking bagay ang maitutulong ng edukasyong sekswal sa

mga kabataan sapagkat maaari nila itong maging gabay sa maayos at tamang pagpaplano sa kanilang

hinaharap upang mabigyan nila ng maayos na tirahan at pagkain ang kanilang magiging pamilya. Ang

layunin ng pag-aaral na ito na maipaliwanag ang kahalagahan na dulot ng pag-aaral ng edukasyong

sekswal at mailahad ang mga negatibo at positibong epektong hatid ng edukasyong sekswal sa mga

kabataan. Sa mga impormasyon ating mababasa ay mapapatunayan na ang kakulangan sa pag-aaral ng

edukasyong sekswal ay isang daan upang magsanhi ng maagang pagpapamilya ang isang kabataan dahil

sa kuryosidad at kakulangan sa kaalaman tungkol ditoat dahil na rin sa impluwensiya ng mga taong

nakapaligid sa kanila. Ang papel na ito ay naisagawa dahil sa mga datos na nakalap galling sa mga taong

nagbabahagi ng kanilang sariling pananaw at galling sa mga artikulo at mga pananaliksik na nabasa. Ang

edukasyong sekswal ay pagtuturo ng mga bagak na patungkol sa sekswal na responsibilidad ng isang

indibidwal.

You might also like