You are on page 1of 6

Tanong 3: Para sa iyo ano ang mas gusto mong wika na gamitin sa pagpapalaganap ng

impormasyon? Wikang Filipino o Wikang Ingles? Bakit?


Respondent 1 Wikang Filipino, nang sa gayon ay mas lubusan itong maintindihan ng mga
nakakarami at mas mabilis maisaisip ang mga impormasyon
Respondent 2 Para sa akin, ang Wikang Filipino ay mas mainam na gamitin sa
pagpapalaganap ng impormasyon dahil ito ang mas naintindihan ng mga
Filipino dahil ito ang inang wika.
Respondent 3 n
Respondent 4 wikang filipino, dahil nakatira ako sa Pilipinas at karamihan sa mga mamayan
nito ay wikang filipino ang gamit
Respondent 5 Wikang Ingles. Sapagkat, dito ako mas nasanay at mas nadadalian akong
unawain ito kaysa sa sarili nating wika.
Respondent 6 Wikang Filipino sapagkat tayo ay pilipino at marami sa ating di masyadong
nakakaunawa kung ingles kagaya ng mga taga probinsya na malayo layo sa
atin.
Respondent 7 Wikang Ingles ang nais kong gamitin sa pagpapalaganap ng impormasyon.
Parehong ginagamit ang wikang Ingles at Filipino sa ating bansa, at bawat isa
ay may mga pakinabang at disadvantage pagdating sa pamamahagi ng
impormasyon. Gayunpaman, maaaring maging mas kapaki-pakinabang ang
wikang Ingles dahil ang wikang Ingles ay isang internasyonal na wika na
ginagamit ng maraming tao sa buong mundo. Ang paggamit ng Ingles sa
pagpapalaganap ng impormasyon ay may potensyal na umabot sa mas
malaking populasyon, kabilang na rito ang mga non-Filipino speakers sa loob
o labas man ng Pilipinas. Sa pamamagitan din ng pagpapakalat ng
impormasyon gamit ang wikang ito, mas nagkakaroon ng pagkakataon ang
bawat indibidwal na ma-access ang isang malawak na hanay ng mga
mapagkukunan ng kaalaman na maaaring magamit lamang sa wikang Ingles
(walang katapat na kahulugan sa wikang FIlipino).
Respondent 8 Para sa akin, mas gusto ko ang Wikang Filipino since ang Wikang Filipino ay
ang opisyal na wika ng Pilipinas, nakakatulong ito na magbigay ng
pagkakataon upang mas mapalaganap ang impormasyon sa mas malawak na
sakop ng mga Pilipino, partikular sa mga hindi gaanong pamilyar sa Wikang
Ingles.
Respondent 9 Pareho, sapagkat ito ang ating nakasanayan bilang mga mag-aaral
Respondent 10 Mas gugustuhin ko ang Wikang Filipino dahil mas lubusan kong naiintindihan
ito kumpara sa Wikang Ingles.
Respondent 11 Wikang ingles, sapagkat mas madaling intindihin Ito.
Respondent 12 Para saakin mas ayos kung gagamitin natin ang wikang filipino dahil paano
naman yung ibang tao na hindi gaano kagalingan umintindi ng english tsaka
ang mga health announcements ay hindi lang para sa mga gaya nating mag
aaral kundi para sa lahat mapa matanda man o bata kaya mabuti pa rin na sa
wikang filipino para lahat naiintindihan
Respondent 13 Para saakin ay wikang Filipino dahil dito sa ating bansa ay hindi naman lahat
nakakaintindi ng ingles sa kadahilanan na may mga tao na mahina sa ingles
at hindi naaral nang mabuti kaya para saakin ay mainam na wikang filipino
ang gamitin dahil ito ang ating wikang unang natutuhan.
Respondent 14 Para sakin maganda na parehas halimbawa may translation para kung hindi
ko maintindihan ay may isa pang wika na naka doon ay maintindihan ko na
pero kung para sa lahat pipiliin ko na ingles dahil ito ang universal na wika ng
lahat.
Respondent 15 dahil ako ay mas mahusay sa pag-intindi sa wikang ingles, ito ang aking nais
na wika na mabasa sa mga impormasyon o anunsyo na ibinibigay. nais ko rin
na wikang ingles upang hindi na mas'yadong mahirapan ang mga nagbibigay
ng impormasyon sa pagsasalin ng mga medical na terminolohiya na ginamit
sa mga anunsyo at sa pag-ayos ng kabuang impormasyon na ibibigay upang
hindi ito magresulta ng misinformation.
Respondent 16 Wikang Filipino at Wikang Ingles sapagkat mahahalagang impormasyon ang
pinapalaganap at importante na maintindihan ito ng bawat isa.
Respondent 17 Wikang Filipino, sa kadahilanan na mas pamilyar ako sa mga salita na naka
tagalog at ito ay mas mabilis kong naiintindihan
Respondent 18 Gaya nga Ng Sabi ko sa q1 para sakin mainam na wikang Filipino Ang gamitin
sa pag anunsyo nangsa gayon ay maiintindihan ng lubos Ang mga anunsyo sa
mga magulang at maging sa mga bata.
Respondent 19 Sa aking perspektiba, mas maiintindihan ng lahat kung tayo ay gagamit ng
wikang Filipino sa pagpapalaganap ng impormasyon. Wala akong problema
sa paggamit ng wikang Ingles ngunit hindi lahat ay may kakayahan na
intindihin ang lenggwaheng ito. Paano magkakaroon ng pagkakaisa ang isang
lipunan o bansa kung gagamit tayo ng wikang pili lamang ang makakaintindi at
makakabasa?
Respondent 20 Wikang Filipino sapagkat mas madaling intindihin ang tagalog na
impormasyong babasahin.
Respondent 21 Para sa akin ay Wikang Filipino bakit? Dahil ano pa ba ang wika natin diba
wikang filipino? Dapat ay mas pinapalalim pa natin ang mga kaalaman natin
dito dahil sa panahon ngayon marami ng mga Filipino ang nasasanay sa
wikang ingles bagama't mas marami pa din sa mga Filipino hindi alam kung
paano nga ba maging isang tunay na Filipino? Hindi ba dapat minamahal natin
ang ating sariling Wika? Kaya para sa akin ay Wikang Filipino dahil
pinagmamalaki ko ang aking pagiging isang tunay na Filipino.
Respondent 22 Para sa akin ay mas mabuting nasa wikang Filipino ang mga pagpapalaganap
ng impormasyon. Alam natin na ang wikang Ingles ay pang internasyonal na
wika, sa kabila nito, hindi natin ito madalas gamitin sapagkat may mga kapwa
tayong pilipino na hindi nakakaintindi ng wikang Ingles. Kung sa gayon, ay
mas nakabubuti nang gamitin ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles.
Respondent 23 Ito ay nakadepende kung ang pagbibigyan ko ng impormasyon ay kung saan
mas preferred kung wikang Tagalog ba o wikang ingles.
Respondent 24 Para sa akin ay wikang Filipino dahil mas naiintindihan at mas maraming
nakakaintindi nito sapagkat ang iba naman nating kapwa Pilipino ay hindi
nakakaintindi ng ingles.
Respondent 25 Mas gugustuhin ko ang wikang Filipino dahil sa tingin ko mas mauunawaan ko
ang mga nakasulat kahit pa marunong ako umintindi ng Ingles.
Respondent 26 Sa aaking palang mas maganda na parehas silang gagamitin dahil hindi lahat
ng salita ay may salin sa filipino at sa ingles kaya mas maganda kung sila ay
parehas na gagamitin
Respondent 27 Para sa'kin pareho, dahil kagaya ng sinabi ko kanina iba-iba ang nakalakihang
wika ng mga tao sa lipunan. Kapag parehong lenggwahe ang ginamit mas
magkakaunawaan at maiintindihan ng maayos ang impormasyon na nais
ipabatid.
Respondent 28 Para sa akin, kahit na sa panahong ito ay mas laganap na ang paggamit ng
wikang ingles ay mas pipiliin ko pa rin na sarili nating wika ang gamitin sa
ating bansa upang mas mapaunlad pa ang kung anong mayroon tayong mga
Pilipino. Tayo dapat mismo ang unang tumatangkilik ng sariling atin.
Respondent 29 para sa akin ay mas mauunawaan ko at ng mga pilipino ang wikang Filipino,
sapagkat dito tayo mas sanay na wika
Respondent 30 Parehas na pabor sakin ang dalawang wika ngunit mas gusto ko ang Ingles
dahil ito ay mas unibersal.
Respondent 31 Gusto ko sana parehas dahil hindi pwede wika tagalog lang dahil mas
mapapalalim ang akin kaalaman kung minsan ah wikang ingles din ang
gagamitin so parehas ang aking palagay
Respondent 32 Mas mabuti nang gamitin ang wikang Filipino kaysa sa Ingles para ito ay
maintindihan ang lahat na hindi na kailangan ipaliwanag pa ng iba.
Respondent 33 Para sa akin, mas preferred ko talaga ang wikang Ingles sa kadahilanang para
sa akin kasi, mas madali ko maintindihan ang mga bagay na related sa
science or health kapag ito ay nasa English na language. Why? Kasi may mga
specific terms na sa English lang meron, and in that way mas madali
maintindihan ang information using this language.
Respondent 34 Wikang ingles
Respondent 35 Wikang ingles. Nakasanayan ko na ang wilang ingles sa mga impormasyon na
babasahin.
Respondent 36 Wikang Ingles, dahil hindi ako gaanong nakakaintindi sa wikang Filipino lalo
na kapag ginagamitan na ng mga malalalim na salitang hindi pamilyar sa akin.
Respondent 37 Parehas, dahil ang iba ay hindi gaano nakakaintindi ng Wikang Ingles. Ngunit
mas mauunawaan naman ito ng mga dayuhan kung ito ay nakasaad sa
Wikang Ingles at ito ay nagpapakita ng pormal na pagbibigay ng
impormasyon, at para naman sa Wikang Filipino kung gagamitin ito sa
Pilipinas mas makakabuti din dahil na rin mas mabibigyan ng diin ang mga
Filipino upang mas maintindihan ito ng mabuti at magamit din ang ating
sariling wika.
Respondent 38 Para sa akin ay wikang Filipino. Ang paggamit ng wikang Filipino ay maaaring
maging mas nakakatulong sa pag-access ng impormasyon para sa mga
Pilipino na mas kumportable at pamilyar sa wikang ito. Ito ay isang paraan ng
pagsisiguro na mas maraming tao ang makakaintindi at makakakuha ng
impormasyon na ibinabahagi.
Respondent 39 Kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin kong magbasa ng impormasyon
sa Wikang Filipino. Halimbawa na lamang ay kapag may mga pagkakataong
bago sa aking pandinig ang isang salita sa Ingles, hahanapin ko pa ang ibig
sabihin nito sa tagalog, paano na lamang kung ang impormasyon ay
importante? Maglalaan pa ako ng oras para mag hanap sa internet ng ibig
sabihin ng salitang ingles na iyon sa tagalog. Kaya sa aking palagay, mas
mainam na ang mga impormasyon ay nakalathala sa wikang Filipino.
Respondent 40 Para sa akin mas pipiliin ko ang dalawang wika sapagkat, halos lahat ng mga
tao sa pilipinas ay nakakaintindi ng ingles. Gaya nang sinabi ko kanina,
kalahati ng populasyon sa ating bansa ay mga hindi nakakaintindi ng ingles
meron din naman mga banyangang naririto sa ating bansa na hindi pa
gaanong pamilyar sa wikang tagalog. Kaya mas pipiliin ko ang dalawang
wikang ibinigay.
Respondent 41 Para sa akin ang wikang filipino ang wika na gamitin sa pagpapalaganap ng
impormasyon dahil ito ang nakasanayan at dahil ito ay mas madaling
maintindihan.
Respondent 42 Wikang Filipino, dahil mas madaling intindihin
Respondent 43 Para sa akin parehong wikang Filipino at wikang ingles. Sapagkat wikang
filipino dahil hindi lahat nakakaintindi ng tagalog at wikang ingles dahil may
mga terminong mahirap itranslate sa tagalog at baka hindi rin maintindihan ng
ibang makakabasa.
Respondent 44 Nakadepende ito sa mga grupo o pangkat o target audience na ipinaparating
ng anunsiyo. Nang sa gayon ay mas maiintindihan ng tao ang layunin ng
impormasyon. Ayos lang sa akin kahit anong wika ang gamitin pagkat
naiintindihan ko naman parehong wika ng maayos.
Respondent 45 Mas nais kong gamitin ang wikang Filipino dahil ito ang kinasanayan ko at
tingin ko'y mas magiging pangmasa ito.Mas maiintindihan ito ng lahat pati na
rin ng mga taong nasa lansangan, lalo na ang mga napagkaitan ng
edukasyon.
Respondent 46 Wikang Filipino
Respondent 47 Wikang Ingles dahil mayroong mga Wikang Filipino na malalim ang kahulugan
at hindi ko ito gaanong maintindihan.
Respondent 48 Sa aking palagay mas maiintindihan ko ang mga impormasyon kung ito ay
nakasulat sa wikang filipino na ginagamit ko sa pang araw-araw.
Respondent 49 ingles. dahil lumaki akong wikang ingles ang ginagamit at mas nakakaintindi at
mas komportable sa wikang ito
Respondent 50 Wikang Ingles, sa kadahilanang mas gamay ko ang lenguaheng iyon kaysa sa
wikang filipino.
Respondent 51 Para sa akin, wikang ingles dahil marami sa mga Pilipino ang walang
masyadong kaalaman sa gramatika ng Filipino at mas maiintindihan ito gamit
ang wikang ingles lalo na kung pangkalusugan ang anunsyo.
Respondent 52 wikang ingles, hirap akong maka comprehend with filipino
Respondent 53 Ingles, mas sanay ako sa ingles at di gaano Tagalog
Respondent 54 wikang filipino kasi mas madaling maunawaan
Respondent 55 filipino minsan ingles depende kung gano kalalim ang paggamit ng salita
Respondent 56 Wikang Filipino dahil tayo’y pilipino may mga taong hindi maalam sa Ingles
kaya mas mabisa kung ang mga pagpapalaganap ng impormasyon ay
naaayon sa wikang nakasanayan natin
Respondent 57 Wikang Filipino. Dahil mas maiintindihan ito ng nakararami lalo na ng mga
Pilipino.
Respondent 58 Ingles, mas marami pa rin ako alam na mga salita sa wikang Ingles kesa sa
Wikang Filipino
Respondent 59 Wikang Filipino, dahil sa bandang Pilipinas na tayo at karamihan satin ay mas
hasa sa Wikang Filipino
Respondent 60 Kung ako ang papipiliin, mas gugustohin ko sanang gamitin ang Wikang
Ingles sa pagpapalaganap ng impormasyon dahil may mga natatanging salita
o konseptong hindi maisasalin sa Filipino, pero mas mainam pa rin kung naka
depende ang pagpili nito sa uri ng impormasyong nakapaloob sa anunsyo at
kung para kanino ito.
Respondent 61 Para sa akin, mas magandang Filipino ang gamitin. Ito ay dahil maaaring hindi
maintindihan ng mga mambabasa ang Ingles, at mas lubos na mauunawaan
ang impormasyon kung ang kanilang wika ay Filipino, at para mapahalagahan
ang wikang ang Filipino.
Respondent 62 Para sa akin mas gugustuhin KO Kung ingles ANG gagamitin na wika
sapagkat malalapalim nito ANG aking kaalaman sa ingles at vocabulary.
Respondent 63 Ingles, dahil mas ito ang nauunawaan kong wika at dito ako bihasa compare
sa Filipino.
Respondent 64 Mas mainam na ingles ang gamiting pang-anunsiyo sa pagpapalaganap ng
impormasyon lalo na kubg mataming terminolohiyang walang direktang
katumbas sa filipino. Subalit, kung ang iniisip natin ay mga pilipinong hindi
masyadong maalam sa ingles, mas mainam na filipino na lamang ang gamitin.
Maari ring parehas na lenggwahe ang gamitin nang sa gayo'y mas maraming
nararatibg ang impormasyong ibinabahagi.
Respondent 65 Wikang Filipino dahil sarili natin itong wika na dapat mas tinatangkilik at
kinikilala upang mas maging pamilyar tayo sa mga terminolohiya
Respondent 66 Mas mainam siguro na ito ay nasa Wikang Ingles dahil may mga
pagkakataong mahirap itranslate sa Filipino ang mga medical terms at baka
mas lalong hindi ito maintindihan ng mga tao. Tyaka may iba't ibang
lenggwahe ang mga Pilipino at yung iba hindi sila fluent sa Filipino.
Respondent 67 Ingles
Respondent 68 Filipino dahil mas maraming makakaintindi nito
Respondent 69 Wikang Filipino. Mas naiintindihan ito ng lahat.
Respondent 70 mainam na gamitin pa rin talaga ang wikang Filipino dahil mas maraming
makakaunawa kung ito ang gagamitin mong wika sa public announcements.
hindi lang naman kabataan ang makakarinig ng mga anunsyong ito kundi pati
na rin ang mga matatanda.
Respondent 71 Wikang Ingles. Dahil sa ngayon, mas ginagamit namin ang Wikang Ingles sa
aming paaralan kesa sa Wikang Filipino.
Respondent 72 Para sa akin, wikang Filipino ang wika na nais kong gamitin sa
pagpapalaganap ng impormasyon. Hindi lahat ay pare-pareho ng isip sa pag-
uunawa, mayroong nadadalian at mayroon din nahihirapan.
Respondent 73 Wikang Ingles, dahil ito ang kadalasang ginagamit ng mga mamamayan
Respondent 74 Filipino dahil ito ang aking wikang unang natutunan kaya natural lamang na
mas bihasa ako dito
Respondent 75 Para sa akin mas gugustuhin kong wikang Filipino sapagkat ang ibang mga
tao ay alam naman nating hirap sa wikang Ingles. Kaya mas mabuting
naiintindihan ng nararami.
Respondent 76 Mas ok kung mayroon translation ang anunsyo gamit ang dalawang wika dahil
mas mauunawaan ito ng marami.
Respondent 77 Para sa akin, tulad nga ng sabi ko kanina ito ay lubos na nakabase sa target
na populasyon. Ngunit para sakin, mas gusto kong gumamit ng wikang ingles.
Respondent 78 Wikang Filipino dahil maipapaliwanag ito sa akin ng maayos
Respondent 79 Malaking porsyente pa rin sa ating mga pilipino ang mas komportable sa
paggamit ng ating wika sa pang araw-araw kung kaya’t para sa akin mas
maganda ang paggamit ng ating sariling wika sa pagpapagalaganap ng
impormasyon dahil kalakip nito ang maganda komunikasyon at malalim na
pagkakaunawa ng tao.
Respondent 80 Wikang Ingles, dahil kahit mahirap o malalalim ang mga salita nito ay maari ko
itong i-search, hindi tulad ng wikang Filipino na minsan ay mahirap humanap
ng kahulugan nito.
Respondent 81 Para sa akin mas gusto ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng
impormasyon nang sa gayon ay maintindihan ng nakakarami. Hindi naman
lahat ng tao ay nakapag-aral kaya dapat nating iconsider ang factor na ‘yon
Respondent 82 Wikang Filipino sapagkat mas mauunawan ko ito dahil ito ang kina gisnan
kong wika.
Respondent 83 Wikang filipino dahil marami sa atin ang lugmok sa kahirapan at hindi
nakakakuha ng proper education para umintindi ng english.
Respondent 84 Para sa akin, gusto kong wikang gamitin ay Filipino parin dahil isa narin sa
dahilan na maraming taong gumagamit ng jargon para magmukhang
professional na hindi naiintindihan ng karamihan lalo na kung ito ay nasa
wikang Ingles. Isa naman sa hindi ko gusto sa wikang Filipino kahit na ito ay
aking napili ay ang pagkakaroon ng limitadong impormasyon sa mga salitang
hindi "familiar".
Respondent 85 Para sa akin ay mas mainam ang paggamit ng wikang Filipino dahil mas
makakatulong Ito upang mas maraming tao, mamamayan ang makaunawa sa
impormasyong ipinapalaganap, sa impormasyong nais ipabatid sa mga tao.
Sa ganitong paraan, mas maraming matutulungan at makakaunawa lalo na sa
ating bansa.
Respondent 86 wikang ingles dahil mas sanay ako dito at nahihirapan ako minsan
magcomprehend ng pormal na filipino
Respondent 87 Sa tingin ko, wikang Filipino dahil ito ang nakasanayanang language na ating
natanaw mula pagkabata na kung saan masasabing bihasa na tayo sa
paraang ito mas lubos na mauunawaan natin ang mga impormasyon.
Respondent 88 para sa akin, mas magandang gamitin ang wikang ingles para sa
pagpplaganap ng mga impormasyon dahil sa tingin ko’y mas maiintindihan ko
ito kaysa sa malalim na wikang filipino.
Respondent 89 Wikang Filipino para mas naiintindihan ng nakararami.
Respondent 90 Sa aking palagay, mas mainam na gamitin natin ang Wikang Filipino. Ito ay sa
kadahilanang mas marami ang makakaintindi rito kung kaya’t mas magiging
epektibo ang impormasyon.

You might also like