You are on page 1of 2

Pagbasa at pagsusuri sa iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik

1. Anong uri ng teksto ang maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag
nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan?
2. Ito ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
3. Layunin ng tekstong ito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
4. Isang uri ng di-piksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumag-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu.
5. Ano tawag sa pamamaraan ng narasyon ang nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa
kung ano ang kinahihinatnan o mangyayari sa kuwento?
6. Ito ang na teksto ang may layuning magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari totoo man
o hindi?.
7. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung
paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
8. Ano ang tawag sa na paraan ng panghihikayat na tumutukoy sa kredibilidad ng isang
manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak
na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila
mahikayat na maniwala rito?
9. Ito ang sa pamamaraan ng narasyon kung saan dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap
sa nakalipas.
10. isang karunungan at kasanayan na tumutugon sa paghubog sa buong aspeto ng tao na
magagamit upang matutong mabuhay sa mundong ginagalawan.
11. Anong uri ng tauhan ang may multidimensional o maraming saklaw ang personalidad?
12. Ito ay pamamaraan ng narasyon na nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento.
Kadalasang ipinakikilala ang mga karakter, lunan,at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
13. Ano ang tawag sa paglalarawan kung ito ay may pinagbatayang katotohanan?
14. Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable.
15. Isang paraan ng panghihikayat na tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang
mahikayat ang mambabasa.
16. Paraan ng narasyon kung saan dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa
lamang.
17. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento/tekstong naratibo?
18. Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang
lilitaw upang magbigay linaw.
19. .Layunin, nito makapag-bigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang
tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraan .
20. Ito ang paraang ng pagpapakilala ng tauhan kung saan ang tagapagsalaysay ang magpapakilala
o maglalarawan.

II. Isulat sa linya kung anapora o katapora ang tinutukoy ng mga panghalip na nakasulat nang
madiin.
_________21. Malinis at sariwang hangin, isa na nga itong alaala sa ating malalaking lungsod.
_________22 . Uber at Grab Taxi na nga ba ang solusyong dala ng makabagong teknolohiya
para mapadali ang paghahanap ng masasakyan? Ang mga ito ay alternatibo sa nakasanayang
de-metrong taxi.
_________23. Matamis na maasim-asim ito. Ang may katigasan at kulay lilang balat ay
nagtataglay ng mapuputing hilis na paborito ng marami hindi lang dahil sa lasa nito kundi
maging sa taglay na sustansiya. Hindi pangkaraniwang prutas ang magnosteen.
_________24. Bayani ang mga taong handing tumulong sa nangangailangan kahit walang
hinihintay na kapalit o magbuwis ng buhay para sa bayan kung kinakailangan. Sila ay mga
karaniwang taong nakagagawa ng hindi pangkaraniwang kabutihan para sa iba.
_________25. “Dalhin natin siya sa ospital, dali! “ang sigaw ng maliksing si Doris habang pangko
ang matandang lupaypay at tila wala nang buhay . isinakay siya sa huling bahagi ng kotse at
saka mabilis nitong pinaandar ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital. Subalit hindi
na umabot nang buhay si Lolo Jose sa pagamutan.

. Tukuyin kung anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa bawat
sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

A. Paglalahad ng totoong pangyayari/pangkasaysayan


B. Pag-uulat Pang-impormasyon
C. Pagpapaliwanag

_______26. Masayang-masaya si Ginang Cruz sa balitang nasa pahayagang hawak niya.


Sinasabing ritong “Si Catriona Gray ay Nagwagi bilang Ms. Universe 2018.”
_______27. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito:
“51st International Eucharistic Congress, ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
_______28. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin
ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang kasaysayan sa likod ng
pinakhabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas-Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
_______29. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigdig ang matitinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Roel na magkaroon ng
mas maraming impormasyon ukol ditto kaysa’t hawak niya ngayon ang tekstong may pamagat
na “Mga Epekto ng Global Warming sa kapaligiran.”
______30. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya nayong malaman kungpaano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”

You might also like