You are on page 1of 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

BAITANG 11 2nd KWARTER


SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
FOR SENIOR HIGH SCHOOL
CORE APPLIED SPECIALIZED [INDICATE TRACK AND STRAND]
PANGALA PUNTOS / MARKA
N
SEKSYON

PETSA
Pirma ng Magulang

Unang Linggo
KALIKASAN, KATANGIAN AT GAMPANIN NG KOMUNIKASYON

Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa Lipunan


MELC
(F11PT–Ic–86)

Para sa mga mag-aaral

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang matutuhan ang kalikasan, katangian at gampanin
ng komunikasyon. Ang magiging kaalaman mo rito ay maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas
ng karunungan patungo sa mga susunod na gawain.

Sa tulong ng journey map, magbigay ng kaalaman o halimbawa sa barayti ng


BALIK-ARAL
wika na tinalakay.
Panahon ng
ng Kastila

Amerikano

Panahon ng

Panahon ng

Panahon ng
Himagsikan
Panahon

Komonwelt

Hapon

Sa Learning Activity Sheet na ito ay malalaman mo ang kalikasan,


katangian at gampanin ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng
PAGPAPAUNLAD
kaalaman na ito ay higit mong matutunan ang katuturan ng
komunikasyon.

Mga pananaw ukol sa kalikasan ng komunikasyon


 Mula sa salitang Latin na “communis”na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”.
 Isang pangunahing gawain ng tao na kanyang ginagamit upang mabuhay.
 Isang aktibong proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga makabuluhang mensahe sa
pamamagitan ng mga berbal o di-berbal na simbolo na nakatutulong upang
maisakatuparan ang mga binuong layunin o hangarin.
 Isang pangunahing paraan upang ilantad ang mga kaisipan at saloobin ng tao na maaaring
gawin sa iba’t ibang pamamaraan gaya ng pagsasalita o pagsulat.
 Ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na praan
(Webster)
 Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales,et.al 2002)
 Isang intensyunal na gawain ng paggamit ng mga simbolo para magpahayag ng
impormasyon, kaisipan at saloobin sa pagitan ng mga taong maaaring kabilang o sangkot
sa isang sitwasyon o konteksto. -Grene at Petty

1 RDCV2023
Gampanin ng Komunikasyon
1. Ang komunikasyon ay gamit natin sa pagpapakalat ng mga mahahalagang kaalaman at
impormasyon.
2. Ginagamit ang komunikasyon upang magbigay gabay at panuto gayundin upang
manipulahin ang kilos ng tao.
3. Mabisang pampamulat ng isip at diwa ang komunikasyon.
4. Ang komunikasyon ay susi sa pagtamo ng pagkakaisa.
5. Sa pagtamo ng layunin, ang komunikasyon ay mabisang gamit

ISAISIP Ipaliwanag ang katuturan ng pahayag at isulat sa isang buong papel.

1. Communication to a relationship is like oxygen to life…Without it…it dies.


2. Only through communication, man can hold meaning.
3. Effective communication requires more than an exchange of information. When done right,
communication fosters understanding, strengthens relationships, improves teamwork and
builds trust.

Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang kasagutan sa inyong


PAGSASANAY 2
kwaderno.

1. Batay sa kanya ang komunikasyon ay pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
2. Ayon naman sa kanya ang komunikasyon ay akto ng pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
3. Sila ang nagsabi na ang komunikayon ay paggamit ng mga simbolo para magpahayag ng
impormasyon, kaisipan at saloobin sa pagitan ng mga taong maaaring kabilang o sangkot
sa isang sitwasyon o konteksto.
4. Mula sa salitang latin na “communis” na nangangahulugan __________.
5. Ito ang makabuluhang mensahe na aktibong proseso ng pagpapadala at pagtanggap sa
pamamagitan ng mga berbal o di-berbal na simbolo.

Lota, Charles D. (2021) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Edisyon.
Department of Education – Region 4A CALABARZON. Brgy. San
Isidro, Cainta, Rizal
SANGGUNIAN
Bobadilla, Christine C. (2021) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at
Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Edisyon.
Department of Education – Region 4A CALABARZON. Brgy.
San Isidro, Cainta, Rizal

2 RDCV2023

You might also like