You are on page 1of 2

Hello alifia di ko sure kung tama to hehehheheh

Abstrak

Ang pananaliksik na isinagawa ay tumutukoy sa kahusayan at kasanayan ng mga mag-aaral


na nasa ika-12 baitang ng Paco Catholic School pag dating sa pagsasalin wika, gramatika, at
pagbaybay ng mga salita. Inilalahad din ng paksa ang mga iba't ibang mga suliranin ng bawat
mag-aaral sa pagsasalin wika. Nilalayon ng pag-aaral na ito ang: 1) Makakalap ng mga datos
ukol sa antas ng kakayahan sa pagsasaling-wika ng mga mag-aaral ng STEM sa ika-12 baitang
upang makapagsulat ng makabuluhang posisyong papel. 2) Matukoy ang mga salik na nagbubuo
ng kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng posisyong papel na nangangailangan
ng disiplinang pagsasaling-wika. 3) Matukoy kung mayroong relasyon ang lebel ng hirap ng
paksang sinusulatan at ang pagsasaling-wika. 4) Malaman ang kahalagahan ng pagsasaling-wika
sa pagsulat ng posisyong papel at mapakagbuo ng mga paraan upang malinang ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa disiplinang ito.

Upang mas lumawak ang kaalaman sa paksang pinag-aralan, iba’t ibang mga artikulo o
sanggunian ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng simple
random sampling sa pagpili ng 30 mag-aaral ng baiting 12 ng STEM Strand ng akademikong
taon 2021-2022 sa Paco Catholic School na sumagot ng mahusay sa mga talatanungan na
ipamamahagi ng mga mananaliksik.

Base sa resulta ng pag-aaral, lumalabas na ang pagsulat ng isang posisyong papel ay


nakakatulong sa pagbuo ng mga kasanayan para sa kolehiyo. Naiintindihan ng mga mag-aaral ng
STEM sa ika-12 baitang ang pagsasalin. Gayunpaman, maraming mga mag-aaral ang hindi pa
rin sigurado sa kanilang mga kakayahan. Bagama't nagkakaroon ng mga kasanayan sa pagsasalin
ang mga mag-aaral sa bawat baitang, kailangan pa rin nila ang mga matatandang kaibigan at
pamilya upang tulungan sila pati na rin ang "mga app/website sa pagsasalin" na magagamit ng
lahat. Napagalaman rin na ang mga mag-aaral sa ika-12 baitang STEM ay may likas na kahinaan
at kalakasan dahil sa kakulangan ng pagkakataong mag-aral ng pagsasalin. Ang relasyon sa
pagitan ng lebel ng kahirapan at paksa ay hindi direkta. Nababawasan ang kakayahan ng mag-
Hello alifia di ko sure kung tama to hehehheheh

aaral na maunawaan ang buod ng konsepto ng binasa habang tumataas ang kahirapan ng paksa.
Samakatuwid, hindi lubusang nagagamit ang kakayahang taglay sa pagsasaling-wika. Ang
pagsulat ng maayos, matagumpay, at may kabuuan na posisyong papel ay nangangailangan ng
pagsasalin, sapagkat lumalaki ang bilang ng mga mambabasa dahil ito ay isinalin. Bukod pa dito,
malaking tulong din ang paggamit ng mga diksyunaryo, artikulo, translation apps , at mga
teoryang inensayo para magsulat ng posisyong papel. Gayundin, ang mga kamag-anak o
miyembro ng pamilya na may alam sa pagsasalin ay nakakatulong rin upang makabuo ng
maayos na mensahe sa pagsulat ng posisyong papel.

You might also like