You are on page 1of 2

NOTRE DAME OF ABUYOG, INC.

Abuyog, Leyte
S.Y. 2023-2024

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Paksa: antas ng kahulugan Kwarter: 2nd


Pamagat: Pagkiklino Petsa: 12/14/23
Kasanayang Pampagkatuto: Bilang: 2.14
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang iba-iba ang digri o antas ng
kahulugan. (F7PT-IIe-f-9)

Layunin:
1. Naisasagawa ang pagkiklino sa mga salita batay sa tindi o digri ng ipinapahayag. .
2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang-pauli-ulit na ginagamit sa akda.

Sanggunian:
Baisa – Julian, Ailene G. Pinagyamang Plumas a Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan.Phoenix Publishing House Pp. 10 – 18.

I. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng Liban

II. Pamamaraan
Konsepto:
Kadalasang nagdudulot nang hindi pagkakaunawaan ang maling paggamit
ng salita. Upang maiwasan ito, mahalagang malaman natin ang iba’t ibang digri o
antas ng salita sa pamamagitan ng pagkiklino.

Ang PAGKIKLINO ay tumutukoy sa pagsasaayos ng kahulugan ng salita


ayon sa intensidad, bigat, o tindi ng kahulugan nitong nais nitong ipahiwatig.

Halimbawa:

4. POOT Pangmatagalang galit na umaabot na sa puntong gusto nang makapanakit.


3. GALIT Tumatagal na inis
2. INIS Tumatagal na tampo
1. TAMPO Panandalian at munting galit na kadalasa’y bunga ng pagkapikon

GAWAIN 1.
PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag upang bigyang kahulugan ang mga
salita batay sa digri nito. Gamitin ang bilang 1-5.
__________1. Lumulutang sa alapaap.
_________2. Maaari ng mamatay dahil sa kaligayahan.
_________3. Nag-uumapaw sa galak.
_________4. Naiiyak sa tuwa.
_________5. Walang pagsidlan ang puso sa tuwa.

GAWAIN 2.
PANUTO: Magbigay ng sariling interpretasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
salitang maaaring iugnay sa bawat isa.

Mapagmahal na ama

1.

2.

3.

4.

Mga suwail na anak

1.

2.

3.

4.

You might also like