You are on page 1of 4

Learning Area - Grade Level Kindergarten

Quarter Ikatlong Markahan Week No. 6


Date Learning Time Lunes-Biyernes

I. LESSON TITLE • Tamang Bilang


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Pagkatapos ng aralin, inaasahang:
COMPETENCIES (MELCs)
a) Nakikilala ang bilang isa (1) hanggang dalawampu (20);
b) Naisusulat ang bilang 1 hanggang 20; at
c) Nasasabi/natatantiya ang mga bagay na may bilang 1
hanggang 20
III. CONTENT/CORE CONTENT • The child demonstrates an understanding of the sense
of quantity and numeral relations, that addition results
in increase and subtraction results in decrease
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Mahalagang matutunan natin ang pagbilang
Panimula
dahil ito ay bahagi ng ating pang-araw-araw na
karanasan. Ang pagkilala sa mga bilang at bagay na
kaangkop nito ay makatutulong upang ang
kasanayan ukol dito ay makamit.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:
a) Nakikilala ang bilang isa (1) hanggang dalawampu
(20);
b) Naisusulat ang bilang 1 hanggang 20; at
c) Nasasabi/Natatantiya ang mga bagay na may
bilang 1 hanggang 20

Makakatulong ang kasanayan sa pagbilang lalo na


sa mga pagkakataon ng pagbili, pag unawa
pagkaka sunod sunod mula isa hanggang
dalawampu.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
B. Development Inuutusan ba kayo ng nanay, tatay, ate, kuya o
Pagpapaunlad sinomang miyembro ng pamilya na bumili sa
tindahan?
Saan natin ginagamit ang kaalaman sa
pagbilang? Kaya mo bang bumilang mula isa (1)
hanggang dalawampu (20)?

Tayo ay Bumilang
Magpakita ng flashcards na may bilang isa (1)
hanggang dalawampu (20).
Tanungin ang bata habang ipinapakita isa isa ang
mga bilang.

Paalala sa magulang/nangangalaga:

Kung mali ang sinabi ng bata sa bilang na ipinakikita,


iwasto o sabihin ang tamang sagot.

C. Engagement 30 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Pakikipagpalihan
Gawin ang Activity Sheet ng PIVOT 4A SLM for
Kindergarten na may pamagat na Tamang Bilang 1- 5
Pagkabitin ang pamilang o numeral ayon sa tamang
dami na nakapangkat. Magsimula sa tuldok.

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsagot.
Maaaring magbigay ng iba pang halimbawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Gawin ang Activity Sheet ng PIVOT 4A SLM for
Kindergarten na may pamagat Tamang Bilang 6 – 10
Pagkabitin ang pamilang o numerals sa tamang dami
na nakapangkat. Magsimula sa tuldok.

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsagot.
Maaaring magbigay ng iba pang halimbawa.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
“Number Stations”
Kagamitan: mga tansan o takip ng mga bote, pentel
pen
Pamamaraan:
1. Sabihin sa mag-aaral na magbilang mula isa (1)
hanggang dalawampu (20) gamit ang mga tansan o
takip ng bote.
2. Hikayatin ang mag-aaral na sulatan ang takip ng
mga bote o tansan ng mga bilang mula 1 hanggang
20.
3. Tingnan ang mag-aaral kung kaya niyang isulat at
sabihin ang bilang mga mula 1 hanggang 20.

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsusulat.
Maaaring gumamit ng ibang bagay na makikita sa
loob at labas ng tahanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


“Pagtantiya ng Dami”
Kagamitan: krayola, paper clips, tansan, takip ng bote,
kutsara, tinidor, mga bato at popsicle sticks
Pamamaraan:
1. Maglagay ng iba’t ibang bilang (hal. 14 na bato, 10
na popsicle sticks, 8 paperclips)
2. Ipatantiya kung alin sa mga bagay ang may kaunti
at madaming bilang.
3. Ipabilang sa mag-aaral ang mga bagay mula 1
hanggang 20
4. Pagsama-samahin ang mga bagay na may
parehong uri
5. Hayaan na pumili ang mag-aaral ng mgan bagay
gamit ang pagtantiya kung kaunti o madami.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Gawin ang Activity Sheet ng PIVOT 4A SLM for
Kindergarten na may pamagat “Pagtantiya ng Dami”
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Tantiyahin at bilangin ang bilog . Isulat ang bilang na
iyong natantiya at nabilang sa loob ng kahon.

Paalala sa magulang/nangangalaga:
Gabayan ang bata sa pagbibilang at pagsagot.
Maaaring gumamit ng ibang bagay na makikita din sa
silid-aralan na mayroon din sa tahanan.

D. Assimilation 5 minuto Ang bilang ay ginagamit sa oras, petsa, pera o


Paglalapat
halaga. Kaugnay din ito ng mga gawain ng bawat
tao, bagay o paghinuha ng bilang o pagtantiya.

V. ASSESSMENT 15 minuto Kaya mo na bang bumilang mula 1 hanggang 20?


(Learning Activity Sheets for
Enrichment, Remediation or Maisusulat mo na ba ang bilang 1 hanggang 20?
Assessment to be given on Weeks
3 and 6)

Panuto: Gamit ang malinis na papel, isulat ang bilang


1 hanggang 20.

VI. REFLECTION 10 minuto Kompletuhin mo ang sumusunod na pahayag:


Ako ay nakabibilang mula ____ hanggang _____.
Ginagamit ko ang pagbilang araw-araw. Dahil dito,
ang aking mga gawain ay mas magiging
makabuluhan dahil sa aking kasanayan sa pagbilang.

Prepared by: BENJIE U. FLORES Checked by:


Validated by: Ma’am Eny /Ma’am Fe Approved by: Jaypee E. Lopo

You might also like