You are on page 1of 4

Wika at Simbolismo: Isang Paglalarawan sa Rehistro ng Wika sa Pangangampanya sa

Politika

Introduksyon

Likas na magkakaiba-iba ang wika sa bansang Pilipinas. Buhat ito ng iba’t ibang pangkat,

lipunan, pamayanan, at kultura. Dahil nga pulo-pulo, taglay ng mga ito ang kani-kanilang sariling
salita. Binanggit ni Liwanag (2007) na sinabi ni Saussure (1916) dito pumapapasok ang pagiging

heteregenous ng wika o ang pagkakaiba ng mga ito. Bunsod nito, dumudulo ito sa pag-usbong
ng varayti at baryasyon ng wika. Isa sa halimbawa ng varayti ng wika ay ang register.

Para kay Spolsky (1998), tinutukoy rito ang paraan ng paggamit ng salita ayon sa konteksto
ng talastastan at kahilingang sitwasyon. Ito rin ay ang pagkakaroon ng espesyal na gamit ng salita

o kahulugan sa bokabularyo ayon sa kinabibilangang pangkat. Makikita rin ang rehistro sa wika
ng mga grupong sosyal. Sa konteksto ng lipunan ng ating bansa, maraming lumilitaw na uri ng

register. Maaaring makita ito sa wika ng pangkat na kinababalingan, sosyal man o etniko, maaari
ding sa propesyon o okupasyon. Mula sa mga nabanggit, ang register ng wika ay tumatagos sa

natatanging paggamit ng wika ng isang guro, inhinyero, ng doktor, o maging sa disiplina ng


politika.

Ang politika ay ang proseso o pamamaraan ng paggawa ng pasiya para sa grupo ng mga
tao. Binanggit sa aklat ni Santos (2012) na ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan sa tungkulin

at katayuan sa lipunan ng nagsasalita, ito rin ang kapangyarihan na ipakilala ang sarili sa lipunang
kinabibilangan. Malaki ang gampanin ng wika sa proseso ng politika sa ating bansa, mula sa

paggamit dito para maihayag sa publiko ang mga plataporma at pangako, kinakasangkapan ang
wika upang bigyan ng bansag o katawagan ang mga politiko. Sinabi ni Santos (2013) na binanggit

ni Constantino (2003) na binibigyan ng Pilipino ang mga pulitiko ng pangalang akma sa kanilang
pagkatao. Pinapaksa nito ang simbolismo sa wika, kung saan nagtataglay ng bitbit na kahulugan

na iba sa orihinal na depinisyon ang salita o pahayag. Sa ganito pumapasok ang natatanging
termino sa paggamit ng salita o mga lipon nito sa usaping politika. Ito ang nagtulak sa mga
mananaliksik na silipin ang penomenang ito, nilalayon ng pag-aaral na mailarawan ang mga salita
na nagtataglay ng tanging kahulugan sa larangan ng politika sa bansa sa aspektong

pangagampanya.
Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailarawan ang rehistro ng wika sa konteksto ng


usaping pampolitika. Sa pamamagitan ng pagsusuri, bibigyang-kahulugan ang mga salitang may

tanging gamit sa mundo ng politika at mailarawan ang mga salitang ginagamit bilang bansag sa

mga politiko sa aspektong pangangampanya. Sa ganito, mabibigyang-linaw o kahulugan ang mga


salitang umuusbong sa disiplina ng politika sa ating bansa sa panahon ng halalan.

Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng deskriptibo – kwalitatibong dulog bilang kasangkapan sa

pagtatala, pangangalap, at pagbibigay-kahulugan sa mga maitatalang korpus ng pag-aaral. Ito ay


ginamit ng mga mananaliksik upang bigyang-kahulugan ang mga salitang pumapaloob sa

usaping pampolitikal sa konteksto ng pangangampanya sa bansa. Binanggit nina Tolete at


Marquez (2023) sa pag-aaral ni Nassaji (2005) isa itong epektibong paraan sa paglalarawan.

Karaniwan itong kinakasangkapan sa pag-aaral ukol sa wika, panitikan, at agham panlipunan.


Nakabatay naman sa Teorya ng Semantika sa disiplina ng lingguwistika ang pagsusuring

pangninilaman ng pag-aaral. Para kay Gonzales (1999), ito ay isang pag-aaral kung paano
nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag. Sa
teoryang ito, ang kahulugan ng salita ay nakabatay sa kaugnay na salita at kaugnayan nito sa
konteksto. Dalawang mahalagang termino ang nakadikit sa teoryang ito, ang ‘lemma’ at ang

‘konsepto’. Ang una ay ang orihinal na larawan o representasyon ng isang salita sa isipan ng tao,
ang at huli ay ang ideya na nauugnay sa salita. Sa lente ng teoryang ito, mailalarawan kung paano

nabubuo ang kahulugan ng isang salita kapag ito ay sumailalim sa larangan ng politika.

Korpus ng Pag-aaral
Sa pagkukuhanan ng datos, isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang pagkuha ng korpus

ng pag-aaral sa mga piling twitter status post. Ang mga datos na makukuha ay magmumula sa
mga status post tungkol sa nagdaang halalan, nitong 2022 election na kinapapalooban ng usaping
pampolitikal, partikular sa mga salitang tumutukoy sa mga politiko sa panahon ng

pangangampanya. Ang mga post na susuriin ay dapat naging isang popular onlayn o viral. Wika
ni Berger at Milkman (2011) sa pag-aaral muli nina Tolete at Marquez (2022), kinakailangang

lumaganap at ilang beses na umikot at naging mainit na usapin ang isang status post upang ito
ay matawag na viral. Ang bawat status post na susuriin ay dapat mayroong isanlibong (1000) like,

nagkaroon ng isandaang (100) komento), at limampu (50) na pagbabahagi o shares. Sa


pagpapatibay ng datos na makukuha, isinaalang-alang ng mga mananaliksik ang beripikasyon ng

mga mapiling pagkukuhanan. Ayon kay Flecha et al., (2018) na kailangang ikonsidera ang profayl
ng mga gumagamit ng partikular na account para sa katunayan nito.

Mga Sanggunian:

Mga Aklat:

• Pantorilla, C.R. et al. "Ugnayan ng Wika at Ideolohiya: Ang Paglalarawan sa Rehistro ng mga
Magsasaka sa Bulacan." Salindaw, varayti at baryasyon ng filipino. Peregrino, J.M. et al.
(Bagong Edisyon 2012). Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng
Pilipinas Diliman.

Mga Pananaliksik:

• Berger, J at Milkman K. (2011). What Makes online Content Viral?. Hango 11 Oct 2021 mula
sa https://jonahberger.com/wpcontent/up loads/2013/02/ViralityB.pdf
• Nassaji, H. (2015). Qualitative and descriptive research: Data type versus data analysis.
Hango 12 Dis 2021 mula sa https://www.researchgate.
net/publication/276397426_Qualitative_and_descriptive_research_
Data_type_versus_data_analysis

• Module-4-Wika-At-Politika-Edited-1 2nd Sem | PDF. (n.d.). Scribd.


https://www.scribd.com/document/513462085/Module-4-wika-at-politika-edited-1-2nd-
sem
• Lianko, P. (2015). Ang Semantika . Na retrieved sa link
nahttps://prezi.com/rpeaxke_1msj/semantika/-na retrieved noong ika-3ng Oktubre, 2019

You might also like