You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu

MGA BAHAGI NG
BANGHAY ARALIN Petsa: December 4, 2023
I-LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag -aaral may pag -unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
Pangnilalaman pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Ang mag -aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang -
Pagganap ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon.
Pagkatuto (MELC)
D. Tiyak na Layunin  Naibibigay ang kahulugan ng Globalisasyon
 Naitatalakay ang ibat-ibang perspektibo at papanaw ng Globalisasyon
II-NILALAMAN GLOBALISASYON:
Konsepto at Perspektibo
PAKSA/ARALIN
KAGAMITAN SA
PAGKATUTO
A. SANGGUNIAN
1.TG
LM Pahina 153-162
TEKSBUK
2.LRMDC
PORTAL
B. IBA PANG Visual aids/ppt presentation, laptop, larawan, manila paper, marker, pandikit, LM
KAGAMITAN
III-PAMAMARAAN
A. BALIK-  Pagbati
ARAL  Pagtatala ng Liban
 Mga bagay na dapat tandaan at gagawin sa oras ng ating talakayan:
[*Ipapaskil/ipapakita ng guro ang mga palatandaan sa oras at sa loob ng
klase]
1. Makinig kapag may nagsasalita.
2. Itaas ang kamay kung nais na magsalita o sumagot at hintayin na
tawagin ang iyong pangalan.
3. Magtulungan kapag may pangkatang Gawain
4. Huwag gumamit ng gadget kung hindi pinapagamit sa oras ng klase.
5. Igalang ang bawat isa.

 PAGBABALIK-ARAL: Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung ano


ang naging aralin nila nung nakaraan.

Tanong: Ano ang naging talakayin natin noong nakaraan?

Tanong: Anong mahalagang aral ang natutunan Ninyo mula sa nakaraang aralin?
B.PAGHAHABI SA  Babasahin ng guro at mag-aaral ang layunin sa araw na ito.
LAYUNIN  Bago tayo tutungo sa ating talakayan, alamin muna natin ang mga salitang
maaaring makita o maaaring gamitin natin sa ating talakayan (Unlocking
of difficulty):

 PAGHAWAN NG BALAKID (UNLOCKING OF DIFFICULTIES)
1. Sagot: Globalisasyon - ay proseso ng mabilisang pagdaloy o
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer,
2011)
Clue: sa Ingles ito ay GLOBALIZATION
2. Sagot: Multinational Companies pangkalahatang katawagan na
tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang
mga produkto o ang mga serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal ng pamilihan.
Clue:

3. Sagot: Transnational Companies ay tumutukoy sa mga kompanya o


negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
Clue:

C.PAG-UUGNAY Gawain 1:GUESS THE LOGO .


NG HALIMBAWA Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na logo.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong kompanya ang kinakatawan ng mga logo?Anong manggagawa
ang gumagawa ng ganitong Gawain?
2. Madali mo bang nasagot ang mga ito? Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit sumikat ang mga produkto/serbisyong
ito?
4. Ano ang kaugnayan ng gawaing ito sa paksang globalisasyon?
D.PAGTALAKAY Gawain 2: TILAMSIK KAALAMAN
SA KONSEPTO AT Panuto: Punan ang graphic organizer na Balangkas- Kaalaman batay sa
KASANAYAN iyong naunawaan sa binasang teksto mula pahina 159-162. Isulat sa unang kolum
ang pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum
naman ang mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Isulat sa ikatlong kolum ang
mga susing salita o esensyal na kaisipan sa bawat pananaw.
F.PAGLINANG SA Pangkatang-Gawain:
KABIHASAAN Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan
ng panuto tungkol sa kanilang gagawin.
Panuto sa bawat pangkat:
 Basahin ang teksto sa inyong LM mula pahina 159-162. Pag-aralan ang
unang pananaw (Unang Pangkat), ikalawang pananaw (ikalawang
pangkat), ikatlong pananaw (ikatlong pangkat), ikaapat na pananaw
(ikaapat na pangkat), ikalimang pananaw (ikalimang pangkat) tungkol sa
Globalisasyon.
 Talakayin ito at suriin kung ano ang ipinapahiwatig nito.
 Ihanda ang pangkat para sa talakayin.
G.PAGLALAPAT Tatalakayin ng mga mag-aaral ang tungkol sa ibat-ibang pananaw ng
NG ARALIN Globalisasyon

Pamprosesong Tanong:
1. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyong
palagay ay katanggap-tanggap? Pangatuwiranan.

H. PAGLALAHAT Magtatanong ang guro:


NG ARALIN  Mula sa mga talakayin Ninyo kanina, ano ang masasabi Ninyo tungkol sa
Globalisasyon?
 Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

IV. PAGTATAYA Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga hinihinging sagot.
NG ARALIN

Kahulugan Halimbawa

GLOBALISASYON

Pananaw Repleksiyon
V. KARAGDAGANG Gawain: Window Shopping (pahina 165)
GAWAING

Repleksiyon:
Bilang ng mag-aaral na natamo ang layunin sa aralin:
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remediation:

Prepared by:

BEVERLY T. TAMPIPI
Secondary School Teacher-I

Observed by:

NERISSA JANE A. MAGSUCANG


MASTER TEACHER-II

You might also like