You are on page 1of 11




Menu

GOVPH

 HOME
 PROGRAMS
o Back
o PROGRAMS
o Registered, Licensed, and Accredited Service Provider
o Assistance to Individual in Crisis Situation
o Core Social Protection Program
 Back
 Core Social Protection Program
 Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4PS)
 Sustainable Livelihood Program (SLP)
 National Household Targeting System – Poverty
Reduction (NHTS-PR)
 Home for Girls Tarlac
 Home for Girls – Nueva Ecija
 Reception And Study Center for Children (RSCC)
 Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY)
 Haven for Women and children
 Amor Village
o Minors Travelling Abroad
o Convergence Strategy
 PUBLICATION
o Back
o PUBLICATION
o FMD Standard Operating Procedure
o Advisories
 DIRECTOR’S CORNER
o Back
o DIRECTOR’S CORNER
o Keynote Message
 LINKS
 CONTACT US
o Back
o CONTACT US
o Directory of Officials
o DSWD Provincial Extension Office
o Centers and Institutions
 PROCUREMENT
o Back
o PROCUREMENT
o Annual Procurement Plan
o Competitive Bidding (Goods and Infra Project)
o Notice of Postponement
o BAC Resolution
o Notice of Awards (NOA)
o Notice to Proceed (NTP) and Approved Contract
o Alternative Methods of Procurement
o Extension of Deadline in Shopping
 ABOUT US
o Back
o ABOUT US
o DSWD FO III Citizen’s Charter
o Philippine Good Regulatory Principles
o Freedom of Information
o DSWD Quality Policy
o Oganizational Chart
o Transparency Seal
o SAP Beneficiaries
o History of DSWD
o Service Pledge
o Jobs
 AUXILIARY MENU

Philippine Standard Time:


Friday, March 08, 2024, 6:38:26 AM
Tila Ibon Kung Lumipad: Kwento ng Kalakasan ng Isang
Babae
Mula sa isang mapagkumbabang barong-barong na gawa sa pawid at
kawayan, iniinda ni Narda ang paglalakad sa halos isang kilometrong
bukid sa ilalim ng masungit na init ng araw. Kasisimula pa lamang ng
araw ngunit ang enerhiya ni Narda ay halos nakalahati na.

Pagdating sa silid-aralan, tila ba siya’y nakakalulon ng mahiwagang


bato – nagpapalit ng anyo na mula sa matamlay na ginang ay nagiging
isang malakas at masigasig na tagapagsilbi. Hudyat na nga, si Narda
ay si Darna na.

Si Darna ay nagtuturo sa mga paslit na nasa apat hanggang limang


taong gulang kung papaano magbilang, magbasa, kumanta, at
sumayaw. Ipinapaalala din niya ang tamang paggamit ng ‘po’ at ‘opo’,
ang pagmamano, at ang maayos na paglilinis sa sarili. Sa loob ng
dalawang oras sa isang araw, tuwing alas otso hanggang alas dyis ng
umaga, si Darna ay isang guro. Konting salapi man ang kapalit ng
kanyang serbisyo ay hindi na rin umaalma si Darna. Ang mahalaga
anya, “Nakapagsisilbi ako at nakapaghahatid ng pagbabago at pag-asa
sa mga buhay ng mga batang tinuturuan ko.”

Matapos magturo ay tatawirin nanaman ni Darna ang mahabang dipa


ng bukid. Sa dulo nito, sa taas ng isang maliit na burol kung saan
naroon ang tirahan ng bida, naghihintay ang isang musmos na kung
tawagin ni Darna ay ‘hulog ng langit’. Tawagin natin ang dalawang-
taong paslit na si Ding. Si Ding ang siyang nagbibigay lakas kay Darna.
Hindi man tunay na anak ay itinuturing ni Darna si Ding bilang kanyang
buhay. Si Ding ay hindi katulad ng isang ordinaryong bata. Iniinda man
ni Ding ang sakit na cerebral palsy, hindi ito nagiging hadlang upang
siya’y makapagbigay-saya sa kanyang ina. Isang masiyahin at
malambing na bata, si Ding ay madalas nahiga sa kanyang kuna at
naglalaro ng maliit na bolang bigay ng ina.

Halos tanghali na at oras na upang magluto. Hindi pa man


nakapagbibihis ng kanyang pambahay na damit ay didiretso na si
Darna sa isa nanamang gampanin nito – ang pagiging isang ina at
asawa.
Ngayong araw, bulanglang na gulay ang lulutuin ng ina. Ilang minuto
na lamang at uuwi na ang kanyang mahal na asawa kaya dapat bilisan
na.

Pagsapit ng alas-dose, tanghalian na. Masayang nagkakaharap-harap


sa maliit na mesa ang maliit na mag-anak at pinagsasaluhan ang
kakaunting ginisang gulay. Matapos magpahinga ay didiretso na
naman ang asawa ni Darna sa bukid habang si Darna naman ay
maglalabas na ng mga papeles na aasikasuhin habang hele-hele ang
kanyang anak.

Bukod sa pagiging guro, asawa, at ina, si Darna rin ay isang Kalahi-


CIDSS volunteer ng kanyang komunidad. Nakaatang sa kanya ang
mabigat na gampanin ng pangunguna sa pagpapatayo ng irigasyong
pinapangarap ng kanyang komunidad.

Papeles dito, papeles doon, training dito, barangay assembly doon –


ganyan ang buhay-boluntir ng ating bida. Bukod dito, may mga araw
din na nagbabahay-bahay si Darna upang sabihan ang kapwa-
mamamayan nito na makilahok sa usapan ng barangay. Walang
katapusang pagpapanik-panaog din sa project site ang ginagawa ni
Darna upang siguraduhing maayos ang pagsasagawa ng nasabing
irigasyon.

Tuwing araw naman ng pagtatanim at anihan, isinisiksik din ni Darna


ang pagtratrabaho sa bukid sa kanyang pang-araw-araw na gawain.
Batak sa gawain, si Darna lamang ang nakakaalam kung papaano niya
napagkakasya ang 24 oras sa isang araw sa lahat ng trabahong
kanyang ginagawa.

Takip-silim na. Pauwi na ang asawa ni Darna habang siya naman ay


kakatapos lamang magluto ng hapunan. Pagkatapos kumain ay
naghanda na ang pamilya para matulog. Matapos ang isang mahabang
araw, si Darna ay magpapahinga na sa tabi ng kanyang asawa’t anak.
Pagpikit ng kanyang mga mata, nag-uumapaw na kasiyahan ang
kanyang nadarama dahil muli, maraming buhay na naman ang kanyang
nabago at nabigyan ng pag-asa.

Walang duda na si Darna ay isang simbolo ng kalakasan ng mga


kababaihan. Nagtataglay ng bukal na puso at malakas na dedikasyon
upang mapaunlad ang kanyang pamayanan, si Darna ay tunay ngang
isang yaman ng kanyang pamilya at ng kanyang komunidad.

Si Darna ay kilala rin bilang si Josefina Zamora, 55, isang simpleng


mamamayan ng Talugtug, Nueva Ecija. ### (Ma. Dennielle M. Lomboy)

Post Views: 681


Archives Select Month March 2024 February 2024 January
2024 December 2023 November 2023 October 2023
September 2023 August 2023 July 2023 June 2023 May
2023 April 2023 March 2023 February 2023 January
2023 December 2022 November 2022 October 2022
September 2022 August 2022 July 2022 June 2022 May
2022 April 2022 March 2022 February 2022 January
2022 December 2021 November 2021 October 2021
September 2021 August 2021 July 2021 June 2021 May
2021 April 2021 March 2021 February 2021 January
2021 November 2020 October 2020 September 2020
August 2020 July 2020 May 2020 April 2020 March
2020 February 2020 January 2020 December 2019
November 2019 October 2019 September 2019 August
2019 July 2019 June 2019 May 2019 April 2019 March
2019 February 2019 January 2019 November 2018
October 2018 September 2018 August 2018 July 2018
June 2018 December 2017 November 2017 October 2017
September 2017 August 2017 July 2017 June 2017 May
2017 April 2017 March 2017 February 2017 January
2017 December 2016 November 2016 October 2016
September 2016 August 2016 July 2016 June 2016 May
2016 April 2016 March 2016 February 2016 January
2016 December 2015 November 2015 October 2015
September 2015 August 2015 July 2015 June 2015 April
2015 March 2015 February 2015 January 2015 December
2014 November 2014 October 2014 September 2014
August 2014 July 2014 June 2014 May 2014 April 2014
March 2014 February 2014 January 2014 December 2013
November 2013 October 2013 September 2013 August
2013 July 2013 June 2013 May 2013 March 2013
January 2013 November 2012

You might also like