You are on page 1of 30

1 Mother Tongue-Based

Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 12
Mga Tunog sa Isang Salita Mula sa
Pamilyar na Tugma at Awit
MT10-Ib-i-4.1

Mother Tongue Base- MLE – Grade 1


Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Mga Tunog sa Salita Mula sa Pamilyar na Tugma at Awit
Mother Tongue Based – MLE – Grade 1
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Mga Tunog sa Isang Salita Mula sa Pamilyar na Tugma at Awit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang – sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Marilyn M. Santos


Patnugot : Raymond S. Villafane
Tagasuri : Lualhati V. Gabriel
Tagaguhit : Marilyn M. Santos
Tagalapat : Marilyn M. Santos

Tagapamahala:

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Anastacia N. Victoriano, EdD


EPS – Filipino/MTB-MLE

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan

Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
1

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Unang Markahan – Modyul 12
Mga Tunog sa Isang Salita Mula sa
Pamilyar na Tugma at Awit
MT10-lb-i-4.1
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ( MTB – MLE 1 ) ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Mga Tunog sa Isang Salita Mula sa Pamliyar na Tugma at
Awit !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang aralin na ito ay may kinalaman sa pagbigkas at pag –awit ng mga tugma at awit ng
pangkatan na pasimula ng pagtalakay sa mga tunog ng isang salita . Mainam na gabayan ang
mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.

Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung paano matutulungan ang kanilang mga anak sa
paggamit nito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Mother Tongue - Based Multilingual Education MTB-MLE)


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Mga Tunog/Letra sa Isang Salita Mula
sa Tugma at Awit)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay
at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Gawin upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

2
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng


pinagkukunan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

3
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa iyong pag-iisip. Ito ay


upang matulungan kang bumigkas at umawit ng mga tugma at awiting pambata
at matukoy ang mga tunog/letra na bumubuo sa salita. Ang saklaw ng modyul na
ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba’t ibang mga sitwasyon sa
pagkatuto. Ang mga aralin ay inayos upang sundin ang mga pamantayan ng
pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod kung saan mo
basahin ang mga ito ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na ginagamit
mo ngayon.

Ang modyul ay nahahati sa dalawang aralin;


 Aralin 1 – Pagbigkas ng Pangkatan ng Pamilyar na Tugma at Awiting
Pambata
 Aralin 2 – Mga Tunog sa Isang Salita Mula sa Tugma at Awit

Pagkatapos matutuhan ang modyul na ito; ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakasusunod nang wasto at tamang pagkain
2. Nakapagpapakita ng paggalang sa magulang at nakatatanda
3. Naipakikita ang kanilang pagmamahal sa mga alagang hayop
4. Nabibigkas at naaawit nang maayos at may damdamin ang mga pamilyar
na tugma at mga awiting pambata;
5. Nabibigkas nang maayos ang mga salita sa pamilyar na tugma at awiting
pambata;
6. Nasasagot nang pasalita ang mga tanong mula sa binigkas at inawit na
tula/tugma
7. Natutukoy ang mga tunog/ letra na bumubuo sa salita
8. Natutukoy ang unang tunog/ letra ng pangalan ng larawan
9. Nasasabi na ang mga letra ang bumubuo sa mga pantig at salita

4
Subukin

A. Maaga ka bang pumapasok sa paaralan? Bago ka


pumasok, ano – ano ang mga kinakain mo sa almusal?
Tingnan ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata?
Ginagawa mo rin ba ito bago ka pumasok?

B. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Kumakain o


umiinom ka ba ng mga ito? Nakatutulong ba ang mga ito
upang ikaw ay maging malusog?

5
A. Basahin ninyo nang malakas at sabay-sabay ang
tula. Pagkatapos ay basahin din ito ng pangkatan.

Ang Gatas at Itlog

Ang gatas at itlog,

Pagkaing pampalusog,

Ang saging at papaya,

Pagkaing pampaganda.

Uminom ka ng gatas,

Ikaw ay lalakas,

kumain ka ng itlog,

Ikaw ay bibilog.

Pag-usapan Natin
Sagutin ang mga tanong nang pasalita.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Ano-ano ang mga pagkaing pampalusog na binanggit
sa tula?
3. Ano-ano naman ang mga pagkaing pampasigla?

6
4. Ano ang nagagawa ng pag-inom ng gatas at pagkain
ng itlog?
5. Nasusunod mo bang kainin ang mga wasto at tamang
pagkain?
6. Gusto mo bang maging malusog? Ano-ano ang mga
dapat mong kainin upang ikaw ay maging malusog?

Paunang Pagtataya:
Panuto: Piliin mo at bigkasin ang mga salitang may
tugma.

1. itlog – bilog
2. gatas – lakas
3. bata – kotse
4. munti – mais
5. patani – mani

7
Balikan

Sa mahiwagang kahon ay may makikita kayong mga


salita. Hanapin ninyo sa loob nito ang mga salitang
ginagamit natin sa magalang na pakikipag-usap sa mga
nakatatanda.

ewan oo, opo, ano, bakit, po

Iginagalang mo ba ang mga taong mas nakatatanda


sa iyo?
Paano ka nakikipag – usap sa mga nakatatanda sa iyo?
Ano-ano ang mga salitang dapat mong tandaan
tuwing makikipag-usap ka sa mga nakatatanda sa iyo?

8
Basahin ang tugma nang sabay - sabay at
pagkatapos ay ng pangkatan.

Ang Po at Opo

Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko,

Maging magalangin mamumupo ako,

Pag kinakausap ng matandang tao,

sa lahat ng lugar, sa lahat ng dako.

Kapag kausap ko’y matanda sa akin,

Na dapat igalang, na dapat pupuin,

Natutuwa ako na bigkas – bigkasin

Ang po at opo nang buong paggiliw.

Sagutin ang mga tanong nang pasalita.

1. Tungkol saan ang tugma?


2. Ano ang bilin ng iyong ama’t ina?
3. Kapag ang kausap mo’y matanda sa iyo, ano ang
magalang na pananalita na dapat mong sabihin?
9
4. Iginagalang mo rin ba ang mga nakatatanda sa iyo?
Paano? Magandang ugali ba ang paggalang sa mga
nakatatanda?
5. Ano pa ang ibang paraan kung paano mo maipakikita
ang paggalang sa mga nakatatanda?

Ano-anong salita sa tula/tugma ang magkakatugma?

Paano nagiging magkatugma ang mga salita?

Kung ang mga salita ay may magkaparehong hulihang


tunog, ang mga ito ay magkakatugma.

Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkatugma.

10
Tuklasin

A. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng


larawan.

bahay-kubo talong sitaw

singkamas mani patola

kalabasa ampalaya upo

11
Ano-ano kaya ang mga halamang binanggit sa
awiting Bahay Kubo? Alamin natin sa awiting ito.

B. Awitin nang sabay – sabay ang awiting “ Bahay Kubo”

Bahay Kubo

Bahay-kubo, kahit munti

Ang halaman doon ay sari-sari

Singkamas at talong

Sigarilyas at mani

Sitaw, bataw, patani

Kundol, patola, upo’t kalabasa

At tsaka mayro’n pang

Labanos, mustasa

Sibuyas, kamatis, bawang at luya

Sa paligid - ligid ay puno ng linga.


12
C. Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Paano inilarawan ang bahay-kubo?


A. munti C. maganda
B. malaki D. malinis
_____ 2. Ano ang mayroon sa bahay-kubo?
A. isda C. halaman
B. ibon D. paru-paro
_____ 3. Anong halaman ang hindi binanggit sa awiting
bahay-kubo?
A. mani C. talong
B. sitaw D. ampalaya
_____ 4. Ano ang makikita sa paligid ng bahay-kubo?
A. bataw C. labanos
B. linga D. mustasa
_____ 5. Kung ikaw ay may halamang katulad ng nasa
awit na Bahay Kubo , paano mo ito aalagaan?
A. Bunutin at apakan ang mga puno ng halaman.
B. Bunutin ang mga damong nakapaligid rito.
C. Diligin ang mga ito ng tubig araw –araw.
D. Lagyan ang mga ito ng pataba.

13
Suriin

Kilalaning muli natin ang mga binanggit na halaman


sa napakinggang awit.

Ano ang ngalan ng bawat isa? Basahin natin.

singkamas talong mani

sitaw upo kalabasa

Ano-anong letra ang bumubuo sa salitang


singkamas?

Ano ang tunog ng bawat letrang ito?

Ang salitang singkamas ay binubuo ng mga letrang


s,i,ng,k,a,m,a, at s.

14
Pagyamanin

Gawain 1.1 - Ibigay Mo

Panuto: Isulat ang mga tunog na bumubuo sa mga


pantig na may salungguhit.

1. tanim

2. paligid

3. kubo

4. patani

5. labanos

15
Gawain 1.2 - Piliin Mo

Panuto: Ikahon ang unang tunog ng pangalan ng

larawan sa loob ng panaklong.

1. ( a e i )

2. ( m n s )

3. ( b s e)

4. ( r m b )

5. (a o u)

16
Gawain 1.3 - Iguhit Mo

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng bagay na


nagsisimula sa ibinigay na letra.

s m a

b i

17
Pagtataya 1.1 Sabihin mo , Tunog ko

Panuto: Magpakita ng plaskard ng mga letra. Ibigay


ang mga tunog nito.

Pp Nn Ii

Kk Rr

Pagtataya 1.2

Panuto: Bilugan ang tunog ng letra na naiiba sa hanay.

1. b d b b b

2. s s s s r

3. h n h h h

4. m m m m n

5. g g y g g

18
Pagtataya 1.3

Panuto: Isulat ang unang tunog ng pangalan ng

larawan.

1. _____

2. _____

3. _____

4. _____

5. _____

19
Isipin

Upang madaling mabasa ang mga salita, kailangang

tandaan natin ang ___________ ng bawat letrang

bumubuo rito.

Ang pantig ay binubuo ng mga ____________.

20
Gawain

Panuto: Awitin ninyo ang kantang “Sampung mga


Daliri”. Pagkatapos ay tingnan ninyo ang mga larawan at
isulat ang nawawalang unang tunog ng pangalan nito.

Sampung mga 1. ____ aliri

kamay at paa

Dalawang 2. ____ ata

Dalawang 3. _____ ainga

4. _____ long na maganda

Maliliit na ngipin

Masarap kumain

5. ____ ilang maliit nagsasabing

Huwag kang magsisinungaling!

21
Tayahin

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Bilugan ang


tamang unahang letra o tunog ng pangalan ng larawan.

t k l

l i m

b r p

i e o

t o u

22
Linangin

Panuto: Pagtambalin ang pangalan ng larawan sa


hanay A sa unang tunog nito na nasa hanay B.

HANAY A HANAY B

1. . p

2. . w

3. . h

4. . a

5. . l

23
24
Linangin
1. h
2. l
3. p
4. w
5. a
Pagyamanin:
Gawain 1.1 Gawain 1.2 Gawain 1.3
1. t, a 1. i 1-5. Pagguhit ng
2. p, a 2. m mga bata ng
3. b, o 3. s sagot nila
4. t, a 4. b
5. n, o, s 5. u
Pagtataya 1.1 Pagtataya 1.2 Pagtataya 1.3
1-5. Pagbibigay ng 1. d 1. b
Tunog/letra 2. r 2. p
3. n 3. d
4. h 4. m
5. k 5. a
Gawain Subukin: Pagsagot ng
Tayahin
pasalita.
1. k 1. k
1. itlog-bilog
2. l 2. m
2. gatas – lakas
3. p 3. t
3.
4. i 4. i
4.
5. t 5. d
5. patani- mani
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Mother Tongue Based-Multilingual Education 1-


Gabay ng Guro, pahina 80-109
Mother Tongue Based-Multilingual Education 1-
Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 8, 12, 15, 18, 60-61

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like