You are on page 1of 7

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NAME OF THE General Education


PROGRAM
COURSE TITLE Retorika COURSE CODE Fili 102
PREREQUISITE/ None COURSE UNIT 3 units
CO-REQUISITE
COURSE CO4: Makapagpapahayag nang may mataas na antas sa komprehensyon sa
OUTCOME (pagbasa at pagsulat) at produksyon (pagsulat at pagsasalita) ang iba’t ibang
uri ng diskurso.

MODULE 10 Ang Paglalarawan


LESSON Pagkatapos, ng modyul ang mga mag-aaral ay inaasahang:
LEARNING
OUTCOME/S 1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng paglalarawan.
2. Mapaghambing ang pagkakaiba ng dalawang uri ng paglalarawan.
3. Makasulat ng sariling halimbawa ng paglalarawan ayon sa dalawang
uri nito.
TOPICS 1. Ang paglalarawan
2. Dalawang uri ng paglalarawan
3. Katangian ng isang mahusay na paglalarawan
WEEK / 10
INCLUSIVE
DATE
MODALITY Asynchronous (MS Teams) and on-ground meetings

LESSON PROPER

Ang paglalarawan ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama.


Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, pandamdam at pansalat, tinatala ngsumusulat ng
paglalarawan ang mga detalye ng kanyang namasid o kaya’y nakatawag ng kanyang pansin. Layunin
nito na maipakita kung paano ang isang bagay naiiba sa mga kauri niya.

Katangian ng Paglalarawan

1. Pagpili ng Paksa

Ang may-akda ay dapat pumili ng mga paksang hindi palasak at kawili-wili.

Ang malawak na kaalaman tungkol sa paksa ay lubos na makatutulong sa pagbuo ng larawang


nais ikintal sa mambabasa.
 Ang karaniwang paksa sa paglalarawan ay tungkol sa tao. Ang tao ay lagi ng naakit at
nagkakaroon ng kawilihan sa ibang tao.
 Sa paglalarawan ng tao banggitin ang kanyang anyong panlabas at mga katangiang panloob.
 Sa anyong panlabas, maaaring mailarawan ang kanyang tindig, hugis ng mukha, kulay ng buhok,
kutis, taas, paglalakad, pagtawa atbp.
 Para naman sa kanyang panloob, sabihin kung anong uri siya ng tao, ang kanyang ugali,
paniniwala at pagkatao.
 Katulad ito ng paglalarawan ng pook o tanawin.

2. Pagpili ng Pananaw

 Ito ang pagtingin o pagsasaalang-alang ng sumusulat sa tao o bagay na inilalarawan.


 Maaari itong umayon sa agwat o layo ng bagay na inilalarawan o ayon sa pagtingin sa paksa
ayon sa sariling palagay at damdamin ng sumusulat.

4. Pagbuo ng Pangunahing Larawan

 Magiging mabisa ang paglalarawan kung susuriing mabuti ang bagay, tao, lugar o pangyayari sa
pamamagitan ng masinsinang pagmamasid.
 Ang bawat larawan ay may kani-kaniyang kakayahan o identidad na naiiba sa mga kauri nito.
 Ang mga kakaibang katangian ng bagay o hayop ay maaaring bumuo ng mga pangunahing
larawan ng bagay na nais ikintal sa isipan ng mga mambabasa.

5. Pagsasama-sama ng mga Mahalagang Sangkap


Gaano man kaliit ang isang katangian subalit kung makatutulong sa mabisang pagbuo ng larawan o
kabuuan ay mahalagang isama ito sa paglalarawan.
Kung mawawala ang mga ito ay hindi magiging buo o makatotohanan ang paglalarawan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan
 Ito ay nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.
 Ito rin ay gumagamit ng semple o payak na mga pang-uri na naglalarawan sa tao, bagay, pook o
pangyayari.

HALIMBAWA NG KARANIWANG PAGLALARAWAN


 Paglalarawan ng pook o tagpuan
Ang buong sala’y makikita. Ito’y malaking kuwarto, malinis at makintad, ngunit tulad ng
kasangkapan, nagpapakita ito ng katandaan. Ang mga pintura sa pader ay nangingitim nababakbak.
Ang mga ibang salamin ng bintana ay basag-basag. Sa pagitan ng mga balkonahe at tabi ng pader
ay isang malaking sopa. Sa paligid ng sopa ay dalawang upuang gumigiwang, may isang bilog na
mesa at dalawang tuwid na silya. Ang hapag ay handa na para sa miryenda. Sa kaliwang panig ay
makikita ang bahagi ng hagdanan.
 Sa gitna ng dalawang pader ay isang nakapinid na pintuan. Sa harapan ng hagdanan ay isang
makalumang lalagyan ng sambalilo’t payong na may kasamang salamin. Sa kanang panig ng
silid, sa gitna ng pader ay isang malaki at bukas na pintuang may kurtina. Sa tabi nito ay isang
piyano. Mga naglalakihang larawan ng mga mag-anak ay nakasabit sa pader. Isa na rito ang
tinaguriang “Larawan ng Manlilikha Bilang Pilipino.”

--Halaw sa dulang “Larawan”salin sa Filipino
Nina Alfred Yuson at Franklin Osorio mula sa
“Protrait of the Artist as a Filipino” ni Nick Joaquin.

2. MALIKHAIN O MASINING
 Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may akda.
 Pumupukaw ito sa guniguni o imahinasyon.
 Pinagagalaw ng awtor ang guniguni ng mambabasa upang makita nila ang larawan ayon sa
damdamin at isipin ng manunulat.

 Sa pagbuo ng makasining na paglalarawan, makakatulong ang paggamit ng mga salitang


nagbibigay-kulay, tunog , galaw at matinding damdamin.
 Nakakatulong dito ang paggamit ng idyoma, tayutay at mga salitang patalinghaga.

HALIMBAWA NG MASINING NA PAGLALARAWAN

 Masining na Paglalarawan ng Damdamin

Nakatudla na naman ang kanyang mga mata sa kalawakan, tulala ngunit may hinahabing
katotohanan. Ang papawirin ay tinigib ng mga buhay, nagsasayaw ang makutim na ulap na parang
nakikipag-unahan sa bagwis ng mga layang-layang na nagdudumali, umaga man, sa pugad.

May buhay ang mga iyon, may daigdig, may kaluluwa’t pang-unawa na bumubulong na buhay
ang Diyos, na sila lamang ang nakatatarok ng tunay na kahuluga’y hindi talos ng mga bulag na
kaalaman ng mga nilikha.

Ngayon, kakaiba sa maraming lumipas ng mga umaga, aywa’t ang mga kahulugan sa akin ng
maganda at pangit: sinasagisag ang mga kagandahang ibo’t nagsasayaw na makutim na ulap sa
langit ang kapangitan ay ang sinapit na karimlan ng daigdig ng kanyang katauhan, ang katadhanaan
ay waring walang kahulugan, kahalagahan at kagandahan.
Halaw sa maikling kuwentong “Durog na
Bathala” ni Domingo G. Landicho, nagkamit
ng pangalawang gantimpala sa magasing
Pilipino noong 1965.

▪ ACTIVITY/ EXERCISE/ASSIGNMENT

Pagsasanay sa Paglalarawan

Sa larawan A, sumulat ng isang karaniwang paglalarawan.

Sa larawan B, sumulat ng isang masining na paglalarawan.

Sa masining na paglalarawan, pakilagyan ng mga idyoma. Dapat ang idyoma ay hindi bababa
sa sampu (10).

Pakisalungguhitan ang mga idyoma na iyong ginamit.

Sa larawan A
Sa larawan B

▪ EQUIPMENT OR MATERIALS TO BE USED (for face-to-face)

Overhead projector

▪ PRACTICAL EXERCISES (for face-to-face)

None
▪ SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS

Pakitang turo (demo teaching)

▪ REFERENCES

Abal, M.A. (2009). Retorika (Filipino III). Mandaluyong City: National Bookstore.

Aguilar, et. al. (2013).Masining na pagpapahayag (Retorika).Pateros, Metro Manila:


Grandbooks Publishing Inc.

Arrogante, Jose A. (2000). RETORIKA sa MabisangPagpapahayag. Navotas, Metro Manila:


National Book Store.

Bendalan,N. M. (2013).RETORIKA: Mabisa at masining na pagpapahayag. Manila: Wiseman’s


Books Trading ,Inc.

Belvez, P.M. et.al. (2001). Retorika: mabisang pagsasalita at pagsulat. Manila:Rex Bookstore.

De Dios, L.A.et.al., (2008). Modyul sa retorika, masining na pagpapahayag. Metro Manila,


Grand Books Publishing

Mag-Atas, Rosarioet. al. (2002).Mabisang pagpapahayag retorika. (Filipino


3).IkalawangEdisyon. MakatiCity: Grandwater Publications and Research Corporation.

San, Juan G. P. et al. (2007). Masining na pagpapahayag. Makati City:

Tanawan, Dolores et. al.(2003). Retorika, mabisang pagpapahayag. Quezon, City :

You might also like