You are on page 1of 2

Kultura Ko, Ikukuwento Ko!

Ako ay si Jia Pajo, labinlimang taong gulang at bunso sa tatlong magkakapatid. Ako ang
tinuturing “miracle child” dahil nagbago ang takbo ng pamumuhay ng aking pamilya simula
nung dumating na ako sa buhay nang aking mama na si Elvie at ang aking papa na si Leynard.
Nahuli ako sa dalawang kapatid ko sapagkat 11 at 13 years ang agwat ko sa kanila ngunit
nakapag-bonding parin ako sa mga kapatid ko kahit papano. Malaking bahagi sa aming buhay
ang isda dahil sa pagnenegosyo ni papa ng isda ay umangat ang aming buhay.

Simula noon, nakapokus na ang aking pamilya sa pagnenegosyo, ako’y minsan


tumutulong sa negosyo kapag walang pasok. Ang kuya ko din ang kanang-kamay ni papa sa
negosyo simula pa nung nag-aaral pa lamang siya ng kolehiyo at ang ate ko naman ay
nangangasiwa ng aming mga sales. Pagkatapos mag-asikaso ang aming pamilya sa negosyo, ako
at ang aking pamilya ay kakain ng hapunan sa isang hapag kainan at magkwentohan habang
kumakain. Importante sa pamilya ko na sabay-sabay kapag kumakain dahil nakakatulong ito na
mawala ang mga stress at abala na nararamdaman, nagmemensahe din ito na ligtas at minamahal
ako ng aking pamilya.

Lumipas ang ilang taon, lumaki na ako at nakapag asawa na ang mga kapatid ko.
Paminsan-minsan na lamang kami nagtitipon dahil may mga sariling pamilya na ang mga
kapatid ko. Sapagkat, hindi pa rin namin nalilimutan ang pagtitipon kapag may espesyal na
okasyon. Lumipas man ang mga taon, hindi kumukupas ang pagsasamahan naming pamilya.
Kapag naman may uuwi na kapamilya namin sa ibang lugar, inaanyayahan nang makitulog sila
sa amin upang maari naming pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Naging malaking bahagi na sa aking pamilya ang bagong teknolohiya kagaya na ang
paggamit ng cellphone sapagkat sumakailanlang nag-ibang bansa si ate upang humanap ng mas
maiging trabaho sa Canada. Minsan tinatawagan ko siya sa messenger at nagkukuwentuhan kami
sa mga nangyari dito sa bahay pati narin mga pinagdadaaanan niya sa Canada. Kahit man hindi
na kompleto ang aming pamilya sa isang bubong, hindi namin malilimutan ang Panginoon dahil
siya ang palaging gumagabay sa aking pamilya. Tuwing linggo, pumupunta ako kasama si mama
at papa sa simbahan upang magpasalamat sa Panginoon. Minsan ay nadadala naming ang mga
anak ng kapatid ko at ako ang palaging tagapagbantay sakanila.

Ngayong panahon, may positibo at negatibong epekto ang teknolohiya sa pamilya ko. Isa
sa negatibong aspeto ay nalilimutan na naming mag-usap kapag nakaupo lang sa sala sapagkat
mas inaatupag naming ang hawak na cellphone. Bilang isa sa nagbabagong henerasyon,
nababalewala ko na din minsan ang mga utos ni mama dahil may ginagawa pa ako sa cellphone,
kaya napapagalitan niya ako.

Bagaman na naapektuhan ako at ang pamilya ko ng teknolohiya, hindi namin


pinapabayaan ang isa’t isa at pinapahalagahan talaga namin ang pagtitipon-tipon. Tinatawagan
rin namin si ate habang kumakain tuwing may espesyal na okasyon dahil halip sa pabago-bagong
panahon ang pagsasamahan ng pamilya ko ay hindi kailanman magbabago.

You might also like