You are on page 1of 26

Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng

Kognitibong Akademikong Kahusayang


Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa
Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa
Kolehiyo

DR. ESTER T. RADA


2 ND I N T E R N A T I O N A L C O N F E R E N C E
ON FILIPINO AS A GLOBAL LANGUAGE
SAN DIEGO, CA, USA
JAN 15-18,2010
Layunin ng Pag-aaral
Pangunahing layunin ng pag-aaral ang makabuo ng instrumento upang matanto ang kognitibong
akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyante sa kolehiyo

Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod:

• Matukoy ang mga batayan sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong


akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyanteng nasa Una at
Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng San Beda

• Mailarawan ang proseso ng pagbibigay-bisa ng mga eksperto sa tulong ng mga batayan tulad
ng organisasyon ng mga pagsusulit sa instrumento, aspektong tekstwal nito, nilalaman o
kognitibong aspekto at sa kabuuan, maisa-isa ang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap
(acceptability), kapaki-pakinabang (usefulness), komprehensibo ng instrumento, at iba pa

• Matukoy kung anong aytem sa instrumento ang dapat baguhin o tanggalin batay sa item
analysis;

• Makabuo ng talatuntunang may kinalaman sa katumpakan at kahusayan (validity and


reliability indices

• Maipasagot ang instrumento sa maliit na bilang o populasyon ng mga estudyanteng nasa


kolehiyo bilang paunang pagsubok (pilot test)
Mga Batayan sa Pagbuo ng Instrumento

 BICS/CALP
 Cognitive Academic Language Learning Approach
 Language for Specific Purposes
 Curriculum Development System
 Process Writing Approach
 Iskalang Analiktik/Diederich Scale
Kaligiran ng Pag-aaral

Kahusayang Prosesong
Prosesong
Kognitibo
Kombersasyonal Pangwika
(BICS)
Kaalaman Pagbigkas
Pag-unawa Bokabularyo
Aplikasyon Gramar

Analisis Semantikang
Sintesis Kahulugan
Ebalwasyon
Kahusayang Punksyonal na
Kognitibo/Akademik Kahulugan
(CALP)

Pigura 1 - Mababaw at Malalim na Antas ng Kahusayang Pangwika


Akademikong Prosesong Kognitibo Prosesong Pangwika
Gamit ng Wika (CALLA) Banghay ng Pag-aaral
Maghanap ng Kaalaman (Knowledge) C Sangkap sa Pagsulat
Impormasyon
(Seek Information)
Magbigay-kaalaman Pag-unawa (Comprehension) A Talasalitaaan (vocabulary)
(Inform)
Maghinuha (Infer)
Mangatwiran (Justify)
Mag-ugnay Paglalapat (Application) L Balarila (grammar)
Paghambingin Pagsusuri (Analysis) P Semantikong kahulugan
(Compare)
Pagsunud-sunurin
(Order)
Mag-isa-isa/ Maggrupo sa
(Classify)
Magsuri (Analyze)
Magbuod(Synthesize ) Pagbubuod (Synthesis) Punksyonal na kahulugan o gamit ng wika
Bigyang-solusyon
(Solve)
Magbigay-dahilan Pagtataya (Evaluation) Filipino
Tayain (Evaluate)
Pigura 2 – Antas ng Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino sa Kasanayang Pagsulat
Pagbuo ng Instrumento - CALLA
Academic Language Function Student Uses Language to: Examples Quality Thinking Skill
(Apendiks B) (Apendiks D)
Seek Information observe and explore the environment, Use who, what, when, where, and how Knowledge (Kaalaman)
acquire information inquire, to gather information
describe information
Inform identify, report Recount information presented by Comprehension (Pag-unawa),
teacher or text, retell a story or
personal experience
Infer make inferences; predict implications; Describe reasoning process(inductive Comprehension
hypothesize, or deductive)or generate hypothesis to
suggest causes or outcomes
Relate Use of facts, rules, principles Give an example of in relation to the Application
ideas presented, give the significance (Paglalapat)
of an idea, situation
Compare describe similarities and differences in Make/explain a graphic organizer to Analysis (Pagsusuri)
objects or ideas show similarities and contrasts
Order sequence objects, ideas, or events Describe/make a timeline, continuum, Analysis
cycle, or narrative sequence
Classify group objects or ideas according to Describe organizing principle(s), Application,
their characteristics explain why A is an example and B is Analysis
not
Analyze separate whole into parts; identify Describe parts, features, or main idea Analysis
relationships and patterns of information presented by teacher or
text
Solve Problems define and represent a problem; Describe problem-solving procedures; Synthesis (Pagbubuod)
determine solution apply to real life problems and
describe
Synthesize combine or integrate ideas to form a Summarize information cohesively; Synthesis
new whole incorporate new information into prior
knowledge
Justify and Persuade give reasons for an action, decision, Tell why A is important and give Evaluation (Pagtataya)
point of view; convince others evidence in support of a position
Evaluate assess and verify the worth of an Identify criteria, explain priorities, Evaluation
object, idea or decision indicate reasons for judgment, confirm
Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS
Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng
Kakayahang Pagmamarka
Pangwika/
Gamit ng Wika
I. Kaalamang Kaalaman Paghahanap ng May pagpipiliang titik 80 50%
Panggramatika Impormasyon ng sagot (Multiple 3 sanaysay (100 puntos 50%
Mataya ang batayang choice) bawat isa) 5%
kaalaman sa Sanaysay (Essay) 10 puntos bawat
talasalitaan, sanaysay
ponolohiya at
morpolohiya
II. Kaalamang
Tekstwal/Kognitibo
1. Masukat ang antas
ng kaalaman sa
pagsagot sa literal
na mga tanong na
inilahad sa akda.
2. Makatukoy o
makapaglarawan
ng impormasyong
inilahad sa akda
3. Makapaglahad Pag-unawa Pagbibigay-kaalaman 10 puntos bawat 5%
muli ng mga Paghihinuha sanaysay
detalye mula sa Pangangatwiran
akda sa sariling
pananalita
4. Matukoy ang
pangunahing diwa
ng akda
5. Matukoy ang
natatagong detalye
sa akda na hindi
tuwirang inilalahad
dito
Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS
Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng
Kakayahang Pagmamarka
Pangwika/
Gamit ng Wika
6. Makabuo ng Pag-unawa Pagbibigay-kaalaman 10 puntos bawat 5%
matalinong Paghihinuha sanaysay
paghihinuha sa Pangangatwiran
prosesong
deduktibo o
induktibo sa
maaaring
kinalabasan ng
mga pangyayari
7. Makapagbigay ng Paglalapat Pag-uugnay 10 puntos bawat 5%
opinyon batay sa sanaysay
umiiral na
katotohanan,
panuntunan,
prinsipyo batay sa
pinaniniwalaang
gawi (behavior) at
sa sitwasyon
8. Maiuugnay ang
sitwasyon sa akda
bilang halimbawa
ng pangyayari,
prinsipyo,
katotohanan, atbp.
9. Mailalahad ang
kaisipan mula sa
akda
Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS
Mga Layunin Kognitibong Domeyn Akademikong Uri ng Pagsusulit Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng
Kakayahang Pagmamarka
Pangwika/
Gamit ng Wika
10. Makapagpaliwanag Pagsusuri Paghahambing 20 puntos bawat 10%
sa pamamagitan ng Pagsusunud-sunod sanaysay
paghahambing o Pag-iisa-isa/Paggugrupo
pagtataliwas ng Pagsusuri
mga ideya o bagay
kaugnay sa
inilahad sa akda
11. Mapagsunud-sunod
ang mga ideya o
pangyayari
12. Mapag-uuri-uri ang
mga ideya ayon sa
mga katangian nito
13. Mailarawan ang
bahagi, katangian o
pangunahing ideya
sa akda at kaugnayan
ng mga ito sa
kabuuan
14. Makabubuo ng
balangkas,
dayagram, ugnayan
(web) ng mga
kaisipang inilahad sa
akda at mga patunay
rito
Mga Layunin Talahanayan
Kognitibong DomeynAkademikong ng Ispesipikasyon
Kakayahang
Uri ng Pagsusulit - CDS
Bilang ng Aytem Porsyento/ Bigat ng
Pagmamarka
Pangwika/
Gamit ng Wika
15. Makapagbigay ng Pagbubuod Pagbibigay-solusyon 20 puntos bawat 10%
dahilan sa pasya, Pagbubuod sanaysay
pananaw o aksyong
ginawa o gagawin
batay sa
iminumungkahi sa
akda
16. Makapagmungkahi ng
solusyon sa hinaharap
na suliranin
17. Makabuo ng buod ng
mga impormasyong
inilahad sa akda batay
sa dating kaalaman

18. Matukoy ang mga Pagtataya Pagbibigay ng mga 30 puntos bawat 15%
pamantayan o kadahilanan sa aksyon, sanaysay
prayoridad sa desisyon, pananaw at
pagpapasya o paghihikayat
pinaniniwalang
Pagtataya
katotohanan
19. Makabuo ng
pansariling paghuhusga
batay sa
pagpapahalaga,
katotohanan, umiiral na
panuntunan o prinsipyo
o katarungan
20. Makapagbibigay ng
patunay o ebidensya ng
aksyong gagawin,
desisyon, pananaw at
makapaghikayat sa
kahalagahan ng
desisyong nabuo o
paninindigan o
prayoridad
Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP
Ang layunin ng pag-aaral
Ang pagsusulit ay bahagi ng pananaliksik ukol sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga Estudyante na nasa Una at
Ikalawang Antas sa Kolehiyo ng San Beda.
Limitasyon ng pagsusulit: Tatagal ang pagsusulit ng isa at kalahating oras. Tig-iisang seksyon lamang bawat kurso ang bibigyan ng pagsusulit mula sa una at ikalawang
antas at tanging yaon lamang estudyante na kumukuha o nakapasa na sa Filipino 1 hanggang Filipino 3. Tatayain ang kakayahang pangwika sa Filipino ng mga estudyante
base sa binuong pagmamarka.
Ang sitwasyon at ang gawain
Naglalaman ang pagsusulit ayon sa silabus sa Filipino na may kinalaman sa retorika. Isasagawa ang pagsusulit sa kalagitnaan ng semestre sa oras ng kanilang klase sa Filipino.
Binubuo ang pagsusulit ng 80 aytem sa multiple- choice at hiwalay na puntos para sa sanaysay batay sa talahanayan ng ispesipikasyon sa itaas.
Katangian ng kukuha ng pagsusulit
Ang mga estudyanteng nasa “A” na seksyon sa Una at Ikalawang Antas sa bawat departamento ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Kolehiyo ng San Beda ang kukuha ng
pagsusulit: AEC (Economics), AIT (Information Technology), AMC (Marketing), ABE (Entrepreneurship), ALM (Legal Management), AFM (Financial Management),
APH (Philosophy), at APS (Psychology) na nakapasa sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 o kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2 at Filipino 3 sa panahon ng pagsusulit.
Mga kakayahang tatayain
Nakatuon sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga estudyante batay at paglalapat nito sa kasanayang pagsulat. Tunghayan ang mga batayan sa
pagtataya:

Kakayahang Panggramatika
Ponolohiya – ang paraan ng pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng isang wika.
Morpolohiya – pag-aaral ng mga morpema o ang pinakamaliit na bahagi ng salita na nagtataglay ng sariling kahulugan, na hindi maaaring bawasan o hatiin pa.
Talasalitaan – pag-aaral ng kahulugan ng salita
Kaalamang tekstwal – kohesyon at retorika
Retorika – mabisang pagpapahayag
Paglalarawan – isang paraan ng pagpapahayag na layuning makabuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig na gumagamit ng pandama, pang-
amoy, panlasa, pandinig at panalat.
Pagsasalaysay - maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. Sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, at
Paano.

Paglalahad – isang pamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan.
Enumerasyon – pag-iisa ng mga detalye sa malinaw na pagkakaayos ayon sa bahagi o mula una hanggang huli ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
Paghahambing at Pagtataliwas – pamamaraang angkop gamitin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba
atbp.
Pangangatwiran - isang paraan ng pagbibigay at pagdudulog ng sapat na katibayan sa anumang talakay na nais patunayan para maging kapani-paniwala ang isang
kontrobersiyal na isyu o paksa para sa iba
Kaalamang punksyonal – pagbuo ng mga ideya, katatasan sa wika/manipulasyon, pangangatwiran, imahinasyon o kakayahang pampanitikan
Kaalamang sosyolingwistika – paggamit ng wika batay sa sitwasyon
Antas ng Wika – pampanitikan, kolokyal, panlalawigan, pabalbal, pambansa
Rehistro – mga teknikal na termino batay sa larangan
Nilalaman ng pagsusulit
Isa itong criterion-referenced test na susukat sa kakayahan ng indibidwal na estudyante at walang kinalaman sa kaalaman o pagkatuto ng iba pang kaklase o kurso. Bagama’t
maaaring tingnan kung anong kurso ang nagtala ng mas mataas na kakayahang pangwika.
Talasalitaan
Wastong gamit
Ponolohiya at Morpolohiya
Retorika/ Sanaysay
paglalarawan/ pagsasalaysay
paglalahad
pangangatwiran
Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP/Iskalang Analitik-Diederich scale (binago)
Pamantayan sa pagmamarka
Kawastuhan ng mga sagot para sa mga aytem sa A. – C. at iskalang analitik sa Sanaysay. Scantron ang gagamitin sa mga
aytem A. – C at maglalaan ng hiwalay na papel para sa sanaysay.
Tunghayan ang iskala sa ibaba batay sa Diederich scale:


Aytem
A-C
50%
Nilalaman (20%) at organisasy on (10 %)
Kognitibo
Ka/– 10
Pagbuo ng
mga idey a
Nap ap anahon
(relevance)ng
Daloy o
kohirens
Istilo (10 %)
Sangkap Indibidwalidad
o awtentisidad
Pagbuo ng
mga salita,
Mekaniks (10 %)
Gramatika Anyo Bantas Baybay Kalinawan
ng sulat
Pa – 10 at mga p arirala,
Pl – 10 organisasy on halimbawa p angungusap
Ps – 20
Pb – 20
Pt - 30

Para sa kognitibong nilalaman ng sanaysay, tunghayan ang tsart sa ibaba. Ang kabuuang iskor
nito ang ilalagay sa kognitibong bahaging inilaan sa diederich scale sa itaas.

CALP puntos Sanaysay


Kaalaman 10
Pang-unawa 10
Paglalapat 10
Pagsusuri 20
Pagbubuod 20
Pagtataya 30
(Kabuuan) 100
Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon – LSP
Karagdagan nito ang ilang tanong bilang gabay sa pagmamarka sa iskala:

Panimula – Nakapukaw ba sa interes ng mambabasa?


Gitna – Lohikal ba ang ayos ng mga impormasyon at aksyon?
Katapusan – Nabuo ba sa katapusan ang kabuuan ng sulatin o hindi ba bitin ang katapusan?
Istruktura ng mga pangungusap – Buo ba ang mga pangungusap o hindi putul-putol ang mga ideya? May “sense” ba ang mga
pangungusap?
Talasalitaan – Angkop ba ang mga salitang ginamit o eksakto ba sa layunin ng nagsusulat?
Halimbawang paksa: Personal na Pagpapahalaga, Syensya at Kalikasan, at Pulitika at Nasyonalismo
Plano sa pagsukat sa katangian ng instrumento:
Reliability – pangkalahatang kakayahan ng pagsusulit na masukat ang kognitibong kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo
Validity – may kinalaman sa iterpretasyon ng iskor at pormat ng pagsusulit kung nakamit ang layunin ng pag-aaral
Situational authenticity – naaangkop ang pagsusulit sa layunin nito dahil ginamit ang silabus sa Filipino na naaayon sa pagtataya sa
kakayahang pangwika
Interactional authenticity – napapanahon ang mga akda na batay sa kultura at isyung pangwika at lipunang Pilipino
Dating (Impact)/Kahihinatnan (Consequences) - ang kinalabasan ng pagsusulit ay inaasahang magiging batayan sa pagpapayabong
ng pagkatuto at pagtuturo ng wikang Filipino
Praktikalidad - kayang gawin ang pagsusulit ayon sa kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo at wala pang nabuong pagsusulit
batay sa silabus sa Filipino maging sa KWF na pangunahing institusyon sa pag-aaral sa wika
Rubrik – napapaloob dito kung paano gagawin ang pagsusulit, panuto, tagal ng oras, pagmamarka, pagsasagawa ng pagsusulit
Input – prompt – tagpuan, kalahok, layunin, anyo/nilalaman, tono (magaan pero pang-akademiko), wika (Filipino), gawi, uri
(multiple-choice/essay)

Input data
Pormat – 75 aytem ng multiple-choice (scantron) at 100% sa sanaysay
Paano gagawin – pasulat
Haba – isang oras at kalahati

Inaasahang tugon
Pasulat
Sakop ng pagsusulit – silabus sa Filipino 1 hanggang Filipino 3
Pamantayan ng pagmamarka – kawastuhan ng sagot at iskalang analitik
Pagmamarka – SBC/IETLS
Napakagaling (Excellent) – 81%-100%
Magaling (Good) – 61% - 80%
Katamtamang Galing – 41% - 60%
(Average) Mahina (Weak) – 21% -40%
Napakahina (Poor) – 0% -20%

Paglalarawan sa pagmamarka (Descriptive bands):

 Napakagaling – Mahusay ang kognitibong kakayahang pangwika sa lahat ng antas nito – kaalaman, pag-
unawa, paglalapat, pagsusuri, pagbubuod at pagtataya. May hustong kaalaman din sa talasalitaan, wastong
gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, kaalamang tekswal,
punksyonal, sosyolinggwistika, antas ng wika at rehistro.
 Magaling – May sapat na kaalaman sa aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit,
ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika at mataas ang kognitibong kakayahang
pangwika (antas ng pagsusuri at mas mataas pa). Mahusay ang organisasyon, daloy o kohirens ng mga ideya,
istilo at nasunod ang mekaniks ng wastong pagsulat.
 Katamtamang Galing – Masasabing nababatid ang aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan,
wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, sapat ang antas na
kognitibo ngunit sa mababang antas ng kahusayang pangwika at hindi pa gaanong tumataas sa antas ng
malalim na pag-iisip. May sapat na kaalaman sa wastong pagsulat tulad ng organisasyon, kohirens, istilo at
mekaniks.
 Mahina – Nahihirapang maalala ang dating alam sa aspektong pangwika at nasa mababang antas na
kognitibo. Hindi gaanong binigyang-tuon ang mekaniks ng pagsulat.
 Napakahina – Di man lang nakapasa sa anumang aspektong pangwika maging sa kognitibong kakayahang
pangwika.
Proseso ng Pagbibigay-bisa ng mga Eksperto

 TALATANUNGAN (Bihasang Tagasuri)


 Pangalan _________________________
 Pamantasan/Kolehiyo
________________________________
 Katungkulan _________________________________
 Bilang/Haba ng Taon sa Propesyon
_________________________________
 Natapos na Kursong
Gradwado_________________________
 Pamantasan na Pinagtapusan
_________________________________
 Mga larangang bihasa o may mga ginawang pag-aaral
________________________
Mga Batayan ng Pagsusuri sa Instrumento

Batayan Oo Bahagya Hindi Hindi Komento/


Angkop Paliwanag

A. Organisasyon
B. Tekstwal
C. Nilalaman/
Kognitibo
D. Kabuuan
Organisasyon
1. Mula sa madali patungo sa mahirap ang mga aytem?
2. Sa pagsulat ng panuto:
a. tiyak?
b. malinaw?
c. maikli?
d. nauunawaan?

B. Tekstwal
1. Angkop ang mga talasalitaan/ mga salitang ginamit?
2. Tama lamang ang haba ng mga salita/talasalitaan?
3. Tama lamang ang haba ng mga pangungusap?
4. Angkop ang tipo ng mga letra?
5. Malinaw ang mga detalye?
C. Nilalaman/Kognitibo
1. Sapat ang mga tanong upang masukat ang dimensyon batay sa kognitibong domeyn:
a. kaalaman?
b. pagkaunawa?
c. paglalapat?
d. pagsusuri?
e. pagbubuod?
f. pagtatasa?
2. Sapat ang seleksyon sa pagtatamo ng layunin ng pagsusulit?
D. Kabuuan
1. Mahirap ba ang pagsusulit?
2. Natalakay ba ang lahat ng aytem sa pagsusulit?
3. May pag-uulit ba sa mga konsepto sa pagsusulit?
4. May mahahalaga bang paksang nakaligtaan o hindi nabigyang-diin?
5. Balanse ba ang mga kasanayan at konseptong sinusukat sa pagsusulit?
6. Natugunan ba ng pagsusulit ang layunin nito?
7. Malinaw at sapat ba ang mga panuto?
8. Sapat ba ang haba at kalidad (mahirap o madali) sa tagal ng itinakdang oras para masagutan
ang pagsusulit?
9. Angkop ba sa kakayahan ng estudyante ang nililinang na kasanayan at gawain sa
pagsusulit?
10. Madali bang basahin ang mga seleksyon at teksto sa kabuuan?
11. Kapaki-pakinabang ba ang ginawang pagsusulit sa pagkatuto?
Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan
(validity and reliability indices)

 validity – pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa


itinuro ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa
isang criterion-referenced test. May kinalaman ang validity
sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang
sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa
hangarin ng pagtuturo. May kinalaman din ito sa
kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa
marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat
sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng
instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable)
bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya.
May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content
validity, construct validity, face validity, at consequential
validity
 criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng
indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng
partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit.
Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo,
kurikulum at iba pa.
 content validity, pinagtutuunan ang domeyn o kasanayan at
personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa
kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng
pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at
kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang
layunin ng pag-aaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng
mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa
pagsusulit.
 face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung
katanggap-tanggap sa gagamit nito.
 construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral.
Layunin nitong mailarawan ang katangiang
sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan
nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan,
ang construct validity ay kalipunan ng mga
ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa iba’t
ibang sitwasyon. Dahil pilot test lamang ang pag-
aaral at mula lamang sa San Beda College ang
sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang
talatuntunang ito.
 consequential validity sinusukat dito ang magiging
bunga (consequences) nito sa kumukuha ng
pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang
kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent
ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit
ng kakayahan ng mga estudyante.
 reliability – nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng
pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na
isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung
magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong
grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho
ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at
“dependable” o magagamit muli sa hinaharap May mga uri
ng reliability: reliability coefficient at coefficient of
equivalence.
 Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng
sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong
instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng
administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa
kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng
tinatawag na error sa iskor.
 Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence
ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa
dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong
domeyn?.
Ang Instrumento

 Kaalamang panggramatika (multiple choice) –


Talasalitaan: Halimbawa: May tila bahaw na alingawngaw sa
kanyang dibdib.
a. Mahinang tinig b. di mawari c. malamig na pakiramdam
d. kaba
Wastong gamit:
Hatiin natin ang bibingkang binili ng nanay.
a b c d
Hatian mo naman ako ng mga bayabas na mapipitas mo.
a b c d
Ponolohiya, morpolohiya:
Silidan mo ng tubig ang balde at maliligo ako.
Sarisari ang kulay ng mga banderitas tuwing pista sa nayon.
CALP
Layunin Kognitibong Akademikong Tanong /Gawain
domeyn Kakayahang mula sa
Pangwika Instrumento
Masukat ang antas ng Kaalaman Paghahanap ng Ano ang tinutukoy ng
kaalaman sa pagsagot sa Impormasyon dalawang mukha ng
literal na mga tanong na syensya?
inilahad sa akda.

Matukoy ang Pag-unawa Paghihinuha Tukuyin ang


pangunahing diwa ng Pangangatwiran pangunahing diwa ng
akda akda. Anong bahagi ng
akda ang nagbigay ng
“clue” sa pangunahing
diwa nito?

Makapagbigay ng Paglalapat Pag-uugnay Maglahad ng


opinyon batay sa umiiral karanasang
na katotohanan, maihahalintulad sa
panuntunan, prinsipyo mga lalaking Indostan
batay sa pinaniniwalaang sa tula. Nangyayari ba
gawi (behavior) at sa sa tunay na buhay ang
sitwasyon pangyayari sa akda?
Bakit mo nasabi?
CALP
Layunin Kognitibong Akademikong Tanong/Gawain
domeyn Kakayahang mula sa
Pangwika Instrumento
Makabubuo ng Pagsusuri Pag-iisa-isa/Paggugrupo Gumawa ng dayagram
balangkas, dayagram, Pagsusuri o web ng sanhi at
ugnayan (web) ng mga bunga ng dalawang
kaisipang inilahad sa mukha ng syensya at
akda at mga patunay rito ipaliwanag ang
ginawang dayagram.

Makapagmungkahi ng Pagbubuod Pagbibigay-solusyon Anong suliranin ang


solusyon sa hinaharap na inilahad sa akda? May
suliranin solusyon ba?
Pangatwiranan.

Makabuo ng pansariling Pagtataya Pagbibigay ng mga May magagawa ba ang


paghuhusga batay sa kadahilanan sa aksyon, tao upang maiwasan
pagpapahalaga, desisyon, pananaw at ang masamang dulot
katotohanan, umiiral na paghihikayat ng syensya?
panuntunan o prinsipyo o
katarungan
Sanaysay - Prompt
Pansinin ang mga naunang tanong. Sagutin ang mga tanong na
ito sa pagsulat ng sanaysay na hindi kukulangin sa 200 salita.
Hindi kasama sa bilang ng mga salita ang mga pang-ugnay
tulad ng pang-ukol, pang-angkop, atbp. Hindi dapat limitahan
ang pagsulat sa pagsagot lamang ng mga tanong. Kailangang
sundin ang panuntunan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng
pagkakaroon ng simula, gitna, at wakas.
Tatayahin ang nilalaman at organisasyon, istilo, at mekaniks sa
pagsulat tulad ng wastong baybay, gamit, bantas, kahulugan,
atbp. Inaasahang makasusulat ng wastong gamit ng mga salita
sa Filipino, may kohirens, kohesyon sa mga pangungusap at
talata at angkop na rehistro batay sa larangan o disiplinang
tinatalakay. Nilalayon nitong mataya ang kognitibong
kasanayan sa pagsulat ng kumukuha ng pagsusulit na ito.

You might also like