You are on page 1of 13

Taghoy ni Kabayan

“Taghoy ni Inang Kalikasan ay ating pakinggan.


Sagipin natin siya at pakaingatan.”
Taghoy ni Kabayan
I
Dalubhasang mga kamay ang sa akin ay nagpala
At sa hawlang parisukat iniluwal ng tadhana
Lahat noon ay nagalak at marami ang namangha
Naging laman ng balita at sumikat sa balana.
II
Pagsiyap ko ay musika, mahika ang bawat galaw
Piling-pili ang pagkain kapag t’yan ay kumalam
Bawat hakbang na gawin ko, kamera ay umiilaw
Parang mutya kung ituring, para akong dugong-
bughaw.
III
Kung sakaling sa gubat na luntian, ako’y
isinilang at nagkamalay
Ako kaya’y makaranas ng ganitong kapalaran?
Akin kayang maabot ang ganitong kalagayan
Ang mamuhay nang sagana at puro kasikatan?
IV
Hindi lingid sa isip ko ang tunay na pangyayari
Kaya ako’y naririto sa kulungan lumaki
Lahi nami’y nauubos kaya dapat na dumami
Artipisyal na paraan ang sa aki’y humahabi.
V
Dumalang ang mga puno, gumuho ang mga
bundok
Sa gubat na dapat sana’y doon kami nakaluklok
Inabuso ng maraming tampalasan at dayukdok
Kinuha ang kayamanan, trahedya ang idinulot.
VI

Ano pa nga’t nang dumatal itong araw ng


paglaya
Sa tahanang nakagisnan, lumabas na tuwang-
tuwa
Sasapiting kapalaran ay hindi ko alintana
Basta ako’y makalipad, makalayo, makawala.
VII
Nasanay na sa maalwan at maluhong pamumuhay
Ang lahat ay laging dulot, gumabi man o umaraw
Di ko batid ang panganib palibhasa’y hindi gamay
Ang mamuhay nang malaya sa pusod ng
kagubatan.
VIII
O, kay lupit ng tadhana sa aking kapalaran
Ako pala ay mauutas at matatapos lang ang
buhay
Limitasyon ng paglikha sa akin ay naging
sundang
Patawarin sila ng Diyos, ‘pagkat sila’y tao
lamang.
- Ariel V. Marasigan
Sagutin Natin
1. Sino si Kabayan? Bakit espesyal ang
pakikitungo sa kanya ng lahat?

2. Saan lumaki si Kabayan? Bakit kakaiba siya


sa mga kauri niyang hayop?

3. Ano kaya ang posibleng nangyari sa kanya


kung sa gubat siya isinilang at lumaki?
4. Ano pa kaya ang dapat ginawa ng mga
eksperto kay Kabayan upang mas naging normal
at humaba ang kanyang buhay?

5. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang


isa sa mga dalubhasang kumalinga kay Kabayan
subalit nang ibalik mo na ito sa kagubatang
tunay niyang tahanan, siya ay nawala?
6. Paano nakaaapekto sa buhay ng mga hayop at
sa iba pang mga nilalang sa gubat ang
pagkakalbo o pagkasira ng mga kabundukan at
kagubatan?

7. Sa iyong munting paraan, paano ka


makatutulong upang hindi maubos ang mga
hayop sa gubat lalo na ang mga hayop na
nanganganib nang maubos ang lahi?
Paano ka makatutulong upang
mailigtas si Inang Kalikasan sa
patuloy na pagkasira at pagkaubos
ng mga likas-yaman nito?

You might also like