You are on page 1of 8

Araling Panlipunan 1

Distansiya
Subuking tumayo sa gitna ng
silid-aralan. Maglakad
patungo sa mesa ng guro sa
harapan. Ilang hakbang ang
bibilangin mo upang
makarating sa mesa ng iyong
guro?
Ngayon naman ay subuking
sumandal sa pader na
nakahanay sa iyong upuan.
Idipa ang iyong kamay.
Bilangin kung ilang dipa ang
kailangan upang makarating sa
kinaroroonan ng mesa ng iyong
guro.
Tandaan:
Ang distansiya ay
nagpapakita ng lapit o
layo ng isang tao, bagay o
lugar mula sa iba pang
tao, lugar o bagay.
Subukin mong sukatin
ang distansiya ng mga
bagay na nakatala sa
ibaba. Isulat kung ilang
hakbang ang layo sa
pagitan ng dalawang
bagay.
Tingnan at suriin mo ang mga
larawang nasa ibaba. Piliin ang
tamang sagot.

You might also like