You are on page 1of 16

MALASUSING

BANGHAY-ARALIN SA
FILIPINO 9
Inihanda nina:
Camorahan, Louie Jane
Cañamo, Ivy Joy
Labrador, Dianne
Ongcay, Jenny
Tomulto, Lyka Antoinette
BSED FILIPINO 3A
I. LAYUNIN:
Sa loob ng isang oras na pagtatalakay ang mga mag-aaral
ay inaasahang:

a. natukoy ang mahahalagang elemento ng maikling kwento;

b. nasuri ang isang napiling maikling kwento batay sa mga


elemento;

c. nakapagpakita ng pagpapahalaga sa bawat elemento ng


maikling kwento.
II. PAKSANG ARALIN:

Topiko: Maikling Kwento


Paksa: Mga Elemento ng Maikling Kwento

Kagamitan: Laptop, Internet Connection, Video clip via


YouTube, Google Meet, Google Classroom, Google Form,
Microsoft PowerPoint, Microsoft Word, Facebook Page,
Facebook Messenger group chat, at Online Name Picker.
 Sanggunian:

Phiinas, C (2020)Kwentong Pambata: Si Pagong at Matsing. nakuha sa


https://youtu.be/U_d-aQ7i5sU noong Hunyo 8, 2022

Hiee, X (2018)Elemento ng Maikling kwento. nakuha sa


https://www.slideshare.net/HiieXD/elemento-ng-maikling-kwento-56729389 noong
Hunyo 8, 2022

WOA NETWORK.(2019).Filipino Fairy Tales: Kwentong Pambata. nakuha sa


https://youtube.com/c/WOAFilipinoFairyTales noong Hunyo 8, 2022

Valley Rey(2019).Halimbawa ng salawikain-25 pang halimbawa ng mga kasabihan.


nakuha sa philnews.ph/2019/08/28/halimbawa-ng-salawikain-25-pang-halimbawa-
ng-mga-kasabihan/ noong Hunyo 8, 2022
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
(Gamit ang Facebook Messenger group chat at Google Meet sa loob ng limang
(5) minuto)

Ibabahagi ng guro ang Google Meet link sa mga mag-aaral sa


pamamagitan ng pagpapadala sa Facebook Messenger group chat.
Panalangin
Pagbati
Pagtala ng mga lumiban
B. Balik Aral
(Gamit ang Google Meet at PowerPoint slides sa loob ng limang (5) minuto)

Magpapakita ang guro ng presentasyon gamit ang PowerPoint slides patungkol


sa nakalipas na aralin.

Tatanungin ng guro kung ano ang pagpapakahulugan ng nasabing aralin at


magbibigay ng pagpupuntos.

Magtatawag ang guro kung sino ang sasagot sa pamamagitan ng pagpili sa


mga naka raise hand sa Google Meet.
C. Pagganyak
(Gamit ang Google Meet, YouTube at PowerPoint slides sa loob ng limang (5) minuto)

Magpapakita ang guro ng isang bidyu galing sa YouTube na isang halimbawa ng


maikling kwento.

Hahayaan ng guro na pindutin ng mag-aaral ang raise hand button kung may nais
silang itanong o sa pagsagot sa mga katanungan na inihanda ng guro.

Magtatawag ang guro mula sa mga naka raise hand button upang sumagot sa
katanungan at bibigyan ng limang puntos sa bawat tamang sagot.
D. Paglalahad ng Aralin
(Gamit ang Google Meet at PowerPoint slides sa loob ng sampung (10)
minuto)

Magtatalakay na ang guro ng mga elemento ng maikling kwento


gamit ang PowerPoint slides.

Gagamitin ang Google Meet chat box bilang paraan sa pagsagot ng


mga mag-aaral sa mga gabay na tanong ng guro.

Pipili ang guro ng sasagot mula sa mga naka-raise hand na mag-


aaral at bibigyan ng dalawang puntos sa bawat tamang sagot.
E. Paglalapat (Pangkatan na Gawain)
(Gamit ang Google Meet, YouTube, Facebook Messenger, Online Name Picker,
Microsoft Word sa loob ng dalampung (20) minuto)

Maglalaan ang guro ng isang pangkatan na gawain.

Hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat.

Ipapadala ng guro ang nahating pangkat na may bilang sa Facebook


Messenger group chat.
Gagamit ang guro ng Online Name Picker kung saan nakalagay ang
mga iba’t ibang halimbawa ng mga maikling kwento na susuriin.

Ipapadala ng guro sa Facebook Messenger group chat ang mga link


ng bawat maikling kwento.
Hahayaan ng guro ang bawat pangkat sa pagsuri sa nakuhang
kwento batay sa elementong itinalakay.
Itatalaga ng guro na gagamitin ang Microsoft Word sa pagsusuri
ng maikling kwento at icoconvert sa PDF file format.

Ang guro ang maghahanda ng pamantayan na gagamitin na


batayan sa pagpupuntos sa nagawang pagsusuri at i-post din ito
sa Facebook Messenger group chat.
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa nasuring maikling kwento:

50% - Kawastuhan sa pagsuri ng kwento batay sa mga elemento o sangkap nito.


15% - Kalinawan
20% - Istilo at pamamaraan
15% - kaayusan
100% - Kabuuan
Hahayaan ng guro na makapili ang bawat grupo ng kakatawan at mag
prepresenta ng kanilang gawa sa klase.

Tatawagin ng guro ang dalawang kakatawan sa bawat pangkat upang itanghal


ang kanilang suri sa pamamagitan ng share screen sa Google Meet.

Magtatanong ang guro patungkol sa kanilang paraan sa pagsuri at kung ano


ang kahalagahan ng bawat elemento sa maikling kwento.
Ang natapos na pagsusuri ay ipapasa sa Google Classroom pagkatapos ng
klase.
F. Pagtataya
(Google Meet, Google Form at Facebook Messenger group chat sa loob ng
sampung (10) minuto.)

Magbibigay ang guro ng isang formative na pagtatasa ang guro gamit ang Google Form.

Ipapadala ng guro ang link (Google Form) sa Facebook Messenger group chat kung saan
nakapaloob ang sampung tanong tungkol sa Elemento ng Maikling Kwento upang doon ilagay
ang kanilang mga kasagutan.
IV. Takdang Aralin
(Gamit ang Facebook Page sa loob ng limang (5) minuto)

Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng isang maikling kwento na kanilang


paborito.Ipoportray nila ito mula sa kaniyang kasuotan at senaryo sa kwento.

Bibigyan lamang ng tatlong (3) araw sa pagsumite. Ipapaskil ito sa Facebook


Page at lagyan ng caption kung sino at saang kwento galing ito kasunod ang
pagbibigay ng maliit na deskripsiyon patungkol sa katangian ng karakter.
*Website : www.isatu.edu.ph * Fb Fanpage: WVCSTInfocus

Pamantayan sa pagpupuntos:
Pagkamalikhain 10 na puntos
Kawastuhan sa pagganap ng napiling Karakter 20 na puntos
Emosyon 10 na puntos
Istilo sa Pagganap 10 na puntos
Kabuuan 50 na puntos

You might also like