Professional Documents
Culture Documents
ANG PRUSISYON
MGA PALIWANAG
1
447
ng matanda sa nayon;4 bawat isa ay siyang nagpa lano at
gumagawa ng sarili nilang parol, nilalagyan ng mga sabit na
palamuti at banderitas, alinsunod sa kanyang nais na disenyo at
sa laman ng bulsa, at ang loob ay iniilawan ng isang mauubos
nang kandila, kung may isang kaibigan o kamag-anak na
sakristan, o kaya ay bumibili ng mga kandilang pula na
kagamitan ng mga Insik sa kanilang mga altar.5
Sa kalagitnaan ay pabalik-balik ang mga alguwasil at ang
mga tinyente ng hustisya ng bayan, upang ang prusisyon ay hindi
maputol, ni maipon ang mga tao sa iisang lugar lamang, at upang
masunod ito ay ginagamit ang kanilang mga varas, na, ang palo
na ibinibigay nang may sapat na lakas at sa kailangang sandali ay
nakapagdadgdag sa kaluwalhatian at karingalan ng prusisyon
upang ikahusay ng mga kaluluwa at ikaningning ng mga
pagdiriwang ukol sa pananampalataya.6
Samantalang ipinagkakaloob ng bay sa mga alguwasil ang
kanilang libreng pamamalo na nakapagbibigay-kabanalan, ang iba
namang mga tao ay namimigay ng mga kandilang iba’t iba ang
laki, na wala rin namang bayad, upang maaliw o maalis ang sama
ng loob ng mga napapalo.
“Ginoong Alkalde,” ang sabing marahan ni Ibarra, “ang mga
pagpalo bang iyan ay bilang kaparusahan sa kasalanan, o dahil sa
ibig na lamang ang mamalo?”7
dahilan sa sarili nilang gastos at abala ng kanilang pakikibahagi sa
prusisyon ng bayan.
4
Isang taong iginagalang sa sa nayon. Maaring hindi siya ang cabesa de
barangay ngunit ang kaniyang inpluwensiya ay napakalakas sa buhay at
desisyon ng mga taga nayon. Maging sa pag-aaral ng tulisanismo bago
sumapit ang kalagitnaan ng ika-19 siglo, mayroong mga matatanda sa
nayon na napasama sa kilusang armado, laban sa pamahalaang
kolonyal.
Batis: Glorias Nacionale: Los Sucesos de 1872 sinulat ni Manuel Artigas
y Cuerva at isinalin sa Ingles ni Onofre D. Corpuz.
5
Pinupuna rito ni Rizal na ang kandilang ginagamit at pinagbibili ng mga
Tsino sa kanilang altar ay iyon ding mga ginagamit ng mga Pilipino para
sa altar ng kanilang mga santo.
6
Gumagamit ng pamalo sa mga tao para maging maayos ang prusisyon
at patingkarin ang pagdiriwang na pangkabanalan. Ang pamamalo sa
mga nagkakagulong tao sa pamamagitan ng pamalong yantok ay bahagi
noon ng pamamaraan ng pagpapatahimik ng tao sa maramihang
pagkakatipon. Sa kasalukuyan ang ganitong eksena ng pamamalo sa
maraming tao na nagkakatipon ay nakikita sa tinatawag na crowd
control and dispersal sa mga demonstrasyon.
7
Parang isang katanungan ni Rizal sa sistema ng pamamalo bilang
448
“May katwiran kayo, Ginoong Ibarra,” ang sagot ng
Kapitan Heneral na nakarinig sa katanungan, “ang ipinamamalas
na iyang… ugaling-hayop ay .makapagpapanibago sa mga
nanggagaling sa ibang lupain. Kailangang ipagbawal.”8
Sa hindi malamang dahilan, ang unang santong lumitaw,
ay si San Juan Bautista. Pagkamalas sa kanya ay masasabing
ang kabantugan ng pinsan ng ating Panginoong Jesucristo ay
hindi mabuti ang kalagayan sa tao; tunay nga at siya ay may mga
paa at hitang dalaga at mukhang anacoreta,9 ngunit nakalagay sa
isang lumang andas na kahoy at nadidiliman siya ng ilang bata na
may mga dalang parol na papel na walang ilaw, na di-
nagpapahalatang nag-aaway-away.10
paraan ng crowd control and dispersal – dapat bang saktan ang mga
demonstrador na nagpaparating ng kanilang mga karaingan sa
pamahalaan.
449
“Sawing palad!” ang bulong ng pilosopong si Tasyo na
nasa daan at nanonood ng prusisyon, “walang naging kabuluhan
sa iyo ang iyong pagiging unang nagsalaysay ng Magandang Balita,
kahit na yumuko pa sa iyong harapan si Jesus! Walang halaga
ang malaki mong pananampalataya, maging ang iyong mga
kahirapan, maging ang iyong pagkamatay nang dahil sa
katotohanan at iyong mga pananampalataya: ang lahat ng iyan
ay nililimot ng mga tao na walang taglay kundi ang pagiging
makasarili! Lalong mabuti pa na ikaw bumigkas na lamang ng
masasamang sermon sa mga simbahan kaysa maging matatag na
tinig na nangangaral sa ilang, ito ang itinuturo sa iyo ng Pilipinas.
Kung pabo sana ang iyong kinain at hindi balang, nagsuot ka
ng sutla at hindi balat ng hayop, kung sumapi ka sa isang
corporacion…”11
Subalit pinigil ng matanda ang paninisi sapagkat
dumarating ang rebulto ni San Francisco.
“Ano ang sabi ko?” ang patuloy na tumatawang pakutya,
“ito ay nasa karo at … anong karo, Diyos ko! Anong daming ilaw
at anong daming parol na kristal! Kailanman ay napalibutan ng
ganyan karaming ilaw, Giovani Bernardone!12 At anong musika!
Ibang mga tugtugin ang ipinadinig ng iyong mga anak pagkatapos
mong mamatay! Ngunit kagalang-galang at mapakumbabang
nagtatag, kung muli kang mabubuhay ngayon ay wala kang
makikita kundi mga Elias de Crotona na naging mahalay sa
pamumuhay, 13 at kung makilala ka ng iyong mga anak ay
ikukulong ka, at marahil ay magaya ka sa nangyari kay Cesario de
Speyer!”
11
Nagpapakita ng panghihinayang si Pilosopo. Tasyo sa pangangaral,
paghihirap at kamatayan ni San Juan Bautista. Isang mapanudyong
panukala ni Pilosopo Tasyo na sana si Juan Bautista ay sumapi na
lamang sa religious order ng mga prayle upang hindi kumain ng balang
(kinakain ni Juan Bautista) kundi matataba at masarap na pabo,
nakapagsuot ng abitong sutla at hindi kasuotang gawa sa balat ng
hayop, at sana ay hindi ito pinatay. Isang matalim na anyo ng panlilibak
ni Rizal sa pagpapayaman ng mga prayle, samantalang naghirap ng labis
ang mga sinaunang tagapagtatag ng Kristiyanismo.
12
450
Sumusunod sa musiko ang banner na may larawan ng
nasabi ring santo, ngunit may pitong pakpak, ito ay dala ng mga
Hermano Tercero na nakasuot ng abitong ginggo at nagdarasal
nang malakas at paiyak ang boses. Hindi masabi kung bakit ang
sumusunod doon ay si Sta. Maria Magdalena,14 magandang
larawan na may makapal na buhok, may panyong pinyang
binurdahan sa mga daliring puno ng mga singsing, at ang
pananamit ay sutlang may hiyas na ginto. Mga ilaw at insenso
ang nakapaligid sa kanya; nakikitang naaninag sa kanyang mga
luhang kristal ang mga kulay ng luces de bengala, na nagbibigay-
anyong mahiwaga sa prusisyon, kaya ang banal na makasalanang
babae ay lumuluha nang kung minsan ay luntian, kung minsan ay
pula, kung minsan ay bughaw, atbp. Sinisindihan lamang ng mga
bahay-bahay ang mga ilaw sa eksaktong pagtapat sa kanila ni San
Francisco; si San Juan Bautista na hindi nagkakamit ng gayong
karangalan at matulin ang kanyang lakad sapagkat nahihiya sa
pangyayaring nag-iisa siyang nakadamit ng katad sa gitna ng
karamihan ng taong puno ng ginto at mga maiinam na hiyas.15
“Nariyan ang aming santa!” ang sabi ng anak na babae
ng kapitan sa bayan na kanilang mga panauhin, “ipinahiram ko
sa kanya ang aking mga singsing upang matamo ko ang
kalangitan.”16
14
Mapapansin ang labis na panunudyo ni Rizal maging kay Maria
Magdalena na nakasunod sa kalipunan ng mga lalaking mapanata sa
simbahan. Tila inihanay ito ni Rizal upang ipakita ang isa mga
kahinaan ng mga lalaki na laging mayroon sa likod na isang babae na
kinakatawan ng pinaniniwalaan na dating propesyon ni Maria
Magdalena.
15
Ipinakitang aba ang kalagayan ni San Juan Bautista samantalang siya
ay pinsang buo at mismong nagbautismo kay Cristo. Ituwid natin ang
ilang kamalian – sinasabi ng ilan na si San Juan Bautista ang nagbinyag
kay Jeusus ang naganap doon sa katotohanan ay bautismo at hindi
binyag. UNA MALAKI NA SI CRISTO NANG MAGANAP ANG
SEREMONYA; PANGALAWA, INILUBOG SI CRISTO SA TUBIG, HINDI
WINISIKAN SA ULO at ALAM NI CRISTO ANG ARAL NA ITINUTURO NI
JUAN BAUTISTA. Ngayon naiintindihan mo na ang pagkakaiba ng
bautismo at binyag – na parang iisa lamang sa wikang ingles na
baptism.
16
Ipinakikita ang kapanatikuhan ng mga tao sa kanilang mga santa -
ipinahiram ng anak na babae ng Kapitan ang kaniyang singsing sa santa
– ano akala nila sa santa nagyayabang na katulad ng tao. Maaring
ipinaiisip sa atin ni Rizal na ang ating mga imahen ay maaring ipakita ng
payak at walang karangyaan – tayo lamang ang gumagawa sa kanilang
napakarangya – ginagamit sila sa hindi natin direktang kayabangan
ng nagpapahiram ng mga alahas.
451
Ang mga umiilaw ay nagsitigil sa paligid ng kubol upang
mapakinggan ang loante, ang mga santo man ay gayon din: sila
(ang mga santo) o ang may dala sa kanila ay siyang may nais
na makarinig ng mga tula.17 Ang mga may pasan kay San Juan,
dahil sa pagkapagod sa pag-aantay, ay nagkaisang ilapag ang
santo.
“Baka magalit ang alguwasil!” sabi ng isa.
“Hoy! Sa sakristiya ay iniiwan lamang iyan sa isang sulok
na may mga sapot ng gagamba…”18 At nang nasa lapag na si San
Juan ay nagmukhang para na lamang isang taong-bayan.
Sumusunod kay Santa Magdalena ay dumating ang mga
babae, na ang nangunguna ay ang matatanda at hindi ang mga
bata, na gaya ng mga lalake, ang panghuli ay ang mga dalaga
hanggang sa karo ng Birhen, na sinusundan ng kura na nasa
silong ng palyo.19 Ang ugaling ito ay pina-uso ni Padre Damaso
na nagsabi: “Ang ibig ng Birhen ay ang mga dalaga, at hindi ang
mga matatanda,” bagay na ikinasasama ng mukha ng maraming
matatandang babaeng na mapanata, ngunit hindi nila mabago ang
kagustuhan ng Birhen.20
17
Inihihinto ang imahen ng santo/santa para tulaan ng loa – ipinakikita
ni Rizal na hindi naman ang santo ang may gusto ng tula kundi ang
nagdadala ng mga santo – para bang ibig sabihin sa atin ni Rizal na
alisin na lang ang santo (nagpapakahirap pa tayo) at makinig na lang
tayo ng tulaan o Balagtasan. Paano kaya ma-aapreciate ng isang
santo/santa ang loa at ang karingalan ng prusisyon – may mga mata sila
na hindi nakakakita, may tainga na hindi nakakarinig, kamay na hindi
nakakahawak, at paa na hindi nakakalakad! HINTAYIN NATIN NA
MAGING HIGH-TECH, MAGKAROON SANA TAYO NG MGA
ROBOTIKONG SANTO. Bakit nga ba hindi?
452
Si San Diego ang sumusunod sa Magdalena, kahit waring
hindi niya ikinagagalak ang gayon sapagka’t malungkot din ang
pagmumukha gaya kaninang umaga, nang sumusunod kay San
Francisco. Ang bumabatak sa kanyang karo ay anim na Hermana
Tercera dahil sa isang panata o pagpapakasakit na di-maalaman:
ngunit ang tunay ay bumabatak sila nang buong-puso. Si San
Diego ay huminto sa harap ng kubol at inantay na siya ay batiin.
Subalit kailangang hintayin ang Birhen na
pinangungunahan ng mga taong nakadamit-multo na
nakasisindak sa mga bata, kaya narinig ang iyakan, at tilian ng
mga di-marunong magtimping sanggol.21 Gayunman, sa gitna
noong madilim na pulutong ng mga abito, taklob sa ulo, mga lubid
at toca, sa gitna noong dasal na nakababagot at sa ilong
pinalalabas ang tunog,22 ay may waring mapuputing hasmin, mga
waring sariwang sampaga sa gitna ng matatandang basahan, anim
na batang babae na taganas na puti ang suot, may mga putong na
bulaklak, kulot ang mga buhok, ang mga paningin ay makikinang
na kagaya ng kanilang mga hiyas sa leeg; parang mga munting
diwata ng liwanag na nakukulong ng mga multo. Nangakahawak
sa dalawang malapad na sintas na bughaw na nakatali sa karo ng
Birhen, na nagpapagunita sa mga kalapating humihila sa karo ng
Tag-araw.
Ang lahat ng larawan ay nakahinto nang magkakalapit
upang pakinggan ang mga tula; ang lahat ay nakatingin sa may
munting bukas na tabing; di-kawasa ay isang aaah! na pahanga
ang pumulas sa lahat ng labi. At nararapat naman: ang sumipot
ay isang batang lalakeng may pakpak, naka-botas de montar,
banda, pamigkis at sumbrerong may dekorasyon mga pakpak.
“Ang Alkalde Mayor!” ang sigaw ng isang tao, ngunit
ang kahanga-hangang nilikhang iyon ay nagsimula sa
pagbigkas ng isang tula na kagaya ng sa alcalde mayor na ang
pinuno naman ay hindi namuhi sa ginawang panggagaya sa
kanya.23
21
Nakadamit multo – hindi aakalain na ang nakakatakot na damit ang
isusuot ng mga tao na nangunguna sa rebulto ng birhen. Ang kasuotan
na ito ay siyang ipinapaliwanag sa Kabanata 11. Makikita ang
katotohanan na damit-multo ay mga galing sa ukay-ukay ng mga patay
ay ang sumunod na pangungusap na “Gayunman, sa gitna noong
madilim na pulutong ng mga abito, taklob sa ulo, mga lubid at toca”
22
Minamadaling dasal dahilan sa ilong na pinararaan ang tunog –
walang kabanalan ang anumang dasal kapag napipilitan at ginagawa ng
mabilisan.
23
Ginaya ng katangi-tanging bata ang paraan ng patatalumpati ng
alcalde mayor – dito ay mapapansin na isa na rin sa libangan ng mga
453
Ano pa at itatala rito ang mga sinabi sa wikang Latin,
Tagalog at Kastila, na pawang tula, ng kaawa-awang pinahirapan
ng kapitan sa bayan? Nalasap na ng aming mga mambabasa ang
sermon ni Padre Damaso sa umaga, at ayaw naming palugdan sila
ng gayon karaming bagay na kahanga-hanga, saka ang isa pa ay
maaaring sumama ang loob sa amin ng Pransiskano kung
ihahanap siya nang isang kalaban, at ang bagay na ito ang hindi
namin ibig, sapagkat kami’y payapang tao.
Pagkatapos ay nagpatuloy ang prusisyon: nagpatuloy si San
Juan sa kanyang paglalakad sa lansangan ng mga luha.
Pagdaraan ng Birhen sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isang
awit-langit ang bumati na ang sinabi ay ang pangungusap ng
arkanghel. Isang masarap na tinig, mahimig, na may
pagmamakaawa, paiyak na inawit ang Ave Maria ni Gounod, na
sinasaliwan ng piyano na nananalanging kasabay ng awit. Ang
musiko ng prusisyon ay napipi, ang dasalan ay tumigil at si Padre
Salvi ay huminto. Ang tinig ay nakapangingilabot at
nakapagpapaiyak: hindi isang bati lamang ang ibinibigkas, kundi
isang pagsusumamo, isang hibik.
Narinig ni Ibarra ang tinig na iyon, mula sa kinaroroonang
bintanang, ang sindak at kalungkutan ay pumasok sa kanyang
puso. Naramdaman niya ang kapighatian ng kaluluwang iyon, na
ipinahahayag sa pamamagitan ng awit, at nangangamba siyang
itanong sa sarili ang dahilan ng sakit na iyon.
Malungkot, nagbubulay-bulay na natagpuan siya ng
Kapitan Heneral.
“Samahan ninyo ako sa pagkain; doon natin pag-
usapan ang mga batang nawala,” ang sabi.24
“Ako kaya ang dahilan?” bulong ng binata na parang hindi
nakikita ang Heneral na kanyang sinundan.
454