You are on page 1of 6

Unang Komprehensibong Pagsusulit

Maikling Kwento
(Filipino 103)
Pangkalahatang Panuto:
Basahin nang mabuti ang maikling kwento na LUPANG TINUBUAN sa inyong
teksbuk-workbuk na nasa pahina 24-27. Isagawa ang sumusunod:
1. Para sa ugnayan ng akda sa awtor sa kasaysayang kinabibilangan:
a. Buod ng kwento na bubuuin lamang ng 20 na mga pangungusap at dalawang
talata.
b. Magsagawa ng kaligirang pananaliksik sa buhay ng awtor. Maglahad ng sampu
(10) hanggang dalampung (20) pangungusap tungkol sa kanyang buhay. Isa
hanggang dalawang talata lamang ito. Tandaan na mga mahahalagang
impormasyon lamang ang isama.
c. Mula sa buhay ng awtor, sikaping makuha ang kaligirang kasaysayan ng
maikling kwento gaya ng taon ng pagkasulat nito, mga kalagayang
nakapangyayari ng maikling kwento at iba pa.
2. Bumuo ng story map. Tingnan sa sumunod na pahina ang template.
a. Gumawa ng jastipikasyon sa mga sagot. Ibig sabihin, kung sasagutin inyo
ang tagpuan, ipaliwanag at magbigay ng sipi mula sa kwento na
magpapatunay sa inyong sagot. Ganito rin ang gagawin sa iba pang
impormasyon na hinihingi sa template.
b. Mula sa bahagi ng tauhan na kahon, gumawa ng karakterisasyon sa bawat
isa. Kung sakaling hindi magkasya ang sagot, maaari itong ilagay sa ibang
pahina at lagyan ng lebel na:
Karakterisasyon ng mga tauhan
Pangunahing tauhan
i. Poncio Pilato..
Iba pa.
3. Magsagawa ng repleksyon na pagbasa sa kwentong Lupang Tinubuan. Isaalangalang ang sumusunod:
a. Ang repleksyong papel ay kailangan mula sa tema ng kwento na inyong
binasa. Ano ang tema ng kwento? Kayo ang dapat na bumuo at maglahad
gamit ang mga motif dito. Magiging maganda ito kung ipalinawag ang tema
sa unang bahagi pa lamang ng repleksyong papel. Ito ang magiging
introduksyon ng inyong repleksyong papel.
b. Magkaroon ng malinaw na layunin ng repleksyong papel. Halimbawa, kung
nais ninyong talakayin ang tungkol sa isyu ng lupa o gahum, kailangang
maipakilala ito sa unang talata pa lamang ng inyong repleksyong papel.
Nakabatay at o nakaangkla ito sa tema na inyong binuo.

c. Maaaring titingnan ang kwento sa (a) anyong kaligirang pangkasaysayan


kung kailan ito nasulat at (b) maari namang sa panahong binasa ninyo ang
akda. Ibig sabihin:
a. Sa anyong kaligirang pangkasaysayan
Kung sa inyong pagbasa, ang kwento ay may elemento ng
danas at karanasang pangkasaysayan, kailangan iakma ito sa
panahong nalikha ang kwento. Kilalanin ang taong nilikha ito at
doon iangkla ang repleksyon na gagawin. Sakali mang na-establish
na ang kasaysayang kaligiran, pwede itong dalhin na sa
kasalukuyan. Dalhin sa panahon ngayon ngunit ayon pa rin sa
sitwasyong pangkasaysayan na nakapaloob sa akda.
b. Maaring sa panahong binasa ang akda
Tumutukoy ito sa panahong kinabibilangan ninyo bilang
mambabasa. Ano ang mga karanasan at danas (mula sa temang
inyong inilahad) ang nakapaloob sa kwento.
d. Gumawa ng repleksyon mula sa mga pangyayari sa kwento at iangkla ito sa
mga karanasang panlipunan sa kasalukuyan. Kailangan lahat ng inyong mga
ideya at konsepto ay suportado ng dokumento. Nangangahulugan ito na
kailangan ninyong magsaliksik. Gamitin ang APA na estilo ng
dokumentasyon.
4. Anyo ng pagsulat:
a. Encoded ang pagsusulit na ito Gumamit ng long bondpaper na may 1 na
marhin ang bawat bahagi nito.
b. Kailagang nakasulat ito gamit ang font na times new roman, may 12 na font
size, nakadoble espasyo, justified.
c. Sundin ang paraan ng pagsulat ng pangalan at iba pang impormasyon.
Nakabold lahat ito.
Poncio Pilato
Prof. Chem R. Pantorilla
Fil. 103 A5 Maikling Kwento
Guro
Setyembre 01, 2016
5. Ipapasa ang papel na ito sa darating na Setyembre 19, 2016 sa araw at oras ng
ating klase. Sinuman ang hindi makapagpasa nito sa nakatakdang panahon ay
hindi na tatanggapin.

MARAMING SALAMAT!!!

Pangalan ___________________________________________ Petsa______________________

Story Map
Sumulat ng tala mula sa bawat kahon.

Tagpuan:
Saan:
Kailan:

Kinalabasan:

Pangunahing Tauhan:
Iba pang tauhan:

Banghay/Suliranin:

Pangyayari1:

Pangyayari2:

Pangyayari3:

Copyright HoughtonMifflinCompany.AllRightsReserved.

You might also like