You are on page 1of 27

KABANATA I

Rasyonale
Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay
sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot
ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa
kanyang paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang
mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa
tinatawag na bullying.

Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas


nakakatanda sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o kanyang kapaligiran. Halimbawa ng
mga pangyayaring nakakaapekto sa bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng
paaralan, at pagkaligalig (istres o presyon). Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay

isang agresibong pag-uugali na nagdudulot ng negatibong epekto sa taong


dumaranas nito. Itoy maaaring humantong sa depresyon na maging sanhi ng
pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakakagambala ito sa
kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal at maging sa
batang naaapi.

Paglalahad ng Suliranin

Ang

pananaliksik

na

ito

ay

isinagawa

bilang

pagtugon

sa

isang

pangangailangang makapangalap ng impormasyon upang magbigay kaalaman at


magpalaganap ng awareness sa bawat indibidwal na may kinalaman sa isyung
tinatalakay sa pag-aaral na ito. Nais nang pag-aaral na ito na matuunan ng pansin

ang suliraning ito na patuloy ang paglaganap sa ating mga paaralan. Sa


pamamagitan ng pagsulat ng pamanahong papel na ito, madagdagan pa ang mga
malalaman ng mga mambabasa ukol sa isyung ito.
Ang mga sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan
sa pag-aaral na ito:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Ano ang bullying?


Anu-ano ang mga katangian ng mga taong binubully at nambubully?
Bakit may nambubully?
Sinu-sino ang kadalasan nagiging biktima ng pambubully?
Ano ang dapat gawin kung ikaw ay naging biktima ng pambubully?
Paano mapipigilan ang pambubully?
Anu-ano ang mga batas tungkol sa bullying?

Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos at saloobin ng mga


mag-aaral sa usaping bullying sa Antas Tersyarya sa Asian College of Technology,
Lungsod ng Cebu, isang pribadong mas mataas na institusyong edukasyonal na
binubuo ng ibat ibang kolehiyo tulad ng Computer Studies, Business Studies, Arts
and Sciences, Education, Engineering, at Nursing.

Ang pag-aaral ay sumsaklaw sa dalawampo (20) mga respondente na mga


mag-aaral ng Asian College of Technology na pawang may kursong Bachelor of
Science in Information Technology. Kabilang dito ang walong (8) kababaihan at
labindalawang (12) kalalakihang mag-aaral.

Kahalagahan sa Pag-aaral

Every student should be able to attend a school that is safe and


secure, free of fear and conducive to learning

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, mga guro, sa


paaralan, sa pamahalaan at iba pang mananaliksik.

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral


upang lubos na maunawaan at magbigay liwanag ukol sa isyu ng bullying upang
hindi masangkot sa ganitong kaguluhan.

Mga Guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na isinasagawa ay matutulungan


ang mga guro na matukoy ang saloobin ng kanilang mga mag-aaral. Tungkulin ng
mga guro na hubugin at linangin hindi lang ang kaisipan kundi maging ang karakter
ng bawat mag-aaral. Hindi lamang pang-akademikong aspeto ang konsentrasyon at
marapat maturuan ng wastong pag-uugali upang lumaki silang may matuwid na
pamumuhay. Higit sa lahat , makita sa mga guro ang pag-uugaling nais maitanim sa
kaisipan ng bawat mag-aaral sapagkat sila ang nagsisilbing modelo kaakibat ang
katotohanang mas sinusunod sila ng mga mag-aaral kaysa sa kanilang magulang.

Sa Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa pagpapaunlad at


pagpapatupad ng patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pambubully.

Ang ganitong patakaran ay kailangang maisulong sa pakikipagtulungan ng mga


tauhan ng paaralan, nagtuturo man o hindi nagtuturo, at sumasangguni sa mga
magulang at mag-aaaral. Kailangang malinaw na maunawaan ng lahat ng mga
kinauukulan ang mga layunin ng patakaran, mga tungkulin at mga nais makamtan.

Sa Pamahalaan. Nakakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman ang


bawat hinaing at paghihirap na nararanasang pambubully upang magkaroon ng
mas matibay na batas laban sa ganitong uri ng pananakit sa kapwa.

Mga Mananaliksik. Makatutulong ang pag-aaral na ito para magiging gabay


at sanggunian sa mga isasagawang kaugnay na pananaliksik.

Kahulugan ng mga Katawagan

Inilalahad ang kahulugan ng mga katawagan ayon sa pagkagamit sa


pananaliksik na ito upang madaling maunawaan ang isinasagawang pag-aaral.

Agresyon. Katagang inilalapat o ginagamit upang ilarawan ang napaka


malubha o masidhing damdamin hinggil sa isang tao o bagay.

Bullying. Paghahari-harian o pagmamaton; isang uri ng pang-aapi o


panunupil, na isa ring ugali mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na
kinikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o koersiyon(sapilitan)
upang maapektuhan ang ibang tao, particular na kung ang ugali ay kinagawian at
kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan.

Cyber-Bullying. (Pagmamaton sa Internet) ay ang paggamit ng Internet at


iba pang kaugnay na teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa
tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan, nagsusulong na
ng mga batas at kampanya upang itoy matigil na.

Depresyon.
mababang mood na

Isang sakit
sinamahan

sa

pag-iisip na
ng

inilalarawan

mababang pagtingin

ng
sa

malawakang
sarili (nawala

ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na


nakasisiyang mga gawain.

Peers. Kasamahan

Saloobin. Paniniwala, palagay, atityud o kabuuan ng positibo o negatibong


damdamin ng mga respondente.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura at pagaaral na nakuha sa mga binasang aklat, tesis, disertasyon, at iba pang mga
babasahing may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Isinasagawa ang
paghahanay ng mga kaisipan at konsepto mula sa ibat ibang manunulat at
mananaliksik upang mabigyang linaw ang isinagawang pag-aaral.

Mga Kaugnay sa Literatura

Ang mga kaugnay sa literatura, banyaga man o lokal man ay inilalahad sa


pananaliksik na ito. Ito ay hango sa mga aklat, dyornal at iba pang lathalaing may
kaugnay sa paksa.

Dayuhan

Ang literatura ay punong-puno ng ibat ibang uri ng mga bully. Sila ay


magandang mga halimbawa ng isang kontrabida sa mga kwento (cgrove417.org).
Ang mga ito ay nagpapakita sa isang bahaging nagyayari sa totoong buhay.

Noong 1530, ang ibig sabihin ng salitang bully ay sweetheart, ito ay


ginagamit na pantawag sa kahit anong kasarian. Ito ay nagmula sa salitang Dutch
na boul o salitang Aleman na boule. Ngunit noong ika-17 siglom ang kahulugan

nito ay unti-unting sumama. Mula sa isang maginoo, ang ibig kahulugan nito ay
naging nang-aapi ng mahina. Marahil ito ay nagmula sa katangian ng toro o bull
(etymonline.com).

Ayon sa timeline.com, ang bullying ay unang lumitaw sa ingles na literatura


noong 1838 sa librong Oliver Twist ni Charles Dickens. Ito ang kauna-unahan sa
uri nito na tumatalakay sa isyu ng bullying at kriminal na pagmamaltrato sa batang
bida nito.

Isa pang librong tumatalakay sa issue ng bullying ay ang Lord of the Flies ni
William Golding noong 1954. Ipinakita nito ang mga aksyong ginawa ng mga batang
habang walang patnubay ng mga matatanda ay naging mga asal barbaro mula sa
pagiging sibilisado (netplaces.com).

Noong 1967, nakilala naman ang librong The Outsiders ni S.E Hinton. Ito ay
isang coming-of-age na kwento tungkol sa isang 14 na taong gulang na batang
binubully at binibiktima ng kaaway nilang paaralan. Halos kasabayan nito ay ang
kwentong Blubber ni Judy Blume noong 1974 na tumatalakay naman sa
pambubully ng isang batang babae sa kaniyang paaralan (netplaces.com).

Madalas, tinatrato ng mga kabataang bully ang ibang tao . . . kung paano

tinatrato ng mga magulang nila, nakatatandang kapatid, o iba pang kapamilya ang
ibang tao, ang sabi ni Jay McGraw sa kaniyang aklat na Life Strategies for Dealing With Bullies.

Kumikilos ang mga kabataang bully na parang nakatataas sila, pero madalas

ginagawa lang nila iyon para itago ang kanilang nasaktang damdamin at ang
nadarama nilang kawalang-kakayahan, ang sabi ni Barbara Coloroso sa kaniyang aklat
na The Bully, the Bullied, and the Bystander.

Lokal

Ayon sa isang blog na pinamagatang Kapamilya News Ngayon ni Ted Failon,


talamak na ang nagaganap na pangbubully sa loob ng Pilipinas. Ayon dito,
maraming dahilan kung bakit nabubully at nambubully ang isang tao. Maaaring
nabubully sila dahil sa kakulangang pinansyal, pisikal na kaanyuan, at kapansanan.
Sa nasabing blog, maaaring nambubully ang isang tao dahil sa inggit, galit o kayay
impluwensya ng barkada sa kanya. Karaniwan na ngang

laman ito ng mga

pahayagan at telebisyon.

Ayon kay Ben Tulfo, ang bullying ay pagpapakita ng pagiging dominante ng


isang tao. Kung kayat dahil sa lumalalang kaso ng bullying, nagpasyahan ng DepEd
o Department of Education na tuligsain na ang problemang ito na nakakapagdulot
ng pinsala sa bawat kabataan.

Ayon sa DepEd, nais nilang gumawa ng isang maikling pelikula ukol sa epekto
ng bullying sa kada isang indibidwal upang maunawaan ang lahat ng hindi
magandang pangyayari na maaaring maranasan ng isang tao. Marapat na ang guro
ang siyang maghubog sa kabataan upang hindi mamulat ang kanilang isipan sa
ganitong uri ng kapaligiran at para mapanatili na rin ang kaayosan.

Nakasaad pa sa isang artikulo ng Wikipedia.org na ang pang-aapi ay isang uri


ng pang-aabuso. Ito ay maaaring mahati sa tatlong klase, emosyonal, makadiwa at
pisikal. Ngunit ito ay maaaring nasasangkot sa mahiwagang paraan ng pamimilit
tulad ng sikolohikal na pamamanipula. Dagdag pa ng grupong ito, ang pang-aapi ay
maaaring mangyari sa ano mang konteksto kung saan ang mga tao ay nakikipagugnayan sa isat isa. Kabilang na dito ang paaralan, simbahan, pinagtatrabahuan,
sa kapitbahay at maging sa bahay.

Ang pang-aapi ay maaaring umiiral sa loob ng grupo at maging sa pagitan ng


mga bansa. Isa sa pinakamatibay na halimbawa ay ang nangyari noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Ayon sa nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang mga Kastila noon ay parating nangaapi sa mga Pilipino. Ang tingin nila sa Pilipino ay isang mababang uri na lahi at
nararapat lang na maging alila nila.

Mga Kaugnay sa Pag-aaral

Ang mga pag-aaral na banyaga at local ay isinaalang-alang sa pananaliksik.


Ito ay hango sa mga di-nalathalang tesis at disertasyon. Ang kanilang mga
natuklasan at buod ay hinalaw at nagiging batayan ng mga pagpapahalagang may
pagkakatulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.

Dayuhan

Ang National Crime Prevention Council ay nakapagtala ng mga serye ng


pang-aapi sa internet at ito ay tinawag nilang Cyber-bullying. Ayon sa kanila, ang
cyber-bullying ay isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng kompyuter, cellphone,
telepono o iba pang mga aparato na ginagamit upang makapadala ng mga post, ng
mga tet o mga imahe na nakakapanakit ng kalooban ng ibang tao o masira at
mapahiya ang tao. Ang cyber-bullying ay maaaring maging simple hanggat patuloy
na magpadala ng e-mail sa isang taong may sinabi na gusto nilang walang
karagdagan makipag-ugnayan sa nagpadala, ngunit maaari ding isama ang
pagbabanta, sekswal na pangungusap, nakakasira etiketa (ibig sabihin, hate
speech), pinagtutulungan ang mga biktima sapamamagitan ng paggawa ng mga ito
ang paksa ng panlilibak sa forums, at pag-post ng huwad na pahayag bilang
katunayan na naglalayong sa kahihiyan.

Maraming mga siyentipiko na ang nag-aaral sa paksang ito at isa na rito ay


sina Dr. Alison Maddock isang pediatrician at Dr. Lorna Price isa ring pediatrician ng
Morriston Hospital sa United Kingdom. At ayon sa kanila:
A.) Maraming nananakit na hindi alam ang kanilang ginagawa kung ito ba ay
nakakabuti o nakakasama.
B.) Ang Bullying o Pang-aapi ay nagiging daan upang umabot sap unto na
magpapakamatay ang taong inaapi.

C.) Mas maraming lalaki kaysa sa babae ang nadidisgrasya o nauuwi sa


pisikal na sitwasyon. Sa ibang mga kaso, ang mga bata ang mas naapektuhan sa
ganitong uri ng gawain.Samakatuwid, ilang mga psychologist o sikolohista ang
nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa epekto ng pang-aapi o bullying. Sabi nila, ang
mga epekto ng pang-aabuso ay nagdudulot ng pagkakaroon ng problema sa pisikal
at mental o emosyonal ngtao tulad ng pagkatakot, stress, depresyon, anxiety na
makakaapekto sa pag-aaral nito. Lalong-lalo na ngayon, na ang ating bansa ay wala
pang batas na magbibigay ng kaukulang parusa sa mga taong nang-aapi.

Ayon sa mga security agents ng Seattle Public Schools, isang paaralan sa


Washington, USA, kadalasang biktima ng pang-aapi ayang mga estudyanteng
karaniwang

matatakutin,

mahiyain,

maingat

at

maramdamin,

maaaring

di

mapalagay at hirap na makapag-isip, medaling sumuko sa nang-aapi, sobrahan ang


kilos, maaari na wala o kakaunti ang kaibigan sa paaralan, may mababang
pagpapahalaga sa sarili, may pinangangalagaang katayuan sa silid-aralan, iba ang
lahi, kultura, relihiyon, kapansanan, kasarian, kakaibang pagkilos. Ngunit maaari
ring walang dahilan.

Ayon sa artikulong ginawa nina Susan P. Limber at Maury M. Nation, may mga
nagdaang pananaliksik na naisagawa sa United States at pati na rin sa ibang bansa
na nagtala na ang pang-aapi ay isang pangkaraniwan at maaaring porma ng
karahasan para sa mga kabataan. Hindi lamang ang mga naaapi ang naapektuhan
ng pang-aapi kundi pati na rin ang klima sa loob ng paaralan at hindi man direkta

ngunit maaariring maapektuhan ang abilidad ng isang estudyante na matuto


hanggang sa kanilang pinakamahusay na abilidad.

Sa pangunguna ni Dan Olweus ng Norway at Sweden, kasama ang iba pang


mananaliksik

sa

Australia,

Canada,

England,

Ireland

at

United

States,

ay

nagsimulang galugarin ang likas na katangian at ang mga epekto ng pang-aapi sa


mga paaralan ng kabataan. Sabi nila, ang kaso ng pang-aapi ay dapat bigyan ng
kaukulang atensyon mula sa mga guro, magulang at mga kabataan para maiwasan
ang ganitong karahasan sa dalawang dahilan. Una, ang paglaganap ng kaso ng
pang-aapi at ang pinsala na naidulot nito ay lubhang isinasawalang bahala ng mga
kabataan at nga mga matatanda. Dapat gumawa ng mga stratihiya upang tumaas
ang kamalayan ng mga kabataan at mga magulang hinggil sa koneksyon ng pangaapi at sa iba pang karahasan na nagaganap sa paligid. Pangalawa, ang pang-aapi
ay hindi lang humahantong sa parehong pangyayari gaya ng away at gulo, pwede
rin itong humantong sa pagkagulo ng kaisipan ng tao.

Maraming mga ginawang pananaliksik ukol sa pang-aapi ngunit karamihan


dito ay tungkol lamang sa kung ano ang pang-aapi at mga anyo nito. Hindi
masyadong natalakay ang epekto nito sa paraan ng pamumuhay ng mga
estudyante. Samakatuwid, ang pag-aaral na ito ay isang panimula na maaaring
tularan, sundan at ipagpatuloy ng ibang mga mananaliksik.

Lokal

Noong 2008, nagkaroon na ng pag-aaral ang isang ahensya ukol sa bullying


sa ating bansa. Ayon sa Plan Philippines nuong 2008, ang bullying ay isang
karaniwang behavior na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang
bullying ay nakaka-apekto na sa maraming mga estudyante sa mga pribado at
pampublikong paaralan.

Ayon sa pag-aaral na ito na ginawa sa 58 na pampublikong eskwelahan, ang


mga peers mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng ibat-ibang uri ng
karahasan sa kapwa estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinakakomon na gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay
naging biktima nito at 67 percent naman ng mga bata sa Grades 4 hanggang 6. Sa
high school, 65 percent ng mga estudyante ay naging biktima na rin ng
pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang naging
mahiyain at lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.

KABANATA III: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamaraan ng pananaliksik upang


matugunan ang lahat ng mga pangangailangan sa pag-aaral gayundin ang mga
instrumentong ginamit at ang pamamaraan sa pagtipon ng mga datos.

Paraan ng Pananaliksik

Inihanda ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang bilang gabay sa


gagawing pag-aaral. Ginamait ang pag-aaral sa descriptive survey o palarawang
pagsusuri kung saan ang talatanungan ang pinakamahalagang intsrumentong
ginamit sa pagkalap ng datos.

Ang

palarawang

pagsusuri

ay

isang

paraan

ng

paglalahad

at

pagpapakahulugan ng mga datos na nakalap kung saan tutukuyin ang kalagayan at


kaugnayan ng mga pangyayari.

Pinili ang paraang ito dahil ang pangunahing hangarin ng mananaliksik ay


maibigay ang saloobin ng mga kabataan sa Asian College of Technology tungkol sa
usaping bullying.

Mga Respondente

Ang mga sumagot sa aking mga katanungan ay mga mag-aaral ng Asian


College of Technology na nasa 16 20 taong gulang at maaaring nakaranas na ng
bullying.

Instrumento sa Pagkalap ng mga Datos

Ang instrumentong ginamit upang maisagawa ang pananaliksik na ito ay


pagkuha ng mga mahahalagang inpormasyon mula sa libro at internet.

Tritment ng Datos

Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman lamang ng mga katanungan


ukol sa mga karanasan at kaalaman ng isang indibidwal sa usaping bullying.

KABANATA IV: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA


DATOS
Matutunghayan sa mga sumusunod na pahina ang mga kaukulang datos na
maglalapat ng kapamigatan sa isinagawang pag-aaral.

1. Mga nakaranas ng pambubully


TALAHANAYAN 1

45%

Oo
55%

Hindi

Mayroong dalawampo (20) kalahok na mga mag-aaral bilang respondente sa


pagsasaliksik, mula dito nakapagtala ng labingisa (11) o 55% ang nakaranas ng
pambubully at siyam (9) ang hindi nakaranas na may katumbas na 45%.

2. Mga nakaranas maging bully

TALAHANAYAN 2

45%

Oo
Hindi

55%

3.

KABANATA V
Lagom

Sa pananaliksik na ito, lumabas ang mga tunay na dahilan kung bakit marami
sa atin ang nabubully o nambubully. Mga dahilan na pangkaraniwan na lamag dahil

maaari ring maging dahilan ito sa iba pang problema ngunit dahil sa mga
kadahilanan na ito ay lalong lumalala ang mga kasong may kinalaman sa bullying.
Ang mga respondente ay nakatulong ng malaki upang mailahad ng maayos ang
mga detalye na maaaring makatulong sa atin. Ang pananaliksik na ito ay bunga ng
masinsinang paghahanap ng mga kasagutan upang sa gayon maibigay ang mga
tamang impormasyon sa bawat isa. Sa tulong ng sarbey ay naipahayag ng mga
mag-aaral ang kani-kanilang saloobin ukol sa usaping ito kung kayat nabigyan ang
bawat isa ng mga karapatan upang ihayag ang kanilang saloobin sa tulong ng mga
tanong na sinagot.

Konklusyon

Sa bawat problema ay may solusyon. Kung kayat ang problema sa bullying


ay maari pang masolusyonan. Kung ang dahilan ay problema sa pamilya, maaari
pang maagapan ito sa pamamagitan ng mahinahong pag-uusap ng bawat isa. Sa
tulong nito, maaaring mabawasan o maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Kung
pagganti naman sa kapwa ang problema, hindi bat mas masayang mamuhay sa
isang lugar na payapa at lahat ng makakasalamuha mo ay iyong ksaundo? Tamang
pagtanggap ang kailangan at pagpapatawad upang matamo ang katahimikan at
hindi na magawi sa masama. Kung iisipin nating mabuti, walang dulot na maganda
ang bullying sa kabataan man o maging sa matatanda. Lagi tayong talo dito.
Walang nananalo. Walang tunay na magiging masaya.

Rekomendasyon

Kaugnay

sa

mga

naging

konklusyon

ng

pag-aaral

na

ito,

buong

pagkumbabang nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod. Hinati


namin ang mga rekomendasyon para sa mga magulang, guro, paaralan at magaaral.
Magulang

Bilang isang magulang, kailangang alam mo kung papaano tutugon kapag


ang iyong anak ay tinatakot / tinakot na, o kaya'y nagpapakita ng pag-

uugaling nananakot.
Kung hindi sigurado sa dapat na gawin, kapag nahihirapan na ang mag-anak
dahil sa sitwasyon, kung nawawalan na ang mga magulang na pananalig sa
kanilang sariling kakayahan sa paglutas ng suliranin ukol sa anak, kapag
nakakagambala na sa pang-araw-araw na gawain ng bata ang kanyang ugali
(katulad ng ukol sa kanyang pag-aaral), kung nananakit na ng iba ang bata,
kung nasasaktan na ng bata ang kanyang sarili, at kung lumalabag na sa
batas ang bata. Makahihingi ng tulong mula sa sariling duktor, sa mga
manggagamot ng mga klinika, ospital, iba pang mga pagamutan, sa sentro o
lunduyang pampayanan (community center), o sa mga espesyalistang naguukol

ng

pansin

sa

mapanggulong

pagkilos

ng

mga

bata

(tulad

ngpedyatrisyan o duktor ng mga bata, at isang sikologo). Kasama rin sa


mahihingan

ng

tulong

ang

mga

tagapayong

nasa

paaralan

(school

counselor).
Dapat mabantayang mabuti ang mga anak upang maiwasan ang ganitong
senaryo ng pang-aapi. Tama nga na ituro sa bata ang daan na dapat niyang

lakaran upang sa kanyang paglaki siyay maging huwaran.


Patuloy na paggabay sa mga anak para sa mas epektibong pag-aaral.
Kailangan din ng buong pusong suporta sa mga anak at iparamdam sa kanila
ito.

Makatutulong rin ang pagpili at pagpatnubay sa mga kaibigan ng mga anak.

Guro

Mahigpit na superbisyon sa mga itinuturing na 'maiinit na lugar' o 'hot spots'

para sa pananakot.
Dapat ay hindi mahikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng berbal at
pisikal na pang-aabuso, gaano man ito kalumanay. Gayundin, ang mga guro
mismo ay hindi dapat gumamit ng mga salitang nagpapababa o sarkastiko, o

ng anumang pisikal na pang-aabuso.


Gawing mas maayos at mas mabuti

makapagbibigay ng interes na mag-aral ang mga mag-aaral.


Huwag masyadong maging mahigpit o malupit dahil ang pagkatakot sa guro

ay dahilan din ng pagliban ng mga mag-aaral.


Suportahan din ang mga mag-aaral di lamang sa pang-akademiko kundi pati

na rin sa iba pang-aspeto tulad ng sosyal, emosyonal at iba pa.


Gamitin ang kurikulum upang mabigyang-diin ang mga katanggap-tanggap

ang

pagtuturo

sa

paraang

na pag-uugali. Personal at edukasyong panlipunan, form period, drama.


Mag-aaral

Isipin at pahalagahan ang suporta at gabay ng mga magulang at guro.


Matutong ngumiti at bumati. Maging palakaibigan at sikaping magpalawak
ng network of friends upang may susuporta sa iyo sakaling i-bully ka.
Kasabay niyan, alamin kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Kung minsan, ang
mga inaakala mong suplada ang siya pang makatutulong sa iyo at ang mga
bumabati at kumakaibigan sa iyo ang siya pang gagawa ng hindi mo
inaasahan. Mas makabubuting huwag magbanggit ng kahit anong issue at
huwag magpasimuno ng tsismis dahil baka idiin at iwan ka rin ng mga tao sa
paligid mo sa bandang huli.

Magkaroon ka ng kumpiyansa sa sarili. Huwag kang matakot na ipagtanggol


ang pinaniniwalaan mo. Marami ang humihinto sa pambu-bully kapag nakita

nila na hindi ka nila kayang kontrolin at na hindi ka takt.


Iwasan ang mga lugar o sitwasyon kung saan madali kang mabu-bully.
Tandaan din na may sariling mga problema ang mga bully. Kapag iniisip mo
iyon, hindi ka masyadong masasaktan sa sinasabi nila.

School Counselor

Muling bigyan ng kasiguruhan ang biktima pati na ang mga magulang na ang

pangyayari ay pag-ukulan ng pansin at haharapin.


Makipagkita sa biktima sa lalong madaling panahon. Humingi ng nakasulat
na rekord kung ano ang nangyari.

Magbigay ng mga gabay kung

kinakailangan - saan/ano/kailan nangyari ang insidente?


Isa-isang kausapin ang mga saksi upang masubukang makakuha nang mas

malinaw na larawan kung ano ang nangyari.


Tulungan ang biktima na makapag-plano ng kanyang tugon at mga
estratehiya para sa sarili niyang proteksyon, kung ang insidente ay mangyari

ulit.
Gamitin ang kurikulum upang maibalik ang tiwala sa sarili, halimbawa,

drama, poetry, video, atbp.


Pagkasunduan ang isasagawang aksyon - halimbawa, interbyuhin ang
nananakot at ipaalam sa kanila na ang ganitong pag-uugali ay hindi

katanggap-tanggap.
Posibleng referral sa ibang ahensya - halimbawa, Psychologist, Clinical
Medical Officer, Education Welfare, Youth Service.

Paaralan

Ang isang patakaran sa paaralan para sa pananakot ay pinakaepektibo kung


paiiralin sa isang kapaligirang may pagkalinga at pagsasalang-alang sa iba,
at dapat itong tingnan na bahagi ng isang sistema ng isang pastoral na

pangangalaga.
Kailangang panindigan na ang pag-uugaling mapanakot sa paaralan ay hindi

pinahihintulutan.
Dapat na hikayatin ang mga mag-aaral na iulat ang mga insidente ng
pananakot at matuto silang tumanggap ng responsibilidad para sa kapakanan

ng iba pang mga mag-aaral.


Ang mga tauhan ng paaralan ang may pananagutan sa paglikha ng isang
positibong kinalulugaran at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagiging

positibong mga huwaran.


Mahalaga na kilalanin ng paaralan na ang sinumang mag-aaral ay maaring

maging biktima, o magpasimula ng mapanakot na pag-uugali.


Bigyang-diin na ang pag-uugali ang hindi katanggap-tanggap, hindi ang mag-

aaral.
Magmungkahi ng mga katanggap-tanggap na anyo ng pag-uugali at bigyang-

diin ang anumang magagandang pag-uugali na ipinakita na ng mag-aaral.


Ang responsibilidad para sa anumang panganib/sakit/pinsala ay kailangang
tanggapin ng nananakot at dapat itong pagbayaran.

You might also like