You are on page 1of 2

Tekstong Impormatibo (Informative)

- ang impormasyon ay ang sistematikong pagbubuo, paghahanay, at pag-uugnay ng mga ideya upang
magkaraoon ng malinaw na ugnayan sa pagbabalangkas ng mga kaisipan, ideya, saloobin ,
katotothanan at mga impormasyon
- ang mga pangunahing impormasyon tulad ng pangalan, edad, tirahan, paaralan, pisikal na
kaanyuan, katangian at marami pang iba ay ilan lamang sa mga maaring malaman sa iyo at sa iyong
kapwa.
- Tiyak at tumpak ang mga impormasyon na kailangan niyang malaman upang magamit niya sa pang’-
araw-araw na pamumuhay.
 Ang tekstong impormatibo ay may layuning maging daluyan ng makatotohanang impormasyon
sa mambabasa. Binabaklas nito ang mga di maunawaang kaisipan sa isang paksa.
 Obhetibo ito kaya limitado lamang ang pagkiling o paglapat ng damdamin ng may akda sa
paksa. Ang emosyon , damdamin, saloobin kaisipan, opinyon at sarili ng may akda ay maaari
lamang mabigyan ng pagkakataong maisiwalat kung napangingibabawan pa rin ito ng samot-
saring kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.
 Sa bawat tekst[ong impormatibo na binabasa, kailangan magkaroon ng tamang pagsusuri ang
mambabasa sa mga impormasyon sapagkat nagbibigay ito ng sensitibong paghahanay ng mga
kaisipan na madaling paniwa’laan ng mambabasa.

 kailangang isaalang-alang ang ilang sukatan upang maging impormatibo ang isang teksto. Sa
pagkuha ng datos mula sa isang tekstong impormatibo, napakahalagang malaman kung sino ang
may akda o ang pinanggalingan ng isang impormasyon o datos upang malaman kung ang mga ito ay
kongkreto, tiyak, trama, at mapagkakatiwalaan.

 Napakahalaga nmg kredibilidad ng may akda sa pagkakataong ito.


 Mahalaga ring matukoy at masuri ang dahilan o layunin ng may akda sa pagbahagi sa
impormasyon.

Narito ang ilan sa mga gabay na tanong sa pagsusuri ng ilang tekstong impormatibo

1. Mapagkakatiwalaan ba ang may akda/tagapaglathala?


2. Makatotothanan ba ang mga impormasyon o datos?
3. Napapanahon ba ang mga impormasyong inilahad?

Katangian ng tekstong impormatibo

 Naglalahad ito ng mlga mahahalagang impormasyon, bagong kaalaman, bagong


pangyayari,bagong paniniwala, mga bagong impormasyon, at tiyak na detalye para sa kabatiran
ng mga mambabasa.
 Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-sunod at inilalahad nang buong linaw
at kaisahan.
 Karamihan sa impormasyon ay patungkol sa mga bagay at paksang pinag-uusapan
 Nagbibigay ito ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay-linaw sa
mga paksang inilalahad upang mawala ang alinlangan.
 Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

(Ayon kay Mosura,et al.1999)

Hanguang Primarya Hanguang Elektroniko Hanguang Sekondarya

 ga indibidwal o awtoridad  Internet sa pamamagitan  Mga aklat tulad ng


 mga grupo o organisasyon ng email diksyunaryo,ensayklopedia,
 mga kinagawiang  Telepono o cellphone taunang aklat o yearbook,
kaugalian almanac at atlas
 mga pampublikong  Mga nalathalang artikulo sa
kasulatan o dokumento journal, magasin, pahayagan,
newsletter
 Mga tesis, disertasyon at pag-
aaral sa feasibility, nailathgala
man ang mga ito o hindi
 Mga monograp, manwal,
polyeto, manuskrito, at iba
pa.

You might also like