You are on page 1of 4

A)

Ang librong Hairy Potter ay salin na libro sa wikang Filipino kung saan tinatalakay nito ang
Accounting Process. Hindi gaanong pormal ang pagtalakay dito dahil pagkukuwento at
pagkausap sa mambabasa ang ginawang teknik ng awtor nito. Madami ring mga jokes ang
nabanggit dito na nagpapagaan sa mabigat na mga paksang tinatalakay dito. Ito’y madaling
unawain ngunit tila hindi kompleto ang mga detalye sa iilang bahagi ng aklat. Sa aklat na ito ay
may dalawang pahina na tumatalakay sa “Preparation of Financial Statements” at katulad rin ng
librong “Fundamentals of Accounting” ay hiniwalay nito ang pagpapaliwanag sa iba’t ibang
financial statements. Para sa amin ay naibigay naman ang basic kahulugan ng mga financial
statements sa librong ito.

B)

Ito ay may malawak na pagpapakahulugan sa halos lahat ng paksang tinatalakay sa


Accounting. Mayroon itong mahahabang paliwanag na sa aming palagay ay maaari pang
pasimplehan. Ang halimbawa rin sa librong ito ay iisa lamang at binabago bago lamang base sa
sinosolve na problem. Ang prosesong ito ay nagpapahirap sapagkat kinakailangan mo pang balik
balikan pa ang mga nakaraang problema. Sa pagtalakay naman sa preparation of financial
statements ay naipalawanag naman ito ng maayos at nakapagbigay ng tigiisa lamang na
halimbawa sa iba’t ibang financial statements.

Sa aming palagay tinalakay sa librong ito ang accounting sa mabilisang paraan kaya naman ito
ay hindi madaling intindihin. Ang librong ito ay ginawa para sa mga senior high school student
kung saan kinakailangan talagang maibuod ang mga paksa sa asignaturang Accounting. Sa
aming palagay dahil na kagustuhan ng akdang ito na maibuod ang lahat ay hindi lubusang
naipalawanag at nahimay ang lahat ng mga kinakailangang detalye. Sa kaso naman ng paggawa
ng financial statements dito ay masasabi naming mahirap itong intindihin para sa mga unang
mag-aaral pa lamang ng Accounting sapagkat hindi naipaliwanag ng isa-isa ang mga nilalaman
at kinakailangang laman ng iba’t ibang financial statements.
4.

Ang aming napiling libro ay ang Fundamentals of Accounting nila Beticon, Hinayon at Ireneo .
Napili namin ang librong Fundamentals of Accounting dahil na rin ang librong ito ang aming
nagsilbing text book nung aming inaaral ang asignaturang Fundamentals of Accounting and
Reporting. Lubos na mahirap ang asignaturang ito kaya naman napakalaki ng nagawang tulong
ng librong Fundamentals of Accounting para pagaanin kahit ng bahagya ang aming buhay dito sa
AMV. Isang dahilan pa ay bukod sa ito ang basehan ng AMV-College of Accountancy sa
pagtuturo ng FAR 1 ay talaga nga namang napakarami nitong nilalamang impormasyon na
nakakatulong sa aming paghahanda bilang mga future accountants. Ito ang aming napili dahil
nais naming mas magbigay tulong pa sa mga susunod na AMVians. Nais naming magbigay ng
aming bersiyon bilang mag-aaral din ng kursong accountancy kung saan mas mapapadali pa ang
pag-aaral sa paksang “Preparation of Financial Statements” na pinagmumulan ng impormasyon
upang makagawa ng mahahalagang desisyon ang isang kompanya. Umaasa kami na sa
pamamagitan ng aming pagsasalin ay mas marami pang mahuhusay na Accountant ang mabigay
ng ating Unibersidad sa bansang Pilipinas.

5.

Ang paksang aming napili ay may librong salin na sa wikang Filipino at ito ay may pamagat na
“Hairy Potter”. Ito lamang ang librong nakasisigurado kaming naipublished na bagamat base sa
aming mga nakalap na datos ay meron pang isang salin ang paksang preparation of financial
statements ay hindi kami sigurado kung ito ay naipublished na at naibebenta na sa mga
bookstore. Ang sinasabing pamagat nito ay “Fundamental Accounting One Made Easy” na
sinulat ni Pauline Sotto. Nabasa naming ang soft copy ng akdang ito katulad ng Hairy Potter ay
halatang bihasa ang dalawang author sa wikang isinalin at wikang pinagsasalinan. Ginamit din
ng dalawang libro ang “Essential Translation” kung saan may mga ilang terminolohiya silang
hindi isinalin. Sa aming palagay ay nabigyan ng hustisya ng dalawang akdang ito ang pagsasalin
sa paksang “Preparation of Financial Statements” sapagkat ito ay simple, maliwanag at angkop
ang mga salitang ginamit kaya naman madali itong maunawaan.

You might also like