You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

SAMAR STATE UNIVERSITY


College of Education

K to 12 PAARALAN Samar State University Baitang


Lesson Guro Leslie B. Brao arutangisA
Plan Antonette D. Malinao
Petsa/Oras nahakraM
I. LAYUNIN

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 1 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

A.Pamantayang
Pangnilalaman
B.Pamantayan sa
Pagganap
C.Mga Kasasnayan sa Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang…
Pagkatuto  Nakakikilala ng iba’t ibang uri ng Aspekto ng Pandiwa.
 Nakapagbibigay nkahulugan ng Aspektong Pangnakaraan
o Perpektibo, Aspektong Perpektibong Katatapos,
Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo at
Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo.
 Nakapagbibigay halimbawa sa bawat Aspekto ng
Pandiwa.
NILALAMAN
KAGAMITANG
PANTURO
A.Mga pahina sa gabay ng Makabagong Balarilang Filipino pg. 183-188
guro
1.Mga Pahina sa
Kagamitang Pang
Mag-aaral
2.Learner’s Materials
Pages
3.Mga Pahina sa Teksbuk
4.Karagdagang Power point, manila paper, etc.
Kagamitan
Mula sa LR Portal
B.Iba Pang Kagamitang
Panturo
II. PAMAMARAAN
GAWAING PANGGURO
A.Balik-aral sa nakaraang Pagbati:
aralin at/o  Magandang umaga mga bata., maaari ba kayong
pagsisimula sa magsitayo at umpisahan natin sa panalangin ang ating
bagong aralin aralin.
Balik-aral:
 Ngayon naman ay magbalik-aral tayo sa ating naging
talakayan kahapon, sino sa inyo ang makapagbabahagi ng
ating naging talakayan kahapon?
Attendance:

B.Paghahabi sa layunin ng Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang…


aralin  Nakakikilala ng iba’t ibang uri ng Aspekto ng Pandiwa.
 Nakapagbibigay nkahulugan ng Aspektong Pangnakaraan
o Perpektibo, Aspektong Perpektibong Katatapos,
Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo at
Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo.
 Nakapagbibigay halimbawa sa bawat Aspekto ng
Pandiwa.

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 2 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

C.Pag-uugnay ng mga Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay


halimbawa sa nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Ang pandiwa ay may
layunin ng aralin apat na aspekto. Ito ay; (a.) aspektong pangnakaraan o
perspertibo, (b.) aspektong perspektibo o katatapos, (c.)
aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo, (d.) aspektong
panghinaharap o kontemplatebo.

A. Aspektong Pangnakaraan o Perspektibo


 Ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na at natapos na.
Ang impleksyon sa aspektong ito ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga sumusunod na tuntunin:
1. Kapag ang panlapi ng pandiwa ay may inisyal ng
ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/.
Hal:
Anyong pawatas Aspektong Pangnakaraa
Magsaliksik Nagsaliksik
Manghakot Nanghakot
Maunawaan Naunawaan

2. Kapag ang pandiwa ay banghay sa –um/-um- ang


panlaping ito ay nananatili sa pangnakaraan. Sa
makatuwid ang anyong pawatas at ang anyong
pangnakaraan ay walang pagkakaiba.
Hal:
Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan
Umunlad umunlad
Yumuko yumuko

3. Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping –an/-han,


maging ito man ay nag-iisa o may kasamang ibang
panlapi, ang –an/-han ay mananatili ngunit nadaragdagan
ng unlaping –in kung ang pandiwa ay nagsisimula sa
patinig, at gitlaping –in- naman kung ang pandiwa ay
nagsisimula sa katinig.
Hal:
Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan
Alatan inalatan
Sabihan sinabihan
Pagbawalan pinag-bawalan
Pag-anihan pinag-anihan

Taliwas sa tuntuning ito ang –an/-han na may kakambal na


unlaping ma. Kapag ang pandiwa ay banghay sa kabilaang
panlaping ma-…-an/-han , ang –an/-han ay nananatili at ang ma-
ay nagiging na-.
Hal:
Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan
Matamaan natamaan
Masabihan nasabihan

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 3 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

Dapat ding banggitin ang panlaping –in- na idinaragdag sa


anyong pangnakaraan ng mga pandiwang may –an/-han ay
nagiging ni- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /l/. opsyonal
ang ganitong pagpapalit kung ang pandiwa ay nagsisimula sa
/r/,/w/,/o/,/y/.
Hal:
Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan
Lagutan nilagutan
Ligawan niligawan
Regaluhan niregaluhan/rinegaluhan
Walisan niwalisan/winalisan

4. Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping –in/-hin,


maging ito man ay nag-iisa o may kasamang iba pang uri
ng panlapi, ang hulaping –in/-hin ay nagiging unlaping in-
kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at nagiging
gitlaping –in- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa
katinig.
Hal:
Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan
Antukin inantok
Patayin pinatay
Anihin inani
Sabihin sinabi
Pagtanimin pinagtanim

B. Aspektong Perpektibong Katatapos- ay nagpapahayag


na sa mga pandiwang tagalog ay mayroon ding aspektong
pangnakaraang katatapos o aspektong perpektibo o
katatapos. Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o katatapos
lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Lahat ng
kayarian sa aspektong katatapos lamang ay nabubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng
unag katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat.
Hal:
Anyong Pawatas Anyong Katatapos
Tumula katutula
Uminog kaiinog
Masulat kasusulat
Magpatala kapapatala
Mag-impok kaiimpok

C. Aspektong Pangkasulukuyan o Imperpektibo- ang


aspektong pangkasulukuyan o imperpektibo ay
nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa
natatapos at kasulukuyan pang ipinagpapatuloy. Sa
makatuwid, ang aspektong pangkasulukuyan ay tulad din
ng aspektong pangnagdaa; inuulit lamang ang unang
katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat.
Hal:

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 4 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

Anyong Pawatas Aspektong Aspektong


Pangnakaraan Pangkasalukuyan
Magsaliksik nagsaliksik nagsasaliksik
Manghakot nanghakot nanghahakot
Umunlad umunlad umuunlad
Yumuko yumuko yumuyuko
Alatan inalatan inaalatan
Sabihan sinabihan sinasabihan
Pagtawanan pinagtawanan pinagtatawanan
Pagbilhan pinagbilhan pinagbibilhan

D. Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo- ang


aspektong panghinaharap ay naglalarawan ng kilos na
hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng
pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng
salitang-ugat o pangngalang hango. Ang tanging taliwas
sa tuntuning ay ang banghay sa –um/-um-. Ang panlaping
um-/-um- ay nawawala sa aspektong panghinaharap.
Hal:
Anyong Pawatas Aspektong Panghinaharap
Magsaliksik magsasaliksik
Maghakot maghahakot
Umunlad uunlad
Yumuko yuyuko
Alatan aalatan
Sabihan sasabihan
Pagtanimin pagtatanimin
Pag-intindihan pag-iintindihin
D.Pagtalakay ng bagong Narito ang mga Aspekto ng Pandiwa
konsepto at  Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo
paglalahad ng  Aspektong Perpektibong Katatapos
bagong kasanayan  Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo
#1  Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo

Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo


-ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na at natapos na.

Mga Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo


Anyong Pawatas Anyong Pangnakaraan
Magsaliksik nagsaliksik
Sabihan sinabihan
Matamaan natamaan
Masabihan nasabihan

Aspektong Perpektibong Katatapos


-ay nagpapahayag na lahat ng kayariansa aspektong katatapos
lamang ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka-
at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat.

Mga Aspektong Perpektibo o Katatapos

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 5 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

Anyong Pawatas Aspektong Katatapos


Tumula katutula
Uminog iinog
Masulat kasusulat
Maglakbay kakalakbay
Makalibot kalilibot

Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo


-ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa
natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.

Mga Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo


Anyong Aspektong Aspektong
Pawatas Pangnakaraan Pangkasalukuyan
Magsaliksik nagsaliksik nagsasaliksik
Maghakot nanghakot nanghahakot
Alatan inalatan aalatan
Matamaan natamaan natatamaan
Ligawan niligawan nililigawan
Pag-intindihin pinag-intindi pinag-iintindi
Anihin inani inaani
Regaluhan niregaluhan/ nireregaluhan/
Rinegaluhan riniregaluhan

Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo


-ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan. Ang
aspektong panghinaharap ay tulad din ng anyong pawatas inuulit
lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-
ugat.

Mga Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo


Anyong Pawatas Aspektong Panghinaharap
Ligawan liligawan
Matamaan matatamaan
Wikaan wiwikaan
Yapakan yayapakan
Antukin aantukin
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
F.Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain:
(Tungo sa Panuto: gamitin ang mga aspekto ng pandiwa sa sariling
formative pangungusap. Bumuo ng grupo, sa bawat grupo ay may limang
assessment) miyembro.
Group I
(Aspekto ng pangnakaraan o perpektibo)
Magsaliksik, nagsaliksik
Maunawaan, maunawaan

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 6 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

Group II
(Aspektong perpektibong katatapos)
Makaanim, kaaamin
Maglakbay, kalalakbay

Group III
(Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo)
Magsaliksik, nagsaliksik, nagsasaliksik
Ligawan, niligawan, nililigawan

Group IV
(Aspektong panghinaharap o kontemplatibo)
Umulad, uunlad
Regaluhan, reregaluhan
Pagtawanan, pagtatawanan

Isahang Gawain:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ay nagpapahayagng kilos na nasimulan na at natapos
na. Anong pandiwa ito?
a. Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
b. Aspektong perpektibong katatapos
c. Aspektong pangnakaraan o perpektibo
d. Aspektong panghinaharap o kontemplatibo
2. Anong aspekto ng pandiwa ang nagpapahayag ng kilos na
nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang
ipinagpapatuloy, anong aspekto ng pandiwa ito?
a. Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
b. Aspektong panghinaharap o kontemplatibo
c. Aspektong perpektibo katatapos
d. Aspektong pangnakaraan o perpektibo
3. Anong aspekto ng pandiwa ang naglalarawan ng kilos na
hindi pa nasisimulan.
a. Aspektong pangnakaraan
b. Aspektong perpektibong katatapos
c. Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
d. Aspektong panghinaharap o kontemplatibo
4. Anong aspekto ng pandiwa ang nagsasaad ng kilos na
kayayari o katatapos lamang bago nagsimula ang
pagsasalita.
a. Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
b. Aspektong pangnakaraan o perpektibo
c. Aspektong perpektibong katatapos
d. Aspektong panghinaharap o kontemplatibo
5. Gamitin sa pangungusap ang halimbawa ng aspektong
pangnakaraan o perpektibo.
Naunawaan, magsampay
G.Paglalapat ng aralin sa Sa inyong palagay bakit tayo gumagamit ng mga aspekto ng
pang-araw-araw pandiwa?

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 7 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

na buhay
Ano ang naitutulong nito sa ating araw araw na
pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon?
Ano ano ang inyong natutunan sa araw na ito?
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ano ang inyong nalaman sa ibat ibang Aspekto ng Pandiwa?

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na


I.Pagtataya ng Aralin aspekto ng pandiwa.

1. Magsaliksik
2. Nilalagutan
3. Katutula
4. Pinagtawanan
5. Yuyuko
J.Karagdagang gawain Panuto: Pag-aralan ang susunod na topiko.
para sa takdang-
aralin at
remediation
III. MGA TALA
IV. PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral n
nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nagangailangan
ng iba pang
gawain
para sa
remediation
C.Nakatulong ba ang
remedial?Bilang
ng magpaaral na
nakaunawa sa
aralin
D.Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy
sa remediation
E.Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo
nakatulong ng
lubos?Paano ito
nakatulong?
F.Anung suliranin ang
aking
naranasan na
nasolusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 8 of 9
Republic of the Philippines
SAMAR STATE UNIVERSITY
College of Education

superbisor?
G.Anong kagamitang
panturo an g
aking
naidibuho na nais
kong ibahagi sa
mga kapwa ko
guro?

Arteche Blvd., Guindapunan Catbalogan City, 6700 Samar Philippines | Telephone No. (055) 251 – 2139 | Fax: (055) 543 - 8394 | Website: www.ssu.edu.ph | Page 9 of 9

You might also like