You are on page 1of 17

“IBONG ADARNA”

Scene 1
(Palace)

Narrator: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting


na prinsipe ang naging bunga ng pagmamahalan nina Haring
Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak si Don Pedrong may
tindig na pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at ang
maginoong totoo na si Don Juan. Sila’y lubos na minamahal ng
kanilang magulang.
Don Fernando: Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang mataas
na pangalang mga panta. Yamang ngayo’y panahon nang kayo’y
tumalaga, mili kayo sa dalawa, magpari o magkorona?
Don Pedro, Diego at Juan: Ang paghawak ng kaharia’t bayan upang
mga ito’y paglingkuran ay aming naiibigan.
Don Fernando: Ipinapagmalaki ko kayo mga anak…

Scene 2
(Don Fernando’s room)

Narrator: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando,


napanaginipan niyang kanyang bunsong anak na si Don Juan.
Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang tampalasan.

(a short re-enactment of the king’s dream)


(Sa sususnod na araw)…
(Don Fernando’s wife and sons worriedly gathered to see the ill king)

Donya Valeriana: Naku, mahal ko, ano ba ang nangyari sa iyo?(looks


at husband sadly)
Manggagamot: Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng pangimpan,
mabigat man at maselan, may mabisang gamutan. May isang ibon na
ang pangalan ay Adarna, pag ito’y narinig mong kumanta, ang sakit
mo ay mawawala. Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung
saan makikita ang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna.

Don Fernando: Diego, anak, hanapin mo ang ibong adarna para


ako’y gumaling na. Huwag mong dalhin ang iyong kabayo sa
paglalakbay sapagkat ito’y…. Sundin mo ako.

Scene 3
(Mountain)

Narrator: Sa kasamaang palad, sumuway sa utos ni Don Fernando si


Don Pedro. Una siyang naglakbay sa kabundukan na higit sa tatlong
buwan bago narating ang Bundok Tabor kung saan makikita ang
Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna, siya ay dumaan sa
mga iba’t ibang pahamak sa kanyang paglalakbay upang makuha
lang ang lunas para sa kanyang amang mahal .
Don Pedro: (Climbs Tryingly) Malas naman nito, namatay ang aking
kabayo…
Narrator: Hanggang sa…
Don Pedro: Natanaw ko na ang Piedras Platas… Ang ganda ng
kapaligiran lalong-lalo na ang punongkahoy na ginto…(Breathing
Heavily)…(Walks toward the tree)….(sits under the tree)

(Ibong Adarna came, lands on the tree and begins to sing)

Don Pedro: (yawns, (count1234 silently) and sleeps)

(Ibong adarna drops on Don Pedro)


(Don Pedro becomes stone)

Scene 4
(Palace)

Narrator: Nainip ang mga tao sa kaharian sa tagal ng paghihintay


kay Don Pedro kaya minabuting hanapin naman ito ni Don Diego.
Mga tao(group of commoners): Nasaan na kaya si Don Pedro? May
pag-asa pa ba kayang gumali ang mahal na hari? Don Diego, matagal
na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang
kapatid na si Don Pedro kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng
Tabor upang hanapin ang iyong kapatid at ang Ibong
makapaggagaling sa iyong ama
Don Diego: (confidently says): Hindi ko po kayo bibiguin… Kayang-
kaya ko ito.

Scene 6
(Mountain)
Narrator: Naglakbay si Don Diego patungo sa bundok Tabor na
hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang. Inabot ng limang
buwan ang paglalakbay ni Don Diego bago nakarating sa
patutunguhan. Dumaan muna siya sa hirap bago nakarating sa
Piedras Platas.
Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’y nakakaakit sa
mata!… Lumalalim na ang gabi, ako’y mamahinga muna(sits on a
rock).

(Ibong Adarna comes and sings)

Don Diego: (sleeps)

(Ibong Adarna drops on the prince, then he becomes a rock.)

Narrator: Tulad rin sa nangyari kay Don Pedro’y naging bato din si
Don Diego.

Scene 7
(King’s room)

Donya Valeriana: (paces back and forth) Mahal ko, masama ang
kutob ko sa nangyayari kina Don Pedro’t Don Diego. Ano ba ang
dapat gawin natin?(worried)
Don Fernando: (looks at Don Juan) Anak, ikaw nalang ay ang aking
pag-asang ako’y gumaling na sa pamamagitan ng paghahanap sa
mahiwagang Ibong Adarna.
Don Juan: Ama, gagawin ko po ang aking makakaya… Paalam po sa
inyo.
(walks out of the king’s room)

Scene 8
(Mountain)
Narrator: Masakit man sa kalooban nina Don Fernando’t Donya
Valeriana na mawalay ang pinakamamahal nilang anak ay wala
silang magawa dahil sa paghahangad ni Don Juan. Kababaan ng loob
at pagpapala ng Diyos ang tanging naging baon niya sa kanyang
paglalakbay.

(Don Juan tryingly hikes)

Ermitanyo: Tulungan mo ako, ako’y gutom na gutom…


Don Juan: (Gets bread) Ito ho, isang tinapay na baon para sa aking
paglalakbay.
Ermitanyo: Salamat! Ano po ba ang aking ipaglilingkod sa iyo bilang
gantimpala sa iyong kabaitan? Itong tinapay ay ibabalik ko sa iyo…
Don Juan: Huwag po, para sa iyo ang tinapay.

(Hermit disappears)

Don Juan: (See Piedras Platas with amazement then sees a small
house and knocks)
Ermitanyo: Tumuloy ka, halika’t sumalo sa akin sa pagkain.
Don Juan: (sits down) Ang aking ama po’y may sakit at ang tanging
lunas lamang ay ang Ibong Adarna.
Ermitanyo: Don Juan, ang Ibong Adarna ay may engkanto na wala
pang tumatalo.
Don Juan: Titiisin ko ang lahat para lang gumaling ang aking ama.
Ermitanyo: Ang punungkahoy na makinang na iyo nang naraanan,
ay doon nga namamahay ang Ibong Adarna. Ang ibon ay
dumadating sa hatinggabi, kumakanta ito ng malambing at
magpapalit ng itsura ng balahibo hanggang ika’y aantokin. Bwat
kantang pakinggan ang palad mo ay sugatan, saka agad mong
pigaan ng dayap ang hiwang laman kung hindi mo ito magagawa,
ikaw ay magiging bata katulad ng iyong mga kapatid na sina Don
Pedro’t Don Diego. Dalhin mo rin itong sintas, itali mo pagkahawak
sa Ibong Adarna. Don Juan, hayo ka na, ito’y oras na talaga ng
pagdating ng Ibong Adarna.
Narrator: Nang nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas, sinunod
niya ang ipinayo ng matandang ermitanyo.
Don Juan: Nandito na ang ibon…

(Bird sing and changed color)


Don Juan: (does the things that the hermit said and then gets the bird
with the rope) Ngayong nasa akin na ang Ibong Adarna, panahon
nang aking iligtas ang aking mga kapatid.
Ermitanyo: (appears) Iyang banga ay kunin mo, punin mo ng tubig
at dahan-dahan mong ibuhos sa dalawang bato.
Don Pedro’t Don Diego: (hugs Don Juan) Salamat at kami’y binuhay
mo…
Ermitanyo: Maghanda kayo sapagkat kayo’y uuwi na. Mag-ingat
kayo…
Don Pedro, Diego’t Juan: Salamat po. Hanggang sa muli… (wave at
the hermit)
Narrator: Pauwi na ang tatalo sa kaharian, isang masamang balakin
ang nabuo sa isipan ng nakatatandang kapatid na sinang-ayunan sa
bandang hui ng ikalawang kapatid.
Don Pedro: Bugbugin natin si Juan hanggang siya ay masaktan at
mamatay. Nakawin natin ang ibong Adarna, ibigay natin kay ama,
ipapagmalaki tayo ni ama at sa huli’y tayo’y magiging hari ng
Berbanya, ang lahat ng kapangyarihan upang mamuno ay nasa atin
sa huli…
Don Pedro and Diego: (punch Don Juan, grabs the ibong adarna and
then run away)

Scene 9
(King’s room)

Don Pedro: Mahal kong ama, kami’y naririto na’t dala ang ibong
makakapaggamot sa iyong karamdaman.
Don Fernando: Nasaan si Don Juan?
Don Diego: Ama, hindi po namin alam kung saan ang aming
kapatid. Ngunit bumalik kami upang kayo ay gamutin. O ibong
adarna, ikaw ay kumanta na.

(Ibong Adarna does not sing and turns ugly)

Don Fernando: Ano ang nangyari?!?!

Scene 10
(Mountain and Hermit’s house)

Ermitanyo: (appears and helps Don Juan lie down) Prinsipe, malubha
ang iyong sugat hayaan mong gamutin ko ito.
Narrator: Ilang araw ang nakalipas, maginhawa at handang umuwi
na si Don Juan dahil sa tulong ng Ermitanyo.
Don Juan: Salamat po sa lahat. Ako’y babalik na sa Berbanya. (Shakes
the hermit’s hand)
Scene 11
(King’s room)

Don Juan: Ama, ako’y nandito na…


Don Fernando: Anak ko, ako’y maligaya sapagakat ikaw na ay
dumating.
Narrator: Nang nakita ng Ibong Adarna si Don Juan, ito’y biglang
kumanta at gumanda.

(Ibong Adarna sings)

Donya Valeriana: Mahal ko, ano na ngayon ang iyong pakiramdam?


Don Fernando: Ako’y bumuti na! Ang ganda ng aking pakiramdam!
Tao: Aba, Haring Don Fernando,si Don Juan po’y nagtiis ng madlang
hirap, kamatayan ay hinamak at sa utos mo’y tumupad. Siya po’y
tinaksil ng iyong mga anak na sina Don Pedro’t Don Diego.
Don Fernando: Don Pedro’t Don Diego, ako ay hindi natuwa sa
inyong ginawa. Ako’y galit na galit sa inyo! Dahil diyan nais ko
kayong ipatapon.
Don Juan: Ama, huwag na po kayong magalit. Mga kapatid ko’y
aking pinapatawad at sana’y patawarin ninyo po sila ama. Nais po
naming bantayan ang ibong adarna, bawat isa sa ami’y may tatlong
oras sa pagbabantay.
Don Fernando: Magandang ideya iyan anak.
Narrator: Magkasundong nagbantay sa ibon ang magkakapatid
hanggang sa…

(Don Juan sleeps)

Don Pedro: Diego, halika’t sabay tayong magbantay nitong ibong


Adarna. Gisingin mo si Don Juan pagdating dito ay iwa’t huwag mo
siyang halinhan.
Don Diego: At paano naman siya tatanod nang makalawa?
Don Pedro: Huwag kang mag-alala’tmay magandang plano ako.

(Both exits)
Don Diego: Juan, gumising ka na…
Don Juan: (goes out to see the bird) Hay naku, ang sarap ng tulog ko
kagabi, magpapahinga muna nga ako…(sits on the chair and sleeps)
Don Diego at Pedro: (Sneak towards the room and release the bird)
Narrator: Pagkagising ni Don Juan, tumambad sa kanya ang bukas
na hawla ng Ibong Adarna.
Don Juan: Naku! Nasaan na ang Ibong Adarna?!?! Ako’y aalis na sa
palasyo para sa ikabubuti ng aking mga kapatid, hindi ko gustong
sila ay mapahamak. (runs away)
Narrator: Bago mitak ang umaga, si Don Juan ay umalis na upang
pagtakpan ang ginawang kasalanan ng mga kapatid.
Don Fernando: Nasaan na ang Ibong Adarna!?!?!
Don Diego: Ama, hindi po naming alam.
Don Pedro: Ang alam lang naming ay si Don Juan ang huling
nagbantay sa Ibong Adarna….
Don Fernando: Mga anak ko, hanapin ninyo ang inyong bunsong
kapatid na si Don Juan at iuwi ninyo siya dito sa palasyo…
Don Pedro: Ama, huwag po kayong mag-aalala, aming hahanapin si
Don Juan.

Scene 12
(Mountain)
Narrator: Mga bukid, burol at bundok, bawat dako’y sinalugsog
upang hanapin si Don Juan, ngunit sila’y walang nakita.
Don Diego: (stops) Wala, wala si Don Juan…Ako’y pagod na pagod,
Nasaan na kaya siya?
Narrator: Lakad, tanaw at silip ang kanilang ginawa ngunit wala pa
rin nakita si Don Juan. Hanggang sa, nakita na rin nila si Don Juan sa
Armenyang Kabundukan. Itong Bundok ng Armenya’yisang pook na
maganda at napaliligiran ng tanawing kaaya-aya. Sa Armenya
tumahan si Don Juan upang doon pagsisihan ang nagawang
pagkukulang
Don Diego: Juan, sa wakas ay natagpuan ka na naming…
Don Pedro: Ang ganda ng lugar na ito, gusto kong tumira dito.
Don Diego: Pedro, ako’y nahihiya na sa ating kapatid na si Juan, ang
dami ng mga masasamang bagay ang ginawa natin sa kanya.
Don Pedro: Ikaw sana’y huwag ganyan, lakasan mo ang iyong loob
at ang kahihiya’y ipaglihim mo kay Juan.( says it to Don Diego
silently)Kung ibig ninyong huwag nang balikan ang ating mga
magulang, pabayaan mo na sila sa Berbanya’t dito na tayo tumira sa
Armenya. Tuklasin nating tatlo ang ating kapalaran sa ibang
kaharian.
Narrator: Masaya silang naninirahan sa Armenya, nang ipasyang
akyatin nila ang bundok na hindi pag nila nahahalughog.
Don Juan: Ang balong ito’y may hiwaga, ihugos ninyo ang tali nang
dahan-dahan, huwag ninyong bitawan hanggang aking sasabihin.
Don Diego: Ako’y matanda sa iyo, kaya marapat ay ako ang ihugos
muna ninyo.
Don Pedro: Wala ka ring karapatan, pagkat ako ang panganay.
Don Juan at Don Diego: Kung gayon, ikaw ang mauna at kami
nama’y bahala.
Don Pedro: (Goes inside the well) Hindi ko matagalan ang
nakakatakot na dilim para akong sinasakal. (Goes up)
Don Diego: Ako naman…(Goes down and then goes up) Ang lalim at
ang dilim ng balong ito…
Don Juan: Handa na akong pumasok sa balon (Goes down)
Narrator: Si Don Jua’y walang takot na binaba ang balon.
Don Pedro: Ang tagal naman nitong si Juan!
Don Diego: Ano na kaya ang nangyari sa kanya?
Scene 13
(Inside the well)

Narrator: Nang nakarating si Don Juan sa loob ng balon, siya ay


namangha sa ganda ng palasyong gawa sa ginto at pilak at lalonh-
lalo na sa ganda ni Donya Juana.
Don Juan: (looks around and then sees Donya Juana) O, mahal na
prinsesa, ang ganda mo’y nakakasilaw, gusto kong ipahayag sa iyo
ang aking tunay na pagmamahal.
Donya Juana: Tanggapin mo ang aking puso, pusong iyan pag
naglaho’y nagtaksil ka sa akin.
Don Juan: Hinding-hindi kita pagtataksilan sapagkat ikaw ay ang
aking buhay.
Donya Juana: May isang higanteng nagbabantay sa akin, kailangan
mo siyang matalo bago ako’y mapasayo.
Don Juan: Kung gayon, gagawin mo ang lahat para sa iyo.

(Giant appears)
(Don Juan gets sword and fights until the giant is dead)
Don Juan: Ngayong natapos ko na ang higanteng bantay, balak
kitang iuwi sa aking kaharian.
Donya Juana: Bago mo gawin iyan, ang hiling ko sana’y iyong iligtas
ang aking kapatid na si Donya Leonora mula sa serpyenteng
nagbabantay sa kanya sa isang palasyo.
Don Juan: Para sa iyo, aking isasakatuparan ang iyong hiling. (runs)

Scene 14
(Donya Leonora’s palace)

Donya Leonora: Sino ka ba at ano ang iyong kailangan?


Don Juan: Magandang prinsesa, ako si Don Juan na magliligtas sa iyo
laban sa Serpyenteng nagbabantay sa iyo sa palasyong ito.
Don Juan: Serpyente! Papatayin kita! (runs toward the serpent)
Narrator: Bawat ulong matigpas ni Don Juan ay binubuhusan niya
ng balsamo upang ito’y hindi na muling mabuhay.
(Serpent appears and fights with Don Juan, every then dies)

Donya Leonora: Don Juan, ang iyong tapang at lakas ay aking


hinahangaan.
Don Juan: Prinsesa kong mahal, halikana’t umalis na tayo dito.
Kumapit ka sa akin ng mahigpit at pupunta tayo sa Kaharian ng
Berbanya.

Narrator: Umiral na naman ang inggit kina Don Pedro at Don Diego
sa kanilang bunsong kapatid nang muli itong magtagumpay sa
pakikipagsapalaran sa ilalim ng balon. Dagdag pa rito si Leonorang
pagkaganda na bumihag sa puso ni Don Pedro.

(Donya Leonora holds Don Juan tightly)

Narrator: Paalis na sana silang lahat upang magbalik sa Berbanya


ngunit…

Donya Leonora: Juan, ang aking singsing ay aking naiwan. Paano na


iyan?
Don Juan: Huwag kang mag-alala sapagkat aking kukunin ang iyong
singsing. Babalik rin ako. (Goes down)
Narrator: Dahil sa selos, suklam na suklam si Don Pedro sa kanyang
bunsong kapatid at nagawa niyang….
Don Pedro: (cuts rope)
Donya Leonora: Huwag!
Don Juan: (falls down and screams)
Narrator: Nagtuloy sina Don Pedro’t Don Diego sa kaharian ng
Berbanya na kasama ang magkapatid na prinsesa.

Scene 15
(Palace)

Don Fernando: Mga anak! (hugs sons) Matagal ko kayong hinintay,


natagpuan ba ninyo si Juan?
Don Pedro: Ama, walang burol, nayo’t bundok na di naming
nahalughog, siniyasat naming ang bawat tumok, sapa, batis at ilog,
ngunit hindi po naming nakita ang iyong minamahal na si Don Juan.
Donya Valeriana: Nasaan na kaya ang aking minamahal na Juan?
Don Fernando: Hindi ito maaari…
Don Diego: Ama, sila po’y magkapatid na prinsessang sa balon po
tumitira, aming niligtas sila sa kapahamakan.
Don Pedro: Si Leonora ang aking minamahal at si Don Diego’y nais
ikasal din kay Donya Juana.
Donya Leonora: Haring mahal, hiling ko pong ipagpaliban muna ang
kasal ng pitong taon. Hiling ko naman po’y iyo akong bigyan ng silid
upang doon ako matulog.
Don Fernando: Isasakatuparan ko ang iyong hiling, Donya Leonora.
Ikaw naman, Donya Juana, maghanda ka na’t sa ika-siyam na araw
ay ika’y ikakasal kay Don Diego.

Scene 17
(Mountain)

Narrator: Nanumbalik ang lakas ni Don Juan, matapos siyang


gamutin ng lobong alaga ni Leonora.Nang naging mabuti ang
pakiramdam ni Don Juan, siya’y iniwanan na.
Ibong Adarna: Mahal na prinsipe, hanapin mo si Maria Blanca ng
kahariang Cristalinos at kalimutan mo na si Donya Leonora. Ang
payo ko ay makabubuti sa iyo. (flies away)

(Man goes to Don Juan)

Don Juan: Tulungan ninyo po ako. Ako po ay naglakbay patungo sa


De los Cristal ngunit hindi ko po iyon makita.
Lalaki: Ang bundok na iyong paruroonan ay nasa ikapitong hanay.
Doon ay may ermitanyong sasalubong sa iyo, ang barong na ito’y
ipakita mo sa kanya. (gives the barong) Kaya humayo ka na’t baka
ikaw ay didilimin sa daan.
Don Juan: Salamat po.

Scene 16
(Donya Leonora’s room)

Donya Leonora: Aking alaga lobo, iligtas mo si Don Juang aking


giliw upang siya ay mapasaakin. Don Juan, ako’y nangungulila sa
iyong pagamamahal! (cries)

Scene 18
(Palace)

Don Pedro: (knocks on Leonora’s door) Leonora, aking giliw, paki-


usap buksan mo ang pinto.
Donya Leonora: (crying) Hindi ko gustong maikasal sa iyo! Ako ay
maghihintay kay Don Juan, siya ang tunay kong minamahal at hindi
ikaw!
Don Pedro: Kahit anong mangyari ay hihintayin kitang buksan ang
iyong puso para sa akin. (sadly goes out)

Scene 19
(Mountain)

Ermitanyo: Umalis ka dito! Layuan mo ako, ikaw ay isang distorbo!


Don Juan: (gives the baro)
Ermitanyo: Isang galak ko na pagkakita sa baro mo. Patawad sa
aking inasal, ano po ba ang ipaglilingkod ko sa iyo?
Don Juan: Marangal na Ermitanyo, saan ba matatagpuan ang Reyno
de los Cristales?
Ermitanyo: Ikaw ay ililipad sa kaharian ng Cristalinos ng aking
alagang agila.

Scene 20
(Lake)
Narrator: Narating ni Don Juan ang kahariang Cristalinos sa tulong
ng agilang alaga ng ermitanyo. Unang pagkakita ni Don Juan kay
Donya Maria Blanca ay nabihag na ang kanyang puso.
Don Juan: O prinsesang sadyang marikit, ako’y humahanga sa iyong
kagandahan, pakay ko ay maglahad ng aking pag-irog sa iyo. Ako si
Don Juang nais magbigay sa iyo ng ligaya habang-buhay.
Donya Maria: Huwag kang maingay at baka marinig tayo ni ama.
Don Juan: Para sa iyo, ako’y buong tapang na magpapakilala ng
aking sarili sa iyong ama.

Scene 21
(Haring Salermo’s palace)

Don Salermo: Ano ang iyong pangalan, nasaan ka nanggaling at ano


ang iyong sadya?
Don Juan: Mahal na hari, ang ngalan ko po ay Don Juan, ako’y
nanggaling sa kaharian ng Berbanya at nandito po ako upang
magpahayag ng pag-ibig sa iyong mahal na anak na si Donya Maria
Blanca.
Don Salermo: Kung gayon, bibigyan kita ng mga pagsubok na dapat
mong pagtagumpayan kung hindi, ikaw ay mamamatay.
Don Juan: Tanggap ko po ang iyong hamon, Mahal na hari.
Don Salermo: Ang unang hiling ko ay dapat mong patagin ang
bundok upang pagtaniman ng trigo, patubuin, pagkataposay anihin
at sa aking paggising ay may tinapay na akong aalmusalin.
Narrator: Ang unang hiling ng hari ay nagtagumpay sa tulong ng
kapangyarihan ni Donya Maria Blanca.
Haring Salermo: Ang pangalawa mong pagsubok ay kailangan mong
hulihin ang labindalawang maliliit na mga negrito na aking
pawawalan sa laot ng karagatan at sa huli’y sila ay isisilid mo sa
prasko.
Narrator: Nagtagumpay na naman ang prinsepe sa tulong ni Donya
Maria.
Haring Salermo: Ang huli mong pagsubok ay ang pagpapaamo ng
aking kabayo.
Narrator: Sa huli ay nagtagumpay si Don Juan sa tulong ni Donya
Maria. Pagkatapos ng kanyang huling hamon, ipinaopunta ni Haring
Salermo si Don Juan sa isang kwarto na may tatlong pinto na may
butasna nakalitaw ang mga hintuturo ng mga prinsesa.
Haring Salermo: Ituro mo kung saan ang hintuturo ni Donya Maria
Blanca.

(Don Juan points)


Narrator: Sa tulong ng mahika ni Donya Maria ay nagtagumpay si
Don Juan.
Haring Salermo: Hindi ito maaari! Hindi kita gusto para sa aking
anak…
Donya Maria: Wala na ho kayong magawa, ama. Ako’y sasama kay
Juan at mamumuhay ng mapayapa. (runs with Don Juan)
Don Salermo: Pagsisisihan ninyo ito, hindi kayo magtatagumpay at
magiging masaya magpakailanman! (dies because of heart attack)

Scene 22
(Nayon)

Narrator: Pansamantalang itinigil ni Don Juan sa isang nayon si


Donya Maria.
Don Juan: Mahal ko, ako’y babalik muna sa Berbanya upang
magbigay alam sa lahat na tayo’y magpapakasal. Babalikan kita.
Donya Maria: Mag-ingat ka’t balikan mo ako…
Don Juan: Pangako…
Scene 23
(Palace)

Narrator: Ngunit nakalimot si Don juan sa kanyang pangako kay


Donya Maria…
Donya Leonora: Don Juan, aking mahal! Ako’y maligaya’t ikaw ay
bumalik para sa akin…Amang hari, ako po’y magpapakasal kay Don
Juan. Siya po ang aking tunay na mahal.
Don Fernando: Kung gayon, kayo’y ikakasal.

Scene 24
(Nayon)

Donya Maria: Nagtaksil sa akin si Don Juan, hindi dapat ito


mangyari… Siya ay para sa akin lamang.

Scene 25
(Palace)
Narrator: Nagsadya sa palasyo si Donya Maria sakay ang isang
magarang karosa at suot ang isang napakagandang kasuotan. At siya
ay naghanda ng palabas tungkol sa pag-iibigan nila ni Don Juan
upang muli siyang maalala nito.
Donya Valeriana: Magandang pagdating, Emperatris.
Don Fernando: Itigil muna natin ang kasal upang ating ipakita sa
Emperatris ang ating malugod na pagtanggap sa kanya.
Donya Maria: Ako’y maghahandog ng palabas sa inyo na
ipinagbibidahan ng mga maliliit na mga negrito
Narrator: Sa kasawiang palad ay hindi pa rin maalala ni Don Juan si
Donya Maria. Kalaunan, nagbalik sa alaala ni Don Juan ang kanyang
sumpa kay Donya Maria sa pamamagitan ng pagsasalaysay nito at
ng mga negrito ang mga pangyayari.
Don Juan: Ikaw nga, ang Mariang aking mahal… Tayo’y
magpapakasal ngayon din.
Donya Leonora: Hindi! Akin si Don Juan , sa akin siya
magpapakasal.
Don Juan: Leonora, arsobispo at ama tunay ko pong mahal si Donya
Maria.

(Archbishop ang the king talk)

Don Fernando: Ako at ang Arsobispo’y nagkasundo. Si Don Pedro’y


ikakasal kay Donya Leonora at si Don Juan ay para kay Donya Maria.
Donya Leonora: Kung saan ka masaya Don Juan ay doon din ako.
Tanggap ko nang kayo’y magpapakasal kay Donya Maria.
Donya Maria: Maraming salamat, Leonora. (hugs Leonora)
Arsobispo: Don Juan, matatanggap mo ba si Donya Maria bilang
iyong asawa?
Don Juan: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, matatanggap mo ba si Donya Leonora bilang
iyong asawa?
Don Pedro: Opo.
Arsobispo: Don Pedro, tanggapin mo itong setro’t korona bilang
bagong hari ng Berbanya at Donya Leonora, tanggapin mo itong
dyadema bilang simbolong ikaw na ang bagong reyna ng Berbanya.
Kayo Haring Pedro’t Reyna Leonora, at Don Juan at Donya Maria
Blanca ay tanggap na mag-kabiyak.
Tao: Mabuhay ang bagong ikinasal! Mabuhay!
Don Juan: Mahal kong ama, ina at ang aking mga kapatid, kami ni
Maria ay uuwi na sa Cristalinos upang doon manirahan at mamuno
ng mapayapa.
Don Juan at Donya Maria: Paalam sa inyong lahat!
Narrator: Naiwan ang Berbanya sa pamumuno ni Don Pedro at
nagbalik naman sina Don Juan at Donya Maria sa Kaharing
Cristalinos upang doon magsimula ng bagong buhay… At dito
nagtatapos ang makulay na kwento ng Ibong Adarna mula sa akda
ni Florante C. Garcia.

You might also like