You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Matematika

Unang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Unang Araw – June 24, 2019)

I. Mga layunin

A. Nakikilala ang mga bilang mula 91 hanggang 100.


B. Nabibilang at nasasabi ang bilang ng mga bagay sa pangkat. (sampuan at
isahan.)
C. Nababasa at naisusulat ang bilang na 91 hanggang 100 sa simbulo .

II. Paksa

A. Aralin : Konsepto ng bilang na siyamnapu’t isa hanggang isangdaan.


B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 51
Pupils’ Activity Shet pp. 46-47
C. Kagamitan: mga pamilang (stik, holen, etc.)
place value chart, hundred chart, power point
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto 91-100
Rote Counting

III. Pamaraan
A. Paghahanda
1. Pagganyak
Pagbilangin ang mga bata mula 0 hanggang 90.

2. Balik-aral
Magpakita ng set ng mga bagay. Ipabilang at ipasabi ang laman nito sa
mga bata. Ipakuha din ang bilang na katumbas nito sa plaskard.
Ilan ang 90?

B. Paglalahad:
1. Gumamit ng tunay na bagay o larawan.
Magpakita ng 9 bundle ng straw.
Hayaang bilangin ng mga bata ang laman ng isang bundle.
Ilan straw ang nasa bundle? (sampu)
Ipakilala ang salitang sampuan para sa bundle.
Dagdagan ng isang straw ang 9 bundle ng straw.
Ilan na lahat ngayon ang mga straw? (siyamnapu’t isa.
Gamitin ang katulad na pamamaraan hanggang maipakilala ang bilang 92
hanggang 100.

2. Gamit ang place value chart


Ilagay ang plaskard na 9sa hanay ng sampuan at 1 sa hanay ng isahan.

sampuan isahan bilang


9 1 = 91 (siyamnapu’t isa)

Gamitin ang katulad na pamamaraan hanggang maipakilala ang bilang 92


hanggang 99.
3. Pagtalakay:
Ano ang ibig sa bihin ng 91? 92? 93? etc.
Ilan ang sampuan? isahan ?

Tandaan: Ang siyamnapu’t isa ay mayroong siyam na sampuan at


isang isahan. o siyamnapu’t isa.

C. Pagsasagawa ng Gawain

Gamit ang popsicle sticks, (Iayos ito ng nakatali o bundle)


hayaang ipakita ng mga bata ang bilang na sasabihin ng guro.

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin

Ipakita ang bilang na 91 at hayaang


iguhit ng mga bata ang katumbas ng bilang o simbulo na ipapakita ng guro.
Gawin hanggang 100.
.
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan

1. Ipakita ang plaskard ng mga numerong tinalakay. Hayaan ang mga bata na
itaas ang bilang ng counter na kailangan sa bawat bilang na ipapakita ng guro.

2. Magpakita ng set ng mga counter. Hayaang ipakita ng mga bata ang


plaskard ng salitang bilang at simbolo nito.

F. Paglalahat
Ang simbulong 91 ay binabasa bilang siyamnapu’t isa , 92 ay siyamnapu’t
dalawa, etc. hanggang 100.
Ilan ang sampuan mayroon ang 100?

IV. Pagtataya:

Bilangin at isulat kung ilan ang nasa larawan. Gumawa ng tig- sampuang pangkat.
Sabihin kung ilang sampuan at isahan ang bilang nito.

Place Value
Bilang
Sampuan Isahan
V. Takdang Aralin

Isulat ang nawawalang bilang.

Inihanda ni:

DIOSALYN N. ANDAL
Teacher III

Iniwasto ni:

VILMA M. DARISAN
Principal IV

You might also like