You are on page 1of 4

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO 10

Paaralan GORDON COLLEGE Baitang/Antas 10


Guro Rheymon C. Cortez Asignatura FILIPINO
Araw/Petsa LINGGO/IKA-18 NG DISYEMBRE 2018 Markahan IKAAPAT
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at sa isang akdang pampanitikan ng ibang bansa.

B.Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang maikling dula na nagpapakita ng kakaibang pag-iibigan
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto A. Nakapagbibigay ng iba’t ibang tono mula sa nabasang akda.
B. Nailalagay ang sarili sa ilang tauhan mula sa tauhan sa akda.
C. Nakapagbibigay ng sariling palagay kung ano ang mas mahalaga. Itsura o ugali?
II.NILALAMAN
Paksa Ang kuba ng Notre Dame
Mga Kagamitan Mga Larawan, kartolina, illustration board at pentouch
Istratehiya Interaktibong talakayan at Paggamit ng larawan.
Sanggunian Aklat G10
III.PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG – AARAL
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa klase
Magandang hapon sa inyong lahat. Magandang hapon din po G. Cortez
2.Pagsasaayos ng klase
Bago kayo umupo ay siguraduhing maayos at malinis ang inyong (Isasaayos ng mga mag-aaral ang kanilang upuan at pupulutin ang ilang
nasasakupan. mga kalat na makikita at itatapon sa basurahan.)
(at tuluyan na silang umupo)

3.Pagtatala ng liban sa klase


Maraiah pakisulat sa isang maayos na papel ang mga liban sa iyong Maraiah; ok po sir.
kamag-aral kung mayroon man.
B.Pagganyak
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG – AARAL
(hahatiin ang grupo sa tatlo ang guro ang magpapangkat sa buong
klase)

“magtungo na kayo sa sinabi kong lugar ninyo sa grupo” (kumilos nang mabilis ang mga mag-aaral patungo sa lugar na
kalalagyan nila)
“maglabas ang bawat isa ng kahit anong uri ng malinis na papel o
kahit sa likod nalang ng inyong kwaderno.” (naglabas ang mga mag-aaral ng malinis na pirasong papel)

“Diyan ninyo itatala ang punos na ibibigay ko sa bawat pagsagot o


pakikilahok ninyo sa buong oras ng klase ko, maaaring pang-isahan o “opo!!”(lahat ay sumagot)
pang-isang buong pangkat na puntos. Naintindihan ba?”

“kung sino ang makakuha ng pinakamataas na puntos ay


makatatanggap ng isang gantimpala”

“simulan na natin”

(naghanda ang mga mag-aaral)

(magpapaskil ang guro ng isang watawat sa pisara at ito ay ang “opo sir!”
watawat ng bansang France)

“alam ba ninyo kung ano ito?”

“ano ito?” “opo sir!”

“tama! Isa nga itong watawat. Watawat ito ng anong bansa?” “isa poi yang watawat”

“mahusay maglagay ka ng limang puntos” “sir ito po ay watwat ng bansang France”


“salamat po sir”

C.Paglalahad
‘ang pag-aaralan natin ngayon ay isang akdang pampanitikan na mula
sa bansang France. Ito ay ang Kuba ng Notre Dame ni Victor Hugo na
isinalin sa wikang Filipino ni Willita A. Enrijo”

“bago tayo tumungo sa ating pinakapaksa ngayong araw na ito ay


magtatanong muna ako.”

“Ok lng ba sa inyo?”


(sasagot ang lahat)
“ok lang po sir!”
“ok”

“ano ang mga nasasabi ninyo sa isip ninyo kung nakakikita o


nakasasalubong kayo ng saksakan ng pangit?” “sir! Sure ka po iyan po ang iyong tanong?”

“oo naman!”

“sige hija” (may magtataas ng kamay)

“wow!” “sir ako po pagnakakasalubong po ako ng pangit tulad kop o ang


“5puntos” sinasabi ko po sa sarili ko na mapalad po ako na ganito ang mukha ko
po.”

“sino pang may ibang sagot?”

“sige” “ako sir”

“sir sa akin lang po ito ah. Pag ako po ang nakakita o nakasalubong ng
“wooooww!!” pangit, ang tatakbo lang po sa isip ko ay may maganda ring plano sa
‘sampung puntos para sa sagot mo’ kanya ang Diyos.”

“salamat po sir.”

“pangalawang tanong. Ano ang mas mahalaga? Ang itsura o ang “sir! Para po sa akin ugali, sir aanhin po ba natin ang mukha kung ang
ugali?” ugali naman ay kaawa-awa”

“wow may rhym”


“sige 5 puntos”
“sino pa?” “sir ako!”

“sir para sakin po tulad din po ng sinabi niya. Ugali rin po . hindi po
kami magsasama ng matagal kung yung ugali naman po niya bilang
kaibigan ko o bilang minamahal ko kung ang ugali naman niya ay hindi
maganda . kahit pangit ka pa or di kaaya-aya yung mukha mo pero
kung yung ugali mo naman po ay mabuti .. mas ok po yun.”
“woow! Verygood!”
“10 puntos”
“tama nga naman lahat niyon “

“mayroon paba? (wala ng nagtataas ng kamay)

“kung wala na simulan na natin.”

(ikukukwento ng guro ang Kuba ng Notre Dame sa pamamagitan ng


mga larawan ng mga tauhan.)
D.Pagtalakay sa Aralin
“naintindihan ba?” “Opo!”

“para sa inyo ano ang tono ng kwento?” (may iilan lang na nagtaas ng kamay)
“sige nga. Ikaw !”
“ sir ang tono po ng kwento ay nakalulungkot po.? Tama po ba sir?”

“tama 7puntos para sa iyo.”

“mayroon pabang gusting sumagot?”

“”wala na?”

“ok kung wala na mayroon pa akong tanong. Kung


papipiliin kita sino sa mga karakter ang maihahalintulad (may ilang magtataas ng kamay.)
mo sa sarili mo at bakit?”

“sige nga ikaw!” “sir . yung akin po ay si Quasimodo. Nagmamahal ako sa taong di
naman ako gusto at pakiramdam ko ay hindi niya talaga ako
gugustuhin.”
“awwww! Ang sakit naman niyon.”

“mayroon paba?”

“kung wala na.”

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG – AARAL


IV.SINTESIS
“may natutunan ba sa ating tinalakay ngayong araw?” “opo!”

“talaga ba?”
“opo nga sir”
“kung gayon maglalagay ako sa pisara na tatawagin nating PADER NG
KALAYAAN. Bibigyan ko kayo ng tig-iisang papel at susulat kayo ng
isang pangungusap, maaaring kotasyon o isang pahayag tungkol sa
inyong natutunan sa ating pinag-aralan. At pagkatapos ay ididikit
ninyo ito sa PADER NG KALAYAAN.”

“MALIWAG BA?”

(ibinahagi na ng guro ang mga papel)

“ngayon ay simulan na”

“OPO SIR!”

(gumawa ng tahimik ang mag-aaral)

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL


V. EBALWASYON
Ipakilalang muli ang mga tauhan. Pumili lamang ng tatlo.
1. Quasimodo
2. Pierre gringoire (Gumawa ng tahimik ang mga mag-aaral)
3. La Esmeralda
4. Claude frollo
5. Phoebus
VI.KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN
“para sa inyong takdang aralin.”

Pakibasa sa inyong bahay ang susunod na aralin sa aklat.

“malinaw ba?”
“may katanungan ba?”

“Tanong? Wala na?”


“paalam!” “wala na po.”

“paalam na rin po G. Cortez.”

Inihanda at ipinasa ni:

RHEYMON C. CORTEZ

Student Teacher – Filipino

Itinala ni:

WILLY RANCE ANTIGO

Instruktor – Filipino

You might also like