You are on page 1of 3

Edukasyon ( Talumpati)

Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga


paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang
maangkin ng mga kabataan.
Mahal kong mga tagapakinig naririto na naman po tayo sa isang pagtitipon kung saan
an gating pag- uusapan ang mga aspekto na makapagpapalakas sa mga kabataang tulad ko.
Mga kabataang magiging susi upang umunlad ang ating Lupang Sinilangan. Mga kabataang
makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na magiging
daan sa pagbabagong ating inaasam.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na laganap na ang pag- unlad ng agham sa ating
lipunan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay. Katulad ng cellphone at computer.
Mga makabagong bagay na makagpapadali n gating pamumuhay…lalung lalo na ng mga
kabataan.
Kahit saang dako ka man ngayon tumingin,marami ng mga internet café ang nagkalat.
Iba’t ibang model na rin ng cellphone ang lumalabas. At hindi maikakaila na halos lahat tayong
mga nag- aaral sa pribadong paaralan ay umaangkin ng mga bagay na ito. Ngunit, ito ba ay
ginagamit natin sa tamang paraan?
Mga kaibigan, ang computer ay malaking tulong sa ating mga mag- aaral. Katulad sa
mga pananaliksik…hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para
kumuha ng mga kakarampot na datos sa bawat aklat. Punta ka lang ng yahoo..encode mo lang
ang topikong hinahanap mo…mag-antay ka lang ng ilang segundo..binggo na .. makikita mo na
ang hinahanap mo.
Nariyan din ang cellphone na makapagpapadali ng ugnayan natin. Magagamit sa mga
panahon ng kagipitan. Hindi mo na kailangan pang mag- antay ng ilang buwan maipadala at
tumanggap ng sulat. Sapagkat sa isang text lang, minuto lang aantayin mo..tanggap kaagad.
Ngunit sadyang namamali ang ilang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiyang
makabago. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan ito gagamitin, ginagamit nila ito sa
walang kuwentang bagay. Sa halip na magresearch para sa assignment…DOTA, counterstrike,
YM at facebook ang inaatupag. Mayroon din diyan na pakikipagtextmate ang
pinagkakaabalahan. Nagpupuyat tuwing gabi. Nanlalalim ang mga mata sa
kinaumagahan…ang siste nakikipagtextmate sa kung kanino na lamang. Pagdating sa
klase..bagsak si nene, inaantok, walang assignment. Pagkatapos magpapadala sa mga
magagandang quotes, mag- a-eyeball, magkakarelasyon, mabubuntis, mawawala sa huwisyo
ang kinabukasan, malulugmok sa putikan. Ito ang paraan ng paggamit ng mga kabataan sa
mga makabagong teknolohiya.tsk tsk tsk…hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na
hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging sandata na maipagsasanggalang sa lahat ng
pagsubok ng buhay. Kapag edukado ang isang tao nagagawa nitong maitama ang mga maling
paniniwala na bunga ng kahunghangan. Naisasalba ang isang tao sa lupit ng kahirapan.
Bumaling naman tayo sa ating banal na kultura. Ito ay ang kinapapalooban ng mga
paniniwala’t kaugalian. Ito ang makinang na kasaysayan ng ating mga ninuno. Alam ba ninyo
na sa buong mundo, Pilipino ang tinitingala ng mga dayuhan pagdating sa kulturang
kinamulatan? Kung kaya’t maraming mga dayuhang ang piniling mag- asawa ng isnag Pilipino
nang dahil sa ating kultura. Sapagkat tayong mga Pilipino ay kilala bilang matulungin,
mapagkumbaba, masunurin, at magalang na lipi. At ito dapat ang magiging katangian ng ating
mga kabataan. Sa kadahilanang kung taglay ng mga kabataan ang mga ganitong uri ng mga
katangian ay mapapadali ang ating pag- unlad. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama.
Makakamtan ang paggalang sa bawat kapwa.
Ang Kultura natin ay maipapakita rin sa mga palakasan. Dahil ito ang isang makinang
na daan sa pakikipagkaibigan. Ditto nalilinang ang mga kakayahan na
sangkatauhan. Nahahasa rin ditto ang tiyaga ng mga kabataan s apagkamit ng tagumpay.
Kung ang bawat kabataan ay mapapabilang sa isang legal na palakasan, mapapalayo sila sa
bisyo. Bagkus, mararagdagan pa ang mga kaalaman at kakayahan nito sa pagsunod sa agos
ng buhay. Hindi lamang pisikal na kakayahan ang mahahasa kundi pati na rin ang emosyonal at
intelektwal. Sa mga palakasan nagsisimula ang isang magandang pagsasamahan.
Kayat mahal kong mga tagapakinig…lalung lalo na sa mga kabataang tulad ko, huwag
nating antaying mawala ang lahat ng mga pagkakataon para sa ikauunlad natin. Sama sama
nating yakapin at tanggapin ang mga aspektong makapagbibigay sa atin ng lakas na
makakatulong sa ating ikauunlad. Nasa ating kamay ang pag-unlad na inaantay ating bayan.
Sapagkat tayo ang tinaguriang pag- asa ng bayan.
Edukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpay
Sa ating punong-guro ________________, sa mga panauhin at sa aking mga
kaklase na mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng ________________________, isang
magandang hapon.

Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na


pagpasok natin dito sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong
sa sarili, “Ano ba ang kahalagahan ng pagpasok ko sa skwela?”

Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan


para sa kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi
nakakapag-aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan.
Merong mga kabataan na hindi pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga
tumatambay lamang at ang iba naman ay nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi
natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating
mga magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa huli ang pagsisisi”.

Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi lamang
para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Naalala ko pa noong nabasa ko sa
isang artikulo sa internet na nakapanliit sa bayan natin, ipinuna sa isang international
television program ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Para sa akin, bakit tayo
nagpapaapi sa iba na hindi natin kalahi? Hindi natin dapat ipinagsasa-walang bahala
ang tulad nito. Dapat natin ipakita sa kanila na mali sila sa inaakala nila, na kaya
natin umangat.

Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito
nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa
mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at
kinabukasan, kinakailangan nating maghanda. Hindi natin maiiwasan na maharap sa
mga hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay kaya
nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin ito. Dapat
tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon. Ang kahirapan ay di
hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Sa
pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos. Sa kanya, lahat ng bagay ay posible.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa


ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na
maipapamana sa atin. Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.

Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi


matatawaran ang kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na
ang pag-pasok sa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin
ka sa tama ay gawain niya.

You might also like