You are on page 1of 9

MODYUL SA PAGKATUTO

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG


PILIPINO
(Filipino 1 - Grade 11)

UNANG MARKAHAN - UNANG LINGGO


ARALIN 1: WIKA - KAHULUGAN AT KATANGIAN

PAKSA
Paksa: Wika - Kahulugan at Katangian
Mga Kagamitan: papel, pluma

TUNGUHING PAMANTAYAN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; at


 Nakapagpapahayag ng kahalagahan sa sariling pagpapakahulugan sa wika.

PANIMULANG GAWAIN
Gawain: Isulat sa loob ng mga bilog kung ano ang wika para sa iyo.

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
Sa paunang gawain, isinulat mo kung ano ang kahulugan ng wika para sa iyo. Ngayon
tatalakayin natin ang kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang manunulat.

PAGTATALAKAY SA ARALIN
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG WIKA

Unang-una sa lahat, ang salitang ingles na language ay mula sa salitang latin na lingua na
nangangahulugang dila. Tunay nga naman na may ugnayan ang wika at ang ating dila dahil ang dila ay
isa sa mga bahagi ng ating katawan na ating ginagamit upang tayo ay makapagsalita. Ang wika ay
maaaring tumutukoy sa kakayahan ng tao na mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang
pangkomunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng nasabing komplikadong sistemang
pangkomunikasyon (Bernales, et al., 2016).
Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistemang komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng pasulat o pasalitang simbolo. Ang wika ay hindi laman sa pasalitang paraan ginagamit
ngunit pati na rin sa pasulat na paraan gaya ng mga liham, text messeges, facebook posts, dyaryo at
iba pa. Dagdag naman ni Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language?,
wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ito ay gawaing
pantao lamang sapagkat tao lamang ang may kakayahang makapagsalita at makipag-ugnay sa iba
gamit ang wika.
Sa lahat ng kahulugang ibinigay ng mga dalubwika, ang pagpapakahulugang ibinigay ni Henry
Gleason ang pinakakomprehensibo sa lahat. Ayon kay Gleason (sa Tumangan et al., 2000) ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Mula sa katuturang ibinigay ni Gleason, mahahango natin ang mga pangunahin at unibersal na
katangian ng wika.

MGA KATANGIAN NG WIKA AYON KAY GLEASON

Ang wika ay isang masistemang balangkas. Upang mabuo ang isang wika, sumusunod ito ng
isang balangkas. Tingnan ang dayagram sa ibaba kung paano nabubuo ang isang wika.

Ponolohiya Morpolohiya Sintaksis

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
Ang wika ay nkabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa makabuluhang tunog ng isang wika at
ponolohiya ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ito.Kapag ang mga ponemang ito ay
pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang
mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad ng /a/ na sa wika
natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman
tayong makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng
mga pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o
higit pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso (Bernales, et al., 2016). Ito ang balangkas
kung paano nagkakaroon ng wika.

Ang wika ay sinasalitang tunog. Nagsisimula ang wika sa tunog ngunit hindi lahat ng tunog na
ating naririnig ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Upang ang isang tao ay
makabuo ng tunog, humuhugot tayo ng enerhiya o hangin mula sa ating mga baga na dumadaan sa
pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify ng resonador (Bernales, et al.,
2016).
Ayon kay Santiago (sa Santos, et al., 2015), ang kabuluhan ng isang tunog ay matutukoy kung
nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito kapag ito ay nabago na.

Halimbawa: tao:bao pili:sili palay:halay

Palate o matigas na
ngalangala
Velum o malambot
na ngalangala
Guwang ng ilong

Alveolae o punong Guwang ng bibig


gilagid

Uvula o
titilaukan
Mga labi

Paringhe

Ngipin

Epiglottis

Dila
1 - harap Laringhe
2 - sentral
3- likod
Hiningang galing sa
baga
Mga babagtingang tinig
Google Images

May dalawampu’t isang ponema sa wikang Filipino. Ito ay nahahati sa dalawa - mga ponemang
katinig at mga ponemang patinig. Mailalarawan ang ponemang katinig sa pamamagitan ng punto ng
artikulasyon o kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas ng ponema at paraan ng artikulasyon o
Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng ponema at kung ang paraan ng artikulasyon ng
bawat isa ay may tunog o walang tunog.
Sa kabilang banda, mailalarawan naman ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng
posisyon ng dila sa pagbigkas ng mga ito at sa kung saang bahagi ng dila nagaganap ang bawat isa
(Bernales, et al., 2016).

TSART NG MGA PONEMANG KATINIG (Santiago, 2003)

PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON


ARTIKULASYON Labi Ngipin Gilagid Ngalangala Glottal
Palatal Velar
PASARA
walang tunog p t k Ɂ
may tunog b d g
PAILONG
may tunog m n ŋ
PASUTSOT
walang tunog S h
PAGILID
may tunog l
PAKATAL
may tunog r
MALAPATINIG
may tunog y w

TSART NG MGA PONEMANG PATINIG (Santiago, 2003)

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa α

Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Sa tuwing tayo ay nagsasalita pinipili natin ang wikang
ating ginagamit. Isinasaayos natin sa ating isipan ang nais nating ipahiwatig. Ginagawa natin ito dahil
layunin natin na maintindihan tayo ng ating kausap. Hindi natin maaaring ipilit gamitin ang wika na hindi
alam ng ating kausap at gayundin ang ating kausap. Tayo at ang ating kausap ay dapat pumili ng
parehong wika kung saan tayo ay magkakaunawaan (Bernales, et al., 2016).

Ang wika ay arbitraryo. Napakalaking impluwensya ng lipunan para matutong magsalita ang
isang tao. Kapag sinabing arbitrary ang wika ito ay nangangahulugang pinagkakasunduan ang anumang

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay (Taylan, et al.,
2019).

Ang wika ay ginagamit. Ayon kay Bernales, et al. (2000), kasangkapan sa komunikasyon ang
wika, kailangang patuloy itong gamitin. Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay mawawala
hanggang sa patuloy na itong mamamatay. Huwag hayaang mamatay ang sarili nating wika at patuloy
natin itong gamitin at linangin.

Ang wika ay nakabatay sa kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura sapagkat
nakabuhol ito sa isa’t isa. Ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman ang
nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng gawaing nakapaloob sa kultura (Taylan, et al., 2019). Kaya
nagkakaiba-iba ang mga wika sa mundo sapagkat nagkakaiba-iba rin ang ating mga kultura.

Ang wika ay nagbabago. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa mundo, nagbabago rin
ang ating wika sapagkat ito ay dinamiko o buhay. Ang pagbabagong bihis ng lipunan at
pangangailangan ng mga tao ay isa sa mga pangunahing dahilan nito (Santos, et al., 2015). Kailangang
yumakap ng wika sa pagbabago ng sa gayon ito ay umunlad kasabay ng panahon.

PANGMIDYANG SANGGUNIAN

 Para sa dagdag pang kaalaman, panoorin ang bidyo na may file name na BIDYO 1-
UNANG LINGGO - WIKA - KAHULUGAN AT KATANGIAN sa inyong flasdrive.

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
PANLINANG NA GAWAIN
GAWAIN 1
Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik mula sa HANAY B na katumbas o kaugnay na salita o parirala
sa HANAY A. (10 puntos)

HANAY A HANAY B
1. Wika A. Pinaggaganapan ng
ponemang katinig
2. Ponolohiya B. Paraan ng pagpapalabas
ng hangin
3. Punto ng Artikulasyon C. Resonador
4. Sintaksis D. Baga
5. Nagmo-modify ng tunog E. Instrumento ng
Komunikasyon
6. Pinanggagalingan ng lakas o F. Ponema
enerhiya para makapagsalita
7. Pumapalag na bagay G. Morpema
8. Paraan ng Artikulasyon H. Diskurso
9. Makahulugang tunog I. Pag-aaral ng mga
pangungusap
10. Makahulugang palitan ng mga J. Pag-aaral ng mga tunog
pangungusap
K. Artikulador

GAWAIN 2
Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na salita/parirala na makabubuo sa diwa ng mga
sumusunod na pahayag. (10 puntos)

11. Ang mga makahulugang yunit ng isang salita katulad ng panlapi at salitang-ugat ay tinatawag na
__________.
A. ponema C. pangungusap
B. morpema D. diskurso

12. Ang pag-aaral ng mga makahulugang tunog ng isang wika ay tinatawag na ______.
A. ponolohiya C. sintaksis
B. morpolohiya D. balarila

13. Ayon kay Gleason, ang wika ay __________ upang maging mabisa ang paggamit nito.
A. pinipili C. pinipili o isinasaayos
B. isinasaayos D. pinipili at isinasaayos

14. Bawat nilalang ay may kanya-kanya at iba-ibang katangian, kakayahan at kaalaman sa paggamit ng
wika dahil ang wika ay __________.
A. masistema C. arbitraryo
B. balangkas D. nagbabago

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
15. Upang manatiling buhay ang isang wika, kinakailangang ito’y patuloy na _________.
A. sinasaliksik C. ginagamit
B. isinasaaklat D. itinuturo

16. Ang pagkakaiba-iba ng katangian ng mga wika ay bunga ng pagkakaiba-iba ng __________ ng mga
bansa at pangkat.
A. Panitikan C. lahi
B. Kultura D. edukasyon

17. Ang pagkawala ng ilang salita o bokabularyo at ang pagdaragdag ng mga bagong salita sa isang
wika ay patunay na ang wika ay __________.
A. nakabatay sa kultura C. masistemang balangkas
B. sinasalitang tunog D. nagbabago o dinamiko

18. Lumalawak ang bokabularyo ng isang wika kapag __________.


A. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong salita
B. ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong kahulugan
C. ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong kahulugan
D. ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong paraan ng pagbigkas

19. Ang wikang Filipino ay may __________ ponema.


A. 16 C. 5
B. 35 D. 21

20. Upang makabuo ng tunog ang isang tao at makapagsalita, siya ay kumukuha ng enerhiya o hangin
mula sa kanyang __________.
A. ilong C. baga
B. bibig D. diapraghm

PAGTATAYA
GAWAIN A
Gumawa ng acrostic sa salitang W-I-K-A na nagpapakita ng sarili mong pagpapakahulugan kung ano
ang wika batay sa natutunan mo sa araling ito. Maaaring ito’y isang salita, parirala o pangungusap.
Isulat ang sagot sa nakalaang sagutang papel.

Mga Pamantayan:
Nilalaman - 7 , Gamit ng wika/balarila - 5 , Kalinisan - 3 = Kabuuan - 15 puntos

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
PAGPAPAHALAGA
Gaano kahalaga para sa iyo ang sarling pagpapakahulugan sa wika? Ipaliwag.

Para sa akin, __________________________________________________________________


___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11
PAGTATAYA:
GAWAIN A
COR JESU COLLEGE
Basic Education Department

SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 1


(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

PANGALAN:_______________________________ PANGKAT: ________________________


GURO:____________________________________ PETSA NG PAGPASA:_______________

Cor Jesu College - Basic Education Department MODYUL SA PAGKATUTO SA FILIPINO 1 - G11

You might also like