You are on page 1of 2

NORTHWESTERN UNIVERSITY,INC

Laoag City, Ilocos Norte

MODYUL II
Komunikasyon; Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal

Layunin

a. maunawaan ang katuturan at kahalagahan ng komunikasyon;


b. matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad
at sa buong bansa;
c. makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino;
d. makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.

Makapangyarihan ang isang ideya. Maari nitong baguhin ang isang kasaysayan,
gabayan o baguhin ang kapalaran ng tao at mga bansa. Ang mga ideyang nagkaroon ng
gayong kapangyarihan ay hindi nananatili lamang sa isipan ng pinanggalingan niyon. Iyon ay
mga ideyang nakarating sa isipan ng ibang tao at naging makapangyarihang tagapagkilos.
Ang mga ideyang nananatili sa isipan ng may-likha niyon ay nananatiling inepektibo at
kadalasang naglalaho na lamang kalaunan. Samakatuwid, upang mas lalong
makapangyarihan ang mga ideya, kailangang maagapan ang mga ito ng isa pang
kapangyarihan – ang kapangyarihan ng komunikasyon.

Sa yunit na ito ay matatalakay ang mga sumusunod hinggil sa komunikasyon:


a. Uri at katangian
b. Mga modelo, sangkap at proseso
c. Mga anyo
1. Berbal
2. Di-berbal
3. Ekstra berbal
4. Simboliko
d. Mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon

Ngunit bago iyan sariwain mo muna ang iyong kaisipan sa mga sumusunod na
gawain.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 1 of 2
NORTHWESTERN UNIVERSITY,INC
Laoag City, Ilocos Norte

Sa gawaing ito ay nais kong magbalik-tanaw kayo hinggil sa komunikasyon,


ito ay tinatawag na venn diagram nagpapakita ng pagkakaiba noon at ngayon. Mag-isip ng
mga salita kung ano ang kaibahan ng komunikasyon noon at ngayon; at mag-isip din kung
ano ang kanilang pagkakatulad.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 2 of 2

You might also like