You are on page 1of 4

Davao City National High School

F. Torres St, Poblacion District, Davao City


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
AP-10 Kontemporaryong Isyu

MELC: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan.


I. Layunin:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, hindi bababa sa 90% ng mga mag-aaral
sa ika-sampung baitang ay inaasahang:
a. Naibibigay ang kahulugan at konsepto ng pagkamamamayan o citizenship;
b. Nahihinuha ang mga pangunahing katangian ng isang mamamayan na nauugnay sa
sarili, pamilya, kapuwa, at bansa sa kabuoan na nagiging dahilan ng pagiging aktibong
mamayan nito.
c. Nakalilikha ng isang community project proposal tungkol sa mga problemang nakikita sa
kanilang komunidad; at
d. Naipapahayag ang kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan
.
II. Nilalaman
a. Paksang aaralin: Kahalagahan ng Aktibong Pagkamamamayan
b. Mga kagamitan: Cellphone, PowerPoint Presentation, larawan na nagpapakita
ng pagigibong aktibong pagkamamamayan at mga larawang nagpapakita ng
katangian ng isang mamamayang Pilipino
c. Sanggunian: Q4 Araling Panlipunan Module 1 Pahina 5-6

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gaawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng attendance
 Paalala – mga dapat at di dapat gawin habang nasa klase
 Pagbabalik-aral: Ang mga mag-aaral ay magbabalik-aral sa naging talakayan
noong nakaraang linggo patungkol sa “Mga Hakbang Tungo sa Pagkakapantay-
pantay” sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga larawan kung saang batas o
hakbang ng pamahalaan at mamamayan ito nabibilang.
1. Bawal Bastos Law
2. Gender Equality
3. Anti-Violence Against Women and Their Children
4. HeforShe Movement/Campaign
B. Aktibiti
Pagganyak.
Panuto: Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng crossword na kung saan ay
hahanapin nila ang mga salitang halimbawa ng katangian ng isang aktibong
mamamayan.
1. Masunurin 5. Matapat
2. Makatao 6. Responsable
3. Makabansa 7. Marangal
4. Makadiyos 8. Magalang

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang inyong nakita sa crossword? Tungkol saan ang mga salitang
ito?
2. Ito ba ay nagpapahiwatig ng mga katangian ng isang pagiging Pilipino?
3. Ikaw ba ay may ganito ring katangian bilang isang Pilipino? Kung oo, masasabi mo bang
ikaw ay isang aktibong mamamayan ng ating bansa? Sa paanong paaan?

C. Analisis
 Tatalakayin ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ayon sa
Saligang Batas ng Pilipinas at ang lumalawak na konsepto nito.
 Makikita sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng Pilipinas ang isa-
isang inihayag na tungkulin at Karapatan ng mga mamamayang
Pilipino.
 Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamayan sa
kasalukuyan. Tinitingnan ang pagkamamamayan hindi lamang
bilang isang katayuan o dahil sa ito ang isinasaad ng estado,
bagkus, maituturing ito bilang pagkakabuklod-buklod ng mga tao
para sa ikabubuti ng kanilang lipunan
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng pagkamamamayan o citizenship?
2. Ang pagiging isang citizen o mamamayan ay tumutukoy lamang ba sa pansariling
estado ng bansa? Ipaliwanag.
3. Maaari bang mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal? Sa paanong paraan
4. Ang pagiging isang mamamayan ay limitado lamang ba sa estado at isinasaad ng batas
ng isang bansa? Ipaliwanag ang magiging sagot.

 Tatalakayin ang mga katangian ng isang mamamayan na nauugnay sa sarili,


pamilya, kapuwa, at bansa sa kabuoan na nagiging dahilan ng pagiging aktibong
mamayan nito.
 Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng mamamayan ay
inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa
karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga
karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may
kritikal at malikhaing pag-iisip.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan?
2. Ang mga katangian bang ito ay may kaugnayan sa iyong sarili? Nakikita mo sa iyong
kapwa?
3. Ang mga katangian bang ito ay nagpapakita ng pagiging isang aktibong mamamayan?
Sa paanong paraan? Ipaliwanag.

D. Abstraksyon
1. Ipaliwanag ang kahulugan o konsepto ng citizenship o
pagkamamamayan..
2. Ano-ano ang mga katangian ng isang aktibo at mabuting mamamayan?
3. Magbigay ng mga simpleng hakbang na nagpapakita ng pagiging
aktibong mamamayan.

E. Aplikasyon
Panuto: Ang aktibidad ay pinamagatang “Problema sa komunidad ko? May
project proposal ako dyan!”. Ang mga mag-aaral ay inaatasang gumawa ng
isang simpleng project proposal tungkol sa mga problemang nakikita sa kanilang
komunidad. Ang project proposal na ito ay magpapakita ng pagiging aktibong
mamamayan ng mga mag-aaral ganon na din ng mga taong nakatira sa
komunidad na ito.

El\Community Project Proposal Template.docx

IV. Ebalwasyon

Pamantayan sa Ginawang Community Project Proposal


3 2 1
Kaangkupan sa Angkop at May iilang Hindi angkop at
Tema naaayon sa tema salitang hindi hindi naaayon sa
ang pagkakabuo angkop sa tema tema ang
ng community ng ginawang ginawang
project proposal community community
project proposal project proposal
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi mabisang
naipahayag ang naipahayag ang naipahayag ang
solusyon sa layunin ng layunin ng
problema na community ginawang
nakikita sa project proposal community
kanilang project proposal
komunidad
Pagkamalikhain Lubos na Naging malikhain Hindi naipamalas
naipamalas ang sa pagbuo ng ang
pagkamalikhain project proposal pagkamalikhain
sa ginawang ng nilikhang
proposal community
project proposal

Pagpapahalaga
1. Bakit mahalagang maisakatuparan ang mga tungkulin bilang isang aktibong
mamamayang Pilipino?
2. Bilang isang mamamayang Pilipino naisabuhay mo ba ang iyong
pagkamamamayan? Sa paanong paraan?

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin ang artikulo patungkol sa Universal Declaration of Human Rights
(UDHR) at artikulo patungkol sa United Nations Convention for the Rights of Child
(UNCRC) na nasa inyong Quarter 4 Araling Panlipunan Module 2 at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ito sa isang buong papel o sa kahit anong document
word.

1. Ano ang Universal Declaration of Human Rights?


2. Tungkol saan ang artikulo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR)?
3. Tungkol saan ang artikulo ng United Nations Convention for the Rights of Child
(UNCRC)?

You might also like