You are on page 1of 2

Nangunguna sa mga pamamaraang ito ang PESEPSYON .

Sinumang nagbabasa ay
kailangan munang matiyak na gusto niya ang kanyang binabasa. Paano ito
makakamit? Sa persepsyon, alam ng mambabasa ang mga salitang kanyang nakikita,
nabibigkas at natatanggap niya pagkat gusto niya at pamilyar sa kanya. Mula dito, kusa
niyang babasahin ito nang walang kailangang pamimilit.

Ito ang nagbasa lamang sa tunay na nakaunawa sa kanyang binasa. Mula pa


sa mga unang baitang sa paaralan, hindi pinalalampas ng sinumang guro ang isang
akda nang hindi niya tiyak na naunawaan ito ng kanyang mga estudyante. Ito ang
tinatawag na KOMPREHENSYON. Kung tutuusin, higit itong binibigyang-diin sa
anumang aralin pagkat dito nakasalalay ang mga susunod pang pamaraan. Nararapat
lamang na alam ng mambabasa ang mga pagkakaunay ng mga pangungusap sa bawat
talata, at mga talata sa kabuuan ng pahayag.

Ang REAKSYON ang pangatlo na umaayon sa bisang hatid ng binasa sa


bumasa. Ayon kina Aban at Cruz, may dalawang paraan ang pagsasagawa ng
reaksyon: intelektuwal at emosyonal. Intelektwal kung tuwirang nasaling ang kanyang
pag-iisip na humahantong sa pagpapasya sa kawastuan at lohika ng binasa. Ngunit
kung higit sa paghanga sa istilo at nilalaman, emosyonal ang ganitong reaksyon.

Para sa mga mambabasang may malawak nang kaalaman ang ikaapat.


Gayunman, maari rin itong makamit ng mga taong kahit hindi palabasa ay may sapat
nang karanasan, ito ang INTEGRASYON O ASIMILASYON. Nagkaroon ng ganitong
pamamaraankapag matapos ang rekasyong naganap, nakuha pa ng mambabasa na
maiuugnay ito sa mga bagay na kanya nang nalalaman, o di kaya nama'y mailapat ang
kanyang nabasa sa mga tiyak na suliranin o sitwasyon sa buhay. Dito makikita o
mapahahalagahan ang kabuluhan ng kanyang binasa.
Para kina Aban at Cruz, may kinalaman ang BILIS/BAGAL NG PAGBASA
(Reading Rate) sa panahon o oras na ginugugol ng isang mambabasa sa napili niyang
paksa. Maaaring maging mabagal o mabilis ang pagkakabasa depende sa kanyang
layunin (iskiming o iskaning), ang materyal na binabasa (sa kanya bang larangan o
hindi), wika (Filipino, Ingles o Espanyol), kasanayan at lawak ng kaalaman.

Ang huli na siyang dulong pamaraan ay ang nabuong KASANAYAN AT


KAUGALIAN SA PAG-AARAL ( STUDY HABITS) . Masasabing ito na ang mismong
layunin ng buong proseso ng pagbasa. Kung kinagiliwan, naunawaan at nailapat niya
ang lahat ng kanyang binasa at paulit-ulit na niya itong ginagawa nang may giliw at
kusa, naging mabisang tunay ang mga pamaraang inilaha

You might also like